May concern po ako sa pamangking lalaki ng asawa ko. I believe mas fair dito mag hingi ng opinion and advice. Isa isahin ko nalang from start:
2011- pumunta sa amin ang nephew to watch over my daughter which pinagsisihan ko but had no choice that time kasi wala talaga mahanap magbantay. he offered na siya magpunta but ang nangyari nakunsumi na ako dahil ginawa lang pala rason ang magbantay para makapunta sa aming lugar. Nakahanap din ako ng yaya eventually. Then umuwi hubby ko. That time kasi medyo close pa kami sa nanay niya kaya na open up ko ang topic na what if dito siya mag aral dahil malapit lang ang bahay namin sa school.
2012- march bumalik kasi pa screening kaya lang may butas ang tenga sabi ko before magpunta ipatahi pero nagpunta parin. ending asawa ko nagabuno pang opera at tahiin ulit. di narin binayaran
2012- may-june sabi ni nephew/i mean nakiusap na pwede tuloy siya sa cebu kasi di yata pumasa or may kulang, makiusap siya. sabi din since naghanap ako ng yaya ang mama daw niya magbantay. kaya sabi ko kay hubby, [textspeak!] payag nalang tayo since mama naman niya mag alaga kay andi. ending, di tumupad mama niya at ang mother ko na ang pumunta. naloko ako sa pangako nila which nainis kami ni hubby
2013- august. nagkaroon kami ng conflict ni nephew. kasi nagwala talaga ako sa sobrang galit kasi ang nangyari, sobrang busy ko sa trabaho, every week ako umuuwi sa probinsya kasi iniwan ko anak ko doon dahil umalis bigla ang yaya. so si nephew lang naiwan sa bahay sa city most of the time. uwi lang ako matulog at maligo. pero what happened, ang pinagsaingan ko minsan panis at iniiwanan sa lababo, sobrang kapal ng alikabok sa bintana, sa sahig, sa upuan at lahat. in short sobrang marumi. parang walang tao nakatira. so pinagalitan ko ng bongga ang nephew kasi naman di na pala umuuwi or natulog sa bahay. uuwi lang para maligo mostly 3x a day yan, at dun na magtambay o matulog sa gf niya malapit sa tinirahan namin. confirmed yan dahil marami ang nakakita. kung di ko rin sasabihan ang husband ko na pamangkin niya di pa umuuwi sa gabi kahit lampas ng 11pm di yan uuwi. at ang matinong pamangkin, magaling sumagot sa akin at magaling magsinungaling. di daw totoo na dun siya sa gf, naglilinis daw siya and all. di ko siya pinalayas pero lumayas pa rin sa kunsente ng mama niya. di kami nagkibuan ng pamilya ng husband ko until ng wedding namin, buti nalang pumunta parin sila.
2014-feb, nagkagulo ang buhay ni nephew, sinundo ng papa at kapatid niya kasi na missing in action, di makontak. ng mahanap na, parang wala sa sarili. nahuli pa nila nagpunta pala sa manila sumama sa gf niya at tumigil sa pag aaral. march na un. sabi ko sa sarili ko, ay, nakarma din pala sa pagsagot sagot sa akin. i warned him kasi last aug2013 na unahin ang eskwela di ang gf kasi yan ang purpose ng pagpunta niya sa amin
2014- june. tinawagan ako ng papa ni nephew-bro ni husband. nakiusap kahit isang linggo daw matira si anak niya dahil lilipat din sa dorm kasi lilipat na ang school nila ng location na malayo sa city. wala ako nagawa kasi naawa ako sa papa niya. si husband ako ang pinagdecide. pumayag ako at sa pag aakala din na isang linggo lang. lumipas iilang linggo di parin lumipat. yon pala, di pala matuloy sa dorm. (naloko na naman ako)
end of june, pinakisuyuan ng kaibigan ko since malapit sa pier pakuha ng ticket. tama bang ibang barko ang ticket kaysa sinulat ng kaibagan ko. di pala nagbabasa kung anong office kinuhaan. kung di ko nakita na ibang barko ang ticket, baka ang kaibagan ko at pamilya niya ma shock sa schedule ng nasa isip nila na di pala tama. nako, uminit ulo ko. pinagalitan ko na naman. at ang galing niya sumagot sagot sa akin. di umuwi kinagabihan. nakipaginuman pala sa labas at umuwi kinabukasan, hinamon ako na magprangkahan. ayon, nadiretso ko ng istorya at nagkasagutan talaga kami. wala siyang respeto sa akin.
sabi ng asawa ko huwag ko nalang pansinin. ayon nga, di kami nagpansinan though minsan kinakausap ko lalo na pag naging mabait siya at tumulong pag wala ang yaya ko.
==================
now, buntis ako 6 weeks na at grabe ang paglilihi ko hinanghina talaga ako pero kahit na ganoon, i need to be strong kasi may 4 year old ako at weekends wala ako yaya.
pag saturday 11/29/14- pagkauwi namin sa hapon ng bb ko galing sa dance school at pedia niya, balak ko sana mamalengke. pero iwan ko si bb sa nephew pero ang mabait kong nephew umuwi 6:30pm na galing sa gala. nainis ako pero di ako nagpahalata. ang ginawa ko lang, since di ako nagsaing pero may lugaw ako(di ako makakain maayos kaya lugaw lang) pero ang ulam na tira namin galing sa kain sa labas, nilagay ko sa ref. ang daing sa mesa yon lang kinain niya. nainis kasi ako di maasahan, kaya nagkasubukan talaga kami.
11/30/14- gumising ako wala pa 6am kahit nahihilo ako, nagsaing at naglugaw. hinintay ko na magising ang nephew kasi iiwan ko sana sa kanya niluto ko para mag grocery sa mall malapit sa amin at makabili ng gamot sa anak ko pero ang mabait, nagtulog tulogan, sarap ng tulog. hinintay ko nalang na matapos at nag grocery. di ko parin ginising kasi isip ko baka babangon ito pag makaalis na ako. susko! nakauwi nalang ako tulog parin. ayon, uminit ulo ko kasi naman masama pa pakiramdam ko di man lang ako tinulungan. pinamili ko ako pa naglinis at nagluto. ang anak ko may rehearsal sa 9am di dapat ma late.
pinagalitan ko siya. sabi ko grabe ka nakauwi nalang ako di kaparin bumangon diyan. sobrang tamad mo, di ka talaga marunong tumulong?! ayon sinagot na naman ako, kesyo daw, matakot daw siya tumulong baka magalit ako. huh! sabi ko kahit nga wala ako dito,di kaparin tumulong. nauupo kalang at naghihintay. un talaga gawain niya. maupo sa sala maginternet, babad sa cp, hanggang matapos na lang kami ng helper ko. may assignments yan dati. di nga mabigat, magpunas ng screen at bintana at mop every other day ang punas, every day ang mop pero matagal ng di ginagawa. in short, di na tumulong.
kagabi nagkasagutan kami sa pinsan niya. di ko nalang pinatulan. pero ang di ko matanggap yong etext ako ng mama niya na gawin ko nalang katulong anak niya tigil nalang sa aral. sus, nag init tenga ko. ayon haba ng reply ko. sabi ko nga paano naging katulong di nga tumutulong yan. tsaka pinarangka ko sila kung di pa dahil naawa ako sa inyo na pinagsikapin niyo paaralin yan, di ako papayag na bumalik yan dito kasi di naman kami magkasundo. ang haba ng mga text ko ng nanay niya. pero naka divert ang cp ko. tumatawag yon pero di ko sinasagot. what for pa?
tiniis ko ang anak nila, kahit nagmamarunong at magaling sumagot. umalis pero di pa dinala lahat ng gamit. ngayong wala na sa poder ko ang anak nila, seguro matuto yong mamuhay ng di tatamad tamad. ang bata pa, maarte kahit wala pera, tamad pa. nagpabili ako ng gasul nagreklamo nga kasi nahihiya siya magbuhat ng tangke at paguwi sumakit daw shoulder niya. alangan naman hintayin ko ang schedule ng taga deliver namin, next day pa around lunch. alangan di kami maghapunan at mag agahan kinabukasan.
stress ako to nth level these days. mga sis and bros, i was wrong din pero di ko rin kaya na makisama sa ganoong ugali.