Author Topic: hubby has an issue with sister  (Read 3214 times)

IamColleen

  • Guest
hubby has an issue with sister
« on: January 05, 2015, 07:17:12 pm »
hay.... gusto ko lang ishare.
hindi ko na kasi alam san ba ko lulugar.
ako at ang husband ko ay nakatira sa bahay ng parents ko, yung ate ko naman nawalan ng bahay so dito din sila tumira. at first okay naman kaya lang etong ate ko ni hindi man lang nagshishare ng mga gastusin dito sa bahay. dun nagsimula na naiinis na yung husband ko sa kanya, kaya ang ginawa nagmeeting kami with our father since si mama nasa ibang bansa, e di kala namin okay na, ngayon di nanaman sila nagbibigay, ni isang pasensya wala. basta kain lang sila walang paki kung sino bumili, di naman sa madamot kaya lang kaya nga nagmeeting para maresolve yung ganun, si papa naman galit na rin sa kanila kaya lang di naman mapaalis, unfair nga naman yun dahil pareho kaming anak tapos ako okay lang na mag stay.
eto namang asawa ko, ako ang inaaway, sabihan ko daw ate ko, e ang sakin alam naman nila yun, obligasyon nila na magshare kaya dapat automatic na na every pay day magbibigay. tapos lahat ng galaw ng ate ko galit sya, naiintindihan ko naman kaya lang parati na lang ako daw di ko masabihan. sinabihan ko naman na ate ko, e wa epek naman ei. ano pa bang gagawin ko. galit nanaman ang asawa ko sakin, at ayoko na sanang pagmulab to ng malalim na di pagkakaunawaan.:(

chicafabulosa

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #1 on: January 05, 2015, 07:36:34 pm »
Ganyan rin kame dati kaya my husband decided na nobody is allowed to live in our home ng matagal except sa mom ko. If i were you, sabihan mo sister mo. Sa akin kasi brother ko. Sinabihan ko talaga na di pwede ako lang lahat ang gagastos since gamit nila lahat pati pagkain sa ref dapat matuto sila magshare sa gastos. Di dapat free loader sila. Sa mahal ng bilihin ngayon lugi kayo ng husband mo. Your dad should also tell your sister. Pero no matter how hard it is, your dad needs to give an ultimatum to your sister na if she doesnt like to share, maybe she can save for a month an find a place to stay. Di pwede na ganyan kasi. Mamimihasa yan. And i know it maybe harsh but she needs to know her responsibilities rin. Dapat equal kayo sa gastos sa house di pwede na kayo lang mag asawa at ang parents mo ang gagastos. Of course you need to save for your own family rin. And if ayaw ng sister mo magshare, dad mo na talaga ang need gumawa ng way.

Priceless

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #2 on: January 07, 2015, 11:30:36 am »
Since pareho kayong nakikitira sa house ng parents mo, I'm not sure kung may masasabi talaga kayo sa Ate mo, if your dad and your mom lets her live there without contributing money. So unless your parents put their foot down and demand that they contribute or at least cover their own expenses on food, utilities, otherwise they must leave, then wala kayong magagawa at wala rin naman kayong right na palayasin sila dahil hindi kayo ang may ari ng bahay.

Will you and your husband be able to move out para hindi na napapansin ni hubby ang sister mo? The last thing you want is for your father to kick you out of the house too dahil it creates tension between his two daughters.

FayeP

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #3 on: January 07, 2015, 11:48:03 am »
sis, maybe the best solution for that is for you and your hubby to get a place of your own, after all ang mga married na mga anak dapat bumukod, to start a new life...mas ok un kasi kayo na lang at walang kelangan pakisamahan....

quinone

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #4 on: January 07, 2015, 01:07:38 pm »
unfortunately, it is you and your fathers obligation to communicate this issue to your sister. parang it is not right naman na kung walang imik yung sister mo e hahayaan na ninyo lang. she is your family kaya siguro hindi kayo makapag sabi ng dad ninyo ng consequence, pero lahat ng bagay may consequence; otherwise, kayo na once na namumuhay ng peaceful sa bahay na iyan e gugulo just because of your sister.

oreo08

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #5 on: January 07, 2015, 02:01:55 pm »
kausapin mo masinsinan Daddy mo and sabihin mo lahat ng sinabi mo dito, sa kanya. Kasi talagang sa kanya dapat manggaling yun, hindi sayo.

may reason ba bakit di pa kayo makabukod?

Familiarity breeds contempt talagang totoo yan.

zizichick

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #6 on: January 07, 2015, 04:10:39 pm »
I agree with oreo08, parents mo lang may karapatan na sabihan sya since buhay pa sila pareho. ni isa sa inyong magkapatid ay wala pang karapatan sa bahay ng parents nyo.

bakit nawalan ng bahay ang sis mo? baka financially di talaga nila kaya?

bakit di pa rin kayo nakakaisip bumukod?

If di nyo rin talaga kayang bumukod, pwede mo pagtaguan or may kanya kanya kayong lalagyan ng gamit, food or anything. but make sure na alam ng father mo before doing it at naiintindihan nya dapat. for me its not naman pagdadamot, you just put lang some off limits. if meron kang gusto ishare edi ishare mo pero if not then put it as off limits items. so by this mababawasan yung issue and mostly electric at water bills na lang magiging problema nyo.

minsan kasi di mo talaga mapipilit ang isang tao kung talagang ayaw.

« Last Edit: January 07, 2015, 04:12:37 pm by zizichick »

Girltalker2

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #7 on: January 07, 2015, 05:19:57 pm »

eto namang asawa ko, ako ang inaaway, sabihan ko daw ate ko, e ang sakin alam naman nila yun, obligasyon nila na magshare kaya dapat automatic na na every pay day magbibigay. tapos lahat ng galaw ng ate ko galit sya, naiintindihan ko naman kaya lang parati na lang ako daw di ko masabihan. sinabihan ko naman na ate ko, e wa epek naman ei. ano pa bang gagawin ko. galit nanaman ang asawa ko sakin, at ayoko na sanang pagmulab to ng malalim na di pagkakaunawaan.:(

TS, pinilit mo ba ang asawa mo tumira kayo sa parents mo kaya sya nagagalit sayo? I don't think he is being fair to you kasi sis mo yun. What if wala talaga mailabas ang sis mo? Kahit magdamag pa kayo mag meeting or kahit holdup-in nya ang sis mo, wala syang makukuhang contribution.

Between your hubby and sis, mas may karapatan siguro ang sis mo tumira sa inyo. Regardless sino nag contribute. Kasi pagtutuusin, di naman din sya nagbabayad ng rent.

Unfair magalit sayo hubby mo. Kung Ayaw nya ang asta ng sis mo, kayo dapat umalis kasi di nyo naman house iyan.

quinone

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #8 on: January 08, 2015, 10:58:59 am »
ngayon di nanaman sila nagbibigay, ni isang pasensya wala.
basta kain lang sila walang paki kung sino bumili,

for me lang ha, iba kasi yung dating ng di kumikibo tapos alam niya may certain obligation siya, sa taong wala talagang maibigay na money to give. kasi kapag wala ka talaga at nahihiya ka, sasabihin mo yan lalu na kung sa kapatid mo. at lalung iba yung kumakain ng pagkain na hindi niya binili. sorry, pero parang freeloading talaga ang dating ng kwento na ito.

FayeP

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #9 on: January 08, 2015, 11:19:45 am »
may mga ganun din talagang tao na porke may inaasahan eh deadma sila...kaya nga mas maiging bumukod na sina TS para na din sa peace of mind nilang dalawa since mukang kaya naman nila...

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #10 on: January 08, 2015, 11:39:18 am »
Sa akin naman, kahit bahay ng parents yun, IF sila TS gumagastos, then they have the right to complain. Especially since nag-agree na pala sila with the sister re controbutions when they had a meeting.

Pero, dapat sa parents I-raise ang issue and hindi between magkapatid. Para ang parents ang mag-resolve.. kasi bottomline, ang Daddy pa din ang head of the household.

And I agree na mahirap ang mag-asawa na nakikitira sa in-laws or sa own family. Wala kang complete control of the household. So if I may suggest to TS, if kaya ng finances nyo, just try to find your own place na lang, for your peace of mind ni hubby mo.

For now, I also agree with one previous post na keep some stuff inside your room na lang muna, then only put out those that you are willing to share. If you can have your own small ref inside your room, ok din.

quinone

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #11 on: January 08, 2015, 12:18:33 pm »
kung bubukod man sila, dapat kausapin ni TS ng maayos papa niya, baka magtampo sabihin iniwanan siya ng problema.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #12 on: January 08, 2015, 01:25:54 pm »
Mahirap yung ganyan sis cus I think your sister is purposely ignoring your concern especially na napag usapan na naman pala nyo yan. Kung wala naman kase syang  mabibigay talaga, sana sabihin nya. May magagawa pa ba kayo non? Pero if she won't say anything, nakakairita talaga yan.

Mabaet akong kapatid and I'm generous but kung ako nasa situation mo I will start cutting off her resources para matuto. The tricky part there is kasama nyo kase father mo. Pagtaguan mo na ng food, cook just enough for your family and your dad, pabayaan mo na sila dumiskarte  ng food nila. Hinde nyo na naman obligation yan especially kung hinde naman sya nagvo-voice out na talagang wala sila. Hinde biro ang mag-provide for a number of people this days, hinde naman napipitas ang pera. Kahit na family kayo, there should still be respect and gratitude, wag naman abusado. Yan kase ang mentality sa mga Pinoy na napaka hirap i-unlearn kaya madame satin ang tumatanda and namamatay na irresponsible.

argento

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #13 on: January 08, 2015, 03:08:46 pm »
Mas may karapatan ang sister ni TS sa pagtira sa house.

zizichick

  • Guest
Re: hubby has an issue with sister
« Reply #14 on: January 08, 2015, 05:55:12 pm »
pagtira ng sis ni TS is not the issue.... the hubby na nagagalit is  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close