watch now

Author Topic: All About C-Section Part 5  (Read 82694 times)

chelgeneroso

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #180 on: March 29, 2016, 09:22:39 am »
^
Btw, sa mga nascheduled CS, were you admitted a day before the procedure? Standard ba yun or sa iba pwedeng pagpunta mo CS ka na agad?

Yes. 12mn ang last water at solid food ko, nilagyan na ako ng swero. change clothes na without undies. Meron kasing preparation na gagwin sayo. skin test para sa antibiotics na iinject sayo. My case, i am diabetic kaya yung IV ko hindi usual na kukunin lang sa supply cabinet nila. they have to mix something on it para hindi ako mag-hypo during the 8hours fasting and during the operation. Naka 3 skin test ata ako dahil pabago-bago yung brand ng antibiotic. every hour check din blood sugar ko. Meron pang shaving of all the hairs in the area, including the V-area kahit na hindi doon dadaan ang baby.

I was brought to the operating room, nandun na OB ko at Anesthesiologist. I am asleep all throughout the  procedure. nagising nalang ako sa recovery room, chilling. Nginig buong katawan kasi nawawala na effect ng gamot sa katawan ko. Pero hindi pa rin ako makagalaw, grogy sobra. naririnig ko baby ko na naiyak. He must feed kasi insulin dependent kami during the 37 weeks. hirap sya mag-latch dahil nangininig buo ko katawan, the nurse suggested to give my baby breastmilk, they have supply. Pumayag na rin ako dahil baby out ng 8am, 11:30am na nung nagising ako.

Scheduled CS is cheaper than Emergency CS.
Provincial hospitals charges cheaper than Metro Manila hospitals.
« Last Edit: March 29, 2016, 09:45:39 am by chelgeneroso »

crzysxycl

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #181 on: March 29, 2016, 09:53:43 am »
kymmiiee - thanks sis! hala before and after operation you were throwing up.. sana kayanin ko, ako pa naman yung type na nahihilo pag gutom. yung ibang sisses dito parang kinabukasan pa nga raw nakakain, hayayay. :-\

chelgeneroso - thanks sis! nurse na ba nag shave ng hair sis? pwede kayang sa bahay palang gawin ko na to?


chelgeneroso

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #182 on: March 29, 2016, 10:24:20 am »
Quote from: crzysxycl link=topic=287632.msg8208577#msg8208577 date=1459216423

[b
chelgeneroso[/b] - thanks sis! nurse na ba nag shave ng hair sis? pwede kayang sa bahay palang gawin ko na to?



Yes. dalawang beses pa nga kasi nung nasa room ako, shave ng nurse V-Area, pagdating operating room hindi daw na-shave ng husto kasi dapat pati tummy area. Palagay ko pwede naman sa bahay mo na gawin para hindi ka ma-windang na merong taong nakatitig sa pempem mo, hahahaha!!! dapat lang malinis at pasado sa kanila yung gagawin mo :)

coco_cola

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #183 on: March 29, 2016, 10:31:21 am »
^Haha! Ako naisip ko if ever CS ako, hospital na ko magpapa shave para sulit ang bayad. Haha.

crzysxycl

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #184 on: March 29, 2016, 10:43:26 am »
^^oo sis, ang awkward kasi hahaha! gusto siguro nila shave na shave, para pasado? ;D feeling ko kasi marami na tao sa operating room, plus minsan daw di maiiwasang may male nurse sa loob. thank sis! :)

^hahaha! kung sabagay sis ;D


hyder0926

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #185 on: March 29, 2016, 10:46:54 am »
@ chelgeneroso - thanks for the post. need pala prepare before the CS procedure. mid week pa naman ako mag papasked. so Tuesday siguro admitted na ako before the Wednesday operation. i want to give birth on June 29. emergency CS kase ako nun 2010 so wala ako idea if they did tests or whatever. un shaving part lam alam ko kase nakita ko un post op..

chelgeneroso

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #186 on: March 29, 2016, 11:27:35 am »
^^oo sis, ang awkward kasi hahaha! gusto siguro nila shave na shave, para pasado? ;D feeling ko kasi marami na tao sa operating room, plus minsan daw di maiiwasang may male nurse sa loob. thank sis! :)

^hahaha! kung sabagay sis ;D



kasi daw yung hair, pwede makapag-contribute ng infection sa wound of something kaya dapat literally "kalbo".
Male nurses - True!!! alam ko sanay na sila sa ganun. hiyang-hiya pa rin naman ako, lalo na kapag pogi. Hindi pa naman ako sanay. Dalawang tao lang tumitingin sa pempem ko. My husband and my OB, hahahaha!

chelgeneroso

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #187 on: March 29, 2016, 11:31:26 am »
@ chelgeneroso - thanks for the post. need pala prepare before the CS procedure. mid week pa naman ako mag papasked. so Tuesday siguro admitted na ako before the Wednesday operation. i want to give birth on June 29. emergency CS kase ako nun 2010 so wala ako idea if they did tests or whatever. un shaving part lam alam ko kase nakita ko un post op..

Ako nga Elective CS na nga ako hindi pa rin nasunod preferred date ko. weekly check-up ko kasi noon, pag-IE sa akin ni OB, sabi nya hindi matatapos ang week, manganganak na ako kaya on that day din nag pa-admit nako. sabi ko nalang morning ko gusto manganak para makita ko na agad ang baby ko :) so instead of Dec 8 naging Dec 2.

crzysxycl

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #188 on: March 29, 2016, 11:34:06 am »
^ay ganun pala yun. pagawa ko nalang kay hubby siguro, kasi pag ako hindi ko makita pempem (laki kasi ng tyan ko) unless nakaharap ako sa salamin. hahaha! natawa ko sis sa "lalo na kapag pogi". ;D thanks uli!

Vans

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #189 on: March 29, 2016, 11:52:56 am »
^thank you sis! aww, effect ng epidural yung panginginig diba. sana naman hindi ganun ang effect sa akin. may nabasa nga rin ako dito na sumuka during the procedure.

Spinal block yung ginawa di epidural. Sa tingin ko psychological na rin kasi medyo nanginig ng konti kamay ko bago ako tinurukan ng anesthesia. Tas lumakas yung shaking pagkatapos ng injection.

Di naman ako nasuka during ng op pero nung nasa hospital room ako nasuka. Kasi gutom na ako tas yung binigay sa aking food soup at jello. Though sinabihan ako ng doctor na wag kumain ng solids after,  akala ko pwede na kasi yun ang nakalagay sa tray. At tinanong ko pa yung nurse kung ok yung jello, oo naman daw kasi nasa tray. Ayun wala pang 10 mins pagkakain, sinuka ko lahat. Kaya pag sinabi no solids, no solids talaga. 😁  naawa lang ako dun sa nurse na naglinis ng suka ko kasi di sya yun nurse na nagsabi na pwede yung jello.

At expect mo na rin na katihin ng sobra pagtapos ng CS.

crzysxycl

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #190 on: March 29, 2016, 12:12:02 pm »
^iba pa pala yun sa epidural. note ko yan sis, no solids talaga dapat haha. oo nga raw, yung iba nangangati after. thank you sis!

kymmiiee

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #191 on: March 29, 2016, 01:18:04 pm »
Kinabukasan ng morning after the operation ako nakapag-solids after ng fart, soft solids lang tapos saka pa ko nakakain ng bongga kinagabihan after the much awaited poop. Haha. Fart at poop lang naman usually inaantay para maging okay ka na for discharge except of course if may complication during or after the operation na kelangan pa bantayan. Pero if wala, after maka-poop ayun pwede ka na bigyan ng go signal for discharge.

Regarding the male nurse, unfortunately meron sakin nun sa OR. Siya yung nag-push sa tiyan ko para mailabas si baby. I can't forget that kahit groggy ako during the operation, sobrang sakit nung dinaganan yung tiyan ko, I can barely breathe. And also siya yung humawak sakin on a fetal position para di ako makalikot nung tuturukan na ako ng anesthesia.

coco_cola

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #192 on: March 29, 2016, 01:38:04 pm »
Masakit yung injection ng anesthesia? May topical anesthesia pa ba before the injection? Hehe :)
« Last Edit: March 29, 2016, 03:24:09 pm by coco_cola »

salvage_me

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #193 on: March 29, 2016, 02:12:37 pm »
^ wala ako naramdaman during my epidural. pagcurl ko, next thing i know tapos na. tas wala na ako maramdaman labor pain.

chelgeneroso

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #194 on: March 29, 2016, 02:38:07 pm »
Kinabukasan ng morning after the operation ako nakapag-solids after ng fart, soft solids lang tapos saka pa ko nakakain ng bongga kinagabihan after the much awaited poop. Haha. Fart at poop lang naman usually inaantay para maging okay ka na for discharge except of course if may complication during or after the operation na kelangan pa bantayan. Pero if wala, after maka-poop ayun pwede ka na bigyan ng go signal for discharge.


Naalala ko itong fart. monitored na monitored ng nurse. everytime papasok sa room ko, "Mommy naka-utot na?", ako naman sagot, "hindi pa" . . .  pero merong mga umaalpas sa akin na fart pero konti lang.  sa pang-lima nyang tanong, sabi ko sa kanya, define utot? counted ba kapag konting hangin lang o kailangan yung "Wow!" or "Boom!" or "Ikaw ba yun?" category. Sabi naman nya basta nag-pass ng gas, ok na. Naka-one down nako. Poops naman wala ako hirap dahil poops na poops na talaga ako. meron pa ako catheter at IV. mahirap mag-CR, sabi ko sa nurse patanggal na ng catheter. wala pa daw go sign doktor. so tiniis ko sya ng mga 5 to 6 hours ata. kaya nung natanggal na lahat naka-kabit sa katawan ko, ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin. nakapag lagay na rin ako ng maayos na pads. nakapag-breastfeed na rin ako.  nakita ko na rin ng maayos ang face ng aking poging bunso.

Nung dinala ako sa room ko after recovery room, bawal magsalita ng 4 hours. tsaka nung natanggal na lahat naka-kabit sa katawan ko, nakalakad na ako ng maayos. Wala akong naramdaman na pain regarding operation. Hindi ko ininda, as in para akong hindi nanganak. though super kati ng area kung saan meron stitches. lagay lang ako ng lagay ng sunflower oil para hindi ako mag stretchmark sa kaka-kamot.

its been 15months, unti-unti na nagfe-fade yung stitchmarks. nagiging skin color ko na at nagfa-flat na.

eam510

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #195 on: March 29, 2016, 03:31:16 pm »
^Noted sis, thank you!

Btw, sa mga nascheduled CS, were you admitted a day before the procedure? Standard ba yun or sa iba pwedeng pagpunta mo CS ka na agad?

Sakin, night before the procedure, naka admit na ko. hindi ako kinakabahan kase alam ko wala naman ako mararamdaman, excited lang nararamdaman ko nun na makita na si baby kung sino kamuka. hihi! after nung operation mas naramdaman ko pa ang hirap ng catheter kesa sa tahi sa tyan ko.  ;D :D

crzysxycl

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #196 on: March 29, 2016, 04:10:51 pm »
^salamat sis! ahaha, kabado nga ako sa catheter na yan. sana hindi ko maramdaman. :)

eam510

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #197 on: March 29, 2016, 05:04:11 pm »
^salamat sis! ahaha, kabado nga ako sa catheter na yan. sana hindi ko maramdaman. :)

Hindi kase ako kumportable sa catheter sis. Grabe dasal ako ng dasal na sana tanggalin na yun. ang hirap umupo upo. 8 am operation ko, 4pm pinakilos kilos na ko para mabilis recover, okay naman. yung catheter lang talaga ramdam ko nun.  :'( :'( pero masaya kase hawak ko na si baby nun  :)

crzysxycl

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #198 on: March 29, 2016, 08:00:36 pm »
^Aww.. Ganun nalang din gawin ko siguro sis, mamotivate ako dahil kay baby. :)

Vans

  • Guest
Re: All About C-Section Part 5
« Reply #199 on: March 29, 2016, 08:35:41 pm »
@crzysxycl, sa tingin ko yun postpartum itching ko ay dahil sa pitocin ( oxytocin)  na sinasama nila sa IV - to help control uterine bleeding.  Nangangati rin kasi ako pag breastfeed kahit hanggang ngayong 19 months pp. Oxytocin rin yun hormone na nirelease ng katawan pag nagbreastfeed.
Pero yung iba sabi dahil daw sa morphine nung nag pa spinal block sila.

Wag kang matakot sa catheter, kaya mo yan. Di naman sya masakit, nakakailang lang gumalaw kasi minsan nakakalimutan ko na may tube sa gitna kaya nasasagi ko madalas buti na lang di nahahatak ng malakas. Pwede rin kasing di ko nararadaman na may sakit kasi may painkillers na pinapainom sa akin every 4 (tylenol) at 6 hours(ibuprofen).

Napagusapan nyo na ba ng OB kung anong anesthesia gagawin sayo? Spinal block, epidural, o general?
Yung epidural, may catheter rin yun.
Di ako familiar sa setup ng CS dyan sa pinas. I wonder if they charge separate rates for each type of anesthesia.

@chelgenoroso, @kymmiiee - yun fertility Dr, radiologist nun HSG test, OB nun regular checkup, at yun OB na nag deliver ng baby ko - lahat sila lalaki. Nun una naiilang ako pero nung paglaon naiilang pa rin ako haha.

@coca_cola, di naman masakit yung pag inject. Wala akong malalala na topical anesthesia, nilinis lang yung likod.

@salvage_me, no experience with pus. pero yun scar madalas kumikirot pag malamig kahit 19 months pp na ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close