Hi all, it was a SUCCESS! Yes!

Gave birth last December 4 via NSD after ng almost 24 hours ng labor. Nagpa admit ako at 2cm nung Tuesday, mabagal ang progress ng labor at maaga din pumutok ang panubigan ko kaya need pa nila akong bgyan ng antibiotic while in labor.
December 2 - 7pm Nagpa admit na ako dahil sa contraction plus may brownish discharge na ako. Kaunti palang discharge ko nung morning pero nung bandang hapon dumadami na plus sumasakit na ang tiyan ko kaya we decided na mag punta na sa hospital. Since malayo kami sa hospital hindi na nila ako pina uwi and monitored na din ang contractions ko. Regular na contractions ko at every 9 minutes. Nag insert sila ng Evening Primrose sa Vajayjay ko every 4 hours para mag progressed yung labor ko.
December 3 - 7am Pinapunta na nila ako sa labor room to check and monitor na yung labor ko. Pero after ilang beses na paglagay ng evening primrose hindi nag pprogress yung labor ko still at 2cm with regular contractions. Sinaksakan nila ako ng IV, Buscopan at ng Oxytoxcin para mas mabilis ang progress pero stock ako sa 2cm. Makapal pa din ang cervix ko
At 12 noon nag progress to 4cm with mild to strong contractions at 5-6 minutes. Between 12 to 1 pm pumutok na ang panubigan ko pero still no progress ng labor ko. At sobrang sakit na din ng contractions. Worried na ako kasi hindi nagpprogress at pumutok na ang panubigan ko, worried ako kay baby. Habang nag ccontract nag dadasal ako na sana safe kami ni baby. Start na silang mag inject ng antibiotic para sa amin ni baby.
Gabi na nung 5cm ako hoping pa naman ako na manganganak ako ng gabi ng December 3. Pero failed. Mababa din ang pain tolerance ko at nagpa inject na ako ng epidural. Nakatulog na ako at hindi ko na masyado na feel ang contraction.
December 4 - 1 am pinatawag ko si hubby sa sobrang sakit na. Gusto ko na magpa CS sa sobrang sakit. Naiiyak na ako at gusto ko na syang ilabas.
5 am nag progress ang labor ko at 9 cm pero yung head ni baby wala pa sa baba, magkakaroon daw ng failure to decend. So option is emergency cs.
Past 6am dumating ang OB ko nag I.E then check ang head ni baby, pinag push na nya sa labor room para mag decend yungh ead ni baby. After ilang push diniretso na nila sa Delivery Room naka position na ang head ni baby.
After ilang push at 7:43 out na si baby. Ang sarap ng feeling nung nakita ko na si baby at nag skin to skin kami. Nawala lahat ng hirap at sakit na naranasan ko.
Kasi hindi agad na room in si baby kasi they have to monitor and check si baby since natagalan siyang ilabas. Mababa din ang cbc count ni baby kaya kailangan nila icheck for possible infection. 4 days kami nag stay sa hospital inantay namin ang result at clearance nya. Thanks God negative sa infection si baby, nag progress yung cbc nya, normal ang lahat.
At some point may regrets na sana hindi muna kami sumugod sa hospital para hindi nalagay sa risk yung buhay naming dalawa. Sana pala nag antay muna ako ng ilang araw kung alam ko lang na hindi agad agad ang progress ng labor ko. Pero sabi ni hubby ok na daw yun at safe naman kaming dalawa.
Ngayon pag nakikita ko siya ang gaan ng feeling, parang ayaw kong mawala siya sa paningin ko at sa tabi ko. Nawala lahat ng hirap ko pero minsan namimiss ko yung malikot sa tiyan ko hehe.
Hindi pala kami exclusive breastfeeding, kaunti lang kasi ang milk ko kaya need ng back up ng formula milk kaysa sa walang makuha si baby. Ngayon palang nag sstart bumigat at dumami ang breast milk ko, hopefully mag tuloy tuloy.
Sa mga malapit na ang due, kaya niyo yan. Pray lang kayo. God Bless...