hello mga sis! finally graduate na ko

may mga flaws nung wedding but marami din ako dapat pasalamatan. sana may matutunan kayo sa experience ko
1. hinde umulan

nag-alay sis ko ng itlog kay Sta. Clara
2. expected guests of 130, 126 dumating...halos lahat sila nag-rsvp, sabi ni coord top notcher daw ako sa rsvp, max na daw 5 nagr-rsvp sa mga past weddings nila hehe...well, kinulit ko kase sila
3. tuwang-tuwa mga guests kay Fr. Allen kahit pa umabot ng 2hrs ang wedding mass
4. isa lang yung dumiretso sa reception venue, lahat sila nasa simbahan na nung dumating ako, nakakatuwa kase ang dami nila pag-bukas ng pinto ng church. nag-allot ako ng 30mins allowance sa invitation.
5. puno ang reception venue ko until matapos ang program, to think sun yun at 9PM na natapos, may iilan umuwi ng maaga pero patapos na yung program
eto naman mga dapat kalimutan
1. sablay coord ko 50/50 feedback ko
2. wala man lang pumunta sa mga female ento ko sa prep, so wala kaming pic..nung nasa church naman yung iba nauna ng pumunta ng reception, hinde ata narinig na may pictorial pa kami. hinde kami nakumpleto
3. hinde nakapag-perform yung father in law ko, sayang may dala pa naman syang eukelele. umuwi kase sya ng maaga since yung sasabayan nila na car hinde tinapos yung program.
4. naubusan ng rice si caterer
5. hinde ko napalipad yung dove

6. yung tita ko na principal sponsor, hinde nakapag-speech, sayang yung practice nya. nung tinawag kase sya nasa ibang table nakikipag-kwentuhan hehe