watch now

Author Topic: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)  (Read 72362 times)

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #360 on: March 18, 2015, 05:38:25 pm »
Galing ako sa OB ko kanina at nagulat ako sa weight gain ko.. 4 kgs in 2 1/2 weeks! Grabe lang.. :( sabi naman ni OB ok lang daw dahil kaka opera ko lang pero parang OA naman yata yung timbang ko. Kailangan ko na magbawas bawas ng kain.

Na experience nyo din ba na palaging gutom? Ako kasi parang every 4 hrs gutom. Kainis lang. Hehe!

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #361 on: March 18, 2015, 05:45:40 pm »
^ haha! Yes sis! Patay Gutom mode na ko nung 2nd trimester hanggang ngayon. For sure sa next visit ko for timbang baka magulat nanaman ob ko.

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #362 on: March 18, 2015, 10:39:26 pm »
Muntik ako pinag bed rest nung first trimester ni OB, pero hindi na lang niya tinuloy kase work from home naman daw ako. Pero kung nagkataon na bumibiyahe ako sa work, malamang tinuloy niya. Pain sa either left or right side madalas, and yes, mula nung nadadalas hilo ko sa mall nung first trimester, lagi na rin ako nagdadala water bottle and mint candies.

Ang difference lang before pag nahihilo ako, pansin ko e kapag medyo 2-3 hours na yung interval ng kain ko. Yung ngayon naman ganun nga, pag nakatayo lang ng medyo matagal makakaramdam na ako ng pains and mahihilo na need ko umupo or else tutumba ako. Tsaka pag like nag aabang ng masasakyan, syempre mausok diba.  Pero pag sa mall, kahit mag lakad lakad ako ng oras hindi ako nakakaramdam ng hilo. Hehe

@charmed30, pwede mag paracetamol? Pag nagkocomplain ako kay OB ng mga pains talagang tablado ako, ayaw mag prescribe ng gamot basta basta. Siguro mga 2 weeks ago araw araw ako mina migraine, sabi lang ni OB matulog ng at least 8 hours, yung mga pains ko daw kasi pwede talagang sa nature ng trabaho ko. So advise lang last check up more tulog, more lamon. So far, more lamon pa lang nasusunod ko. hehe  ;D


Ngayon din pala pag busog ako, parang feeling ko ang bigat bigat ng tiyan ko. Tas parang banat na banat, medyo mahirap gumalaw after kumain. Nung isang gabi nga naaliw ako kase gumagalaw yung belly button ko mag isa, kala ko lang sa paghinga ko. E di hinigit ko pag hinga ko para malaman kung sync sila, nagulat ako gumalaw galaw pa rin yung belly button ko kahit hindi naman ako humihinga.  :D Medyo matagal pa ako maghihintay para itanong kay OB yun dahil next month pa next check up. Nakakaaliw lang yung nakita ko, medyo weird pero nakakatuwa.  :D

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #363 on: March 19, 2015, 12:43:17 pm »
@arraglang apir sis! Sarap kasi kumain e. Hehe!

@chrntngrn safe naman ang Paracetamol pag preggy. Yun nga pain reliever ko after ko operahan. Kaya grabe lang yung feeling ng inoperahan ka pero kailangan mo tiisin yun pain. Conservative lang siguro masyado OB mo. Personally, di din ako umiinom ng paracetamol basta basta unless naiiyak na ko sa sakit or nasa labas ako or may kailangang gawing importante. Kapag headache tinutulog ko na lang pag kaya..

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #364 on: March 19, 2015, 01:20:59 pm »
hello mga sis, just had my check up yesterday. nasad ako ng slight kasi sabi ni ob para sure daw 24 weeks pa ako pwede magpa CAS and gender check! huhu, I was expecting na sana next month na! haha :)
tapos nagdoppler kami yesterday, nun una may super hina kaming narinig na heartbeat, after ilang seconds.. nawala! tapos biglang sabi nun ob bakit daw nawawala. so kinabahan talaga ko! after a while ayun narinig na namin ulit ng malakas. kaloka pinakaba pa ako ng slight ni baby bago magparinig ng heartbeat nia!:)

May question ako, medyo kinakabahan lang ako, I work in a gas station kasi (pero sa office naman) and minsan nakaka amoy ako ng gasoline. syempre todo iwas naman ako pero minsan kailangan ko lumabas to check mga tao namin sa refuelling area.do you think it would affect the baby? :S kailangan ko lang ng answers haha at di ako makapagvent kay hubby, masyado ko daw kasi pinapakaba sarili ko. sabi ko pag preggy ka syempre you want the best for the baby diba!:)

She88

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #365 on: March 19, 2015, 05:47:57 pm »
Hi mga sis, pa join! I am currently 19 weeks and 4 days. Baby boy!  :) share lang ako ng inputs about medications. Ako mula nung na confirm na preggy ako, my ob prescribed duphaston, utrogestan and progynova, lahat sila 3xa day. Tapos after ilang weeks stop na si progynova. Pero yung duphaston and utrogestan ko continues lang hanggang nag 13 weeks ako. So halos buong 1st tri ko puro pampakapit ang iniinom ko. Yung friend ko din with her ob ganun ang reseta saknya. Maselan daw kasi kapag 1st tri. So i guess ok naman sya. Although meron ako mga friends na kapag nasa 3rd tri na sila ayaw na nila uminom ng meds like duvadilan. Pinapahinga na lang daw nila kapag naninigas ang chan. Pero i guess depende pa din sa atin yun kung malakas ba ang loob natin na idaan na lang sa pahinga. Depende siguro sa intensity ng contractions. Mabuti na din ang safe.

Ang kwento naman ng iba kong friend na nanganak na, yung mga nagpapa epidural anesthesia daw ang most likely na cs. Kasi kapag wala kang pain na nararamdaman, wala ka din urge mag push. So ang ending, hindi bumababa ang ulo ni baby at prolonged labor na. Kaya na cs. Pero again, depende pa din yun sa pain tolerance natin kung kaya ba natin na walang epidural anesthesia.

Good luck satin lahat mga mommies! Super excited din ako kasi first baby namin ito. Wala pa nga ako maisip na name hehe! Yung CAS ko naman will be on 2nd week pa ng april kapag 21 weeks na ako.  :)
« Last Edit: March 19, 2015, 06:03:02 pm by She88 »

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #366 on: March 19, 2015, 07:00:48 pm »
@chrntngrn: totoo yan super hirap gumalaw pag busog, tsaka huminga! :)) kaya sa gabi mejo dahan dahan ang kain ko kasi yung feeling sa tummy parang banat na banat. :)) lamon mode lang ako lagi natatakot nga ko ang hilig ko sa mga malalamig. Bawal daw yun sabi ng mga elders?

@itsnikimendoza: ang hirap mag antay ng cas and gender no?! Nakaka baliw! :)) okay lang yan sis, mas okay na pag 24th week na para sure na. Kasi baka yung last mo na ultrasound is to check nalang if naka position na si baby pag malapit kana manganak. Ako matatapos na pag aantay ko sa next Friday. Yipeee!!!
Sis yung sa work mo siguro iwas? Meron akong friend na while preggy sya nagpa paint sila ng bahay, ediba matapang amoy ng paint, eh ayun namatay baby nya kasi toxic yung fumesz ingat ingat nalang or may mask ka. Pagka CAS mo makikita naman yung lungs :)

@shen88: welcome sa thread sis! And congrats sa pregnancy :) ingat ka palagi. Yung nabanggit mo about epidural true nga daw yun, tho i asked my ob, kelangan daw titimplahin yung anes na hindi super strong para makapag push pa din tayo :) pero if kaya tiisin much better - and also mas mura haha!

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #367 on: March 19, 2015, 10:53:21 pm »
@o9kristin, hinihintay ko nga rin si OB mag go signal sa paracetamol, kaso waley talaga. I used to take paracetamol, nung early weeks ng pregnancy ko. A week or 2 weeks kase after ng ovulation week ko, nagkaroon ako ng major pain talaga, tipong 10x more na pain ng usual dysmenorrhea ko. I have a high pain tolerance pero ang sakit nun, so I went muna to our GP then syempre she suspected that I could be pregnant pero she needs to address muna yung kinocomplain kong pain. So inadvise muna ako for urinalysis, and I have UTI nga (recurrent talaga UTI ko). Pero instead of the usual mefenamic acid for the pain, paracetamol and pinaka mababang dose lang pinescribe niya. Feeling ko rin talaga conservative si OB kase bawal magpa facial (even cleaning lang) and wax, to think na parang nasa late 30s pa lang si OB ha.

@arragalang, ang mahirap pa, ramdam mo nang parang banat na banat na ang tiyan mo pero gusto mo pang kumain! Haha! Oo sabi ng mga thunderbirds bawal or iwasan daw masyado malamig kase nakakalaki ng bata. E ang hirap kayang iwasan ang malamig haller, magsa-summer na no.  ;D

chaylyn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #368 on: March 20, 2015, 12:27:50 am »
mga sis, regarding dun sa duvadilan and duphaston. depende naman kasi ata yun sa OB eh, ako pinagte-take lang ako ng OB ko nun 2x-3x daily pag humihilab sya talaga kumbaga as needed lang daw pag di naman na humilab stop ko na. :)

@tintin19, oo nga sis eh, kaloka yung sa company ni sis arragalang kawawa naman sya sayang yung contributions nya pero inaayos naman na ng lawyer nila  :) thank you sis. Mukahng Volunteer nalang nga din ako nito. Punta nalang ako sa SSS next week para asikasuhin.

Katuwa naman yung mga nag pa CAS na. Ako wala pang request OB ko na ganyan samantalang pumunta naman ako kanina sakanya. Huhu inggit ako. Pina CBC and blood glucose nya lang ako eh. (siguro next month pa.) haha

About sa name, nakuuuu wala pa din ako name para sa baby boy namin. Tapos hindi pa din ako makabili ng damit kasi 5th month palang ako. Hintay pa ko 2 months.
 
Nga pala mga sis, SALE sa SM North Edsa kung malapit kayo dun. SALE yung mga pang babies  :D ang sayang lang magtingin. Hehe kakaexcite  :D

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #369 on: March 20, 2015, 02:05:07 am »
^sis hanggang kailan yung sale sa SM North? I wanna go. Gusto ko na unti untiin pamimili kasi ambilis ko na mapagod pag nag ma-mall.

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #370 on: March 20, 2015, 11:23:13 am »
sis... do you have any ideas kung merong/brand nipple na pwede i-use sa avent bottles... ang mahal kasi ng nipples ehh... 2pcs [textspeak!] 300+ n... sabi kasi ng sis ko meron siyang ginagamit sa mga nephews ko noon mga 6 yrs ago  :) :) :)... di nya mataandaan kung ano brand.. sa sm lang niya binibili... i asked yesterday sa sm di daw nila alam....  she bought me starter kit with sterilizer that you can microwave very useful specially when you we travel with the baby and addt'l bottles a canada... super mura lang doon... compared mo dito... kahiya naman kung pati nipples pabili ko....  ;D ;D ;D ;D

mondimonds

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #371 on: March 20, 2015, 01:07:17 pm »
^ for my daughter before di nya natype-an avent nipples pero sayang naman bottles so nireplace ko lang ng pigeon.  okay naman. may tendency nga lang mag leak pag natumba paside ang bottle kasi di sakto sa cover ng avent bottle ang pigeon nipples. Yung Peristaltic nipples ginamit namin before.

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #372 on: March 20, 2015, 07:33:34 pm »
Inggit naman ako sa mga mommies na nagpa CAS scan na and alam na ang gender while kami looking for new ob since nagmove ako and still looking for new ob and sonologist din sana para every check up gaya nung dati kong ob na agad ultrasound. Now I can feel kicks at super nakaka aliw ang likot sometimes di ako nakakatulog kasi sobra ang kicks nya minsan madaling araw and I don't know kung tama ang instinct ko kasi whenever naririnig nya voice ng daddy nya nagpapapansin naglilikot ng sobra. 22 weeks na ko and sana may gender na sa next check up but still looking for ob/sonologist near sa place namin (nasa diliman lang ako anyway). Congrats sa mga mommies na healthy ang babies. Sana si baby ko rin and wishing for a boy hehe.

PS: meron ba dito na 22 weeks na but ang liit parin ng tummy? Normal lang ba na ganun kasi like parang bilbil lang ang laki ng tummy ko sa paningin ko pero others naman sabi nila halata naman na pregnant ako then daddy ni baby sabi parang naging chubby lang ako yet parang ang payat parin ng braso ko. Medyo worried tuloy ako kay baby

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #373 on: March 20, 2015, 07:53:16 pm »
sis... do you have any ideas kung merong/brand nipple na pwede i-use sa avent bottles...

Yung sa niece ko Kindercare na brand ng teats (yung pang macho bottle na size) ang binili nila, sakto naman sa bottle, no leaks. I don't know if it fits kung sa Avent bottle na binili abroad, hindi nila tinry i-fit sa bottles ng niece ko, dun lang sa mga bote na binili locally.


SIDE TOPIC:

EQ Diapers is also having a sampler kit giveaway promo for expectant moms. :) I got a surprise pack today and I decided to put it on my blog in return.

EQ Giveaway:
http://rookiemommyph.blogspot.com/2015/03/eq-diaper-expecting-promo-for-soon-to.html

Also, Huggies' giveaway is still on-going:
http://rookiemommyph.blogspot.com/2015/03/huggies-is-giving-away-free-samples-of.html

Hehe there you go, gotta love benefits of blogging!


Joined! Thanks, sis!  ;)

PS: meron ba dito na 22 weeks na but ang liit parin ng tummy? Normal lang ba na ganun kasi like parang bilbil lang ang laki ng tummy ko sa paningin ko pero others naman sabi nila halata naman na pregnant ako then daddy ni baby sabi parang naging chubby lang ako yet parang ang payat parin ng braso ko. Medyo worried tuloy ako kay baby

Meee!  ;D Mag 21 weeks pa lang kame sa Sunday, pero every time naman chinicheck ni OB fundal height, completely normal naman yung laki (malaki pa nga ng 1 cm madalas). Ni-raise kase ng Mama ko yung concern na yan nung last check up (yup, sumama nanay ko sa ken sa check up haha!) kay OB. Yung fundal height should be equal to how far along you are. So dapat nasa 22 cm ka na. She said it's mukhang maliit (parang food baby lang  ;D ) kasi nga payat ako. Pero syempre for me, malaki na yung tiyan ko, sa ibang tao parang deadma lang. Kaya medyo kailangan pa i-convince mga guards sa cab lane na i-prio ako, hindi naniniwala saken e.

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #374 on: March 20, 2015, 08:12:18 pm »

Meee!  ;D Mag 21 weeks pa lang kame sa Sunday, pero every time naman chinicheck ni OB fundal height, completely normal naman yung laki (malaki pa nga ng 1 cm madalas). Ni-raise kase ng Mama ko yung concern na yan nung last check up (yup, sumama nanay ko sa ken sa check up haha!) kay OB. Yung fundal height should be equal to how far along you are. So dapat nasa 22 cm ka na. She said it's mukhang maliit (parang food baby lang  ;D ) kasi nga payat ako. Pero syempre for me, malaki na yung tiyan ko, sa ibang tao parang deadma lang. Kaya medyo kailangan pa i-convince mga guards sa cab lane na i-prio ako, hindi naniniwala saken e.

Hay akala ko ako lang may ganitong case. Turning 23 this sunday 2 months kami naka missed ng check up kasi we're looking for ob/sonologist since medyo maarte ang daddy ni baby gusto nya talaga hospital pero ako naman want ko kahit medyo malayo basta okay naman ang rates. Last check up naman okay naman sya malaki sya ng konti for his/her age which is okay naman daw ang baby healthy sya and nawala na yung subchorionic hemorrhage ko. Hope next month kasi ayaw ng daddy nya na di sya kasama sa check up sobrang excited sa baby namin ayaw nya ng wala sya sa check up hehe

Harleyporky

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #375 on: March 20, 2015, 08:39:15 pm »
Hi sisses ako naman turning 24 weeks at pansin ko na swelling ng feet ko.Yun left ft ko mas malaki na sa right feet.So onti2 dinidisiplina ko na yun kain ko unlike before  give in agad sa cravings.Now nakaka 1 cup rice na lang ako in a day at karamihan water therapy muna ako.

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #376 on: March 20, 2015, 09:07:45 pm »
@sweet_chloe: me din! :) wag ka mag worry, basta safe and healthy si baby. Wala sa size yan. :) pero kahit maliit ako naiinggit pa din ako sa mga mommy na super halata na preggy sila, para kasing ang daming advantages lalo na sa mga pila. Haha!

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #377 on: March 20, 2015, 09:23:50 pm »
@harleyporky: sis, sabi ng iba pagka daw ganyan lagi daw ielevate yung legs pag nakahiga. Not sure lang if effective sya. Tsaka daw bawas sa sweets.

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #378 on: March 20, 2015, 11:53:10 pm »
@sweet_chloe: me din! :) wag ka mag worry, basta safe and healthy si baby. Wala sa size yan. :) pero kahit maliit ako naiinggit pa din ako sa mga mommy na super halata na preggy sila, para kasing ang daming advantages lalo na sa mga pila. Haha!

Yun nga sis eh minsan ayaw pa maniwala na buntis ka kasi mukhang chubby lang at sa MRT hindi ka nila minsan papapuntahin sa special lane haha. Ewan ko nga eh sabi naman sa ibang nababasa ko lucky daw mga maliliit magbuntis kasi right after manganak mabilis lang bumalik sa figure pero since first baby syempre gusto ko rin mafeel how was it na may para kang bola tapos people can't resist to touch your belly I'm still wearing shirts pero hindi pa tlaga ganun kahalata sabi nga nung daddy ng baby ko para lang daw akong tumaba pero advantage naman daw is that yun nga hindi ka masyadong mahihirapan mag lose ng weight at so far wala pang stretchmarks thank God hehe afraid talaga ako sa stretchmarks pero we may never know biglang lobo nalang hehe. I do have baby bump pero parang compared sa iba shy type pa hehe

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #379 on: March 20, 2015, 11:56:48 pm »
@sweet_chloe, basta mahalaga healthy si baby, okay lang kahit maliit siya. Mahirap din kasi yung sobrang laki, mas mahihirapan manganak. BTW, if first baby talagang matagal pala bago mag show, kasi hindi pa nastretch mga muscles muscles. :)

@Harleyporky, sis arragalang is right, elevated ang feet lalo na pag nakahiga and more water. Actually hindi lang sa 'manas' yun, para na rin maiwasan varicose veins. Sabe ng nanay ko the best daw ang munggo para mawala ang manas. ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close