watch now

Author Topic: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)  (Read 72108 times)

Tiana

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #600 on: April 09, 2015, 12:56:05 pm »
@pinkfairy : Hi sis! Halos same tayo EDD ko Sept 12. :)

@arragalang : sis magkalapit nga tayo, dito lang ako Zabarte. Siguro nagkakasalubong tayo sa SM or Terraces. :) madalas ako sa Trymo shawarmako, Nursing student ako sa Fatima Regalado after class doon kami palagi dumideretso. :)

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #601 on: April 09, 2015, 05:03:00 pm »
Medyo off question. Ask ko lang mga sis is it safe ba na magpa rebond or hair treatment while pregnant? Plan ko sana parebond next week mukha na akong sobrang haggard at ang dry ng hair since I got pregnant and also sino may kakilalang ob-sonologist from St. Lukes? Ang arte ng daddy ni baby gusto nya sa mga private even though malapit lang kami sa East Avenue at gusto nya naka 3D or 4D sono? Until now di pa kami makahanap ng ob since ako practical lang basta ob na mura at okay naman I don't care basta very caring kaso sya he preferred na sa private na talaga like St. Lukes or TMC kaso malayo yung hospital samin (maarte pa sakin) saka normal lang ba sa mga new daddies na overly protective sa baby nila? I find it very OA kasi na ni ayaw nya ako sumakay ng jeep at MRT lagi akong napapagalitan at ayaw na bumabyahe ako mag isa ng malayo or di naka taxi (ang gastos!)

Tapos recently napapansin ko parang may 2 movements sa body ko pag umaangat skin. So far naman sa past ultrasound ko isa lang si baby so I doubt na twins (though may lahi kaming twins) may nakaka experience ba ng ganito? Minsan yung sipa sa ribs na yung tama at panay sipa. Saka need pa ba ng request for CAS bago magpa CAS? Or kahit direcho nalang? Sorry mga sis dami questions hehe by the way 25 weeks na ko hehe bilog na bilog na tummy ko di na mapapagkamalan na taba lang, FINALLY! 😊😊😊

Tiana

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #602 on: April 09, 2015, 05:41:01 pm »
^ Hi sis ang alam ko bawal magparebond ng hair kapag buntis, diba super tapang ng amoy na nilalagay na gamot sa hair kapag magpaparebond kaya hindi yun safe sa tingin ko, next time ka nalang parebond tsaka maglalagas pa yung hair natin pagkapanganak.

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #603 on: April 09, 2015, 05:46:00 pm »
^ Hi sis ang alam ko bawal magparebond ng hair kapag buntis, diba super tapang ng amoy na nilalagay na gamot sa hair kapag magpaparebond kaya hindi yun safe sa tingin ko, next time ka nalang parebond tsaka maglalagas pa yung hair natin pagkapanganak.

Thanks sis. Plan ko na sana pamandin buti nalang hehe. Pero yung mga hair treatment kaya? Like hot oil and other treatments? DIY lang kasi ako sa mga ganun? Is it safe kaya?

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #604 on: April 09, 2015, 05:58:12 pm »
^^ normal sa daddies yan i think. Same tayo ng pagka oa sa daddy ng baby ko. Bawal din mag byahe mag isa, namiss ko nanga sumakay sa bus, jeep at mrt :)) lagi nalang naka taxi. Basta safety concerns oa sila. Sa hospitals naman were lucky na maayos hosp sa areas namin kaya pede na. Pero if nakatira siguro ako malapit sa mga hospitals na yan gugustuhin ko din jan, bawat kibot nga lang eh may bayad hehe.  Sa rebond or other hair treatments not sure if bawal or hindi. Ask your ob? Sakin kasi dati yung matanda ko na unang ob pwede kahit ano, tapos yung new ob ko now mejo strict. Sinasabi nila na bawal daw pero in a sense wala naman talaga study to prove na masama, parang to be on a safer side lang wag na itry.

Recently trinay ko magpa facial para lang makahinga yung pores ko, tinanggap naman ako sa derma pero basic cleaning lang, no other chemicals or mask para daw hindi delikado sa preggers.

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #605 on: April 09, 2015, 09:12:27 pm »
Mga mommies na aattend sa Babypalooza, may pre-register link na sa event group!

https://www.facebook.com/events/824012724354419/ :)

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #606 on: April 09, 2015, 09:15:13 pm »
^^ normal sa daddies yan i think. Same tayo ng pagka oa sa daddy ng baby ko. Bawal din mag byahe mag isa, namiss ko nanga sumakay sa bus, jeep at mrt :)) lagi nalang naka taxi. Basta safety concerns oa sila. Sa hospitals naman were lucky na maayos hosp sa areas namin kaya pede na. Pero if nakatira siguro ako malapit sa mga hospitals na yan gugustuhin ko din jan, bawat kibot nga lang eh may bayad hehe.  Sa rebond or other hair treatments not sure if bawal or hindi. Ask your ob? Sakin kasi dati yung matanda ko na unang ob pwede kahit ano, tapos yung new ob ko now mejo strict. Sinasabi nila na bawal daw pero in a sense wala naman talaga study to prove na masama, parang to be on a safer side lang wag na itry.

Recently trinay ko magpa facial para lang makahinga yung pores ko, tinanggap naman ako sa derma pero basic cleaning lang, no other chemicals or mask para daw hindi delikado sa preggers.

Sya naman no choice since hindi kami nagsasama so pag nagkikita kami inoobliged nya ako magtaxi nalang papuntang mall then hatid ako pauwi taxi din. Ayaw ako paglakarin ng malayo super arte pa sa pagpili ng ob gyn parang sya yung buntis ayaw nya sa East Avenue which is malapit lang sana kesyo pangit daw ayaw din sa Capitol kesyo malayo daw mabubugbog yung bata kaya napadpad kami sa TMC gateway ayaw naman nya kasi naman daw consultation lang gusto nya laging may ultrasound si baby kaya nag ask na ako na sa st lukes siguro naman dun wala ng reklamo. Ako naman sis since once a week lang kami nagkikita nagcocommute ako ng jeep at mrt di ko pinapaalam 😁 pag kasama ko sya bawal kasi daw kesyo tagtag yung baby super oa na minsan ayaw ako maglakad napagalitan pa ko kasi naglakad ako mag isa from one station to another kasi walang jeep pabalik pinagod ko pa daw yung baby eh dapat daw nagtaxi nalang daw ako ang arte na sobra minsan kaya naiinis ako palibhasa first baby kaso di ko maiwasan na sabihan syang oa na mas gusto nya mag spend ng malaki than mag save iniispoiled na nya agad kaya di ako magtataka spoiled brat tong baby namin paglabas. Arte ng daddy nya

blueberryalmond

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #607 on: April 09, 2015, 10:35:39 pm »
Hi mga sis, saan ba nakakabili ng formal wear/ semi formal yung pang attend as guest sa wedding?  17 weeks nako so may bump na. :) thanks!

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #608 on: April 09, 2015, 10:40:12 pm »
Nakaka relate din ako sa over protective daddies. The past weeks di talaga ako makalabas ng bahay mag isa. Ni bumili sa tindahan di ko pinapayagan! Haha! Pero kanina sobrang tuwa ko. Nag crave ako sa shawarma kaya pumunta ko sa Tri-mo (natakam ako sa usapang shawarma dito. Hihi!) Hinatid ako ni hubby papunta pero pauwi naglakad lang ako kasi papasok na sya sa work. Ang saya lang! Nakaka miss din gumala mag isa. Next week lalambingin ko asawa ko para payagan ako mag mall mag isa for some "me time".

Btw, nararanasan nyo rin ba yung hirap matulog ng tuloy tuloy? Di kasi ako makahanap ng magandang pwesto pag nakahiga. Tapos minsan parang feeling ko di ako makahinga ng maayos kaya kailangan mataas yung unan. Ang weird pa lagi ng mga panaginip ko. Ending paputol putol tulog ko.

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #609 on: April 09, 2015, 11:15:29 pm »
@blueberryalmond: sm dept store sis? Or patahi? Hehe

@o9kristin: nako yang shwarma na yan di na rin ako makapag antay makakain ulit! Apir tayo sa hirap makatulog. Ganyan na din ako mula pa nung around 13 weeks ako. Nasanay na ko mag sleep ng nasa left or right side, kaya bumili ako maternity pillow yung snug-a-hug, helped me a lot! Ngayon ang routine ko na is makakatulog ako around 12, magigising nga 2am to pee, sleep again until 4 to per then yung next na gising ko 8am na babangon na ko. Yung hindi makahinga normal daw yun, lalo na pag nakahiga ng flat, something to do with blood circulation and elevation. Invest ka sa madaming pillows or just get one na maternity pillow :) promise, unang gabi namin nung unan na yun after days of sleepless nights napanaginipan ko si daniel matsunaga sa sarap ng tulog ko. Haha!
« Last Edit: April 09, 2015, 11:22:47 pm by arragalang »

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #610 on: April 10, 2015, 03:36:58 am »
^mukang maganda nga yan a! Sige check ko. Hihi! Thanks sis!

roxybrat

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #611 on: April 10, 2015, 11:10:06 am »
Mga sis, ilang weeks kau nun first time nyo na feel si baby?

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #612 on: April 10, 2015, 02:09:22 pm »
^20 weeks na.. :)

CaptainGene

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #613 on: April 24, 2015, 12:27:22 am »
Hi mommies,
Pa join naman ako, Mukhang masaya dito.
my EDD is on September 19 2015.

Ask ko lang if nararamdaman niyo rin ba yung sumasakit yung bandang left/right buttocks niyo lalo na if hihiga? di ko pa to na consult sa OB ko pero since first tri nararamdaman ko na. Parang nangangalay siya ramdam ko hanggang legs ko.

Congrats sa mga alam na yung gender ng baby nila, 19weeks na ako, excited na akong malaman.

112214bride

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #614 on: April 28, 2015, 04:00:57 pm »
@roxybrat, im 18 weeks and hindi ko pa nafi-feel si baby. although minsan pag may konting tibok tibok sa tyan naiisip ko kung yun na ba yun? hehe. feeling lang :D

@CaptainGene, yes!! sumasakit yung sa left side ko. pero parang buto yung masakit sa akin. nafi-feel ko esp pag bagong upo, or pag naka higa tapos ginalaw yung legs.

sdee

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #615 on: May 01, 2015, 07:59:41 pm »
mga sis meron ba sainyo dito na nag ka uti then nag supposutory for 7days after that nag test urine ulit meron pa din kaya oral antibiotic na binigay ni dra. meron ba dito same situation or close sa situation ko? tia I'm now 27weeks. 2months nalang hehe

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #616 on: May 02, 2015, 12:24:46 am »
Hi mommies! Please ignore this thread and join thread 2 po. Malapit na po mag close pag napuno na. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close