watch now

Author Topic: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)  (Read 44583 times)

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #240 on: December 09, 2014, 12:09:13 pm »
Quote
Sis eleine, 4 weeks ago, mga 14 weeks nga ako nun nung nakita yun. As in binalik balikan pa nung dalawang OB-sono tapos tinawag na OB ko. Kinabahan ako nun sobra, tapos ayun nga, ovary ko pala sya.. Baka ganun lang din yung sayo? Ano pala ginagawa mo sis nung bigla ka nag bleed? Nothing stressful naman?

sis Cess: same tayo na nakita ng 14 weeks. sana nga shadow lang ito or wala lang. meron pa rin ako brown spotting hanggang ngayon, pero konti na lang.
actually, wala ako ginawa kakaiba nun, walang strenuous activities. wala din ako nararamdam bukod sa mild cramping. maaga pa nga ako natulog nun eh. kaya nagulat talaga nung nagising ako na parang basa pakiramdam ko tas pagcheck ko sa undies ko, meron na dugo. ewan ko lang kung pwede factor yung stress, kasi days before nun asar talaga ako kay hubby. tsaka nahuli ko kasi siya na nagyosi kaya galit na galit ako sa kanya. yun lang naisip ko na kakaiba eh.

sis ystariray, sis ainge88, sis redhuman14: papa second opinion talaga ako. try ko kung pwede ako makapunta clinic maya.

re gender: excited na ako malaman din yung sa baby namin. last Sunday kasi nakatalikod siya eh. spinal cord lang nakita ko. hahaha

re fetal movement: meron na ako nararamdam parang popcorn sa lower belly, pero hinde ko pa sure kung si baby yun or gas lang. hahaha. tas eto twice na nangyari sa akin, sanay kasi nakadapa matulog eh. nung minsan ganun pwesto ko, meron ako naramdaman na kumislot. nung minsan naman meron parang pumipitik. si baby ba yun? hahaha. pag nagchange position ako nawawala. mukhang ayaw niya nakadapa ako. hehe.

re cravings: ako naman pag may nakain na bawal, after nun saka ako mag google ng mga effects hahaha. parang sira lang. pero basta may gusto ako at meron naman dito or madali lang hanapin/bilhin. kinakain ko naman. ang sakit sa ulo kaya pag hinde mo nakain. tsaka kahit ano kainin ko nun hinde ako nabubusog.  :-\

 

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #241 on: December 09, 2014, 12:21:44 pm »
Eleine- basta wala kang urge to fart after, si baby na yun. Hahaha. Yun ginamit ko para madistinguish. Pero malamang siya na yun. Ansaya noh. Baka naiipit siya kaya nagagalit. Hahaha. Naku sis, bawal tayo mastress. Sabihin mo kay hubby wag pasaway. hehe

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #242 on: December 09, 2014, 12:27:18 pm »
^^ ay after naman ng ganun feeling, hinde naman ako nag fart. so si baby na nga yun. hehe. nakakatuwa. hinde siguro siya comfortable sa ganun position ko kaya nagpaparamdam.

naku, sinabihan ko na siya. sabi ko pag dinugo ulet ako humanda siya. hahaha. feeling ko nga maselan ako magbuntis, sabi ko sa kanya last na niya ito. hehe.

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #243 on: December 09, 2014, 12:28:42 pm »
@elaine26 ilang weeks ka na sis? malamang si baby na yan! :) dumadapa ka pagnatutulog?! maiipit si baby nyan. ako tagilid nalang eh pero originally padapa din ako matulog, mahirap magadjust :(

@ystariray 20 weeks sis. nakaclose legs din kasi si baby. best nga daw is 6mos para macheck ang gender pero swerte narin if nakaopen legs ni baby pag tinamaan ng US on an earlier check. Yung 3D sis yun yung view ni baby na 3 dimensional kung baga pati flesh nya kita kaya alam mo na itsura nya. 4D is kasama movement :)

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #244 on: December 09, 2014, 12:32:59 pm »
^^15 weeks pa lang ako. kaya medyo nagdududa pa ako kung si baby na ba talaga yung nararamdaman ko hehe. patagilid na ako matulog,pero pag napapasarap siguro kaya ako napapadapa. iniiwasan ko din yung naka flat likod ko. hirap nga mag adjust.

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #245 on: December 09, 2014, 12:40:37 pm »
hi guys, musta? wala bang nabagyo sa inyo?

re: baby movement, nakakaramdam nako ng movements ni baby pero mahina pa lang...un parang lilipat lang cya ng pwesto....

ang gusto ko ngayon kainin lagi eh matamis...goodluck baka gestational diabetes na labas nito....saka cravings ko din un SnR roast chicken, kaya nga sabi ng asawa ko eh pede naman daw chooks to go bakit sa SnR pa

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #246 on: December 09, 2014, 12:53:45 pm »
@FayeP hahaha! may lasa kasi na dun mo lang mahahanap eh. ganyan din sakin yung cake na gusto ko boiled icing dapat ang gamit hindi yung ordinary cake lang.hahaha kaloka ang cravings!

Mga sis specially dun sa may work kelan kaya ang ideal date para mag ML?

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #247 on: December 09, 2014, 12:53:58 pm »
Redhuman - ahh! So 4D video na. Naku magkano naman kaya. hehe. Pasuspense mga anak natin. Nagtatago pa. Sana makita na next ultrasound ko!

Eleine - siya na yun. :) magsanay ka na ng side lying. :) pag malaki na tsan natin, best ang left side lying. Pareho tayo maselan magbuntis. Pero ako gusto ko pa ng isa. Pero rest muna after nito. Haha

FayeP -masarap naman kasi roast chicken ng S&R. Haha. :)

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #248 on: December 09, 2014, 01:03:43 pm »
sis FayeP: natakam tuloy ako sa pizza ng S&R! waaaa!

sis ystariray: nakakatuwa nga maramdaman! nung sinabi ko kay hubby, parang deadma naman siya. akala siguro nag iilusyon lang ako. hahaha. kami gusto namin 3 or 4. sunod-sunod nga sana kasi 32 na ako next year. pero baka umisa pa kami after nito. hehe. sana worry-free na mga susunod naten weeks, para ma-enjoy na naten ng bongga ang pregnany naten.  :)

re ML: share ko lang yung case ko dito, since expat ako at single contract. hinde ako entitled sa ML. gagamitin ko pag nanganak ko is Annual Leave. tas kailangan ko pa gumawa ng memo at magseek ng approval sa CEO na magwork ako until yung day na manganak ako. yung first day ng AL ko, yun date ng delivery ko. hahaha. kaloka lang di ba. kaya yung mga kasama ko dito manganganak na lang andito pa sa office.

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #249 on: December 09, 2014, 01:34:36 pm »
@eleine sis si baby na yun! basta sa lower abdomen :) parang ganun rin ako, yung may bumabalikwas sa tyan ko hehe tsaka popcorn! pero palakas na ngayon week compared nung una.

@redhuman sis ako sasagarin ko ang ML ko. hehe bale sa May 5 ang edd ko, depende sa progress ko kunware naka 1cm na ako a week before mag file ako ng VL ng 1 week tapos right after nun maternity leave ko and then another 1 week after para extended yung ML ko. or kontsabahin ko si OB na magsulat ng medical certificate na hindi pa ako pwede pumasok due to some reason hehe parang naiiyak ako pag iniisip ko balik work na ako eh, ang liit pa ni baby. :(

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #250 on: December 09, 2014, 01:49:38 pm »
Eleine - kakaloka naman pala diyan! Ilang days naman annual leave niyo? Pag mas malakas na galaw ni baby mas maappreciate na ng hubby mo. Yung sakin lagi pinapakiramdaman ni hubby, pero once pa lang niya napakiramdaman at sabi niya mahina lang at parang pintig lang daw pala. Samantalang sakin malakas na sa pakiramdam ko. Haha. Ganun ata talaga, tayo muna makaappreciate. :)

Ainge - ako din sis, kung smooth sailing naman 3rd tri ko, sagarin ko din ML. Bakit kasi ang iksi ng ML sa pinas. Kahit man lang 6 months sana para di mahirap mag EBF. Hay.

bhey0624

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #251 on: December 09, 2014, 04:23:37 pm »
@eleine, ang hirap naman nyan :( single din ang contract ko nung una but as soon as i got married and pregnant kay eldest, pinapalitan ko na para macover ang maternity ng medical insurance namin. although, ang alam ko is mandatory dito sa abu dhabi na covered ng company medical insurance and maternity pag married na. i hope wala naman ng maging issues sa pagpapapirma sa CEO nyo. and i'm glad ok kayo ni baby :) relate din ako na pag ibang lahi ang ob, sasabihin lang sayo "no problem" lol

re ML, 45 days lang dito sa UAE, mapa normal deliver or CS ka :( but what to do, kelangan kumayod kasi daming gastos!

re baby movements, inggit na ko sa inyo. but konting tiis na lang, makakaramdam din ako hehe


eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #252 on: December 09, 2014, 04:32:26 pm »
sis ystariray and bhey0624: kaloka talaga dito. 30 days AL leave meron ako. pero sakto naman kasi sa June meron EID holiday dito, mga 2 weeks din yun.

wala naman problema sa pagpapapirma. buti na lang. hehe. buti pa jan sis bhey, pwede magchange status. dito pwede rin naman. pero yung benefit group hinde eh. not unless mapromote ka. kaya hinde covered panganganak dito. buti na lang may nahanap na kami hospital, nasa 16k lang ang NSD. pwede na yun.  :)

asar yung "no problem" lagi na comment di ba. tsaka "nothing to worry" ang favorite line nila. pagdating kasi ng 20weeks dun pa lang nila kino-consider na viable ang pregnancy mo dito.

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #253 on: December 09, 2014, 04:54:36 pm »
Bhey - ilang weeks ka na sis? Malapit na din yan. Ngayon looking forward ako sa movements niya. Pag behave siya, kinakausap ko para magising. Haha. Ewan ko kung nagkakataon lang.

Eleine - magkasama ba kayo ni hubby diyan? Or magkahiwalay ng lugar?  Yung barkada ko na nasa qatar naman, ganyan din siya, di panatag pag ibang lahi ang tumitingin.

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #254 on: December 09, 2014, 05:01:40 pm »
^^ ako mula nung naramdaman ko na. tnry ko yung iinom ako ng malamig na tubig tas saka hihiga sa left side. effective daw kasi yun para magising si baby. hehe. pero sa case ko hinde pa kasi maaga pa masyado. gumagalaw siya pag hinde ko ineexpect.

wala pa si hubby dito, nasa pinas siya ngayon nagprocess na ng papers niya papunta dito. baka January andito na siya. finally, hinde na kami LDR.

ewan ko ba, parang hinde kasi magagaling ang mga doctor na Middle Eastern eh. sa cramping ko nga binigay na gamot Panadol (Acetaminophen) eh. sa lahat ng sakit dito yun ang binibigay lagi. hahaha.

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #255 on: December 09, 2014, 05:09:35 pm »
Pero infairness sis, kahit LDR kayo nagkababy agad. Apir! Ako naman next year ang LDR for 5 months. Pero ok lang, ganun talaga. :) Pag medyo tumagal na mas madalas na at medyo mararamdaman mo na pagalaw na siya ulet. :)

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #256 on: December 09, 2014, 05:24:14 pm »
^^nagkataon kasi na napilay siya nun kaya nagleave ako para alagaan siya. dapat 2weeks lang kami magkasama, naging 1.5months. 6 weeks siya hinde makalakad. pero nakabuo pa rin kami. hahaha. kaya nagtataka mga kasama niya sa work pano daw kami nakabuo. hahaha. OMG moment ito!

di bale sis, tagal mo naman siya kasama ngayon. tsaka saglit lang kayo mag LDR. ang bilis lang ng panahon ngayon. ilang kembot na lang 2015 na eh. hinde naten namamalayan, labor stories na topic naten dito sa thread. sana lahat tayo eh full term mga babies naten.  :)

bhey0624

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #257 on: December 09, 2014, 05:45:48 pm »
@eleine, LOL sa "no problem" and "panadol". ako personally, ayoko nagpapacheckup kasi wala akong tiwala sa kanila. nagpapacheckup lang ako pag buntis ako kasi wala naman akong choice, syempre i have to make sure na ok si baby... at ang sarap ng Eid holidays nyo! inggit ako ahaha..

@ystariray, based sa last US, 10 weeks ako now pero kung LMP dapat 11 wks. maya checkup ko, we'll see kung ilang weeks talaga ako hehe.. oo nga, onting tiis na lang mararamdaman ko din siya. enjoy ko na lang muna ang 2 kids ko :)




annamarie88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #258 on: December 09, 2014, 05:51:33 pm »
Sis ystariray pinapadagan ko nga kay hubby. Ang sikip kasi sa couch/bed pag andun sya tapos tigas. Azar hehe komportable ba si bebe sa baby wrap yung parang mga tela? Dati kasi alam ko lang yung parang mukhang matibay na pangcarry kay baby eh.. nakakita ako ng co-sleeper sa baby company ba yun, isip pa namin kung yun or yung graco na crib ganda kasi.  Mas gusto ko din yung mukha akong buntis pag nalabas para special sa mall, dress lang talaga gusto ko hehe

Sis ainge i have eczema. Bumalik dahil sa mga kinakain ko. Tiis ako 2 weeks palaki na sya ng palaki at nagtutubig grabe kairita. Nung una small circle lang, naging kasing laki ng 5 peso coin. Tumakas ako kay hubby, nilagyan ko dermovate. Edi gumaling. Hay. Hehe ako i'm craving palagi sa lamb gyro ng cyma. Masarap chicken caesar salad sa tender bob's promise haha

Aww sis dacian i hope maging okay ka na. Tnry ko iwan panty ko, wala langgam. Pero lagi kasi ako nakanapkin for discharge and sneeze pee. Hehe

Sis bhey, yes 3 lang everyday. Tinatamad din kasi ako magbalat. Hehe bat ayaw mo na nung steroid mo for eczema? Strict ng ob ko, ayaw ako pagamitin. Ayan tumakas ako bleh 2x ko lang nilagyan edi gumaling. Pero tagal ko tiniis na palaki ng palagi. Gosh

Sis faye kami next year na ayusin room ni hubby sa house nila pag malapit na ako manganak saka wala pa sya pera daw. Need namin linisin at palitan ng gamit dun. Haha oc lang

Sis redhuman buti ka pa nakapagpa CAS na. Tagal ko pa. Hehe dami ko din discharge pero yung utrogestan yun kasi milky kaya lagi ako napkin. Haha nagtaka nanay ko bat daw lagi ako suot nun kaya akala nya something's wrong. Saka pag sneeze kasi ako hay kasama wiwi. Tamad ako magkegel kyeme.

Sis eleine hope you're okay na. Ano daw kaya cause nung blood?? Pasecond opinion ka sa magaling hehe

Sis cess, mejo nabother lang ako sa sono/ob na hindi agad madistuingish kung ovary ba or bukol yung nakikita nya. Hmmm   Dati nung hindi pa ako nakakapacheck sa ob ko sa st lukes kung positive pregnant ako, nagpa u/s ako dito samin. Sabi ng sono aba twins daw amp. Ayun sabi ob ko sac lang daw yun. Imagine. Pwede sila magkamali ng ganun. Naisip ko din paano pag yung iba sinabihan na may vanishing twin edi parang stress yun tapos hindi naman pala. Nashare lang haha

Sana pagbalik namin bukas makita gender, gustong gusto ko na malaman. May names na nga kami kung girl/boy. Ayoko din ng 3d/4d extra gastos saka parang hindi ko din makita kung sino kamukha eh hehe
Nahihirapan ako matulog, minsan ayoko na nga magsleep eh. Hirap kasi hanap pwesto. Iisa pa din kami right after, para pwede na magpasexy ulit. Hehe

Safe pregnancies to us! :)

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #259 on: December 09, 2014, 06:07:49 pm »
Eleine - ah, napilay pala. Aba! Walang kawala talaga. Haha. :)

Bhey - same tayo sis, advance ng 1 week ang LMP ko compared to EUS. Pero consistent naman growth niya. :)

Annamarie - dati andami kong misconceptions regarding wraps. Na baka masakang. Na gusto ko dati front facing. Sumali ako sa fb group na baby wearing philippines at andami ko natutunan! And gusto na namin ibaby wrap si baby paglabas. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close