sis xxIcePrincessxx san ka nagpalit ng outfit? -
gumawa si h2b ng foldable na bihisan.
Tapos 2 dress naman suot ko so mas mabilis magbihis. Wala rin kaming formal formal kaya mas madali magbihis. totoo ba na bawat tawid daw sa bamboo make-shift bridges may bayad daw? -
Hindi namin ito natry pero iyong naghahatid sa kabilang side, 20/each/way.May fee ba to shoot sa wawa dam? -
YES. Naloka ako sa dami ng naninigil.
barangay fee - 500
tourism fee - 500 (800 daw ito, binigyan lang kami ng discount)
entrance & parking - 20/each
cottage - 200parking ulit - 20/each (sila daw ang nagbabantay para hindi galawin ng mga bata. hindi na nga sana ako magbabayad kasi db nagbayad na nga kami, eh sabi ni h2b bayaran na para matapos lang.
Iyong sa cottage, namamahalan ako! So tinanong ko sa tourism if ganun ba talaga rate nung cottage. sagot niya sken,
"Ay mam hindi ko po alam, sila po kasi ang nagtatayo nun." Kaloka! So kung maisipan nilang 500 na! Tsk.
May kasama kaming guide. Taganood. Ni-hindi nga nag offer na magbitbit kahit isang plastic e. Volunteers daw sila, so kayo na bahala kung magkano iaabot ninyo.
Tips if dito kayo magprenup:
1. Mag-warm-up! Haha! Sakit ng binti ko kinabukasan. Halatang hindi nageexercise.

2. Double check lahat ng dadalhin before umalis sa parking. Malayong lakarin din kasi if babalikan pa ang naiwan. Huwag gumaya smen. Naiwan ko ang food at baso! Dala namin tubig kaso wala ngang baso. Buti mabait sila photog, pagbalik sa parking kami kumain.
3. Iask si Photog if nakapagshoot na sa Wawa if not advise si photog na mabato (hindi lang mabato, kundi malalaking bato! ), madulas, mahabang lakaran, ang Wawa. Huwag ulit gumaya smen! Haha!
2 days before the shoot lang kasi kami nakapagdecide sa final location. So pagdating dun, nagulat si Photog!

Buti na lang game pa rin sila. Iniwan na lang nila ibang gamit nila sa sasakyan kasi mahirap nga bitbitin.
4. Mag-ocular. Iba ang mga nakikita sa photos sa totoong buhay.
5. Mag-ingat at enjoy!
Recommended ko ba? Yes if willing kayong mag-akyat-baba sa mga batuhan. Hindi pwede rito ang kulitan, maling tapak lang, duguan!
Sis rikki21 -
Ito pictures namin.

Pasintabi sa mga kumakain!

After ng prenup, binigay agad samen ng copy ni BHD. As in NEF files pa! Haha! Kami na atat!

Kami nalang nagconvert kaya unedited yan.
