watch now

Author Topic: Korea (Thread 11)  (Read 80085 times)

gorgeous_me

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #560 on: October 09, 2015, 08:46:10 pm »
naglagay pa ba kayo "n/a" or blank lang?

fornarina

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #561 on: October 10, 2015, 05:30:37 pm »
been scorching for Seoul tix para sa holy week next year. 7k na pinakamura! wala na ba talagang 5k ngayon na RT? Haha. Di namin alam kung igogo na namin ito. So excited to be back!

All in na yung 7k sis kasama ba luggage? Ganyan nakuha ko for the past 2 years na Before or after holy week rates.

prity_chloe

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #562 on: October 12, 2015, 12:02:31 am »


Hi SIS, Question po. Need pa ba hotel booking sa requirements? Wala din sa list ng requirements sa website nila. Nag submit pa ba kayo ng hotel booking niyo? kung hindi kayo nag submit, ano nilagay niyo sa address in Korea sa application form?  Thanks! :)

valhiei_11

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #563 on: October 12, 2015, 10:28:44 am »
^ yung friend ko nakakuha ng less than 5kPHP mnl-icn last Aug ata. Abang lang ng promo  :)

bigdadis_girl

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #564 on: October 12, 2015, 12:44:50 pm »
sis nagre-rent ba kayo ng wifi connection pagdating sa Seoul?
If yes, saan kayo nag rent? affordable ba?


Eggpudding

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #565 on: October 12, 2015, 02:37:13 pm »
Sis katniss last year nung punta namin ni hubby nasa 6500+ yung RT ticket namin. La pa yun baggage check in etc. Piso fare yun sa cebupac. Pero lately nung nag ttry ako mag book lalo na wala ng fuel surcharge ngayon, mas mura na e, parang sa AirAsia may nakita ako nung 0.01 sale nila, nasa 3500-4500 ata. Pero wala din yun baggage etc. Ayun. hehe.

Sis prity_chloe di need ng hotel booking. Ibabalik din yun sayo if ever. Yung reqs lang talaga ang kinukuha nila. Then if ever na mag padagdag sila ng reqs tsaka ka lang mag provide.

Sis bigdadis_girl Kami di na, kasi free wifi naman sa accommodation namin then pag sa labas naman may nasasagap naman kaming free wifi at mabilis naman din. hehe.

travelling_daisy

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #566 on: October 12, 2015, 03:59:20 pm »
All in na yung 7k sis kasama ba luggage? Ganyan nakuha ko for the past 2 years na Before or after holy week rates.

P7k is one-way or two-way na all-in sis? Ako di kasi, been putting off booking kase ganun pa rates na nakikita ko ngayon (one-way). I doubt though if they will have it on promo pa, considering peak season yung travel dates na napili ko (holy week din). Can't move the dates kase my kids are schooling. :)

katniss

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #567 on: October 12, 2015, 05:00:25 pm »
yung 7k na nakita ko sa cebpac ay wala pang baggage. lol. and RT na yun :D

sige abang2 pa kami ng promo. :)


projectgora

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #568 on: October 12, 2015, 05:34:30 pm »
Grabe mga sis. We submitted our visa application today at grabe sa dami ng tao! Nung 2013 and 2014 hindi naman ganun kalala. Hopefully mabigyan na ako ng multiple entry.

bigdadis_girl

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #569 on: October 12, 2015, 06:12:15 pm »
thanks sis Eggpudding mahina daw kasi wifi sa tutuluyan ko eh haha
I saw pocket wifi korea na website, may nag avail na ba sa kanila?

^sis kabaligtaran naman sa akin, nung nagpunta ako ng embassy 5 minutes before closing na ako dumating, pinapila na agad ako ng guard kasi nga daw magko-close na.  Then pagdating sa loob mabilis lang ako nabigyan ng number after checking ng documents ko tapos tinawag naman ako agad, all in 15 minutes lang ako nagtagal sa embassy.  Matagal pa pinaghintay ko sa taxi.  Baka may araw lang talaga na mahaba pila at madaming tao

prity_chloe

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #570 on: October 12, 2015, 06:14:43 pm »

Sis prity_chloe di need ng hotel booking. Ibabalik din yun sayo if ever. Yung reqs lang talaga ang kinukuha nila. Then if ever na mag padagdag sila ng reqs tsaka ka lang mag provide.

Thanks for the reply sis. Ilagay ko nalang yung address ng hotel namin sa form even w/o the booking attached? and sa mga not applicable, nilalagay niyo na N/A or blank lang? Tomorrow na kame mag apply. Goodluck samin! :) hehe

travelling_daisy

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #571 on: October 13, 2015, 12:03:28 am »
yung 7k na nakita ko sa cebpac ay wala pang baggage. lol. and RT na yun :D

sige abang2 pa kami ng promo. :)

Waah, bakit di ko yan nakita, sis? P7k RT for holy week yan sis?

katniss

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #572 on: October 13, 2015, 10:44:10 am »
^oo! good deal na ba sana? hahaha. kurips mode gusto ko less than 5k lang parati ang Seoul ticket ko eh. haha.

^^yup N/A lang sa lahat ng blanks.

^^^lagi kong nirerecommend dito ay yung nabibili na tingi or prepaid wifi sa mga kombini nila. search mo sis Olleh ata yung nagooffer nun. tapos kapag nakabili ka na pede ka na kumonek sa mga Olleh wifi hotspots na makikita mo. pero ayung nga marami naman free wifi dun sa mga tourist spots nila. magagamit mo tong Olleh kapag walang free wifi. hehe

edit: found this: http://www.korea4expats.com/article-temporary-wifi-options.html
« Last Edit: October 13, 2015, 10:48:44 am by katniss »

projectgora

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #573 on: October 13, 2015, 11:22:47 am »
^ sis why don't you print the new form na lang from the embassy website? para hindi ka na pumunta ng embassy.

gorgeous_me

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #574 on: October 13, 2015, 11:33:25 am »
^oo nga e, kaso malapit lang kasi sa work ko, kaya pinupuntahan ko na lang..haha
weird lang yung format kapag dina download ko, kasi yung ibang portion, napupunta sa 2nd page, A4 naman yung di ba, e hindi ko na ginagalaw..at baka maselan ang embassy...o Legal size paper?

kaya kumuha na lang din ako sa embassy :)

katniss

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #575 on: October 13, 2015, 03:45:06 pm »
^sa pagkakatanda ko sa A4 yun pinprint eh

gorgeous_me

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #576 on: October 13, 2015, 06:15:39 pm »
^yun nga lang, ayaw nyang umayos sa A4, hehe

anyway, sana hindi na ako pabalikin, hehe


fornarina

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #577 on: October 13, 2015, 11:43:41 pm »
Regarding wifi, olleh prepaid wifi ang malakas sa subway pero sa roads hindi ganun kalakas unless nasa prime spot ng tourist areas. Sa myeongdong may free wifi naalala ko hehe....dati may egg wifi mas mura vs airport pero near gyeongbuk palace....forgot na i think sa old threads ko yun nabasa


P7k is one-way or two-way na all-in sis? Ako di kasi, been putting off booking kase ganun pa rates na nakikita ko ngayon (one-way). I doubt though if they will have it on promo pa, considering peak season yung travel dates na napili ko (holy week din). Can't move the dates kase my kids are schooling. :)

Sis 7k RT nakukuha ko for the past 2 years around holy week time, sa airasia ako nakakakuha, cebu pac kasi hirap e.



bigdadis_girl

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #578 on: October 14, 2015, 05:27:50 am »
^^^lagi kong nirerecommend dito ay yung nabibili na tingi or prepaid wifi sa mga kombini nila. search mo sis Olleh ata yung nagooffer nun. tapos kapag nakabili ka na pede ka na kumonek sa mga Olleh wifi hotspots na makikita mo. pero ayung nga marami naman free wifi dun sa mga tourist spots nila. magagamit mo tong Olleh kapag walang free wifi. hehe

edit: found this: http://www.korea4expats.com/article-temporary-wifi-options.html
thank you sis, pang contact ko lang sana sa email at chat.  ayoko na bumili ng sim.
since may wifi connection naman buong korea keri na siguro kahit hindi ako mag rent :D

projectgora

  • Guest
Re: Korea (Thread 11)
« Reply #579 on: October 14, 2015, 02:24:28 pm »
mga sis alam nyo ba kung pwede mag claim ng visa ibang tao? yung friend ko kasi out of town sya by the release date ng passport namin. required ba ang authorization letter? or enough na yung claim slip?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close