TS, your story reminded me of my past. Of course di naman necessarily pareho ang ugali ng mister mo sa ex ko. Pero ganyan na ganyan din ang napagdaanan ko, plus more kasi 10+ years ako nagtiis with this dilemma at nahirapan ako gumalaw kasi at that time, hindi ko din alam ang gagawin ko.
Ilan beses sabi nya wala na, pero meron pa pala. Until di ako makatiis (nakakaloka talaga doubting myself at ano ang nakikita/naririnig/nararamdaman ko vs ano yung sinasabi nya na sya pa galit at nagd doubt daw ako), naghire ako ng private investigator. At dun ko nalaman na may baby sila.
Same as you, hindi ko din alam ang gagawin ko. Marami pakong ginawa in between just to save the marriage, pero when I had an opportunity to accept a job offer abroad, I made sure I brought my kids with me. Ayaw ko lalaki ang mga anak ko nakikita ang babae ng dad nila, worse I am sure pinakita narin nya ang mga bata doon sa mistress nya somehow.
Things I have learned from this experience:
1) Kung mahal ka pa nya, higit sa pagmamahal nya sa sarili nya, then it is possible to still workout the marriage.
Do you still love each other? You have to know kung mahal ka pa ng asawa mo o hindi na. Note iba ang sinasabi nya sa ginagawa nya. My ex used to tell me mahal nyako, nasa note pa sa flowers pag valentines pero feeling ko mas mahal nya ang sarili nya for not letting me go nor the mistress. Gusto nya ipagsabay kami.
2) There is no point if ikaw lang ang magtry ayusin ang marriage, Kailangan kayong dalawa.
Sensitive ba sya sa nararamdaman mo?
Is he truly sorry and remorseful? Na hindi na sya uulit?
Will he be honest from today onwards (never mind the past)?
3) Forever na syang may "baggage" at dapat mo matutunan i-accept iyan. That means malaki ang possibility na hindi mawawala ang communication nya with the girl because of the kid.
At syempre, yung malalaman din ng ibang tao about this. Tsaka di mo naman puede basta itago ang bata, mag aaral iyan, may family day or father's picture na ipapadala sa school. Lalo pa kung kinilala ng hubby mo ang bata, same sirname, etc.
Sa wake ng hubby mo (puera usog), hindi mo nalang mapapaalis ang bata or adult na siguro by then. his presence is a reality na hindi mo basta basta na puede itago.
4) Always stay calm and composed. Always pray. Buti nalang sabi mo hindi ka nagger, so do not make any scandals. But gaya mo, sinarili ko lang ang problema and I did not share it with my family and friends. Feeling ko kasi, kung may pag asa pa kami magbalikan, bakit ko i-sh share di ba? go for counseling for some good advice muna nang malinawan ang pag iisip mo. Pero need mo may kausap. Mahirap kapag sinarili mo ang ganyang klaseng problema.
5) Death is never a solution. Isipin mo ang dalawang anak mo. Ang parents mo at iba pang taong nagmamahal sayo. Kailangan pa ng mga anak mo ng mommy. You have a great career ahead of you. There is still life after heartbreak. Puede pa kayo mag kaayos or puede ka pa maka meet ng iba (Sa HK pa, ang daming expats kaya dyan na single/divorced/widowed. I know hindi ito ang nasa mind mo now - meeting a new love pero sinasabi ko lang possible parin magkaron ng happy ending kung eventually you decide to leave him).
Ganyan din ako dati. I thought of ending my life - pero nagsisi ako at sabi ko never ko na gagawin ulit yun. Kawawa lang ang mga bata. Worse, baka yung mistress pa ang magpalaki sa anak mo, at hahayaan mo sila to live happily ever after at the expense of your kids and loved ones?
Hiring people who offered din to fix things for me was neither a solution. I was very tempted as money was not an issue for me at that time. Buti nalang God provided guidance. And when I found an opportunity to leave the country, I did, mas malayo sa tempation di ba?
But I must confess, in the past, how I always wished na mamatay nalang sana ex ko para wala nakong problema. Pero mali parin di ba? Hindi natin hawak ang buhay ng ibang tao kasi tao lang naman din tayo.
So, suggestion ko - do not let go of your career and kids. Sila nalang ang sure bet mo as of this point kasi nga malabo ang asawa mo. Take care of yourself. Iyan 3 things na iyan ang focus mo dapat:
1. Career - Pumunta ka ng HK. If you pursue HK, isipin mo nalang ang possibilities. Puede naman sumunod sa inyo si mister di ba? If he is truly remorseful, gagawin nya ang lahat, mahihiwalay din kayo sa temptation at malalayo sya sa mistress nya. You know, it is only when I left the country tsaka ako nakapag isip mabuti kasi mas focused ako sa mga bata at sa sarili ko.
Kapag maglago din ang career mo, you will be enabled to raise your kids, kahit andyan ang asawa mo o wala. You will meet lots of new friends din, new environment, etc.
2. Kids - tapos alagaan mo ng mabuti ang kids mo, because the last thing you want is mapariwara sila. So make sure lagi ka andyan for them, kahit andyan ang daddy nila o wala.
3. Yourself - magagawa mo ang 1 and 2 if you take care of yourself, your whole well being. Be more spiritual, sa Kanya ka kumuha ng lakas. Get fit, be healthy. You will need it para sa energy mo for your work and your kids and settling your issues with your hubby. Magpaganda ka. Nang sa gayon, hindi lang laking sisi ni hubby na nangaliwa sya, you know also na puedeng puede mo sya iwan in case you want to. Financially, don't forget to take care of your finances. Try to amass as much savings habang nagiisip ka pa ng next move mo.
Believe me sis, I have been in your shoes, once you focus your efforts to yourself, love your kids and God, do your best in your career, you will never go wrong.