watch now

Author Topic: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)  (Read 44488 times)

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #40 on: November 25, 2014, 04:34:13 pm »
@betsyness congrats! nalaman mo na agad! gusto ko rin ng baby girl. hahaha crossing my fingers para this saturday.hahaha

bhey0624

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #41 on: November 25, 2014, 04:49:01 pm »
@betsyness, congrats! galing alam na ang gender :) and yey! may classmate na rin ako hehe.. 3rd baby ko na rin ito  ;D ako naman gusto ko ng boy :D

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #42 on: November 25, 2014, 05:47:51 pm »
congrats betsyness!  :) :)

naiinggit na talaga ako na naeexcite! hahaha. mukhang ako ang last na makakaalam ng gender sa atin. ako pinakalast based sa EDD eh. natempt tuloy ako magpa-3D na. kasi sabi nila as early as 13 weeks pwede na makita basta okay ang pwesto ni baby pag i-ultrasound ka eh.

natawa ako dun sa OMG.  ;D ;D naalala ko yung kwento ng friend ko, dahil bawal din sila mag BD. lagi na lang daw siya nag sing-along para happy si hubby. hahaha. ako naman since malayo si hubby, naisip ko kami muna ng pillow ko. hahaha. OMG din.  :-X :-X :-X

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #43 on: November 25, 2014, 06:21:09 pm »
eleine - no comment! alam na! hahaha OMG ulet! hahaha

cess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #44 on: November 25, 2014, 06:24:47 pm »
Hahaha ang daming OMG moments today, tawa ako ng tawa hahahaha!!

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #45 on: November 25, 2014, 06:40:31 pm »
@eleine26 sis!! minsan pag tamad ako at nasa mood si hubby, kantahan ko na lang siya. OMG. hahahaha kung saan saan na napunta usapan natin. haha buti hindi to binabasa ni hubby kundi, lagot.  :-X

Balik na usapang buntis! hahaha

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #46 on: November 25, 2014, 06:48:45 pm »
cess - natatawa din ako sis. walang kamalay malay si hubby sa mga nakkwento ko dito. kasalanan to ni eleine kasi pinaalala ang BD! at ni ainge for starting the OMG moments. hahaha. joke! atleast light ang mood natin. :)

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #47 on: November 25, 2014, 06:55:53 pm »
sorry naman hahahaha. buti na lang din hinde nagbabasa dito si hubby. kundi lagot din ako.  :o :o

change topic na.  ;) may plan ba kayo for baby moon? para naman ma enjoy ang 2nd tri.

nagbabasa na din pala ako sa mga labor stories. nagmmind set na ako na normal at walang epidural. gusto ko kasi gising ako habang nanganganak. at para sakto yung timing ng ire ko sa hilab ng tyan. local anesthesia na lang siguro para sa episiotomy. kayo mga sis, ano plan niyo?



ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #48 on: November 25, 2014, 07:03:10 pm »
sorry naman, mangmang mode.. ano yung baby moon? hehe

bhey0624

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #49 on: November 25, 2014, 07:05:22 pm »
ahahaha ang dami kong tawa sa OMG kwentos nyo  ;D wala akong mai-share at more than 1 month na kaming dry  ::) buti na lang hindi demanding si hubs ahahaha

@eleine, i still plan the same ahaha.. no epidural, local anesthesia lang for the episiotomy. ganun ako sa 2 kids ko so hopeful ako na ganun pa rin dito sa 3rd. akala ko nga noon, mabilis na ang panganganak ko sa eldest ko kasi nung pinutok ang water bag ko, after 1 hr and 20 minutes lumabas si eldest. sa 2nd ko naman, nung pumutok ang water bag ko, after 10 minutes, kusa siyang lumabas, nagpapanic na nga ang mga tao sa delivery room lol. excited lang lumabas ang 2nd ko. take note, induced labor ako sa 2nd ko kasi IUGR baby siya.

sana mabilis rin lang tayo manganak lahat ;D

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #50 on: November 25, 2014, 07:11:58 pm »
sis ystariray: yung parang honeymoon stage before ka manganak. like magtravel kayo. usually, 2nd tri to eh. kasi nga nasa medyo maganda na pakiramdam naten at hinde pa ganun kalaki ang baby bump. kumbaga quality time muna kayo ni hubby while waiting and preparing for the baby. nakita ko kasi ang dami nagpupunta ngayon sa Japan or Korea eh.

sis bhey0624: ang galing mo naman.  :) naku sana talaga lahat tayo eh hinde mahirapan manganak. at full term lahat baby naten.  :)
« Last Edit: November 25, 2014, 07:18:51 pm by eleine26 »

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #51 on: November 25, 2014, 07:17:03 pm »
bhey - alam mo sis, ang mom ko ambilis din manganak. as in! siya pa nga daw nagsabi, "nurse, nanganak nako". sana magmana ako dun. hehe. ano cause ng IUGR ng 2nd mo?
 
eleine - ay parang ang saya! sadly, mukhang di kami pwede jan. hahaha. magmall nga di ko magawa. huhu. pero gandang idea. :)

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #52 on: November 25, 2014, 07:20:55 pm »
sabi nila namamana daw yan sa mga mommy naten. kaya swerte daw kapag hinde sila nahirapan manganak kasi ganun din daw tayo.  :) sana nga totoo yun, kasi mama ko sabi niya para lang daw siya jumebs ng matigas na poopoo (sorry TMI)

bhey0624

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #53 on: November 25, 2014, 08:51:42 pm »
@eleine, sana nga :) not sure lang kung namana ko nga, hindi ko natanong ang mom ko hehe. pero grabe ang mom mo din ah. taas ng pain tolerance!

@ystariray, hala! at mom mo pa talaga nagsabi sa nurse na nanganak na siya. ang galing din! hehe
normal din naman ang pregnancy ko sa 2nd, so hindi nila malaman bakit siya IUGR. so medyo paranoid ako ngayon, sana normal naman itong 3rd.

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #54 on: November 26, 2014, 05:58:05 am »
bhey - ilang weeks ka nun ng madetect IUGR? let's pray na lang talaga na everyone will have healthy, normal and full term babies. :) ako endless din kapraningan pero lagi ko na lang dinidismiss agad and divert it to happy thoughts! :)

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #55 on: November 26, 2014, 08:09:17 am »
good morning guys,

tagal ko nawala sa thread bago na pala un bahay natin...

nagpapagawa kasi kami ng house ngayon, kaya di ako nagleave ako sa work, para bago matapos ang taon maayos na....sa work lang kasi ako nakakapag GT....nasa nesting period na ata ako, kasi gustong gusto ko na maayos un buong bahay para next year ok na lahat....


kumusta naman kayo???

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #56 on: November 26, 2014, 08:17:16 am »
praying for a normal pregnancy for your 3rd bebe sis bhey :) Sana healthy lahat ang ating pregnancy!

Ingat tayo lagi mga preggies :)

Wala pa ako sa nesting period, tamad period pa rin ako. hehe

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #57 on: November 26, 2014, 09:30:49 am »
@FayeP ako nasa nesting period na. nakakapag ayos ayos na ulit ako ng house dati talaga nung 1st tri pag uwi ko from work diretso tulog na. si hubby nalang nag aasikaso ng pagkain hehe and sobrang kalat ng house wala kasi kaming helper kaya kami talaga ang naglilinis.

sobrang tawa ko sa OMG moments na yan.hahaha pero sige ibang topic na tayo eh :P

about baby moon, house blessing kasi namin this December at the same time 2nd wedding anniv din namin. we've decided na ispend nalang muna sya sa new house namin unlike last year na nag Korea kami on our 1st Anniv.

@bhey0624 sana ganyan din ako pag nanganak. kinakabahan kasi ako. it's my first kaya ang daming pumapasok sa isip ko :( pero naka mindset talaga ako na magnonormal. sana walang maging problema. ang mom ko parang mga 8hrs atang nag labor

cess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #58 on: November 26, 2014, 09:53:51 am »
Good morning mga sis.. :)

Re: labor. Naku ito major fear ko.. Pinag-pray ko ito every night na sana safe tayong lahat na Mommies and healthy si baby..

Share lang: Meron kasi kami childbirth trauma sa family ko, pansin ko ang laging message is to have a healthy baby pero syempre when giving birth, the Mom's life is always at risk. We lost my dearest Tita 4 days after giving birth due to sepsis (infection-CS sya).Totally unexpected. Ayoko manakot pero I witness everything kasi and dapat talaga ready tayo and pray pray pray..

Wow baby moon.. Share ko nga kay hubby yan.. Kelangan namin mag baby moon hehe. Kaso nga NO BD kami kaya pasyal nalang siguro tawag dun? Hehe.

Nesting period: start nako nito mga sis. Since first baby, inuumpisahan na namin babyproof yung room namin and bought several major furnitures na to accomodate baby. si hubby nag start na din mag linis linis, dito ako walang tyaga, mag linis hehe.

Regarding: Yaya.. Ito I'm still considering if kukuha na kami agad or try muna na ako lang with the help of my Mom. Kayo ba mga sis?

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Quarter of 2015 (April, May, June)
« Reply #59 on: November 26, 2014, 09:58:29 am »
possible kaya na si hubby ang nagnenesting period? siya kasi ang linis ng linis! hahaha

redhuman - wow! korea! plan din dapat namin korea for 1st anniv. after wedding, nagstart na kami agad ng anniv fund. pero next time na lang siguro korea. mas bongga naman celeb namin kasi may baby na! yahoo!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close