watch now

Author Topic: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)  (Read 72199 times)

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #560 on: April 03, 2015, 02:05:24 pm »
^sis kamusta sa Bernardino? Affiliated din kasi OB ko dun and mas mura ang rate compared sa CHMC. Ok ba facilities?

Tiana

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #561 on: April 03, 2015, 02:18:09 pm »
Hello fellow preggers! how's your holy week mommies? 17 weeks na ako tom plan ko na mag umpisa mag ipon ng gamit ni baby.. Meron ba dito kahit wala pa 7 mos namili na ng gamit?   2nd baby ko na ito 7 years old panganay ko balak ko habang malayo pa ang due iipon na ako ng gamit. Naexperience ko kasi sa panganay ko ayaw ako pabilhin ng mga matatanda ng gamit hanggat wala pa daw 7 mos kaya ayan tuloy sa panganay ko gahol na sa oras nong namili ng gamit, nanganak na ako ang dami parin kulang hindi ko naman masabay sabay bilhin mga gamit noon kasi hindi rin ganon kalaki ang budget. Ok lang naman siguro kung bumili paisa isa noh? :)

Dito sa 2nd baby ko wala ako balak bumili ng crib, sa panganay ko kasi hindi nya gaano nagamit ang crib kaya ayun naipamigay nalang sayang ang mahal pa naman..

Ziamoshi

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #562 on: April 03, 2015, 05:21:33 pm »
o9kristin Okay naman yung facilities nila, maliiit lang yung hospital, yung delivery room nila nasa second flr. pero hindi pa kami naitotour so hindi ko pa nakikita yung delivery room, meron silang ward, semi-private tsaka private room.

@Tiana Feeling ko nga rin gahol kami sa oras, mag 7months na rin kasi ako and medyo mahirap na gumalaw kasi malaki na yung bump, kaya nga as soon as possible gusto ko na mamili kahit wala pang 7months wala pa kasi talaga kami kahit isang gamit. Sabi ng iba okay lang naman daw bumili ng paunti-unti lalo na pag tight yung budget mo pag isang bilihan kasi masakit talaga sa bulsa.

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #563 on: April 03, 2015, 07:45:32 pm »
@arragalang super init na talaga!!! i remember nung mga dec-feb kahit di ako naka aircon at fan lang naka comforter pa ko.. naka panjamas/jogging pants plus socks pa ko... ngayon blanket lang minsan wala pa almost 24 hrs naka on yung aircon pag bagong ligo lang ako tsaka naka off siya then after an hour or two on na ulit (kaya goodluck next month electric bill) sa init!!!! naka shorts lang dito sa house at old shirts ang peg kung mas minipis na shirts mas ok... not comfortable wearing sleeveless since i was so fat dati... kaya nga yung iba di pa ako pinagkakamalang buntis since nakita nila ako na mataba... mas mukha pa kong buntis noon!! hahahaha!!

@tiana i started buying things nung nag sale sa sm last feb... kung di lang ako bed rest nung sale nung jan 30 ata or 31 sa megatrade noon... baka non palang nakabili nako... i am 18 weeks preggy palang this week... i not superstitious... tsaka for me mas practical para di sabay sabay bayaran sa bills...tsaka i only buy during sales or pag may good deal online... recently me and some of our sis here in girltalk purchased sa lazada na mamypoko na diapers for just 250!! 76pcs.. 56 small and 20 pcs medium... diba sulit!!! nakita ko sya sa sm yung pack na 28 pcs plus some free na small din ata almost 160 ata... so ok na din diba...

@ziamoshi i want to go din sa bel air to buy few clothes lang for newborn and some pang 9-12 months na pero after cas ko na para alam ko na gender ni baby... kasi ang bilis lumaki ng babies ehh...




chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #564 on: April 04, 2015, 02:06:54 am »
Ang dami na natin, yay!  ;D

Hindi na masyado nakakapag post, gagamit lang ng laptop pag start na ng work, then off agad pagka log out sa work. Gusto ko na lang humiga at tumira sa ilalim ng swimming pool. Grabe lang sakit ng balakang ko sa right side kaya as much as possible, gusto ko nakahiga lang.  :'(

Yung Happy Baby sa Bel-Air mas better kung tatawag muna para malaman kung anong new stocks na darating pag pumunta kayo. :)

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #565 on: April 04, 2015, 08:09:19 am »
@ziamoshi: ang mura talaga jan sa Bernardino. Pero sis mag ask ask kana din if complete na facilities nila. May 2 friend kasi ako na jan nanganak, yung isa CS tapos di sila complete ng equips kaya nilipat sa ibang hosp yung mom and baby nung nagka emergency, yung isa naman yung baby is need ilagay sa nicu, at that time wala silang nicu kaya lipat din ng hosp. Research ka din, dati jan ko din gusto manganak para makatipid kaso ang dami ko nakita bad feedback kaya natakot ako. Make sure si ob and nurses is super alalay sayo. :)

@Tiana: shopping na sis! :) okay lang yan, ako din paunti unti nuon. Ayoko din isang bagsakan para onti nalang iniisip. Meron na ko mga basic items na pang survive, hehe onti nalang din need kaya mejo chill chill nalang ako now. Masipag pa din naman ako lumbas at mag lakad sa mall basta may tubig na dala tsaka pag napagod eh uupo lang sa foodcourt.

@anne01: I feel you sis sa inet :)) nasan ang bagyo? Kahit ata gapatak naihi sa bagyo dito sa metro manila wala. Inom lang ng water ginagawa ko at maya maya shower sa cr. may isang time nahilo talaga ko ng bongga na parang hihinatayin nakakatakot. -.-

Meron ba pupunta sa Bel Air? Haha gusto ko din! Tawag nga daw muna advice nila kasi madalas daw nauubusan ng stock ng pang girl kasi dun kumukuha online stores ng items. Ako gusto ko lang ng Cloth Diapers. :))

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #566 on: April 04, 2015, 03:05:19 pm »
Hello mga sis! Ngayon lang ulit nakapag-post. ;D

Nakatingin na kame ni bf sa furniture shops sa kanila. Para sa mga mahigpit ang budget, may Palochina cribs for only p750, kaso medyo mauga. Bamboo crib naman p900 mas matibay though less smooth. Saka na lang kame buy crib pag anjan na si baby para malaman if need nya talaga, pwede naman si bf na lang tumakbo at isang kembot lang yung shop mula sa kanila. ;D

Balak namin i-check yung sa Bel-Air one of these days. Buti na lang medyo malapit sa work namin ni bf. ;D

Re init, ligo lang madalas tas tapat sa fan whole day. Ayoko na maglalabas masyado, grabe tirik ng araw!  >:(

@Ziamoshi balitaan mo ko sis pag magshopping ka sa DV ha! :) Madalas din kasi kame mag-DV noon, pero never pa for baby stuff, titingnan ko if sulit ang pagod sa pagpunta dun hehe.

@arragalang don't know sis, yun talaga presyuhan ng Uratex hehe.

Ziamoshi

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #567 on: April 04, 2015, 04:35:01 pm »
@arragalang Ganun ba? Oo may naririnig nga din akong bad feedback pero may isa akong friend sa Bernardino nanganak yung ate niya normal delivery okay naman daw yung service sa kanila. Kaya nga naghahanap pa kami ng ibang hospital hindi pa naman sure kung dun talaga, yun kasi pinakamalapit dito sa amin so pag emergency madali mapuntahan. Pero ask ko na rin kung complete na yung facilities nila thanks for the info. :)

@tintin19 Sige pagnakapunta kami. After pa kasi ng checkup ko balak namin mamili, para ma-check kung okay ba si baby,mahirap na baka kung anung mangyari. ang mura naman ng cribs sa furniture shop sa inyo try ko nga din maghanap dito sa mga furniture shops. Sa malls pa lang kasi yung nakikita ko. 

Ako pupunta akong bel-air  :D , sana next week or third week ng April pero tatawag muna kami para sure na may stock sila for baby boys ang layo kasi samin. Dun sa ibang pupunta ingat po at happy shopping :)

Super init po talaga 3-4x a day na ata akong maligo ngayon. Madalas akong maghalo halo these days tsaka more water. iniiwasan ko na rin lumabas ng bahay lalo na pag tanghali at hapon.

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #568 on: April 05, 2015, 11:07:25 pm »
Hindi pala Happy Baby yung sa Bel-Air, Happy Baby Garments pala yun. hehe. Last time nagpunta ako dun, onesies were priced at 130Php. Basta nung namili kami ng gamit ng niece ko, umabot kame ng 2k. Nai-blog ko pala yung tungkol dun, mga panahong tinry ko ulit maghasik ng tinta sa blogosphere pero hindi ko na kinarir. hehe.

http://tatetet.blogspot.com/2013/02/hello-baby-means-happy-grandma-and-aunt.html

Basta tawag lang ahead of time, tas si Ate Vicky namimigay ng discount yun pag medyo marami nabili.  ;D Naka discount kami dati e. hehe Also, the last time nagpunta kami dun hindi gumagana yung aircon, e ang liit ng space, tipong mga 2-3 na tao lang pwede so ang init.

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #569 on: April 06, 2015, 09:51:41 am »
Hi mga sis, happy easter!:)

I need your opinions sana.hehe :) kasi I'm planning to book a ticket to Cebu on July for my husband's birthday (will be 7 months by then). ang plan lang namin is to eat and di masyado magikot para di ako mapagod. you think good decision ba for us to book a flight? :) or wag na muna?

thank you!:)

charmed30

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #570 on: April 06, 2015, 10:23:53 am »
^are you high risk sis? Better if you get approval from your doctor first before booking the flight. I believe si OB ang best person to advise you regarding this. Medyo mahigpit din ata ang mga airlines sa pinas with expecting moms. But technically, you should be able to fly until 34 weeks (for local flights) but with doctor's certification. I myself will be flying at 35+weeks to give birth in pinas.

wowry

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #571 on: April 06, 2015, 01:20:46 pm »
hi mga sis! palagi masakit balakang at muscles ko sa puwet these days. is that normal? I'm on my 4 months now. First time mom super excited! will backread this thread :)

junebride

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #572 on: April 06, 2015, 01:24:10 pm »
Hello mga sis.

Sorry hindi pa kasi ako nakakapag backread Im not sure kung meron ng nabanggit tungkol dito.,

Kelan nyo unang naramdaman ang kick ni baby. Madali lang ba siyang madistinguish from gas or bubbles sa tummy? Or si baby na yun?

Nung thrusday kasi parang may pitik akong naramdaman sa lower right ko medyo matagal. Then nawala na lang. Though hindi ko naman inassume na si baby na yun hehe.

Im on my 16 weeks now. September din ang due ko. :)

TIA :)

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #573 on: April 06, 2015, 01:54:17 pm »
Yesterday may 2x na pitik ako nafeel pero when i put my hands around my tummy wala na ulit... But sometimes may na fi feel ako na parang kalabit sa left side ng tummy ko but im not sure kung si baby nga yon... It startedga 16wks din... Pero yesterday talaga na feel ko talaga na medyo malakas na pitik.. But not sipa naman... Im 18wks+4days today...

My niece is here!!! Grabe she's only 2mos and 2wks today.. Pero di na sa kanya kasya yung pang 0-3mos nya yung 3-6mos sakto lang... Hahahahaha!! She's super cute!! Tawa ng tawa even when she's sleeping!! Nagrereaponse na rin when you talk to her... Im calling her ate na kasi paglabas ni baby she's ate na talaga!!! And she smells sooo good!!! I like smelling her mouth... Ang bango!!!

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #574 on: April 06, 2015, 04:13:59 pm »
^sis mabango talaga babies, kakatuwa may kalaro na agad baby mo hehe :)
ganyan din ako sis may mga pitik, di ko naman alam kung yun na nga yun. hehe

@charmed30
no naman sis, kaya lang iniisip ko baka hindi nadin ako makalakad dahil malaki na tyan ko non. sige sis will ask her thanks so much!:D


Hello mga sis.

Sorry hindi pa kasi ako nakakapag backread Im not sure kung meron ng nabanggit tungkol dito.,

Kelan nyo unang naramdaman ang kick ni baby. Madali lang ba siyang madistinguish from gas or bubbles sa tummy? Or si baby na yun?

Nung thrusday kasi parang may pitik akong naramdaman sa lower right ko medyo matagal. Then nawala na lang. Though hindi ko naman inassume na si baby na yun hehe.

Im on my 16 weeks now. September din ang due ko. :)

TIA :)
Uy sis ako din ganyan! yey hindi ako nagiisa haha, sept 6 edd ko and last week may mga pitik din ako na nafifeel. Sabi kasi sa isang group ng mommies, usually nagsstart yan 16 weeks, yung uba naman 20 weeks na. Minsan naiinip na nga ako kinakausap ko sya magparamdam naman samin ng daddy nya. Even my husband nun sinabi ko na may parang pumipitik, pinakiramdaman nya, sabi nia nafeel nia daw. cclaim ko na kayang si baby yon? hahaa :p


bleucharmz22

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #575 on: April 06, 2015, 07:43:56 pm »
Hi mga sis! Sept din edd ko. Re: paggalaw ni baby. Last week habang kinakausap ko si baby sabi ko magparamdam naman sya...bigla ko na lang naramdaman na parang may nag bubbles sa gilid ng tiyan ko twice pa. Kakatuwa lang...feeling ko si baby yun.

Kaso nalungkot naman ako ngayon, nagspotting kasi ako kanina. May nakaexperience ba sa inyo ng ganun?

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #576 on: April 06, 2015, 08:30:17 pm »
Im back! :) nawalan kami ng internet for a while hehe.

Sis @babyniagui and @tintin19: ang saya ng murang crib diba! :) kami din bibili pag labas na eh para if magagamit talaga or hindi :)

@itsnikimendoza: safe naman ata mag travel ang mga hindi highrisk? Pero check with the airline. May sarili silang policy for travelling pregnant women :)

@wowry: hello! :) welcome sa thread! Back read ka sis madami na kami napag usapan dito :) not sure sis if normal yung pain mo, pero i think normal naman? Baka nabibigatan na yung body mo sa weight ni baby. Ako naman wala pa naman nararamdaman na pain maliban sa round pain ligament. :) tsaka pag di nakatulog mg maayos sa likod lang mejo nangawit.

@junebride: ako sis around 18 weeks defined na movements ni baby :) ngayon at 25 weeks malakas na talaga, pero anterior placenta ako kaya sabi ni dra mahina lang daw nararamdaman ko kasi parang pillow effect yung placenta ko. Usually i feel sya sa left side, makulit, nakakalkiliti :) minsan sa right din, naku basta makulit sya pag gising.

@anne01: ang bilis talaga lumaki ng mga babies no? :)) ayoko na nga mag invest sa 0-3 months na damit masyado eh alam ko saglit lang sya magagamit :))

@bleucharmz22: welcome sa thread! :) sabi nga nila maganda na kinakausap si baby para narerecognize na nila ang voice ng moms :) re sa spotting sis ask your ob agad para hindi ka nag woworry.

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #577 on: April 07, 2015, 03:17:29 am »
Naramdaman ko si baby around 15-16 weeks. Tipong may lumalangoy na fish sa loob ng tiyan, I knew na si baby na yun kasi alam ko naman kung gas lang. Ngayon at 23 weeks, ramdam na ramdam ko na siya. Minsan nakikita ko rin na gumagalaw siya, nakaka aliw lang. Tas kapag hindi nagpapantay tiyan ko, usually sa umaga or pagkagising, ang tawag ko Jurassic Park. Medyo weird kasi ichura ng tiyan. hehe  ;D

Nag check ako ng mga rates ng prenatal massages, medyo naloloka ako sa presyo! Pero dahil sobrang sakit ng right balakang ko (as in hirap ako maglakad or gumalaw), and pag nagkaroon ng okay signal si OB, ipipikit ko yung pagmamasahe kahit pa hindi talaga ako mahilig sa mga massage.

Tiana

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #578 on: April 07, 2015, 05:42:42 am »
Hello sisses! Upadate ko kayo, nakapag decide na ako kung kaninong OB ako. Kay Dra Michelle Dela Cruz!

Pinuntahan ko sya sa clinic nya kahapon masaya na ako feeling ko makakasundo ko sya, @arragalang yung OB mo ok din pinuntahan ko rin sa commonwealth kaya lang nabasa ko kasi dito na may sariling ultrasound si dra dela cruz sa clinic nya sa lagro kaya dinayo ko narin! Kahapon nagpacheck up ako inultrasound nya ako kahapon for free! sinilip namin ang gender ni baby, kita agad baby boy! Yung panganay ko tuwang tuwa kasi from the start talaga baby boy ang gusto nya, sabi nya kelangan baby boy ang lalabas sa tummy ko so this is it, boy nga!

Pwede na ako mag shopping ng things ni baby dapat sisimulan ko na kahapon kaya lang ang bad news nakita sa ultra sound na may contraction ako.. :( tinanong ako ni dra dela cruz kung madalas ako napapagod, true naman madalas talaga ako napapagod kasi dalawa lang kami ng panganay ko sa bahay.. Yung nararamdaman ko na konting kirot sa bandang puson or balakang hindi na pala normal yun :( pwede na pala ako mag spotting anytime. Niresetahan ako ni dra ng gamot for 2 weeks para hindi na humilab tyan ko.. Diretso uwi nalang tuloy kami ng panganay ko hindi na ako nakadaan ng SM baka mas makasama pag sinabay ko mamili mapagod ako kakalakad..

@arragalang magkano quote sayo ni OB mo sa commonwealth hosp? Quote pala sakin ni dra michelle dela cruz 40-45 NDS & 70k naman sa CS

Tiana

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #579 on: April 07, 2015, 05:45:34 am »
Hi mga sis! Sept din edd ko. Re: paggalaw ni baby. Last week habang kinakausap ko si baby sabi ko magparamdam naman sya...bigla ko na lang naramdaman na parang may nag bubbles sa gilid ng tiyan ko twice pa. Kakatuwa lang...feeling ko si baby yun.

Kaso nalungkot naman ako ngayon, nagspotting kasi ako kanina. May nakaexperience ba sa inyo ng ganun?


Sis inform mo agad si OB mo na nagspotting ka..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close