watch now

Author Topic: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)  (Read 44690 times)

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #320 on: December 15, 2014, 11:33:02 am »
Ainge & cess - kakaloka kayo! Hahaha. Inggit ako. Huhuhu. Ako konting kibot, mega pagod after. Hahaha. Papalakas lang ako ng konti at papalipasin Christmas rush. Puro food na nga lang panregalo ko ngayon. Kasi di ko talaga kaya makipagsabayan. Huhuhu

naeexcite nako sa gender determination! Parang gusto ko paultrasound now na! Hahaha. Kaso lang baka di pa ulet makita. Antay na lang ako sa 29. tee hee!

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #321 on: December 15, 2014, 11:59:20 am »
Welcome sa mga new preggies and congrats! :)

Nakakatuwa naman na parami na ng parami yung nakakaalam ng gender. kakaexcite! :)

@eleine sis be strong, we'll continue praying for you and kay baby.

@ainge88 and @cess - hahaha kasali ako sa tigas ang ulo club nyo na yan. hahaha yesterday galing ako sa isang crowded na mall at nagiikot pa. tapos kaninang umaga nakipagbalyahan pa ko sa jeep ang hirap kasing sumakay. grabe parang ayoko ng magtrabaho pag ganyan lagi ang umaga :( nasiko pa ng kung sino yung tummy ko, buti yung upper part lang for sure hindi si baby yung tinamaan. napamura nga ako eh.hay...

@ystariray kakainspire ang story mo sis. matinding dasal at discipline talaga ang ginawa mo. kung malakas si baby dapat mas lalong maging strong tayong mga mommies para sa kanila.

re OGTT sa January pa ko. kinakabahan tuloy ako may lahi kasi kaming diabetic at ang hilig ko pa sa matamis. sana maging ok lang lahat

bhey0624

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #322 on: December 15, 2014, 12:13:20 pm »
Hello mga buntis!

@sachism, congrats sa baby boy!

@eleine, baka pwedeng more than 2 days ang sick leave? di pa ba considered as high risk ka? ingat ka lagi sis! praying for you and your baby

re Christmas rush, present ako dyan! ahahaha nung friday, nasa mall kami from 12:30 pm to 11 pm lol. sumakit ang paa ko ng bongga. the following day, balik ulit kami ahaha pero saglit na lang yun, mga 3 hrs lang kami nag ikot hehe.. at kulang pa rin ang pangregalo namin ha! kakaloka.. pero may gifts na kami for the kids :)


ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #323 on: December 15, 2014, 12:17:38 pm »
Redhuman - pasaway club ka din pala. Naku! Tamaan na lahat wag lang tsan! Very careful pa din ako sis, kasi kahit nagheal na prone pa din ako sa preterm labor and premature rupture of membranes. Kaya ingat pa din. hehe. Pero mas nakakagalaw nako ngayon. Mahirap din kasi na todo sedentary lifestyle at baka magkasakit naman ako ng iba. Nakakapagluto nako ulet. Pero more on upo upo. Hahaha. Tamad na cook ang peg. Pero ang linis nag bahay si hubby pa din.

naku lalo kaexcite talaga gender lalo na at madami ng nakakaalam! Naatat ako lalo! Minsan pa para akong ewan. Tinatanong ko si baby.. "baby, boy ka ba?" Then antay kung gagalaw.. "baby, girl ka ba?" Then antay ulet. Hahahaha.

More on langoy langoy ang movement niya ngayon. Parang may tilapia sa loob ng tummy ko. Hahahah

zira

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #324 on: December 15, 2014, 01:13:12 pm »
hello mga buntis and warm welcome sa mga new members!

eleine - pahinga ka sis baka nga stress ka na sa work take time to rest and pray and pray ang pray.

Re: pasaway club - kasali ako dito last thursday imbis na umuwi agad after office nag mall pa ako hanggang closing ikot ako ng ikot habang nglalakad di ko nararamdaman pagod pero nung umupo na ayun grabe na sakit ng binti at likod. tapos mall ulit ng saturday nagpunta pa kami sa sale ng toys ng morning then lunch lang tapos mall naman. kahapon nagpunta naman kami ng bicutan at naglinis pa ako ng room. pag may nararamdaman ako ng kahit konting kurot lang hinto muna ako tapos kakausapin si baby na maglilinis lang ang mommy para masarap ang sleep namin at buti nawawala naman agad.

Re: CAS and OGTT - sa saturday na din kami. sabay tayo ainge. think positive ako sa result. sa clinic lang din kami magpapagawa pareho kasi mas mahal sa hospital tsaka recommended naman ng OB yung clinic.

congratulations sa mga mommies na alam na gender! :D

bhey0624

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #325 on: December 15, 2014, 02:25:05 pm »
nakakaramdam ako ng itchiness sa tummy ko today  :(
nooooo! too early pa to have rashes  :'(

ytchie_cherille

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #326 on: December 15, 2014, 09:33:28 pm »
joycedreyes - ah ganun ba thank you sis

hayne22 - sis nagtanong ako nun sa laybare 1st tri pa lang ako nun hindi ka nila tatanggapin pag wlang doctors certificate :(


grabe ang dami na palang magpapa CAS at OGTT ngayong december sana malaman na natin ang gender mas mura nga ata pag january mamili kesa ngayong pasko hehe,

RE xmas rush: grabe hindi na din ako makatagal sa mall nung dalaga pa kahit maghapon ako sa mall kering keri ko yan ngayon hindi na ang sakit na ng balakang ko haay at eto pa ang sakit ng tuhod ko di ko nga alam kung rayuma eh meron ba sa inyo sumasakit din ang tuhod? nilagyan ko lang efficascent oil at hot compress heheh pwede ba efficascent satin? ay naku ang sakit kasi talaga! :(

madami na din akong nararamdamng fluttering fluttering sa tummy hahaha yun na ata yun minsan makulit minsan naman tahimik lang lol, pero pag nag sa sound ako tumatahimik sya mahilig ata sa music baby ko hehe!

hayne22

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #327 on: December 16, 2014, 02:18:18 am »
anong week ba dapat mag pa CAS?

Dacian

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #328 on: December 16, 2014, 07:21:52 am »
may rashes ako, huhuhu.  ano nilalagay niyo sa rashes niyo?  next month pa kasi check-up ko with ob.  puno na schedule niya.

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #329 on: December 16, 2014, 07:29:03 am »
hi ladies,

sa thur may schedule ako sa OB ko, I will ask her about OGCT/OGTT din kasi dati nga pumalya un OGCT ko kaya nagpa OGTT pa ko, eh ang hilig ko sa chocolates ngayon sobra, at sa halo halo...(in fact ngayon ang almusal ko, black forest cake, di ko maresist)...

saka un CAS ang sabi nun OB ko last time na nagcheck up ako, sa first week of January na daw...super excited na talaga ako malaman...di pa din ako nakapamili ng mga infant clothes, after na lang ng CAS, tiis tiis muna, kahit shopping na shopping na ako....


FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #330 on: December 16, 2014, 07:55:31 am »
sis dacian, PUPPP ata yan...ako di pa nakaranas, pero un co-worker ko before nagkaron cya ng ganyan, nilagyan lang din nya ng HHN sunflower oil...o kaya mixture ng oatmeal at honey with konting water, pag bago cya maligo...nawala naman daw....

takot kasi un mag cream na galing sa botika

tet_18

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #331 on: December 16, 2014, 08:26:05 pm »
hi mga preggies! Daming kelangan i-back read dito  :D

I just visited my OB this morning and so far ok naman si baby... was able to hear the heartbeat na through doppler.  kaso may anemia daw ako sa load pa more on iron.  nagkameron din ako ng heartburn lalo na sa gabi kaya binigyan na din ako ng tums for relief.  ang ok lang talaga is nag gain ako ng 1 pound YEY!!! yes, achievement na para sa akin yung 1 pound considering na i was diagnosed with HG kaya super saya ko talaga kahit isang guhit lang yan! hahaha!

next visit ko is by next year na parang mga 20weeks na ako nun. hay, salamat at guminhawa na ang pakiramdam ko as compared nung 1st trimester.

pero, kelan ba pwede malaman ang gender and kelan ba kelangan gawin ang CAS?

sachism

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #332 on: December 16, 2014, 11:06:25 pm »
@pasaway club: hahaha! Nakakainggit! Laki na tyan ko. Feeling ko malakas nako at kating kati na magmall. Wala pakong gifts kina inlaws. Musta naman traffic? House, sundo sa school ni eldest lang ang beauty ko :(

@eleine, take it easy sis. Kahit sick leave with no pay na kamo. Important na safe kayo ni baby.

Re kati ng tyan, hahaha.. dati plan ko pa mag gloves sa gabi para d ako magkamot habang tulog. Lol.

Takot ako sa manas! Hahaa.

Plan nyo ba mag baby shower?

Ang super super shonget ko na din. Wala ng glow. Parang ang dry :(  Ayaw tumalab ng make up. Lol. Nakapamili ba kayo gamit ni baby? Pls share sis kung may sale :)

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #333 on: December 17, 2014, 06:43:56 am »
Sachism - relate ako jan sa shonget at walang glow! Huhu. Akala ko ako lang nakakafeel niyan.

Re : baby shower - nagsabi na yung panganay na ate ni hubby na magthrow siya ng baby shower for me. Ako i want it very simple get together lang. :) family and very close friends. Anong month ba nagpapa baby shower?

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #334 on: December 17, 2014, 08:26:24 am »
^Di kayo nagiisa jan mga sis! hay... minsan gusto ko ng goodvibes pero most of the time parang lagi akong naghahanap ng away.hahaha

Re baby shower: gusto ng mga friends ko dec 30 ang baby shower ko, pero exclusively lang for them. parang depende sa group of friends ko kung magbbaby shower.hehe di ko rin kasi alam kung anong gagawin and baka ma-stress pa ko. sa family ko naman hindi uso yan :(

23 weeks na si baby and medyo nabibigatan na ko pag naglalakad

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #335 on: December 17, 2014, 08:46:26 am »
Redhuman - yun nga din worry ko sa baby shower. Ayaw ko din mastress. Hahaha. Pag may mga ganyan pa man din punong abala ako lagi. Hahaha. :) pero since SIL ko naman magorganize, less stress naman siguro. Pero simple lang talaga gusto ko.. Naku, ako at 19 weeks mejo hirap na maglakad. Haha. What more pag malaking malaki na talaga. hehe!

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #336 on: December 17, 2014, 09:01:19 am »
@ystariray swerte mo sis! ipaubaya mo nalang kay SIL ang stress.hehe napressure nga ako nung sinabi nilang dec 30 kasi kailangan before that day alam ko na ang hehe

re glow: ang arte arte ko pala ngayon panay ang mukup :P kaso parang walang talab. di ko din ramdam ang glow.  :-\

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #337 on: December 17, 2014, 09:07:19 am »
Redhuman - sa 29 din ba gender determination mo? Ako din nagaayos na ulet haha. May gana nako, pero wala din talab. Kahapon nakakatawa pa. Naiyak pako. Kasi naiwan ko sa kotse yung kikay kit ko. Eh sa 4th floor pa ng  kabilang building nakapark yung kotse. Tinatamad kunin ni hubby. Naiyak ako talaga, hahaha. Sabi ko, "andaya mo! Ayaw mo kunin! Gusto mo ikaw lang ang blooming." hahaaha. Nakakatawa, parang bata lang. Si hubby kasi talaga ang may glow. Siya ang blooming. Andaya!

zira

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #338 on: December 17, 2014, 01:11:24 pm »
ystariray - haha natatawa ako sayo at the same time nakakarelate!!

buti nga kayo marunong mag mukup ako hindi so paano pa ako, wala na ngang mukup wala pang ka-glow-glow talong talo! kanina nagpicture ako whole body dapat yun (yun yung belly shot na pinost ko sa fb group) kaso nainis ako sa mukha ko kaya power crop na lang. haha

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #339 on: December 17, 2014, 01:31:59 pm »
@ystariray nakakatawa naman yun sis. ang layo pala nung pagkukunan, na feel ko si hubby mo.hahaha pero totoo din yung maliit na bagay lang madali na tayong umiyak. hehe

@zira oo tama sis, sa ngayon off limits muna ang mukha.hahaha

di parin nawawala yung dry cough ko. Claritin yung inadvice sakin ni OB in case na allergy lang sya kaso mukhang ubo talaga. gusto ko home remedy lang eh, sabi nya pacheck daw ko sa pulmo. may alam ba kayo sis na effective na home remedy? ang alam ko lang so far is salt and warm water, tapos honey and lemon. mamaya ko palang gagawin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close