Hi, sisses. I'm currently living with my boyfriend. At bago pa man kami nag live-in, he's already living with his father... so kahit papaano ay alam ko na kung ano ang pinasok ko.
Kung sa BF ko lang, I don't have any issues living with him. Actually, I love living with him. He's perfect for me. Kaso, ang medyo problema ko ay ang father niya. May iba siyang mga kapatid, pero parang napunta sa kanya lahat ng responsibility na buhayin father nila. For me, bata pa naman tatay nila. He's around 50 palang, pero hindi na siya nagwo-work. 'Yon ang isa sa kinaiinisan ko. Kasi minsan, pinagyayabang ng tatay niya na may malaki silang lupa sa probinsiya. Eh aanuhin mo naman ang lupa kung wala namang pakinabang? Hindi niya naman inaasikaso.
Okay lang naman sana sa akin kung nakatira siya sa bf ko... kasi after all, siya naman ang father. Kaso, naiinis lang ako kasi ang hilig niya uminom at manigarilyo which irritates me a lot kasi lumaki ako sa tahanan na walang kabisyo-bisyo pamilya ko. (And hanggang ngayon, di gumaling-galing ubo ko kasi naiirita yata baga ko sa usok. Dati sa terrace lang siya nagsisigarilyo nung bago pa ako dito. Ngayon kahit sa loob ng bahay nagsisigarilyo na, kaya kahit gusto ko pa manood ng tv, napipilitan ako pumasok sa kuwarto... pero kahit dun, umaabot pa rin ang usok kasi medyo open yung upper wall. So ubo ako ng ubo).
Then yung pag-iinom niya naman. Hindi namin siya maiwan-iwan ng isang gabi (kunwari mag-o-overnight kami sa bahay ng kaibigan) kasi iinom siya tapos manggugulo sa kapit-bahay. Last month, pinaalis na kami dito dahil doon, buti nalang nagbago isip ng may-ari ng apartment.
Kagalit na rin nila isa niyang anak kasi uminom siya, then kung
[textspeak!]-anong sinabi niyang masama about sa isa niyang anak. Eh na-record ng kapit-bahay. Ayun, sumugod anak niya dito. My boyfriend blames his brother. Pero para sa akin, mas dapat sisihin tatay niya kasi hello! Siya ang parent. Bakit niya iba-bad-mouth anak niya? Kahit yung friend ko na bumisita dito, first time niyang punta dito, pero kwinento na agad ni tatay na masama daw anak niya na yun.

Anyway, yung bf ko walang bisyo. Hindi ko na nga rin masyado pinapainom. Hindi rin siya maluho. Hindi mahilig kumain sa labas except kung ako magyaya. So... kahit na hindi malaki sahod niya, makakapag-ipon sana siya kahit kaunti kung hindi lang sa tatay niya. Everyday niya rin kasi binibigyan ng allowance (which is pinangbibisyo lang naman).
May mga iba pang nakakairita sa tatay niya, katulad kanina... pagpasok ko sa CR hindi niya bunuhusan poo-poo niya. Ako pa nagbuhos!

Minsan pinipilit ko nalang sarili ko na wag na masyado isipin mga ganun kasi ayaw ko ma-stress.
Pero here's the real issue...
I am proud of my bf. Kayang-kaya ko siyang ipagmalaki sa family ko. But not his father. Last week lang, sabi sa akin ng papa ko, hindi niya ako papakialaman kung sino pipiliin kong makasama sa buhay. Pero bibigyan niya ako ng pointers. First, siyempre yung responsable. Second, yung background ng family. Hindi kailangan mayaman, pero yung peaceful yung family.
Hindi ko talaga kayang ipakilala father niya sa family ko! And in my case, hindi puwedeng sabihin na "Hindi naman family niya papakasalan mo eh" kasi nga... kung pakakasal ako sa kanya, for sure, kasama namin lagi father niya.
Mga sis... Gusto ko pakasalan bf ko. Minsan pagtinatanong niya ako, minsan sinasabi ko na hindi ako handang pakasalan siya. Hindi ko kasi masabi sa kanya na ang father niya lang naman talaga ang issue ko.
Ayaw kong pagkasal kami ay may kasama pa kami sa bahay. Lalo na kasi work-at home ako. So kami lagi naiiwan sa bahay. I had a near perfect childhood kasi. So ayaw ko na lumaki mga anak ko na may ganoon sa bahay (alchoholic and naninigarilyo).
Iniisip ko din kasi na kung di ko rin naman papakasalan bf ko, ano pang purpose ng relasyon namin ngayon? So... medyo confused lang talaga ako mga sis.
If kausapin ko naman yung bf ko about this, what's the best way to approach him? Paano ko simulan?