watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2  (Read 57083 times)

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #500 on: December 05, 2014, 05:06:24 pm »
sis lakwatsa, dito kami sa HK bumili ng Armadillo :-) kasi di naman super laki matitipid ko pag sa US binili tapos ang bigat pa ipaship. HKD2500 ang bili ko -- wala pang 14K pesos. Nagpa-demo ka ba sis ng stroller? Hehe naaliw kami sa one hand fold kasi para kahit buhat si baby pwede magfold ng stroller. Edi pag malakas na loob ko pwede ko igala mag-isa anak ko haha! Actually meron dito Charlie Banana, yun alam ko HK ang HQ...pero wala pa ako nakikitang nagdedemo nun...pero punta ako sa showroom pala nila (kakacheck ko lang ang site! salamat ulit sis, dami mo na nattrigger na action items ko haha!) meron sa Hung Hom.

Mga sis, napansin ko nakaka 3 days na ako sunod sunod na nagccramps sa calf! :( At palaging around 6AM! as in ang sakit...kinakailangan ko talaga gisingin asawa ko to stretch and massage me. Hay...nakakapagod mag-impake ng bahay! Buti nalang bukas na ang big move namin para matapos na.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #501 on: December 05, 2014, 05:34:13 pm »
Sis abbmg and sis lakwatsa, tom naman namin plan ni hubby pumunta sa baby expo. Hmmmm, baka bumili ako ng cloth diapers. Plan ko kasi yan, syempre to make tipid and help the environment na rin by lessening our trash but hindi full time cloth diapering kami. Maybe 1st 2 weeks purely disposable then sa gabi disposable while sa umaga ang cloth diaper. Hopefully, when i get the hang of it saka yung purely cloth diapering.

^last week naging problem ko rin yang cramps but thankfully hindi na lately. I just flex my feet and after a while nawawala rin naman.

Ang hirap ako ngayon is matulog ng naka-side whether right or left. Lagi akong sinisipa ni baby tapos kinabukasan i'll wake up na masakit ang sides ko. Mas okay if i'm on my back. Ginagawa ko naka-angat talaga yung upper body ko. I notice na wala na yung pain sa sides. Ang weird ng bodies ng buntis!

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #502 on: December 05, 2014, 08:13:51 pm »
@preggygielian, oo sis! kasi nakita ko yun saktong asa youtube link mo e. yun yellow yun hood haha! sabi ko "eto po ba yun armadillo?" tapos ayun nidemo na ni ate kung pano hehe. kaaliw nga sya ang dali lang ifold. pero saka na ko buy nun. matagal tagal pa naman kakailanganin. ipon muna ulit haha! ;D

basa basa ka muna sis ng reviews per brand. kanina nakita ko din pala yan charlie banana sa expo. 855 yun plain, 900 yun printed.

yun leg cramps naku flex flex mo binti mo from time to time. move mo yun toes mo upward papunta sa iyo. tapos kain daw ng saging para potassium. nakakaiwas daw ng leg cramps yun.

@mslcgrey, di ko alam kung ano yun tig 200 na cloth diaper na binebenta nila sa expo pero may nakita ako yesterday sa FB na nagbebenta alva saka babyland 6 for 1k free shipping pa. ayun i think mas ok yun brands na yun saka lalabas cheaper pa. PM ko na lang sa u yun link kasi baka bawal ipost dito e. :D

kanina pala nagpa surprise baby shower yun mga kateam ko dito sa office. waah nakakatuwa lang. may mga nacross out na sa listahan ng "to buy" namin. hihi! ang saya lang nakatipid kami at dahil dyan may dagdag budget na pambili ng cloth diapers :D
« Last Edit: December 05, 2014, 08:26:30 pm by lakwatsa »

anniegurl

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #503 on: December 05, 2014, 09:07:02 pm »
35 weeks m kami ni baby tomorrow so excited. Still havent prepped my hosp bag. Ako naman super heavy na ng bump ko and sakit likod all the time hirap din humanap ng pwesto to sleep. We  got our britax b agile stroller and carrier na super excited si hubby. Swerte coz my tita willbe donating the playard and hubbys cousin naman medela na breastpump yun pa na,an yung problema ko coz walapa ako breastpump bait talaga ni Lord. Goodluck saatin lahat mga sis and sana we all have safe deliveries

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #504 on: December 05, 2014, 09:40:50 pm »
^ wow ang lapit mo na sis. 2 weeks to go pwede na anytime from then. hehe!

i was so excited, i bought everything on my own. haha. i told everyone na nagtatanong na ano regalo, sabi ko i-cash nalang nila :) hehe. kasi nabili ko na lahat.

abbmg

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #505 on: December 05, 2014, 10:12:56 pm »
@annegirl- wow sis ang lapit lapit na, pero nakumpleto mo na yung things na kelangan sa hospital? madali naman na mag empake once you have everything complete

@lakwatsa- hehe parang lagi nagkukrus ang landas natin pero di naman tayo nagkikita like sa SP baby shower. ako din penge ng link TIA. yung nabili ko nakalagay made in Indonesia. Ok naman ang quality saka cute ang design kaso walang generic na white puro pang NB lang. gusto ko sana kasi parang unisex. buti ka pa may baby shower, at least less gastos hehe.

yun nga ang una ko nakita na CD charlie banana kaso ang mahal nga niya pero mukha namang maganda ang quality.

@mslcgrey- sis yung computation nga nung CD mas makamura ka kasi 8400 per year ang gastos yung DD 28k. pero siyempre wala naman sinama yung nagbebenta na gastos sa paglalaba. pero yung mom ko mas gusto pa rin niya ang lampin eh.

@aiah- oo nga ok din ang cash gift, siguro kung may magtanong saken iask ko din cash o kaya diapers

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #506 on: December 05, 2014, 10:52:23 pm »
Nako tigerlily pareho tayo lage ko din napapagalitan yung eldest ko well aside sa makulit minsan lumalaki na din kasi kaya may mga arguments na kame taaga she's turning 10. Guilty na din ako talaga nung una hindi pero yung last na nagalit ako muntik ko mapalo ng bongga after nun naguilty ako kaya lambing lambing din talaga muna. Nasa 3rd tri nako so baka mainitin nalang talaga ulo ko.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #507 on: December 05, 2014, 11:33:09 pm »
I'm done packing my baby's bag na din, ask ko lang mga sis kelangan din ba magdala ng bath towel nya? Yung nasa list ko kasi mostly galing dun sa isang thread and nababasa ko online, and wala ako nakita bath towel. I'm just wondering if hindi ba kelangan since papaliguan na din si baby sa hospital diba, i have wash cloths and lampin though. I packed 3 set of clothes aside pa sa going home outfit, diaper and baby toiletries just in case i'm not sure pa if the hospital will provide those naman.

Gusto ko din sana pumunta sa baby expo sa smx kahit na i think complete naman na kami ni baby except sa stroller pero wrong timing si Ruby kaya stay at home lang kami sa weekend.

The whole day medyo madalas ako naka-experience ng braxton hicks pero sandali lang naman kaya nag-rest lang ako. Sis anniegurl same tayo 35weeks na din konting kembot na lang weeee :) actually 36weeks na ako sa Monday and super bigat ng bump ko may manas na din ako ngayon.

Ingat tayo sisses, let's pray din na humina na si bagyong Ruby. :)

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #508 on: December 06, 2014, 08:46:04 am »
Thanks sis lakwatsa. May nakita na rin ako before sa fb na good deal sa CDs. Unfortunately, i have to re-install google chrome in my note kaya ayun nawala sa browsing history ko.

Nagtampo na naman ako sa mom ko last night. Yesterday, umalis sila (w/ my sis and niece). Nag-grocery kami ni hubby for the baby shower. Take note galing sa work si hubby. Pagkauwi namin, since inantok din ako nag-nap ako. 1 hr lang ako natulog. Upon waking up, i started baking brownies which we plan to give away to our guests as thank you gifts. May inayos din ako sa xmas tree namin while baking. I also cooked dinner. So imagine na lang, how tired my feet and legs are.

Pagdating nila, my mom commented na bakit di pa kami naglinis ng bahay. Hindi ako nagreact. After dinner, when she saw the dishes in the sink she commented again na ang dami naming kalat. Dito nagsabi na ako na i'll do the dishes. So kami ni hubby ang nagligpit at naghugas.

I know pagod din sila sa lakad nila but nakakatampo lang na she expected na kami pala ni hubby ang gagawa ng lahat 4 the baby shower. I plan to do all the cooking, help lang sa pag-aayos ng gamit ang hinihingi ko.

Kaya kagabi after hubby left for work, iyak galore talaga ako. I know we are more emotional kaya siguro ganun yung effect sa akin. Sorry mga sis dito pa ako nagvent out.

Wrong move talaga ang pagbalik namin sa house ng mom ko. Hubby and i are already thinking of going back to our house. Ipon lang ng pangpa-2nd floor para mas lumuwag kami. Kaya yung rent sa house is for renovation na lang ng house namin instead na pang-renovate sana dito sa house ng mom ko.

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #509 on: December 06, 2014, 02:08:15 pm »
mslcgrey: ganun talaga yun kapag nakikitira ka. iisa lang kasi ang pwedeng maging reyna ng bahay. and yes, I agree, yung pangrenovate na pinaplano nyo, ipangrenovate nyo na lang ng sariling house nyo. sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako manganganak sa march na kami kami lang ang andito sa bahay. wala kaming katulong. ako lang ang marunong magdrive. and my family is like 30 minutes drive away pa. and the lying inn clinic of my tita is also there. ayoko tumira doon sa kanila. perhaps at the first sign of labor e saka pa lang kami tatakbo doon.

Adam1025: I am completing my list na for the hospital bag. I have 4 lists: mine, baby's, hubby's and my first born's - dahil kung saan ko man sya iiwan, kailangan nya ng gamit. if the baby towel is too big, you can pack a receiving blanket - pwede syang gamiting towel. maraming purpose ang receiving blankets: pangswaddle, towel, pangsapin sa higaan ni baby, burping cloth, pangsapin sa damit ng kung sino mang nagbubuhat, etc.

LGV: trying my very best not to get angry. pinipikit ko na lang ang mata ko paminsan. he looks like he is seeking attention. maybe because hindi ko na napapansin? naku. lahat talaga ng sinabi kong wag gagawin e syang ginagawa. I hope that's not the case and I'm trying my very best pa rin to have time with him besides our homeschooling time.

lakwatsa: ang sarap naman may pababy shower sa yo. at least may pandagdag budget ka sa iba pang gusto mong bilhin. go, armadillo! hahaha! parang brand ambassador ako ng stroller tapos hindi naman ako bibili ng stroller.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #510 on: December 06, 2014, 03:15:43 pm »
mslcgrey part of that sis e dahil sa pregnancy hormones hehe! ako nakatira din sa parents ko ngayon, nakuuu konting sabi nila iiyak ako. konting kausap sakin iiyak ako. kahit hindi nakakaiyak. natatawa na nga lang husband ko sakin e. i'm on total bed rest pa since my 15th week e 30th week ko na so more than 3mos narin na magisa ako lagi, wala kausap, depressed, walang pwedeng gawin at hindi pwede lumabas ::) nakaka-depress.

under normal circumstance, do you think iiyakan mo yung comment ng mom mo about the dishes? siguro hindi. if hindi, that's your hormones speaking lang talaga hehe ;D pero syempre, ganun talaga kapag nakikitira. sanay ka rin kasi na you are the boss ng bahay nyo and you do things at your own time and your own pace.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #511 on: December 06, 2014, 04:49:37 pm »
Mga sis siguro preggy hormones kaya i'm that easily hurt by her comments. Medyo bumawi naman siya kanina, she helped while i clean the house. Nagwalis, nag-map ng floor, and naghugas pa ako ng mga plates to be used tom. And i'm 32 weeks pregnant!

Good mood na uli ako. Nagpacheck up kami kay OB kanina ni hubby, kaya di na ako tumuloy sa baby expo. Nakahabol na sa size si baby, 2 days off na lang siya sa edd based on my lmp. She is 1.7kg right now so dapat medyo careful na ako sa diet ko if i don't want a huge baby. (Kung kelan christmas season :-) )

 I also gained 4kg from my last check up a month ago but if i'll compare it to my first weigh in with my OB, 3kg pa lang talaga ang na-gain ko. Iron and calcium na lang vitamins ko, stop na rin sa anmum.

Another thing, hindi breech si baby. Cephalic presentation siya so greater chance of normal delivery kami. Yehey! Sana hindi na siya magturn.



preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #512 on: December 06, 2014, 05:35:49 pm »
@mslcgrey: Yehey sis! :-) buti good mood ka na ulit at nakapwesto na si baby niyo :-) sana nga di na magturn...pero pag nakaganyan na daw diba lesser ang chance na magturn ulit para maging breech?

@aiah: hugs sis! Sana di ka na madepress..

@adam1025: galing mo sis!!! Nakapack ka na! :-) konting kembot nalang pala at 36w ka na sa isang araw!!!

Kakatuwa mga may baby shower and nagbigay ng stuff and namana na stuff hehe! :-) dami matitipid! :-)

Be safe mga sis! Tonight ang landfall ni Ruby diba?

bonnysolace

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #513 on: December 06, 2014, 09:40:03 pm »
Hello sisses! Ask ko lang if may nakakaalam dito until when can we get the anti-tetanus vaccine? 3 shots kasi dapat yun and 2 saturdays na kaming hindi nagkikita ni OB kasi lagi siyang may pinapaanak. Saturday lang kami pwede magpa-check up. Out of 3, 1 pa lang naibibigay nya sa akin. I'm 30 weeks preggy now. May bad side effects kaya if makuha yung vaccine late in the pregnancy? I hope someone can enlighten me. Thanks in advance :)

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #514 on: December 06, 2014, 09:56:50 pm »
^sis in my case I had my first shot excatly 2weeks ago 33W5D ako that time then next will be on Dec.19 I'll be 37W5D by then two shots lang sinabi sakin ng OB and dapat daw 1month interval. Yan din sana question ko kasi full term na ako by that time pero wala naman na-mention OB ko about that so I guess ok lang siguro :)

Pregnancy hormones, oh well inaatake din ako nito since yesterday and mas malala today inaaway ko tuloy si hubby kahit malayo  :P

I've been experiencing frequent braxton hicks today, ino-observe ko kasi baka early contractions na toh though wala naman ako pain na nararamdaman and once nag-rest ako nawawala na sya baby is active din so siguro my uterus is getting ready lang for delivery.

Stay safe sisses! :)

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #515 on: December 06, 2014, 10:13:19 pm »
^ speaking of braxton hicks sis, how often do you feel it ba during your 30th week. hay. kasi today medyo frequent na naman ang contractions ko pero painless naman kaso masikip. saka parang sumisikip dibdib ko bawat contractions, hirap ako huminga. ayoko na bumalik sa hospital :(

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #516 on: December 06, 2014, 10:34:14 pm »
^sis actually today lang (35W5D) ko napansin yung as in braxton hicks kasi medyo madalas almost whole day nararamdaman ko tumitigas bump ko kaya nagre-rest ako painless naman din and di naman ako hirap huminga. Pero before siguro nag braxton hicks din pero di ko na masyado napansin kasi super mild lang and seldom.

Naku sis if feeling mo medyo kakaiba na naman contractions mo go to the hospital na especially may history ka na, mahirap na sis mag-risk diba. Hope you'll get better sis

marchbaby

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #517 on: December 07, 2014, 08:51:04 am »
Sisses, ok lang ba na minsan masakit sa may baba ng puson? Last night I was so worried baka lumalabas na si baby e 24 weeks pa lang ako. I'm so paranoid because a friend of mine gave birth at 26 weeks. Pero pilit ko na lang inisip na baka bumibigat lang si baby or may nasisipa lang sya. It's my second baby pero parang nakalimutan ko na what I experienced 3 years ago.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #518 on: December 07, 2014, 09:49:03 am »
@marchbaby: sis nakakaexperience din ako ng uncomfortable feeling sa bandang puson...as in yung pinakailalim ng bump. Iniisip ko baka masikip lang pants ko pero tinanong ko sa midwife dito sabi niya mas malamang daw ligament pain kasi everything is getting bigger. Pero sis kung masakit na parang may period...i think you have to check with your OB.

@adam1025: buong araw ka may braxton hicks? Pero buti nakakapagpahinga ka kaagad sis :-) hahaha lambingin mo nalang si hubby mo hehe minsan ganyan din ako :-P bawi nalang pagkatapos lumamig ulo or wala na topak haha :-)

kahapon naglipat kami ng bahay...yuko ng yuko kaya sakit ng lower back ko ngayon. Pag naglalakad ako pataas na street pansin ko naninigas lower part ng tummy ko...at kahapon nakuuu nagalit ako sa movers kaya nung gabi nakaupo nalang ako sa sofa at buti naman galaw ng galaw baby ko kasi halos buong araw ko siya di ramdam dahil ang busy.

Mga sis, paano ba ang feeling na mabigat ang bump? Sa likod plus harap ba or sa harap lang? Feeling ko kasi di pa ako nabibigatan...tinanong ko din ate ko eh...di din siya malaki magbuntis pero di naman daw siya nabigatan nun. Hahaha nacurious lang ako kasi may friend ako na maliit din (height) tapos nabibigatan na siya by 25th week niya.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #519 on: December 07, 2014, 11:06:27 am »
^ ako sis malaki bump ko. mabigat na feeling for me, ngalay sa balakang and parang hinihila pababa yung puson ko. parang may weights sa puson yung feeling. pero 1.3kg palang si baby ko at 30wks. sabi nila kaya daw ako nabibigatan kasi hindi ako sanay na naglalakad. bawal din naman kasi since i'm on total bed rest.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close