Author Topic: Entourage and guest list questions  (Read 58307 times)

iyayi

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #140 on: November 21, 2015, 12:26:38 pm »
Hello everyone :)

I would like to ask kung ilang pairs of bridesmaid and groomsmen? Kasi sa initial list ko, parang nasa 8 pairs na. Is that too much? Sa secondary sponsors naman, dapat ba married couples na like the primary sponsors? Or okay lang na singles din pero aged 25 and up?

Thank you in advance :)

shygirlme

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #141 on: November 21, 2015, 04:32:28 pm »
^Hi sis. It's up to you sis kung ilan at kung ano gusto mo sa entourage. Mine is 3 bridesmaid and groomsmen. Wala akong kinuhang kasal na kasi mostly na kinuha ko mga pamangkin ko, kapatid at pinsan ng husband ko. Yung iba super friends namin na nagkataon mga single pa. 

mikky21

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #142 on: November 23, 2015, 10:07:16 am »
I dont know kung tama ba tong thread na pinuntahan ko. Si h2b kasi ayaw ipalagay lahat ng should i say profession ng mga entourage namin. Example were getting an attorney as one of our PS pero huwag na daw ilagay yung ATTY. sa start ng name kasi kung ganun daw lahat ng nasa entourage namin e may karugtong yung mga pangalan at ang pangit na tingnan. hindi ba offensive yun sa mga entourage namin kung hindi na ilalagay yung mga yun? Sa SS BM, etc. etc. maintindihan ko pa na kahit name na lang pero pati PS ayaw niya palagyan.

meixin

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #143 on: November 23, 2015, 10:23:27 am »
Kung sa invitation pinaguusapan parang pwede nang hinde, unless particular yung PS nyo na gusto nya nakalagay na ATTY. siya.. Tapos during the reception na inaannounce yung names ng PS dun mo nalang lagyan siguro  :)

shygirlme

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #144 on: November 23, 2015, 10:24:45 am »
^^hindi din kami naglagay ng ganyan sis. May Engineers and Captain kami na ento at PS. Ok lang naman sa kanila.

mikky21

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #145 on: November 23, 2015, 10:31:10 am »
Sa invitation sis. Kasi sa mga nakikita kong invitation kung walang distinction mr. Or ms. Ang nakalagay. Wala naman sinabi yung atty. na PS na dapat ilagay Atty. da name niya kaya lang hindi ba parang nakakahiya yun?

iyayi

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #146 on: November 23, 2015, 11:40:03 am »
Hi shygirlme :) Thank you. Napag-isip-isipan kong bawasan. Originally, 8 pairs sana yung bridesmaids and groomsmen ko kaya lang sobra pala nilang dami and most of them will have nothing to do. Trim down to 4 pairs na lang. Assign ko na lang sa ibang part yung iba like readers sa mass. Hee Thank you sis :)

shygirlme

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #147 on: November 23, 2015, 01:50:26 pm »
^yes sis I have 2 readers then 4 offerers. Baka pwede mo sila ilagay don

stylus

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #148 on: November 23, 2015, 03:10:18 pm »
Sis Mikky.. sa invitation namin lahat ng sponsors Mr. or Mrs. or Ms. lang regardless kung doctor sila or engineer etc. Choice talaga namin ni h2b para walang impression na "pasiklaban". Hehe. Minsan kasi ganun ang dating samin ng ibang wedding invitation na kung [textspeak!] anong title ang nakalagay before the names of sponsors. So we agreed na sa invitation namin, no distinction. Pantay pantay sila bilang mga ninong at ninang at mga abay :)

mikky21

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #149 on: November 23, 2015, 06:48:11 pm »
Ganyan din yung gusto niya mangyari kasi halos lahat ng nasa entourage namin may mga Distinction kahit sa mga SS etc. except syempre yung mga chikiting. Pareho kasi kami ng profession kaya parehi kami ng circle. Wala naman problema sakin esp. Yung mga BM, etc. kasi magkakaedad naman kami and friends naman namin sila kaya masasabi naman yung dahilan. ang iniisip ko lang yung mga PS namin. Instructors pa naman yung mga iba dun. PS lang kaya lagyan namin? 3 pairs lang naman PS namin e. Hehe. And kung ganun ba pati ba yung dad ko mr. Na lang din ilalagay ko? Kasi sa invitation ng sis ko nung wedding niya nakalagay distinction ng dad ko. Im torn. What do you think sis?

stylus

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #150 on: November 23, 2015, 07:08:50 pm »
hehe. ang hirap naman sis. for me kasi kung yung profession.. like architect, attorney, engineer di na namin nilagay. its up to you sis. ano ba title ng ps nyo? general? governor? mga ganun?

mikky21

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #151 on: November 23, 2015, 07:44:08 pm »
Sa PS namin may architect, atty and rev tapos doctors. Yung sa SS etc, mahigit kalahati siguro doctors. Haaay ang hirap. Palitan ko na lang kaya yung ibang members ng entourage. Hahaha

stylus

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #152 on: November 23, 2015, 09:06:37 pm »
^haha! sis, kayo ni h2b mo ang bahala. kung lahat naman pala may title, why not di ba. there's nothing wrong to put the titles. nasa sa inyo talaga yan. mas kilala nyo rin kasi sila kaya kayo ang makakapagdecide nyan talaga ;)

mikky21

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #153 on: November 23, 2015, 09:12:08 pm »
Siya talaga ayaw niya lahat lagyan ng titles kahit siya wala kahit sino sa entourage. Wala naman kaso sakin yun. Parang pangit nga kung lahat may titles nagmukha ng patalbugan ng titles yung invitation. Ang sakin lang hindi kaya maooffend yung mga PS. Ialphabetically arranged ko na lang ata. Wala na ring mr. Or miss. Haha. hindi lang pala kami nag-iisa when it comes to this na tinatanggal yung title.

stylus

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #154 on: November 23, 2015, 10:04:04 pm »
oo sis. 4 pairs lang naman samin. at ngayon napaisip mo ako sa alphabetical na yan. inuna ko kasi yung 2 pairs sa side ko. maooffend kaya yung other 2 pairs sa side ni h2b? waaaah!!!

mikky21

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #155 on: November 23, 2015, 10:33:42 pm »
Hindi naman siguro sis. Pero IMO kung wala kang ilalagay na titles nila alphabetical na lang siguro? Or wait tapos mo na ba invites mo?

mimai1122

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #156 on: November 23, 2015, 11:08:08 pm »
I'd like to share my opinions on three points: the number of bridesmaids, the titles of sponsors, and yung balance ng number of sponsors sa entourage. I've helped organized several weddings already, and yung i-she-share ko ay based on these experiences. I hope ok lang.

Yung sa number of bridesmaids/groomsmen, it really depends on the bride and groom kung ilan ang gusto nila. I've been to weddings na as many as 12 yung BMs and GMs, kasi gusto nila lahat ng single nga pamangkin nila. May iba naman na three or four pairs lang. What's important is that the bride and groom agree on the number.

Sa titles, like what most of the women here said, ok lang na wala. Para din siguro patas lang lahat. For some brides and grooms, mas prefer nila ang walang titles kasi mas malinis tingnan.

Sa balance ng number of sponsors naman, again, it depends on the bride and groom. Wala namang written rule talaga kung how many sa bride and ilan ang sa groom. Dapat lang, eh, both agree sa mga taong pipiliin nila. And the most important thing is that may reason sa pagpili ng sponsors - because ang mga ninong at ninang sa kasal actually serve as second parents ng couple. So, dapat, kakilala talaga and may part sa story ng couple. :)

mikky21

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #157 on: November 24, 2015, 04:59:00 pm »
As for me kahit wala ng titles lang even mr and ms ill omit na lang. But i have to ask my dad since his will be removed din if in case. Thank you for your opinions.

corpse_bride

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #158 on: December 03, 2015, 04:02:40 am »
Since we're near the topic of listing Principal Sponsors.. Paano ba sila nililista? I've noticed lang with the ones I've seen una si Lucio Tan, mayor or brgy. Chairman. Wala naman kaming Lucio Tan levels pero pano kaya yung sequence yung ninong-ninang since binyag vs. relatives? Sakalin kaya ako ng mommy ko pag-unahin ko yung ninang ko kesa kapatid niya? Hahaha

Chili1113

  • Guest
Re: Entourage and guest list questions
« Reply #159 on: December 03, 2015, 04:43:48 am »
Since we're near the topic of listing Principal Sponsors.. Paano ba sila nililista? I've noticed lang with the ones I've seen una si Lucio Tan, mayor or brgy. Chairman. Wala naman kaming Lucio Tan levels pero pano kaya yung sequence yung ninong-ninang since binyag vs. relatives? Sakalin kaya ako ng mommy ko pag-unahin ko yung ninang ko kesa kapatid niya? Hahaha

You can list your principal sponsors by seniority, from oldest to youngest. Pwede rin alphabetical. But I did it via seniority =)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close