watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3  (Read 62867 times)

jell-00

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #440 on: January 22, 2015, 01:25:31 pm »
hello mga mommy's.. share ko lang tong na discover ko.
 yung mga nag iisip pa kung san makakabili ng mga gamit ni baby i just wanna share this lang. sa mga nababasa ko affordable daw dito kindly check na lang and visit na lang. share ko lang dun sa mga low budget.

http://www.manilashopper.com/2014/06/where-to-buy-baby-apparels-branded.html

HELLO BABY GARMENTS name ng store,actually hinde siya store parang bahay lang din sooner or later pupunta ko jan bago lumabas si baby hehe!!sana makatulong ito senyo mga mommy's!!

if you want to read more blogs about HELLO BABY GARMENTS search niyo lang sa google may mga blog na lalabas.  ;)

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #441 on: January 22, 2015, 01:27:16 pm »
@abbmg: hehe nako di ako marunong kumapa kung head down haha...nagulat nga ako sa ginawa ng doctor dito sa health centre eh..kinwento ko sa asawa ko parang may sinakal siya sa tyan ko! Every visit ko ginagawa na nung doctor yun. Medyo madiin din yung hawak niya pero di naman masakit...uncomfortable lang. Sa last ultrasound ko sa private OB naman sinabi din head down na pero di pa nakaharap sa spine ko.

@lakwatsa: kausapin mo na sis maya't maya si baby na humarap na sa spine mo :-) kami inuumpisahan na namin kausapin kung san haharap hahaha baka lang gumana at magmana sa bait ng tatay niya. Last time at 29wks transverse pa siya at kinausap namin gabi gabi na mag head down tapos 30th week head down na!

@mslcgrey: sana sis this is it! :-)

momcheq

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #442 on: January 22, 2015, 01:59:52 pm »
sis mslcgrey : thanks sa reply less worry na ako at makakatulog ng maayos waiting nalang kong when gustong lumabas ni baby :D

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #443 on: January 22, 2015, 02:04:19 pm »
@mslcgrey, weee! good luck sis. sana this is it na para makita mo na si baby!

@preggygielian, ay oo sis kinakausap ko na. nigoogle ko din yun pala ang isang cause kung bakit inaabot ng due date at saka prolonged labor at back ache during labor (at pwedeng assisted delivery or emergency CS ang ending).

pero sabi 90% ng babies e umiikot pa daw talaga during labor kasi yun contractions ang nagpapaikot sa kanila e saka nasa nature talaga nila yun para makalabas sa birth canal. so yun mga occiput posterior (nakatalikod sa spine) nagiging occiput anterior (nakaharap sa spine natin). pwede din vice versa, tipong naka OA na sya tapos biglang during labor saka magiging OP.

regarding kapa, ganyan din magkapa yun OB ko. sinasalat nya kasi asan yun ulo ni baby hehe.  ;D

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #444 on: January 22, 2015, 02:39:29 pm »
Admitted na ako sa hospital. Leaking na nga ang AF ko but irregular ang contractions then nag-stop pa. Unfortunately, i have to be induced na. Kalalagay pa lang ng unang dose of pitocin.

Nagulat pa nga yung nurse bakit alam ko. hehe.... so far okay naman heartbeat ni baby. Sana mag-progress na ang labour ko. Ayokong ma-CS.

erza0916

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #445 on: January 22, 2015, 02:44:21 pm »
Just wanna share mommies. After a very long wait dahil sa mga delay, at 33weeks, nalaman narin namin na it's a Girl! tee hee! kala mo nanganak na eh noh. Sobrang saya lang namin ng husband ko kasi ang tagal na namin gusto malaman. Nag pa CAS ako nung 26weeks hindi parin nadetermine ng OB. Ngayon lang ulit ako nakapag paultrasound dahil I went back abroad na.

 Head down narin si baby, umaakyat ba sila ulit? I forgot to ask the technician kung nakaharap ba sa spine or not. Pero when she was looking at the spine ng baby, nakatutok sa left tagiliran ko yung device tpos nakadapa sa monitor si baby. May kinalaman ba yun? Hehe sa bagay marami pang time umikot si baby.

Yun din nga pala, based sa LMP ko 33weeks ako pero sa sukat daw sa ultrasound advance ng 1 so 34weeks. Mas accurate ba yun o dahil malaki lang talaga si baby? Thanks! And congrats sa mga nanganak na!:)

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #446 on: January 22, 2015, 03:05:01 pm »
@mslcgrey, ilan cm ka na sis? kaya mo yan sis. lakasan mo lang loob mo at pray pray lagi. isipin mo lang din productive pain yan at pagkatapos ng sakit e makikita mo na rin si baby sa wakas.

pano pala yun contractions na nafeel mo? from likod to harap ba?

@erza0916, ako sis first trimester 5days late si baby compared sa LMP, 2nd trimester, ahead na sya ng 2days vs LMP. pero itong ultrasound ko yesterday, delay naman si baby ng 1wk pero sabi ng sonologist, di na daw accurate ang ultrasonic age pag 2nd at 3rd trimesters kaya dun lang dapat sa first trimester ultrasound lagi mag refer. :)

giegie07

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #447 on: January 22, 2015, 03:40:52 pm »
mslcgrey - good luck! Kaya mo yan! sana normal delivery para mabilis ang recovery mo.. :)

ehlabart

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #448 on: January 22, 2015, 04:10:55 pm »
Aiah -- thank you sis, siguro nga paranoid lang ako kasi lam mo naman pagbed rest sobrang nakakabagot at kung ano ano naiisip.. konting tiis nalang sa isang bukas makakasama ko na siya.. thanks sa information sis atleast relieve na ako.

Abbmg-- kakatakot naman yun sis, kawawa naman parang ang hirap naman non dinala mo nang 7 months tapos mawawala lang din.. pero pasalamat nalang tayo healthy babies natin, sobrang dami lang siguro naiisip, bilib nga ako sayo kahit me problem ka eh kaya mo. Kasi ako wala ako mapaglibangan kundi etong internet at pagbabasa sa GT.

Fearich -- Congrats sis! sa wakas nakaraos ka na! pero bakit ganon ob mo ata masyado? tanda ko 36 weeks ka palang gusto ka na paanakin..

Preggygiellian - Nakakatuwa naman kayo magasawa hehe atleast wala pa man si baby im sure kilala niya na daddy nya. Oo nga sis, ang happy thoughts ko ngayon almost 2 days nalang makakasama ko na sya at makakaraos na ko sa hirap ng pagbubuntis pero gano pa man kahirap basta healthy ang mga anak natin okay lang..

msclgrey -- Sabi sayo sis within this week manganganak ka na.  Goodluck, and will also pray for your safety delivery.

Welcome sa mga newbies!!

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #449 on: January 22, 2015, 05:34:42 pm »
@erza0916: Hi sis! Congrats sa baby girl!!! :) Hehe nakakatuwa malaman ang gender ano? Tuwang tuwa din kami na boy yung amin kasi panay babae kami sa side ko. Usually daw pag nag head down na si baby, di na sila naikot -- usually pero syempre laging merong special cases. :) Isa din kasi masikip na so di na sila makakaikot ulit pag head down na. Yung baby ko nung 1st trimester ko, usually ahead siya ng ilang days pero nung mga 3rd trimester na, mga 6-7 days delayed na. Kaya pinapapahinga ako ng OB ko para mag catch up ang size ni baby...pero sinabihan na din ako na wag ako magworry kung 1 week after orig due date ko ako manganak.

@ehlabart: Yay! 2 days nalang sis!!! sobrang saglit nalang! Haha...kahit hindi bedrest, nakakaaddict ang GT ;-) Oo sis, gusto ko kilala niya din daddy niya kahit sa boses...wahaha kasi pag nagalaw tummy ko naman at papahawak ko sa asawa ko..natigil siya :P Sabi ko nga eh...baka mamaya daddy's boy yun paglabas, kunware ayaw lang ngayong buntis ako!

@mslcgrey: Good luck sis! Hoping for your safe delivery! Weeee malapit na malapit na yan!

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #450 on: January 22, 2015, 07:12:17 pm »
jell-00 Nagpunta din ako doon mura nga at okay ang quality. :)

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #451 on: January 22, 2015, 07:33:06 pm »
Mga sis, just wanted to ask...in the past 3 weeks di ako nag-ge-gain ng weight (week 33-35 ) sa mga ahead sakin nagstop na din ba kayo maggain ng weight? Di naman ako super worried pero...weird lang kasi diba dapat ngayon mabilis ang weight gain ni baby? Or lahat ba sakanya nalang napupunta?

ehlabart

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #452 on: January 22, 2015, 07:59:06 pm »
Preggygielian -- oo nga sis 2 days nalang, as in 2 tulog na lang.. kaya nga eto todo todo handa na ako pati si hubby siya ang nagnenesting dito sa bahay lol. About sa weight, oo sis magstop ka na maggain ng weight or kung di man e mabagal na paggain mo ng weight yun yung nabasa ko sa babybump.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #453 on: January 22, 2015, 08:30:37 pm »
preggygielian naku sis, don't worry. biglang hahabol yang weight mo. ako din ganyang ganyan, proud na proud ako sa sarili ko. come 34 weeks then nagpacheck up ako ng 36th week ko, aba dyosko 4kg bigla! no joke. baby gained 400g din e dati puro 100g lang. i don't know what happened, nag balloon bigla talaga. kakainis. :-[ kala ko pa naman isa ako sa mga seksing buntis na hindi tataba. lol. in total nasa 8-9kg na na-gain ko sa buong pregnancy ko. e pero term na ako so i guess ok lang.

ehlabart sis congrats in advance. tomorrow is the big day na, yay! balitaan mo agad kami ha. makikibalitan ako sa FB mo. :) i'm excited for you. nako totoo yang bed rest na yan, nakakaburyo na sobra. ako pinayagan na maglakad lakad hahaha. so nag mall kami ng husband ko today and ayun, nauwi sa gastos. ang dami pa sale items buti nakahabol. may mga nabili pa kami na 70% off na items ;D buy namin pang regalo.

lakwatsa sis first pregnancy mo din ba? naku i hope umikot na si baby since term na sya, pero during labor umiikot sila minsan. mechanism ng body yun na magrorotate sila. i remember nung 34th week ko, magpapa 3d ultrasound parin sana kami, last attempt kaso nakadapa na si baby. OB said malabo na raw mapaharap pa namin ng 180 degrees e. sungit pa nga ng baby ko, tumalikod pa lalo nung inuultrasound haha. well atleast nakita namin hair nya ;D long hair na si bebe.

mslcgrey ay sis congrats in advance! kaiinggit, manganganak ka na. unti unti nyo na nakikita ang mga babies nyo. ako kapapasok ko palang sa waiting period pero naka primrose oil na ako. balitaan mo kami sis. i hope magwork ang pagiinduce sayo para no CS na :)  after an hour pwede ka na tumbling hehe ;D

abbmg ay naku sis tnyaga ko basahin yung thread mo. I pray na everything works out for you and your baby. napaka strong mo to be able to withstand yung trials mo ngayon. pero atleast this time, you have a very bright future ahead of you kasi andyan na si little one! nothing beats the feeling of having a baby. sabi nga ng friend ko, mas mamahalin daw natin to more than anyone, even our husbands or ourselves. saka kapag lumabas na si baby mo, busy ka na dyan. no time to worry about other things na. i'm excited for you! :)

erza0916 sis kapag nakadapa sa monitor, yung lower part ng monitor e front face ni baby, nakaharap na sya sa spine mo. ganung ganun kasi nakita ko nung 34wks ko and once nakahead down na sila, mababa na daw chance na umikot ulit kasi masikip na talaga sa loob. lalo na ngayon, maggrowth spurt na yan na tataba na. mas masikip na. pati nga paharapin sabi ni OB malabo narin. most likely baby will stay na sa ganyang position.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #454 on: January 22, 2015, 10:10:10 pm »
Thanks sis ehlabart & aiah! :-) sana naman di ako biglang maggain haha kasi nakaka 25lbs na weight gain na ako buong pregnancy eh (majority ng weight gain nasa week 20-33) :-P excited na ako sa ultrasound sa Jan31 at malalaman ko na weight ng baby ko saka kung san na siya nakaharap.

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #455 on: January 23, 2015, 08:53:08 am »
@_AiaH_, oo sis first e. korek umiikot daw talaga during labor and delivery kaya di na rin ako worried gaano kasi head down naman sya. 38w6d today sana manganak na ko next week! haha!  ;D pero sis accurate pa ba ang weight pag nicheck sa ultrasound at this stage? 7lbs 7oz na daw si baby e. nalalakihan na ko to think mabilis pa sila mag gain lalo pag last few weeks di ba. ayoko pa naman ma-CS. hehe.

ehlabart

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #456 on: January 24, 2015, 12:07:31 am »
Hi mga sis!!  In 8 hours kasama ko na si baby ko,  im so thankful naging part ako ng group natin.  Throughout our pregnancy journey GT guided and helped me a lot to cope up with this journey! Please pray for our successful delivery na maging safe at healthy si baby.  Balitaan ko kayo mga sis.
« Last Edit: January 24, 2015, 12:09:33 am by ehlabart »

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #457 on: January 24, 2015, 12:30:43 am »
@_AiaH_, oo sis first e. korek umiikot daw talaga during labor and delivery kaya di na rin ako worried gaano kasi head down naman sya. 38w6d today sana manganak na ko next week! haha!  ;D pero sis accurate pa ba ang weight pag nicheck sa ultrasound at this stage? 7lbs 7oz na daw si baby e. nalalakihan na ko to think mabilis pa sila mag gain lalo pag last few weeks di ba. ayoko pa naman ma-CS. hehe.

alam ko sis +- 300gms yata yan or 200gms. pwedeng mas maliit pa si baby paglabas. kasi yung SIL ko, 3.2kg baby nya sa ultrasound, paglabas 2.7kg lang naman :) hehe. kinakabahan din ako haha. kasi malapit na ako mag 3kg kapag di ko pa nilabas to.

ehlabart finally sis, big day nyo na! hehe. i'm so inggit, how i wish kapiling ko narin anakis ko. Godbless sis. I know kayang kaya mo yan. few hours of pain and lifetime of happiness naman.

Bigla ako namanas mga sis. meron ba dito walang manas then biglang tumaba? grabe paa ko, ang taba. wala na kasyang shoes. ang fingers ko di ko na masuot wedding ring and e-ring ko. lumabas to nung 35wks then ngayon parang bumawi kasi biglaang maga. :(

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #458 on: January 24, 2015, 06:12:15 am »
^kung manas ka, try to increase your fluid intake atsaka itaas mo rin ang paa mo palagi.

erza0916

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #459 on: January 24, 2015, 08:34:47 am »
Nako good news pala.. everything's doing fine pala kay baby. Head down and facing the spine. Very good baby girl! hehe thanks sa feedback moms..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close