watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3  (Read 62759 times)

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #420 on: January 20, 2015, 02:49:48 am »
Sis Aiah, nag-take ako ng evening primrose last week for 3 days 3 times a day and nakatulong sa effacement, naging 30% effaced ako but of course with walking pa yan. I'm taking buscopan naman right now, ganun din 3 days 3 times a day. Hindi naman ako nagsuka.  Mas madali ngang i-take ng buscopan since maliit lang siya unlike ng evening primrose. Diet mode na rin ako, iwas sa rice and anything sweet though minsan kumakain pa rin ng something sweet binabawi ko na lang sa activities.

Sis ehlabart, buti ka pa nga you know exactly when you'll see your baby. Kami eto waiting pa rin and hoping na lumabas na.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #421 on: January 20, 2015, 03:14:30 am »
ehlabart nako sana nga sis, ok na sakin 37wks and 5 days hehe! kaso yung mga alam ko nanganak ng kusa e yung mga tagtagan sa byahe sa work. bilis ng labor and panganganak. walang mga buscopan or primrose oil na binigay. kusang naglabasan mga baby nila. e kamusta naman ako, since 4th month namin ni anakis ko bed rest na.

nag mall ako kahapon, parang binugbog katawan ko sa sakit ngayon. hindi sanay ng nalalakad talaga. bigat na bigat ako sa sarili ko :-\

mslcgrey 7 days ako pinagttake ni OB sis, 3x a day. nakakaloka din, ang mahal nya per tablet haha. ang dami ko na gamot! grabe kala ko makakaraos na ako sa gamutan, hanggang manganak dami parin pala. ::) oo nga malaki yung tablet, i'm taking din yung one per day na fish oil ng kirkland, mga 1inch size ng gel capsule nun, siguro kaya ko naman to hehe. ttry ko na magtake nitong primrose oil later ;D


at dahil suki kami ng anak ko sa hospital, nasugod na naman ako sa ER the other night due to severe stomach pain. acid peptic disease lang naman pero grabe ang sakit. sabi ko sa OB ko kanina if matindi pa dun ang labor pain ngayon palang sinasabi ko na sa kanya hindi ko kakayanin yung labor hahah. kasi iyak na ako ng iyak sa sakit ng sikmura ko :-\ sabi ni OB, naku wala pa yun.. mas masakit labor. masakit na masakit talaga. oh well.

kudos sa mga sis natin na nag natural birth. grabe pain tolerance nyo. saan kayo humuhugot ng lakas :(

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #422 on: January 20, 2015, 04:36:29 am »
wow! ang lalapit nyo na. congrats ulit sa mga nadagdag na nanganak. naiinggit na naman ako at gusto ko na manganak kahit di pa march. kaya minsan nagdadalawang isip ako kung dadaan ba ako dito or what e. gusto ko na rin magpinya, maglakad ng maglakad at uminom ng prim rose. pero hindi pa dapat e. baka batukan ako ng tita doc ko.

worry ko nga right now is that hindi ako naggegain ng weight. lumalaki ang tyan ko pero same pa rin ang weight ko. pumapayat ang mga braso at binti ko tapos napupunta sa tyan. kapag nakatalikod nga daw e hindi ako mukhang buntis sabi ni hubby. ito ang weight ko over the years.

before first born: 91lbs.
before this pregnancy: 109lbs.
current weight at 31 weeks: 118lbs.

tama ba yun?

pero last checkup ko ang sabi ng tita doc ko malaki ang fundal height kaya medyo hinay hinay sa food. parang gusto ko tuloy magpa CAS ulit para lang makita kung ok ba ang weight ni baby. my last CAS was at 22 weeks. 3 days bigger pa si baby. I mean if I was exactly 22 weeks then, baby was 22 weeks and 3 days ang AOG from the CAS. ang hirap tuloy. hindi ko malaman kung dapat ba ako magdiet or lumamon. pero mas masarap lumamon. puros matatamis ang cravings ko lately. tapos ang dami pang chocolates and candies na padala galing kela MIL/SIL. tukso!  :o

^whether you will go for natural birth or not, it is still up to you and your baby's safety. hindi ko ini-encourage lahat pero for me kasi pain is all in the mind. pati na rin ang nature's way of creating us woman - a woman's body can tolerate the pain of giving birth since God created us that way. once napasok na kasi sa isip mo na hindi mo kaya, hindi mo na talaga kaya. hindi pa man nangyayari e sumuko ka na. pero kapag sinabi mong kaya mo. kaya mo talaga!  ;)

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #423 on: January 20, 2015, 10:19:25 am »
@preggygielian, haha! ako sis lagi ko din kinakausap na Jan18 sya lumabas (38w1d) pero wala!! may sarili syang timeline. nakakainip na rin maghintay tapos nakakapressure din pala mga tao sa paligid mo na tanong ng tanong kung bakit di ka pa nanganganak! haha! pati sila naiinip na rin kaloka! ;D di ko pa alam kung ilan cm na ko kasi di pa ko na-IE ni doc. hopefully bukas sa check up ko sana naman dilated na. kakaumay din kumain ng pinya ha! hehe pero in fairness sa pinya, nag OK ang bowel movement ko. di na ko constipated hihi  ;D

@mslcgrey, naku sis buti ka pag may brown discharge na. malapit na nga daw yan kapag ganyan e. ako kasi wala talaga. 38w3d today. at bilib ako sa iyo di ka nag gain ng weight in 1 week! ako parang biglang 2lbs agad. di ko alam anyare haha!

@ehlabart, waaah parang di ko keri mag sexy time. parang walang urge at saka ang hirap kasi laki ng tyan haha!

@_AiaH_, naku sis yan din isa sa worry ko e. yun malaki si baby. kasi pansin ko ambilis ng weight gain ko nitong huling linggo. as in quota na ko sa max 35lbs weight gain! huhu :'( kaya gusto ko na rin talaga lumabas si baby.

@tiggerlily, waah buti ka pa di ka nag-ge-gain! tingin ko ok lang yan sis kasi sa last few weeks ambilis naman ng weight gain nakakaloka!

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #424 on: January 20, 2015, 06:10:42 pm »
tiggerlily, naku sis true. pinaka safe for mom and baby ang natural birth talaga only if kaya itolerate ang pain. it's on the mind nga lang din talaga. imagine giving birth na numb ang body mo from the waist down, pati pagiri e hindi narin tama kasi hindi narin maramdaman ng mom kung umiire sya strong enough para malabas si baby. kaya si OB ko, inaadvise talaga na if kaya pa yung pain, no meds muna. babies na nag epi or anesthesia e talagang groggy paglabas. pati sila kasi naanesthesia so it's normal for them to be flacid for the first few seconds, unlike those na walang anes, iyak agad. I have assisted a birth ng isang patient na naka epi, ang tagal tagal namin iniinstimulate baby nya to cry. medyo kinabahan nga kami, hehe. we suctioned, rubbed yung back, tickled yung feet, iiyak sandali then wala na. ang itim na ni baby due to lack of oxygen ayaw kasi umiyak. good thing after few more stimulation and suctions, umiyak naman.

lakwatsa, sis same here! i was around 61kg 2 weeks ago, ngayon 64kg na. ewan ko saan nanggaling and baby gained 400g :/ nako pinag diet ako ni OB. i really thought hindi ako magggain ng weight since yun ang trend ko for the past 8mos, pagpasok lang 34wks nag balloon weight ko. i don't know why.
« Last Edit: January 20, 2015, 08:37:50 pm by _AiaH_ »

ehlabart

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #425 on: January 20, 2015, 06:33:52 pm »
Msclgrey -- feeling ko lang lalabas na baby mo this week sana sabay din tayo!

tigerlily -- sis naku kung alam mo lang huhu mas mahirap pala yung alam mo kelan lalabas eksakto si baby kasi yung waiting time parang sobraaaaang tagal!

Lakwatsa ---- Sis pikit mata nalang hahaha! joke..

Aiah- - Sis okay lang yan, ngayon alam mo na term ka na tska ka magtagtag.. yun nga magwindow shopping ka ng bongga! nakakatakot naman yun, di ko tuloy alam kung ano maging effect saakin ng anesthesia kasi nga cs ako. =(

mga sis may anxiety issue nanaman ako ewan ko ba bakit ganito kung kelan malapit na tska kung ano ano iniisip ko, kasi nanaginip nanaman ako sabi ko daw tuloy pa kaya sa 24, eh wala nga daw heartbeat si baby second time na yun.. natatakot tuloy ako at kung ano ano nababasa ko tungkol sa stillbirth na yan.. naku sis please pray for us sa delivery sa 24.. sana wala maging problem at healthy babies natin.. bakit kaya nagiging ganito mentality ko ngayon? as in sobrang nega ko this past few weeks.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #426 on: January 20, 2015, 08:43:32 pm »
ehlabart sis relax ka lang.. as long as baby's active sa tummy, your baby's fine. rare ang lumalabas na stillbirth unless ilang days na hindi naramdaman na hindi nagmmove si baby. pero scheduled CS ka, i'm sure even during the hour na manganganak ka baka malikot parin yan hehe! ;) baka you're causing your little one unnecessary stress din.

Alam na alam naman sis ng anes mo yung gagawin sayo for sure :) yung kwento ko sa lying in clinic yun. well controlled ang anesthesia lalo na at scheduled CS ka. dami nacCS araw araw. of course baby won't cry agad agad. as long as the placenta is still attached, baby still gets everything kay mommy including oxygen. iniistimulate sila to cry kasi iccut na yung umbilical cord so they have to get the oxygen on their own na. :)

abbmg

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #427 on: January 20, 2015, 10:48:08 pm »
sis ehlabart- actually nakapanaginip nako during my 2nd tri na m/c daw ako naiyak ako nung pagising ko. pero all is well naman kasi kakagaling ko lang OB kahapon. saya lang kasi head down na siya, last check up ko kasi suhi daw. ;) medyo natakot lang din ako kasi may nakasabay ako na patient nag preterm siya 7mos pero nawala yung baby tapos yun nga humihingi ng free pf ng OB. parang ang hirap lang kasi yung gastos is same lang ng nanganak. kaya napadasal talaga ako kahapon since hindi ako emotionally stable ngayon dahil sa feud namin ng asawa ko.

nagsalon ako kanina and just had my hair cut super duper short parang christine reyes length (who is also preggy)... naisip ko kasi para di magulo buhok ko habang nanganganak at kwento nga ng friend ko luxury na daw sa kanya ang pagsusuklay eversince she gave birth. hehe

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #428 on: January 20, 2015, 11:52:10 pm »
^ sis nabasa ko yung thread mo dun sa kabila, honestly bilib na bilib ako kung paano mo nahahandle yung stress at this point. i'm glad all is well naman sa check up nyo and mukhang nagrready for birth na si baby at naka position narin! hehe. 34wks ako nung naghead down si baby and slowly bumababa na. hehe.

true yan sis about sa hair, haha. sabi nila after manganak sabog daw talaga. i don't know why and they don't know why pero halos lahat friend ko yun feedback, sabog hair nila pagkapanganak hehe.

fearich

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #429 on: January 21, 2015, 12:11:47 am »
mga sis sa wakas nakaraos din ako nung jan 17 ngstart akong mglabor 3pm [textspeak!] ewan ko ba sa ob ko nagmamadali ininduce nia ako tapos nung 7:42 ng gbe lumabas na agad c baby boy ko nasurprise ang lahat sa bahay pati yung husband ko nalaman nia na [textspeak!] nanganak na ako nag pa ie lang naman ako kasi nagdischarge ako tyming na nasa hospital ako kaya nung ina ie na ako 1cm pa [textspeak!] naman tinawagan na nila yung ob ko tapos sabi ng ob ko admit na [textspeak!] agad at e magic sarap na daw para madali na tapis enenject ako ng buscopan 2beses ay salamat kahit paano nakaraos din kmi ni baby 5.2 pounds [textspeak!] pala siya pero nahirapan pa ako sa paglaas sa kanya nakalimutan ko na kasi umeri... hehe

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #430 on: January 21, 2015, 09:59:27 am »
^congrats sis! Ang bilis naman ng progress ng labour mo. 1cm ka pa lang, ininduce ka na agad. Pagpunta mo sa kanya may contractions ka na ba?

momcheq

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #431 on: January 21, 2015, 11:13:31 am »
hi mga mommy, im 38 weeks na may itatanong sana ako last night kasi nag toilet ako tapos may nakita ako sa underware ko na iyon na siguro ang tinatawag na mucus plug not sure kasi sa 1st baby ko hindi ko naman naranasan ang mucus plug wala akong nakita ganun basta nang manganak ako diritso lobar pain lang..tapos this morning nag toilet ako may nakita na naman ako..ano po ang ibig sabihin ng ganun?ibig sabihin ba malapit na lumabas sa baby?hintayin ko nalang na sumakit tiyan ko o punta na nang ospital?naguluhan kasi ako..thanks

leighhey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #432 on: January 21, 2015, 11:38:03 am »
Hello all! I am also  due to pop around end of March or Early April... ngayon, medyo nagpapanic na ako on what things to prepare for the baby in time for the delivery. Of course, kasama na dyan yung mga gamit ni baby after he comes out... would you mind sharing what essential things I need to prepare for my little angel? :) I hope someone replies to me. I know baka namention na to before, pero its best to get your opinions pa rin. Oh, and do you know any baby events this coming months? :D

Thanks girls!!!



kymmiiee

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #433 on: January 21, 2015, 03:21:49 pm »
Hi mga sis newbie here. Sarap magbasa ng mga threads na makaka-relate ka. I'm a first time mom to be at 22 yrs old and naka-scheduled CS na agad ako on Feb 16 due to low-lying placenta. I'll be 38 weeks by then. Di ko mararanasan mag-labor. Less than a month na lang. Medyo may hinayang factor din kasi mas okay recovery pag normal. Pero kung saan safe kami ni baby kahit anong delivery pa gorabels. Hehe. Hoping and praying for us mommies and babies to have a safe and healthy delivery!

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #434 on: January 21, 2015, 05:18:04 pm »
@lakwatsa: sis, kamusta ang check up mo? sana sooooon manganak ka na! haha o diba at least di na constipated...mahirap din pag constipated ah. Ate ko nun sabi niya sakin nung mga few weeks before siya manganak talaga daw naupo siya sa trono at mag number 2 kasi ayaw niya daw mag number 2 habang nanganganak hehe...naging successful naman at sa 3 na ire niya sa niece ko, di daw siya nag number 2! :D

@ehlabart: Sis relax!!! Happy thoughts palagi! :) Lapit na yan! Minsan natatakot din ako sa ganyan..yung still birth waaah pero di yan! Maniwala tayo na healthy ang babies natin and safe ang deliveries natin. :) Hindi pa ako nananaginip tungkol sa baby ko na super vivid talaga...asawa ko kagabi daw nanaginip siya hahaha kaso nawawala anak namin kasi ang likot daw at medyo malaki na. :P Sabi ko...paano kagabi niloloko niya, under the blanket kasi ang tyan ko at sabi niya "San na si Miguel?" hahaha! Routine kasi namin yun na before ako matulog kakausapin niya muna then babasahan ng Guess How Much I Love You a libro.

@tiggerlily: Buti ka pa sis di masyado naggain hehe..basta sabi ni doc na normal lahat oks na yan! Ako ang bagal ng weight gain ko nung umpisa kaso nagpick up na nung 3rd trimester haha! 2 weeks nung Christmas and Holiday nag gain ako ng 2 kilos! Pero pag kinompute naman ang total weight gain, acceptable pa daw hehe! I really home makayanan natin ang vaginal birth na minimal ang meds. Hinihingi ko lang actually yung laughing gas haha..tapot ako sa epidural.

@abbmg: Nakaklungkot naman yun noh, nawala na baby tapos same lang babayraan :( Buti all is well sa inyo ni baby at bagong look ka na ngayon! :D Mukang kelangan ipunin ko na nag mga hair ties ko sa bahay para ipit agad ng buhok kung luxury pala ang pagsusuklay.

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #435 on: January 21, 2015, 06:37:50 pm »
@preggygielian, naku mataas pa daw tyan ko sabi ng secretary at ng OB! :( di rin ako in-IE kasi wala pa signs e. masasaktan lang daw ako. wait na lang daw namin tutal di pa naman due. ;D

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #436 on: January 22, 2015, 01:35:32 am »
Sis momcheq, hindi automatic na lumabas na ang mucus plug eh manganganak ka na. It can still take days or weeks but it means things are going in the right direction.

abbmg

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #437 on: January 22, 2015, 02:27:17 am »
fearich- congrats sis! ang saya naman :D

sis aiah- oo nga mahirap, sensya na ang haba din ng story ko. pero i guess kelangan lang talaga mag move on for the sake na rin ng baby, umayos man ang relationship namin or hindi, yung anak ko na lang ang iniintindi ko sa ngayon sakit sa ulo lang yung asawa ko.

leighhey- sis check mo ito link dun sa dating thread. kinopya ko yung kay preggygielian pero so far as in damit pa lang, bibs, mittens, socks, bonnets, blankets, pillows, rubber mat pang sapin sa kanya, disposable at cloth diapers meron ako. merong baby fair sa sm megamall megatrade hall sa jan 30,31 feb 1. dun ko balak bumili ng stroller at kung ano ano pang anik anik siguro like manual pump at bottles. tignan mo din first 2 pages ng thread nato may iba ding mga sis na nagpost ng gamit nila.

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,286821.380.html

giegie07- sis ako nung dinagdagan ako ng iron hemarate fa feeling ko nasusuka ako pero ngayon siguro nasanay na. mag 3rd tri na din dinagdag ng OB ko yun.

kymmiiee-welcome sa thread! yup ang important lang talaga healthy both mom and baby regardless ano pang method nailuwal ang bata ;)

preggygielian- yup kaya minsan nakakatakot lang isipin. sis tanong ko lang marunong ka ba kumapa kung head down si baby? though head down na siya wala lang nacurious lang ako kasi kaya masabi ng doctor ang position hehe

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #438 on: January 22, 2015, 09:13:36 am »
^galing nga magkapa ng doctor pero it doesn't mean na kapag head down e ok na hehe. nagpaultrasound din pala ako kahapon kasi sabi ni OB pag daw 40wks at di pa ko nanganganak e papa ultrasound daw to check tapos tinanong ko kung pwede na ba ngayon iultrasound tapos sabi nya pwede naman kaya ayun binigyan ako request at pinagawa ko na rin agad.

cephalic si baby meaning head down pero yun pwesto nya e nakaharap at nakatingala. so di pa sya ready mag hello world waaah! dapat kasi di ba nakatalikod at sa spine natin nakaharap. ayun, medyo nalungkot ako kaya pala wala pa ko signs e dahil siguro nasa ganung pwesto pa sya. sana mag about face na sya kasi 38w5d na kami today.  :'(

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan, Feb, Mar) Thread 3
« Reply #439 on: January 22, 2015, 10:07:55 am »
I'm about to go to the ER right now. Kaninang 8:45am, pagkabangon ko may sudden trickle of fluid from me. Konti lang naman, around 1-2 ml but nung inamoy ko it doesn't smell urine and hindi rin siya discharge lang. So eto pacheck ko na rin if AF na yun. No other signs naman.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close