watch now

Author Topic: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)  (Read 72249 times)

chaylyn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #400 on: March 22, 2015, 10:33:12 am »
@kymmiiee, tingin nga ako sa SM ng brand na yan. Mura lang eh. hehe saka may warranty naman pala. OO sis yun nga yun, ah maganda naman pala. pa member na nga din ako para may points na. Thank you sis sa info :)


@chrntngrn, ako din sis di ko kasama si bf sa check up eh. nakakainis eh no? haha Di naman din sya pwede mag leave sa work nya kasi nung first check up nagleave na sya. Wala daw kami panggastos. haha loko-loko

Sana may mga sale and mga bazaar pa ngayong year. Medyo tight budget din kasi ako. haha

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #401 on: March 22, 2015, 11:16:28 am »
^True! Maski sa checkups hindi ko siya kasama, hindi kasi tugma ang sked namin sa work, at Saturday lang ang pareho naming off. E hindi available si OB pag Saturday. Kaya pinush ko na talaga yung CAS sa In My Womb kahit ang mahalia jackson para makasama naman siya. Relate din ako sa linyang 'walang pang gastos', sa amin naman ni bf, 'medyo tipid tipid' hahaha! Hindi ko pa nga naitatanong kay OB magkano package niya e. Kaya hoping talaga na NSD at hindi ma CS.

Okay magpa member sa Baby Company, dami ring perks and you get first dibs pag may sale sila. Pwede rin gamitin yung baby registry nila para sa mga magpapa baby shower. Nagpa member ako nung mismong Grand Baby Fair nila this year. So far dahil wala pa naman ako nabibili para kay baby, e yung points na naiipon ko ngayon e mula sa gamit ng niece ko.  ;D

chaylyn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #402 on: March 22, 2015, 11:34:21 am »
^hahaha nakakaloka no? Eh first baby pa naman namin to kay ayun yung lagi kong sinasabi sakanya, wala sya pag mag papacheckup ako. Ako din di ko pa natatanong sa OB ko kung magkano package nya. Ipagpray natin sis na Normal tayong lahat ang hirap ma CS bukod sa mahal ang hirap magpagaling.

oo sabagay hindi lang din naman sa baby ko pwedeng magamit yung Mom Card, sobrang dami ko din inaanak. haha para maka less nadin ako dun :) Thank you sis.

BabyNiAgui

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #403 on: March 22, 2015, 02:53:23 pm »
Hello mga sis! Ngayon lang uli nakabalik at medyo naging busy. 😅

Sa SM Makati nakakita kami ni hubby ng wooden crib, naka 50% off. From 12k nasa 5k+ na lang siya. Gusto ko na nga bilhin kaso ayaw pa ni hubby. Too early pa daw and magkakaroon din naman daw ng mga sale sa mga susunod pang buwan. Pero sa baby clothes, hindi na ako nakapagpigil. Lalo na nung malaman na namin yung gender. 😅 kailan ba dapat namimili ng gamit ni baby? Nanay ko kasi mapamahiin. Dapat daw around 8 months na, mag 6 pa lang ako next week.

Kahapon OGTT ko. Ano ba ang dapat normal values for pregnant women? kinakabahan ako sa sasabihin ng ob ko sa monday pag makita nniya results ko. Though nakalagay sa papel, within normal values naman, sabi sa akin, iba daw yung normal values sa buntis. Wala naman kaming lahi ng diabetes and wala din sa pamilya namin ang nakaranas ng gestational diabetes, pero kinakabahan pa din ako baka ako yung una. Hahaha!

Kailan usually ginagawa ang CAS? So far, maternal doppler (maliban sa regular ultrasound)pa lang ang ginagawa sa kin. (Turned 23wks yesterday)

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #404 on: March 22, 2015, 03:17:04 pm »
@chaylyn thanks sis! Kaya siguro di nabanggit satin ang CAS e dahil di naman tayo high risk at normal naman si baby sa regular UTZ. Inaalok din ako Mom Card, kukuha na lang ako pag nagstart na ako mag-shopping. :)

@BabyNiAgui same tayo ng nakitang 5k wooden crib sis sa SM Makati! Gustong gusto din ni bf yun, tinanong pa nga nya ilang stocks na lang, takot maubusan! 6 na lang natitira... maganda sana kaso hindi convertible to toddler bed e :( 7 months naman sabi sakin pwede na mamili, kaso pano yan may sale SM Makati next week at 6months pa lang ako ::) 24 weeks usually ang CAS pero some nagpapa-CAS na as early as 21 weeks, some as late as 28 weeks.

May isa pa akong gustong-gusto na item sa SM Makati, covertible highchair (Babyco) for only 4k, convertible to low table&chair pag lumaki na si baby. Kaso 6months pa bago kailanganin ni baby yun.

Nabasa ko lang sa net na kapag playpen gagawin mong crib, bibili ka pa din ng mattress at beddings kasi manipis lang yung sa playpen.
« Last Edit: March 22, 2015, 03:25:25 pm by tintin19 »

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #405 on: March 22, 2015, 04:59:20 pm »
@chaylyn, may Mom Card din ako. :) masaya naman sya gamitin, everytime may purchase ako may 10% discount, tapos pag sale yung mall 20% discount. Pwede na. :) diko pa natry mag attend sa mga events nila pero masaya naman daw.

@BabyNiAgui: usually on the 24th week si CAS. :) hingi ka lang request letter kay OB if hindi ka required.

Halos lahat tayo gusto ng wooden crib! Haha! Kami baka magpagawa lang sa local furniture shop, mas mura kasi and naaalter nila yung design na gusto mo. Super mahal ng mga nasa mall. As per playpen vs crib, i asked mga relatives ko na may new baby, si playpen is not helpful pag new baby kasi yung mattress (or support) ata dun is not thick and strong, plus wobbly and not firm unlike sa pag crib mattress naman may nga specific mattress for babies, eh rember yung SIDS na sinasabi nila. Yung playpen din is good pagay toddler kana kasi to encourage yung standing up daw. However, hindi sya ganun ka practical kasi may other ways of teaching kods how to standup/walk/ etc. kaya ayun, hindi rin nila nagamit yung playpens nila kasi nag co sleep sila para mas mabatayan si baby, helpful din daw pag breastfeeding mom.

Ako initially gusto ko talaga ng crib kasi parang ang cute lang :)) pero we decided not to get muna kasi lilipat din ng makati from fairview next year. So I got uratex crib mattress na 3 inches height from Baby Co, itatabi ko sya sa bed ko, naka japanese stule kasi kami na bed, naka elevate sa floor yung mga beds namin. May choices din sa mismong Uratex if hypoallergenic/ dust mites proof/ etc etc. nag hahanap nalang ako ng fitted sheet :) mga sis avoid yung fluffy beddings/ blankets and too much pillow, wag icrowd si baby sa tutulugan nya. Wag magpadala sa mga cutesy stuff at sales talk! Haha! Always be practical sa pag shoshopping. Ang dami kong kilala nag mega shopping at gumastos ng bongga only to findout later on hindi naman talaga need or makakasama sa baby.

loranth

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #406 on: March 22, 2015, 05:52:42 pm »
@arragalang - i feel the same about playpen hindi sturdy like wooden crib..yung convertible nalang siguro na wooden crib to playpen.... my friend bought the Graco playpen, two years old na baby nya at lumulusot na sa playpen kasi napunit na sa gilid hahahaha


chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #407 on: March 22, 2015, 07:41:39 pm »
Yes, sabi nga ni Amalah sa AlphaMom ang need lang daw talaga ng babies lalo na sa first few months: milk at diapers. May mga gears na hindi naman talagang kailangan. Pero syempre kanya kanya naman talaga yan, lalo na pag first time mommy diba, hirap maresist talaga yung mamili ng stuff for baby.  ;D When it comes to bedding, mas konti, the better. And mas advisable to use a sleep sack instead of a blanket. Sa demo nga ng sleepsacks sabi ko, parang kawawa ng baby, hindi makakagalaw pero yun daw mas safe, para maiwasan na mahila ng baby yung mga pillows o kung ano anong anik anik na nasa crib (kung may nakapalagid) or umikot ikot.

I wanted a wooden crib, too. Mga playpens kasi diba may designs lahat, I want na gender neutral sana. Pero my mom is not advisin me to buy one, mas maganda daw mag cosleep lalo pa't balak ko mag breastfeed. When we bought my niece's playpen, mga around 3-4 months na siya nun. Hindi na bumili ng mattress, yung comforter sa bedding set ang ginamit na pinaka foam niya kasi ang kapal. They wanted a playpen para nga daw maiwasan yung mga accident na maumpog kapag wooden crib, e naka dikit din naman yung playpen sa pader, so nung nagsisimula nang matutong tumayo ang niece ko, hindi pa rin naiwasan yung mga bumps. Hindi niya rin naman masyadong nagamit playpen niya pag natutulog dahil cosleep sila.

@BabyNiAgui, hindi pa nagsasabi OB ko tungkol sa OGTT. So far, Tetanus Toxoid pa lang next check up. Yun pala yung OGTT, yung magfafasting ka before the test tas medyo matagal ka sa clinic/lab. When I had my breast ultrasound nung mga 5 weeks ako, nagtataka ako sa mga buntis sa clinic e, ang dami nilang tusok tusok sa arms.  ;D Kapag normal naman yung baby, minsan mga OB hindi na nagaadvise ng CAS. Yung OB ko kasi gusto niya lang din isabay sa gender determination yung CAS para sulit ang bayad.

@chaylyn, oo, nakakainis! Tas minsan magtatampo ako kasi feeling ko wala siyang time sa amin. Hahaha!
« Last Edit: March 22, 2015, 07:44:30 pm by chrntngrn »

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #408 on: March 22, 2015, 08:39:17 pm »
Kelan daw ginagawa yung Tetanus and OGTT? Wala pa din nababanggit sakin si OB about it maliban dun sa mga natapos ko na tests.

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #409 on: March 22, 2015, 08:41:14 pm »
Now im little confused what to buy... I originally want to buy wooden crib.. Pero dahil sa untog untog... Playpen nalang... Now naman playpen is not sturdy.... So so so.. I co-sleep na nga lang si baby!!! Hahahaha!! Since i am planning to breastfeed din naman... Yun lang malikot matulog si hubby kaya gusto ko talaga sa crib or playpen sya...

Sis arragalang... Update us how much yung customized crib mo ha... Tnx!!!

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #410 on: March 22, 2015, 09:39:48 pm »
Get both crib and playpen na lang, and use each for their intended purpose. That's what I'm planning to do. ;D

According to my OB, pwede na ako pa-Tetanus shot ngayon @ 23 weeks, pero 28 weeks ata usually. OGTT 24-28weeks.

How much aabutin pag customized wooden crib? mas mababa pa kaya sa 5k? Yun din una naming balak ni bf since ang daming gumagawa ng furnitures sa area nila, hoping maka-mura, pero gulat din kame may as low as 5k sa malls.

Hay nako nakausap ko Kuya ko na may 2yo girl, sabi nya wag daw ako magbibili ng gamit masyado dahil hindi naman magagamit. Tas bibigyan nya ako playpen, crib na din daw yun. E gusto ko talaga ng wooden crib hmpp  >:(
« Last Edit: March 22, 2015, 10:17:57 pm by tintin19 »

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #411 on: March 22, 2015, 10:17:50 pm »
Dito samin 800-1000 lang yung the usual wood crib. Naka pagkalipat pa namin ako magpagawa. Nakakatuwa nga eh. Hehe, kaso gusto ko talaga ico sleep si baby, i mean may sarili syang crib mattress nakatabi sa mattress ko para di sya nakasiksik samin ni partner ko. :)

Kung trip nyo naman both crib and playpen push nyo yan! Pareho naman may advantages and disadvantages. :)

Mag ask nanga din ako sa shots na yan.

Mga mommies, question, diba ang babies milk lang naman ang iniinom? Pati ba water? :)) kasi yung partner ko sabi sakin kanina gusto nya yung tubig ni baby purified (maarte, ayaw ng pinakuluan) eh sabi ko ha?! Diba milk lang iniinom ng babies sa umpisa? Tsaka gusto ko talaga ipush yung pag breastfeed kahit madami nag sasabi super hirap daw. Hehe saty at home lang muna ako kaya chachagain ko.

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #412 on: March 22, 2015, 10:45:51 pm »
^- wow ang mura!  ;D makapag-canvas na nga din ng wooden crib dito samin.

sabi ng SIL ko gatas lang iniinom ng niece ko for the first 6 months, walang water.

Tas yung niece ko na yun playpen lang meron tas hindi din nagamit. Nag-cosleep lang niece ko sa adult bed the entire time. Ayaw pa nga nila ako pabilhin ng gamit talaga, mapa-crib, playpen, bottles kasi pakiramdaman ko daw muna pagkapanganak. Depende pa din sa bata kung san nya gusto matulog, at kung kaya ko bang breastfeed. Naguluhan naman ako :(

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #413 on: March 23, 2015, 12:18:55 am »
@arragalang, tetanus toxoid kame on my 24th week. Wala pang advise para sa OGTT pero yung nakita ko sa clinic/lab na nag OGTT before e ang lalaki na ng mga tummy, parang nasa late 2nd semester na. Kapag EBP si baby, walang water. Magwater lang pag mag solid food na, which is usually 6 months. I suggest sali kayo sa Breastfeeding Pinays na group sa Facebook, super informative (minsan info overload na chos!). Di ko pa nadadaan yung Breastfeeding forum dito sa GT e, yung BFP page pa lang talaga kasi I plan on mix feeding (BF and bottle feeding), pero hindi pala advisable yun.

@tintin19, usually talaga ganyan advise makukuha natin sa mga may mga babies na. hehe. Wag daw masyado maexcite bumili ng mga gamit, yung iba kasi hindi magagamit. Pero may nabasa ako na new parent, wooden crib and playpen ang binili nila. Ayaw nila mag cosleep because of SIDS, yugn wooden crib nasa nursery, yung playpen nasa living room para sa naps nung baby. I'd have to wait too kung mag crib or cosleep, sabi kasi ng mama ko, pag may anak na daw mas magiging aware ka, so pag natutulog, kahit pa super antok at nakapikit pa mga mata mo, you'd know na katabi mo anak mo.

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #414 on: March 23, 2015, 01:18:47 am »
^- sis bakit di advisable mix feeding?

Ganyan din sana gusto kong setting, crib in bedroom and playpen in living room, para alam ni baby difference ng sleep sa naps and playtime. Can't co-sleep malikot bf, delikado sa SIDS.

Sabay dinidiscourage ako ng Kuya and SIL ko sa pagbili ng gamit, even yung most basic na like crib. :( Partly malungkot na hindi ko maipag-shoshopping si baby, partly masaya dahil laking tipid nga naman.

 Ikaw sis kelan mo balak bumili ng crib/playpen? after delivery ba? Hirap din kasi pag nababasa mo dito nagsisibilihan na ng gamit, tas may pagka-OC din ako, ayoko na sana problemahin pa yang gamit na yan pag anjan na si baby dahil super busy na din tayo by that time.
« Last Edit: March 23, 2015, 01:31:58 am by tintin19 »

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #415 on: March 23, 2015, 02:30:04 am »
^magkakaroon kase ng nipple confusion yung baby, it's better to cup feed ng breastmilk kesa i-bottlefeed. At, yung daddy/yaya/bantay/anyone na mag aalaga kay baby ang dapat lang gumawa nun and pag si mommy na, dapat naka latch lang si baby. Usually pag na confuse na si baby, at mas naprefer niya yung bottle, hindi na siya maglalatch kay mommy, and kapag walang demand, yung body ni mommy e mag stop or kokonti na lang ang supply na milk na ilalabas, dito na darating yung dapat mag pump lang para maka build ng stash kung talagang ayaw na mag latch. Madalas din naman nagbibuild ng breastmilk stash mga working moms.

After delivery na lang siguro ako magdecide if crib or playpen, kasi pag nagsama na kami ni boyfriend for sure need ng crib or playpen. Hindi naman kami malikot matulog ni boyfriend pero syempre better safe than sorry. Hehe

clariego

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #416 on: March 23, 2015, 09:27:31 am »
Hi mga Sissies!


Out of Topic lang.. its my 19th week of Pregnancy today and  yesterday nakastart akong makafeel ng pain sa lower left  ng tummy ko, na nagraradiate sa groin area... i texted my OB yesterday nung mga hapon and ang sani nya is i-observe cia.. no pain naman ako while urinating and blood..
May nakaexperience na rin ba sa inyo ng ganitong signs and symptoms? Thanks in advance sa makakasagot.. :)

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #417 on: March 23, 2015, 09:50:05 am »
hi mga sis feeling ko late talaga ako dito, sept pa kasi due ko. karamihan nakapagpaCAS na! haha, ako May pa. :(

nakakalito naman yang mga gamit ng babies, tapos parang ang hirap magkamali! magbabasa basa nalang muna ako sa mga comments nio dito, since mauuna kayo manganak sakin. hehe :) I have a question though, pano nio minonitor weight gain nyo without compromising your baby's health? minsan kasi nafifeel ko na gusto ko pa kumain, pero busog na ako. hehe.

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #418 on: March 23, 2015, 11:46:55 am »
@chrntngrn: ay oo nakasali na ko dun sa group na yun pero di ko pa masyado chinicheck hehe.

@clariego: ako sis never ko pa naexperience yun mga ganyan na sakit. Kapag lang may round pain ligament dun masaket or minsan si baby pag kumilos ng bongga sumasakit muscles ko. :)

@itsnikimendoza: hehe i feel you sis. Hirap talaga magpigil mamili. Pero nakabili na ko ng mga basic lang na hindi gaano kadamihan kasi magkaka baby shower pa ko kaya di rin ako makapag shopping pa. :)

Madami atang sale talaga sa mga mall for Baby Items. Dito kasi samin sa SM Fairview may baby sale hanggang first week ng April :)

Yung mga basic item na meron ako:
Short sleeve side-tie shirts, pajama, onsies, beanie, mittens, receiving blanket, baby bath tub, baby sponge, pacifier - ayan palang meron, mostly pa i got for free kasi brands send me gifts for my blog reviews :)

Tapos yung baby items on my baby shower:
Baby bottle (tommeetippee), breastpump (tommeetippee), swaddle blanket, clothes for 0-3 months/3-6 months, baby books, toys, cloth diaper /lampin

Then yung naka priority ko bilhin naman next week after ng cas and gender determination:
Crib mattress, fitted sheet, breast pad, rubber cot.

Pagka malapit na manganak dun na ko bibili ng diapers and kung ano nalang yung kulang. Mag aayos and mag rere-arrange pa ko ng room ko pag complete na items ko hehe.

chaylyn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #419 on: March 23, 2015, 01:13:43 pm »
@arragalng, sis ang mura ng pa sadya ng wooden crib sainyo kaya lang ang layo naman samin nyan kung diyan kami papagawa. hehe ang mahal kasi sa mall eh. Maganda din bang idea yung wooden crib na convertible sa toddler bed? kasi db mabilis naman sila lumaki para iwas gastos din, minsan din naman kasi pag toddler na pwede mo na katabi yung baby mo.

@clariego, ako right lower ang madalas sumasakit sakin sis tapos pahinga lang naman ginagawa ko normal naman kasi ako urinalysis ko eh. Saka yung sa karamihan nakaka experience dito lower back pain kapag prolonged sitting naman. Nag advise naba OB mo ng urinalysis? Di ka naman hirap magpoop?(sorry to ask ha :))

@chrntngrn, oo sis. eh wala naman tayo magagawa kesa daw nganga nalang kami pero kasama nya ko sa mga check ups ko. haha Siguro pag malaki na talaga tyan ko kailangan na siyang kasama kasi mahirapan na ko nun. :)

@itsnikimendoza, ako personally pag busog na ko sis tigil na muna ko sa pagkain kasi ang routine ko nyan kakain ako tapos after ilang hours lang gutom na ko agad. haha tapos mag veggies and fruits ka :) Siguro ang isang way dun less salty and less sweets ka nalang muna sis.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close