watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2  (Read 57160 times)

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #200 on: November 10, 2014, 07:09:03 pm »
Sis archimom take care and pray na ok naman ang result, for sure makukulit kasi mga boys mo. Ako nman sis may 3 makukulit na chikitings din kasama sa bahay minsan nga nas-stress din ako pag maiinga and makulit tapos nafe-feel ko minsan tumitigas tummy ko ginagawa ko na lang nagre-rest na muna ako and umiiws ako sa kanila.

Wow, buti naman sis preggygielian ok naman appointment mo sa OB mo eat high fiber foods na lang to avoid constipation buti na lang ako na-overcome ko na yan. Ang cute naman nakita mo din baby mo sis  :) sakin naman mukang gender lang nakuha kay hubby pero ayoko muna i-claim na carbon copy ko wait ko na lang lumabas although kitang kita yung porma ng lips, chin, nose and eyes na nakuha sakin lahat hehe.

darcey_bebe

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #201 on: November 10, 2014, 09:29:37 pm »
Hello mga sissies!! *hugs to all*

Congrats sa mga nasa last trimester 😍

I'm on my 20th weeks, had my check up earlier sa asian. Baby's heartbeat is fast, additional vitamins for my nerves and calcium. Hindi ko pa nararamdaman ang mga kicks ni baby.
I have my baby mask na, sobrang itim ng leeg ko, batok and ua 😝😜😋 plus nagkaroon ako ng maraming balahibo sa tiyan hahaha!
Mga sissies, kelan ko kaya mararamdaman ang sipa ni lo? 😍😍

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #202 on: November 10, 2014, 09:37:41 pm »
^hi sis what do you mean fast ang heartbeat ni baby? Within the normal range naman ba? Ako sis medyo late ko din na-feel movement ni baby around 19weeks ko na-feel yung parang may pumipitik from the inside, anterior placenta kasi ako. Pero sabi ng OB ko possible na sa iba wala nafe-feel 'til their 22nd week. Wait ka lang sis paparamdam na din sayo si baby mo  :)

Anyway sis sino OB mo sa asian? May idea ka ba how much pf nya? Still undecided kasi ako saan hospital manganganak eh medyo malapit na ako whaaaa  :-\

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #203 on: November 11, 2014, 12:03:29 am »
Sis supposedly sa Asian ako manganganak ang quote ng OB ko jan (Dra. Cassanova) 150-180k for CS di ko na natanong pag nsd eh pero my cousin gave birth recently nsd sya nasa 90k daw I just d9nt know sino OB nya. I transfered to St. Lukes na kasi though yung cas ko last week sa Asian ginawa.

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #204 on: November 11, 2014, 07:18:16 am »
archimom: ingat ka palagi sis. I don't know what the logic behind is pero palaging instructions sa akin ng tita ko e itaas ang paa sa pillow which works naman I think kasi narerelax ako. ibinababa ko na lang kapag nangawit ako. kausapin mo na rin ang 'd boys' to behave themselves. mas gusto kasi ng mga bata na kinakausap sila na parang adults kaya sana makinig sila. also, choosing your battles help a lot. yung mga simpleng natapon lang na food, ipaligpit mo lang sa kanila calmly. kapag nag-ingay, dedma. umakyat sa mataas na slide, wag mo sisigawan at baka magulat pa. unless it's really life threatening, I try not to stress it out too much. you can skip on the manners muna ngayon. sabi nga ng ate ko sana daw e pag naging nanay sya katulad ko na chillax mode lang palagi. :)

preggygielian: prune juice naman ang panlaban ko before sa constipation. parang labatiba sa kin to. isang baso lang, pinapatakbo na ko sa banyo. pasensya ka na kung kamukha ng husband mo. ganun yata talaga minsan e. taga-ire lang tayo. ganyan din ang panganay ko at feeling ko ganun din itong susunod after namin magpa-CAS kanina.

nagpa-CAS na rin ako at 21 weeks kahit 2 weeks ago lang e nagpa u/s na kami. all normal naman as per the ob sono. actually, balak ko na talaga to kahit walang go signal ng tita ko. sutil nga kasi ako. hahaha! joke. dahil nga pang-5 months ang fundal height ko at sakto naman ang AOG from the u/s 2 weeks ago, nagpa-gender confirmation ako. husband and I had this inkling na kambal. kasi at 20 weeks, parang pang 7 months na kung makasipa at makagalaw si baby. tapos ang payat ko. I've been losing weight lately and gaining little lang. tapos ang laki pa ng tyan ko. may lahi din kami ng kambal. gusto ko na nga maghanda ng hospital bag at 20 weeks dahil usually sa 28 weeks may nagpipreterm na kapag twins. hindi rin lang naman hospital bag ang kailangan ihanda kapag twins. may damit, baby gears at gastos sa hospital pa na kailangan i-consider.

kaso nun sinabi ko CAS dun sa face2face, gusto nila may request ng doctor unless 24-28 weeks ka na. e ayaw din ako bigyan ng request ng tita ko. saka na lang daw kasi baka di pa makita. sayang lang daw. wala naman talaga ako balak magpa u/s until CAS kasi nga sayang. kaso hindi ako satisfied dun sa ob sono na gumawa sa kin 2 weeks ako. 2.5 hours mo na nga hinintay, pagdating sa yo, nagmamadali pa dahil may nag-eemergency syang pasyente na kailangan balikan. tapos tipid na tipid magsalita. so fine gender confirmation kami naka-sched. yun naman ob sono ng face2face, ininterview ko ng ininterview, at sa kakulitan ko, sabi nya magpa-CAS ka na kaya? para masigurado natin. sige go lang kami. mas mahirap magka-insomnia kaya. oh well, sa haba ng kwento ko, di naman pala twins. at sayang nga ang pera --- pero at least makakatulog na kami ng mahimbing. mahal talaga nag peace of mind.

pampakonswelo sa nagastos sa CAS, kasama namin sa loob ang panganay ko at tuwang tuwa naman sya makita ang kapatid nya. nagbibigay pa ng trivia sa ob sono na kahit anong language daw ay naiintindihan ng baby. kahit in denial pa rin sya dahil girl pa rin sabi ng ob sono. pati na rin yung mga 3d pictures na kamukha nilang mag-ama. medyo dismayado lang sya na hindi na twins dahil di na daw kami pwede maging hi-5 (disney jr.). payag na daw sya maging girl basta pareho girl para hi-5 daw kami. hahaha!

darcey_bebe: 17 weeks pa lang ako e wagas na wagas na makasipa ang baby ko. pero iba iba naman ang pregnancy kasi. like yung panganay ko sa 6 months ko pa naramdaman yung quickening. ang hina pa. regarding the heart rate, kung wala naman sinabi doctor mo about it, I guess it is fine. magnonormalize din siguro yan in time. first time ko marining heart rate ng baby ko around the 8th wk e nasa around 200bpm sya. pero ngayon ayos na naman yata. kasi di na nila masyado pinapansin.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #205 on: November 11, 2014, 07:21:44 am »
Sis archimom, hope you get better very soon. Keep praying for a safe and healthy pregnancy. This goes to all moms-to-be. We really have to be more careful sa movements and diet natin.

Share ko lang, i have a feeling my baby does not like me to go to work. Everytime kasi may pasok ako pinupuyat niya ako. Like yesterday, i woke up mga before mag-2am then nakatulog ulit ako mga around 4am na eh i have to wake up at 4:30am. 5am ako bumangon, result late ako sa work. Fortunately, my schedule was changed. Minimum teaching load lang talaga. Last night, tuloy tuloy naman ang sleep ko. No work today. Haaay, pasaway din talaga si baby! Gusto yatang maging SAHM ako.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #206 on: November 11, 2014, 08:31:54 am »
archimom sis take very good care of yourself. naku medyo mahirap na complication ang preeclampsia sa pregnancy. hopefully hindi magtuloy. rest lang talaga, hanggang manganak ka na if pwede.

preggygielian sis what helped me a lot during my severe constipation days, lactulose. i remember trying almost everything. suppositories, psyllium, water (sobrang dami), fruits, prunes, laxative, etc. nothing worked until niregular ko ang lactulose ko plus water. so far okay na kami ng tyan ko. kasundo ko na. hehe. no straining narin and regular na schedule ng poop ko.

tiggerlily buti pinayagan ka na magpa-CAS sis. nothing beats the peace it will give you talaga regardless of the gastos. ang hirap naman kasi dala dala mo stress hanggang sa scheduled CAS mo no. hehe. ako rin, if pwede every month may uts sana. kaso wala ng makikitang bago si OB haha. next check up ko, 3D na kasi she'll be 29 weeks by then.

bleudskymd sis how was the result of your OGTT? hindi ko pa napapagawa yung 100gm ogtt request sakin. ang hirap kasi, magoover eat ako para lang ma-meet yung fasting na oras. sakit sa tyan e. hopefully your results were okay naman.

mslcgrey when it comes to favoritism sis, I consider my mom to be the best at this. really the best. to the point na sabi ko, paalaga sya sa favorite na anak nya. bitter lang, lol. pero until now, nagiisang anak ako na nagsstay pa sa kanila e parang ako pa yung pinaka-less ang respect na binibigay nila, kasi mga kapatid ko na favorite ng mom ko ayaw na dito samin dahil di nila matiis ugali ng mga parents ko. pero aalis narin ako, kasi hindi ko narin matagalan. my entire pregnancy has been nothing but stress para sakin sa bahay namin. tapos bed rest pa ako na i have to stay home 24/7.

baby_peanut

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #207 on: November 11, 2014, 09:26:01 am »
Sis archimom, oo nga magpahinga ka nalang hanggang sa magfull term ka. And lets pray na negative ka sa preeclampsia.

Ako naman two nights ago habang nakahiga ako, parang sobrang bilis ng heartbeat ko tapos si baby super likot sa loob parang nagwawala. Pero hindi naman nagtagal, itatanong ko nga sa OB ko kung normal ba yun kasi inaalala ko baka pag nakaleft side na higa ako e naiipit si baby boy.

Sis preggygielian, hindi din nawawala yung constipation ko lalo na pag weekends na, minsan in 5 days regular sa gabi ako nag number 2, tapos on 6th, wala na naman, ayun wait na naman ako ng 2 to 3 days. Ako naman kapag ganun dinadamihan ko ang kain ng fibers like papaya, pinya, melon basta sari saring prutas, bumibili ako sa Fruitas, meron kasi sila fruit salad (5 kinds of fruit) tapos 65php lang. Tapos sangkatutak na tubig. Sinasabayan ko din ng wheat bread, ngayon ko lang narealize effective pala sakin yung wheat bread kaya yun na lagi kong binibili.
 
Actually last constipation ko nagbleed din ako pero sa bandang rectum, napilas ata. Kasi pag pee ko naman walang dugo, pero nung pagpunas ko meron. Saka mahapdi siya, wala naman akong nilalagay na gamot basta hinahayaan ko lang siya na ganun. After 2 days normal na ulit siya. Ang sabi ni OB nakaka constipate daw talaga ang Hemarate FA.

Sis Adam1025, buti nakita mo na si baby boy mo ulit. Tama ka okay sa WOMB, the last time we were there super bait ni OB, nagsabi pa siya ng I love you sa baby namin. Dun ko din planong magpa 4D sa December, I’m 33weeks by then.

Sis darcey_bebe, I felt my first baby kicks on my 18th week. Tapos nagging madalas na siya nung 22weeks. Same as you, marami na din nagdarken sa katawan ko, hinahayaan ko nalang muna kasi wala din naman tayong magagawa. Pagkapanganak na lang natin gawan ng paraan ang mga darkened areas heheh. I also have stretchmarks sa puson at sa inner thighs, well ganun talaga.

Sis tiggerlily, okay na din na malaman nyo kung twins ba o hindi si baby inside. At least hindi ka na napag iisip mashado. Malaki na din ang bump ko during early pregnancy sabi nila twins daw kaso wala naman kaming lahi ng twins on both parties hehe, kung magkatwins man okay na okay sakin at least nakadalawa na agad kami ni hubby hehe.  Ang saya saya siguro magka twins.
 

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #208 on: November 11, 2014, 09:55:54 am »
@baby_peanut: Thanks sis! Effective din sakin ang papaya saka brown rice :) May times ako na pag weekends hindi na regular ang poop kasi kahit anong oras nlaang magising hehe..eh pag weekdays talagang may oras ng gising.

@aiah: Thanks sis! Pag talagang di naging better sa pagchange ng diet ko at sa cream..try ko yan -- kuha ako sa OB :P Buti OK na ang pagbawas mo at di ka na nagdudugo...nakakatakot siya kasi talaga eh :( Kahapon nang-away ako ng nurse kasi yung binigay sakin na sked ng gastro biglang binawi! Sabi ko..I'm bleeding!!! and I'm pregnant!!! hahaha katarayan nanaman umiiral! Bakit kaya ganun sis noh...may mga moms talaga na wala lang binibigay kundi stress sa bahay at sa mga anak :( Ganyan din mom ko eh...kaming 4 sisters pag nasa isang bahay minsan nanay ko magpaparinig..wala na..sira na ang mood ng lahat! Haha..buti nalang nagstep up ang ate ko na siya mag-asikaso sa mom ko kasi sobrang sensitive na niya ngayon! Wala pa siyang 60 ha...pero grabe di ko din ma-take kaya as much as possible less ang communication at sa whatsapp lang. Kahapon nga eh...sinend ko ang 3D picture ng anak namin..ang unang response: "Bagong kuha yan?" di nalang maging excited agad! Paano nung CAS ko last month di ko siya sinabihan agad kasi nung 12th week ako...nagsend ako ng ultrasound picture ang unang sagot "SL ka?" nakakapikon lang! (waaah sorry nagrant na!)

@tiggerlily: Sis buti sayo effective ang prune juice! saakin hindi :( Buti nalaman mo sis kung twins or hindi..nako ako talaga ok lang magbayad basta hindi ako nagwoworry...nakakabaliw yun haha! Bumalik ako sa OB ko after 9 days (Nov 1 then Nov 10). Nakakatuwa naman yung baby mo sa loob super active kung parang twins ang galaw! :D Masaya daw ang twins sana pero yung kaopisina ko..sabi masaya na mahirap..double the hard work pero ang masaya eh sabay sila lumalaki. :) Hahaha kinwento ko sa asawa ko yung response mo sa taga-ire lang tayo hahaha! natawa lang siya :P Kagabi nga tinignan ko ang pictures niya nung bata siya..kamukha talaga eh!

@mslcgrey: Haha! ang cute naman nun sis! :) Nasesense niya pag papasok ka na..baka gusto niya relax lang si mommy :)

@darcey_bebe: I started feeling mine around 16th week pero sobrang bihra tapos mas dumalas na ng 18th week tapos malakas na siya sumipa at talagang everyday mga 20th week naman daw. Don't worry sis as long as baby is healthy based sa ultrasound, dadating din ang kicks. Sa timeline ko ang nilagay ng doc ko for quickening is 22weeks.

@Adam1025: Ang bait naman nun! ang dami niyo sa room edi super super saya! Hahaha..buti ka pa sis..mas malaki chance na kamukha mo siya paglabas hehe...tinext ko nga dad ko eh. sabi ko Dad ano ba to..ang hina ata ng lahi natin pag kamukha ng baby...sabi niya di yan..malakas dugo natin antay ka lang! Haha kasi ate ko ang baby niya kamukhang kamukha ng asawa niya. Kagabi tuloy bago ang story time ng baby namin..sabi ng asawa ko "Hello Mini-Me!" hahaha kulit lang!

Nakakatuwa! ang daming happenings saating mga mommies! Happy and healthy pregnancies to all! I hope those in bed-rest gets better soon. :)

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #209 on: November 11, 2014, 10:14:55 am »
preggygielian sis hindi ko rin maintindihan bakit ganun ang mga mom? well magiging nanay narin ako and i'm sure hinding hindi ko gagawin sa anak ko yung ginagawa sakin ngayon. kita and ramdam ng ibang tao lahat kung gaano nya ka-favorite yung bunso namin and kung paano sya makinig sa panganay. sakin, well i get generous amount of insults sa mga decision ko and puro ako ang mali. haha ::) i told my dad about this before, na iba ang amount ng respect ng mom ko sakin and sa siblings ko, sabi nya hindi naman daw ganun though I think he understood what I feel.

I just hate how she meddles sa mga ginagawa ko while my brothers can get away with things. Sila pa nga tong matindi makipatiisan sa kanya eh. as in hindi sya papansinin at all. no text, no call for as long as they want. mom ko pa nagbebeg for their forgiveness. I told my tita (sister ni mom who's a nun) na I think kailangan ko narin gawin yun eh, makipagtiisan kasi mga kapatid ko ganun ginagawa and narerespeto sila. Na-set nila ng maayos ang boundaries kung hanggang saan sila pwede pakialaman pero ako ganito. she told me na hindi ka kasi ganun, ayaw ko daw ba nun. na i'm different. sabi ko, not anymore. kasi ako rin nagsusuffer sa huli.

i showed her a picture of my baby din, 3d. she responded with, 'mukhang tao na talaga a'. yun lang. i was very disappointed. pero kasal ng brother ko she was all over it. searching for songs, telling people about it, posting pictures kung saan saan.

hehe sorry nag-rant na rin ako dito. mom and I have a rift na I don't think I can still fix. I know sa sarili ko I gave up trying to reach out to them na sana maging isang pamilya kami ulit. kami kasi ang family na hindi naguusap usap. kahit dumadalaw kapatid ko sa bahay, we don't talk. kanya2x lang kami.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #210 on: November 11, 2014, 10:56:40 am »
Hay naku mga sis hindi na yata talaga maa-avoid magkaron ng conflict with family. Sakin naman not with my mom but with my sister, I can really feel na she's not happy with my achievements and all. Like din nung wedding namin hanggang sa ngayon nga na we are having a baby, iniisip yata nya na since I have a better life parang sinasapawan ko sya something like that. Katulad ngayon na nagpa-3D4D ako ang comment kaartehan lang daw yun and dagdag gastos, gusto ko sabihin baka pag sya ang nagka-baby as long as she can afford bibilhin/gagawin/ibibigay nya din lahat. Isa din sya sa number 1 na mag-comment kung gaano ako kapangit ngayon etc., and just this weekend nagpunta kami sa house nya and tinaas ko kasi damit ko kasi ang init so na-exposed tummy ko sabi nya 'ay ang dami mo na stretch marks' parang hello may maipintas lang? Wala nga ako stertchmark kahit isa  :P

Oh well..  ::) haha good vibes na mga sis! Basta ako happy ako baby is growing well and we'll see him soon  :)

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #211 on: November 11, 2014, 11:05:54 am »
^lokohin mo sabihin mo "kapatid ba talaga kita o ampon ka lang?" haha! ;D

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #212 on: November 11, 2014, 11:18:17 am »
@aiah: Ang bright side ng lahat nang to sis...alam na natin yung ibang ways ng magulang natin na ayaw natin gawin sa mga anak natin. :) I want to be super malambing sa magiging mga anak ko kasi hindi malambing mom ko eh (Dahil hindi daw malambing lola ko). I want to be so sweet to my children that they'd want to tell us anything and everything na hindi nila iisipin na ijujudge natin siya.

@Adam1025: Hahah! Natawa ako sa sabi ni sis @lakwatsa! :-D Oo nga kelangan pag magkapatid eh happy sa kung ano mang achievements at walang inggitan or comment na nakaka-asar. She should be happy with your achievements! Married and now having a baby...malaking milestones yan sa buhay ng isang tao.

Deadmahin na natin ang mga badtrip haha..ang hirap lang pag family talaga noh. Mas madali kung friends or officemates lang. Smile smile nalang tayo mga sis para laging pretty pregnant moms :)

darcey_bebe

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #213 on: November 11, 2014, 01:30:36 pm »
Sis Adam1025 sorry sis no idea. Tita ko kasi sya and libre ang pf nya sa akin. Affiliated sya sa mga health cards like Maxicare. Then meron syang sariling maternity clinic sa may BF Las PiƱas. Dra. Marietta Samoy. Well, according sa doppler sis kahapon ok naman daw ang heartbeat. Malakas daw according kay Tita OB. 24th weeks, naka schedule ako for down syndrome ultrasound and para makita ko na din ang gender.

Sis tigerlilly oo nga daw sabi ng tita ob ko sis. Napapansin ko kasi tumitigas ang tummy ko bandang kaliwa kapag nakakatulog ako ng matagal sa kaliwa sabi nila baby na daw un hehe. Nakakaramdam ako ng konting pitik. Hahaha, ewan ko first baby ko kasi 😋😝😜
Ang aga nung syo 17weeks pa lang ramdam mo na ang sipa.

Sis mslcgrey ang sweet naman ni baby. Baka ramdam nya sis ang pagod mo sa work kaya gumagawa sya ng way.

Sis _AiaH_ bawal pala ang monthly ultrasound? Kahit [textspeak!] 2D lang bawal din db? May masamang effect ba yun sa baby?

Sis baby_peanut kain ka sis ng mga food na rich in fiber para iwas constipation. I switched regular white rice sa brown rice, mas healthier pa sya. Then i have 1 apple in bfast and dinner 😄 oo nga sis ganyan talaga kapag preggy, kailangan magtiis big time 😜😝😋

Sis preggygielian thanks sis excited mom here lang kasi hahaha kaya para akong praning always. I always checked ang pulso ko bandang leeg para malaman kung mabilis or double para makampante akong ok ang baby ko sa loob ng tummy ko. 😄😄 grabe!!

God bless us all always mga sissies 😇😇

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #214 on: November 11, 2014, 02:18:01 pm »
darcey_bebe, hi sis. ang alam ko hindi naman bawal ang monthly ultrasound kasi it has been proven over hundreds of studies na to be completely safe sa babies. kahit yung 3d/4d ultrasound. they're using the same technique as 2d uts so it's safe.

marami high risk pregnancies ang madalas i-ultrasound. yung akin lang, sobrang excited kasi ako. kaya every pre-natal ko gusto ko ultrasound hahaha. my ob's also a sonologist and she has her own 3d uts machine kaya tuwing prenatal, uts kami.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #215 on: November 11, 2014, 02:21:07 pm »
^aww you're lucky sis darce_bebe ang laki ng mase-save mo since libre pf ng tita OB mo  :) Until now kasi wala pa ako final choice na hospital although meron na ako OB pero ok lang naman ako magpalit. If ever kasi sa asian di naman ako choosy sa room kahit ward lang ako ok na ako para maka-save sa hospital bills importante lang sakin yung maganda facilities ng hospital and BF advocate.

Sis LGV thanks pala sa reply, but I think mataas din pf ng OB mo based sa quote nya sayo  :-\

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #216 on: November 11, 2014, 03:44:26 pm »
@darce_bebe: Sis ako may monthly ultrasound..minsan pag praning eh 2x pa hehe..like ngayong november nakaka 2 na ako agad :-) safe naman siya lalo na yung abdominal ultrasound.

mjp

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #217 on: November 11, 2014, 04:59:11 pm »
Mula noong 22wks prenatal checkup ko and everytime nag-ultrasound si OB kasi dun sya nag check ng heartbeat at growth ni baby. She prints out 3d pics of the baby. Ok Lang siguro yon kasi di naman mag ultrasound every check up Kung hindi safe.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #218 on: November 11, 2014, 07:10:20 pm »
Every check up ko rin may ultrasound with pics na rin. OBs will not do that if it is not safe and thru ultrasound lang nila nache-check if okay ang growth ni baby.

Sis adam1025, i hope you make your decision soon.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #219 on: November 11, 2014, 08:25:55 pm »
sis malcgrey we visited st.john again last weekend and check-up ko na din sa OB ko dun. So I inquired about the package and I asked my OB na din if ok naman ang facilities sa st.john, she explained na secondary hospital daw ang st.john compared sa CMC and calamba doctors na tertiary sinabi nya yung difference ng dalawa. Medyo nagdalawang isip ako pati yung mom ko nung sinabi nya na in case magkaron ng complications like kelangan ng blood and the likes kelangan pa daw ng patient mag-outsource sa ibang hospital. So ayun lang, naisip ko lang we'll never know what will happen kasi. Tapos iba din ang nurse and patient ratio compared sa tertiary hospital. Although sabi naman nya st.john is a maternity hospital. Kaya I'm considering other hospital, sa CMC allowed din daw si hubby sa delivery room. Ang laki sana ng matitipid namin if sa st.john yun nga lang nag-worry ako ng konti. Kaya I'm still looking for other hospital, pressured nga ako 5weeks na lang full term na ako  :-\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close