watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2  (Read 56958 times)

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #140 on: November 06, 2014, 01:09:35 pm »
preggygielian: ni-message ko na si wheng sa fb. sana tama yung na-message ko - although maganda naman yung portfolio na nakita ko sa fb.

Adam1025: excited na rin ako for a 3D4D!!! hindi ko rin alam kung kaya ko yung wedding. pero gusto ko puntahan. ayoko i-kondisyon ang katawan ko na hindi ko kaya since malayo pa naman. wag lang sana ako maabutan na tumigas na naman ang tyan ko. kung sa wedding ako abutan (knock on wood wag sana preterm), at least nakamake up ako pagdating sa delivery room - yun na lang iniisip ko. hahaha!

_AiaH_: I messaged leah na rin. sana makapasok pa ako sa sched nila.

naku kung sa amoy at amoy rin lang, adik na adik ako sa amoy ng baby ko noon. mula ulo hanggang paa hanggang diaper (sorry TMI). dahil exclusively breastfed kami noon, pati poops mabango. nung magstart sya kumain ng chicken, pork at beef, ayun amoy mama na ang poops.

kapag wala ako nakita, bibiyahe ako ng malayo papunta ng katipunan para lang makapagpamakeup.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #141 on: November 06, 2014, 01:55:24 pm »
mga sis sa gusto mag sign up sa baby shower, here's the link:
http://www.smartparenting.com.ph/babyshower/

baby_peanut

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #142 on: November 06, 2014, 02:56:50 pm »
Excited na ko sa Nov 23 mga sis, nagpaalam na ko kay hubby, nung sinabi ko sa Crowne Plaza aba baka daw makipagdate ako sa iba hehe. Pinakita ko nalang sa kanya yung email confirmation from Smart Parenting para di sya magduda. Kala nya kasama siya, tapos nung sinabi kong ako lang ang aattend, aba pano daw ako pupunta at hindi daw niya ko ihahatid dun hehe.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #143 on: November 06, 2014, 03:05:41 pm »
@tiggerlily: sis, eto yung facebook niya: https://www.facebook.com/pages/The-Make-up-Artist-Wheng-Legaspi/147978212314 naka isang abay saka isang pre-nup ako sakanya. OK naman parehas. :) Hahaha natawa naman ako na kung dun ka abutan eh naka make up ka naman! :P 'Di yan sis, kayang kaya mo yan!!! :)

@aiah & @tiggerlily: Oo nga eh..ikapupuyat natin ang pagnuod sakanila pagtulog at aamuyin sila...grabe ang bango ng breath ng baby haha! weird man..gusto ko amoy ng kamay at paa--tawag namin dun karachichas haha

@aiah: sis 24 weeks ako this week. :) Nalaki na din ang tyan ko haha! Yun nga eh..may pattern na din baby ko kaya pag ineexpect ko siya sa certain time of day tapos wala...medyo nakakalungkot hehe pero nakakatuwa minsan kinakausap ko siya na galaw siya..maya maya naman eh gagalaw na. Di ko lang magawa sa office kasi baka isipin nila weird ako kaya ginagawa ko lang yun sa bahay haha!

@Adam1025: wahahaha nako sis pinagiisipan ko pa..di pa nag-OK tong asawa ko pero di pa sinabi na hindi..tinatawanan lang ako hehe kasi nakita niya ang total ng lahat na bibilhin namin for our baby...wahaha! medyo malaki na siya! Ikaw sis? kelan ka mag-order? Inaabangan ko talaga ang sale sa US! Nung minsan meron sa carters sabi 50% off daw on everything (di naman!) tapos may 25% off pag ginamit promo code...eh nagtry ako...above 50USD na siya..di naman gumana ang promo code...or baka di lang ako marunong gumamit pa ng ganun haha!

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #144 on: November 06, 2014, 03:50:27 pm »
^sis kaka-order ko lang from etsy without hubby's permission na hahaha  ;D sabi 1-2weeks ang shipping sana totoo but anyway ok lang nama kahit 1st week of December dumating. Nakaka-addict talaga bumili ng gamit ni baby haha!

Can't wait to smell my baby na din, dati kasi madidirihin ako sa poops and suka ng baby sa mga pamangkin ko kasi ganun ako ni ayoko magtapon ng diaper if may poops. Pero sabi nga once naging mom ka na kaya mo na daw amuyin (or even kainin hahaha!) ang poops or suka ng sarili baby mo.  ;D

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #145 on: November 06, 2014, 04:16:36 pm »
@Adam1025: Wahahaha!!! That's the way to do it sis!!! :-P Pag nagtanong...magpasweet at i-justify na ang cute cute hahaha! :-P Isa pa..ang 9 months na nasa tyan mo si baby boy and all the aches and pains you had to go through :p wahahaha! Tingin nga ako mamaya na seryosong bibili talaga para makapag decide kung anong klase haha!

Mga sis, how often do you have coffee/caffeine? Ako kasi...adik na adik sa milk tea ngayon...minsan (bihira) Starbucks Hot Choco. Huhuhu! Feeling ko ang sama kong nanay! :( Dami nagsasabi sakin na bawal daw. na madaming nanay nagcut-down or totally wala na caffeine their entire pregnancy. Eh nagbabasa basa naman ako...ok lang up to 1 cup. Eh 1 cup lang naman ang iniinom ko...halos araw araw nga lang hehe kasi yun ang kasama ng mga combo meals dito. :)
« Last Edit: November 06, 2014, 04:21:12 pm by preggygielian »

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #146 on: November 06, 2014, 04:28:50 pm »
^ 1 cup is okay sis. ang mahirap lang kapag mga black coffee or espresso kahit mataas talaga level ng caffeine nun. e maliit lang sa milk tea saka choco drink. mataas lang sila sa sugar.

ako nga coke pa iniinom ko. haha. nagiging everyday na lately. 1 coke sakto a day. tapos iinom ako marami water the entire day. i just need na dumighay kasi sobrang stuffed na pakiramdam ng tummy ko. i'm only 6mos pero ang laki. sabi nga nila ganito tummy nila nung manganganak na sila. e bakit ba, mabilbil ako before i got pregnant eh :)

a little caffeine won't hurt. my SIL works sa starbucks. 2 coffees a day pa nga free nila. nagkakape talaga sya. she gave birth na a few days ago. healthy baby girl. sayang lang ayaw nag magbreastfeed :(

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #147 on: November 06, 2014, 04:32:07 pm »
^sis, 1-2 cups of coffee is okay naman though personal choice ko na every once in a while na lang talaga ang coffee, milk tea, and softdrinks ko. I just have milk during breakfast most of the time or water lang.
But don't deprive yourself if personally you don't think you can last a day without caffeine in your system. I always remember the episode of grey's anatomy regarding that issue. May vagina vote to have coffee once a day.  Bawi na lang sa ibang food intake.

About baby's smell, if breastfed ang mga babies their poop smells better or none at all compared to formula fed according to the books. Babaho na lang kapag nag-solids na sila.

Sana nga totoo yang kasabihan na kapag anak mo na, you can stomach anything that came from your babies. Dyan kasi ako maarte, naiinis nga ako pag may nagpeperfume near me and i can smell cigarette smoke feets away from me. hehe.... if ever, andyan naman si hubby.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #148 on: November 06, 2014, 04:49:29 pm »
Thanks sis aiah & mslcgrey! :) I feel better wahaha! :-P Yung ate ko nga din nung buntis siya coke everyday! Haha mababa man ang caffeine nun pero ang lakas sa sugar :) Buti sis aiah, ikaw nakakayanan mo madaming madaming water. :) Ako I try to drink 1 glass every hour pag hindi sobrang busy sa office. Mahirap nga ideprive ang sarili lalo na sa baba lang ng office ang toastbox and starbucks hehe! :-P Pinaplano ko na nga sa weekend ang bubble tea naman sa wan chai...the best kasi ang Coco na shop eh.

Grabe mom ko kayang i-suck yung sipon namin nung mga bata kami pag hirap na huminga dahil sa sipon. Pero ate ko di magawa sa anak niya haha...I don't know what I can and cannot do for my baby pero sana kayanin ko lahat! :) It's our first baby and kahit siguro ang dami ko na inalagaan na babies (my 2 younger sisters and my niece) iba talaga pag anak mo na. Di mo na pwede ipasa kasi anak mo na yun.
« Last Edit: November 06, 2014, 05:47:36 pm by preggygielian »

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #149 on: November 06, 2014, 04:57:17 pm »
^tama! Dati pag pagod o ayaw mo na, balik na sa parents. This time no choice ka na. Well, time will come na they won't need us that much anymore so enjoy lang.

Sis aiah, personal choice talaga ang breastfeeding. Meron talagang hindi nila type gawin yun.


_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #150 on: November 06, 2014, 06:17:50 pm »
Hello mga sis. anyone joining the mommy mundo bazaar? sa mga may kailangan pa magkumpleto ng mga items. magaganda yung mga magjjoin ng bazaar :)

http://www.manilaonsale.com/2014/11/mommy-mundo-pre-christmas-bazaar-at-glorietta-activity-center-november-2014

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #151 on: November 06, 2014, 06:19:14 pm »
nagregister na rin ako. yehey! salamat sa link. pero wala pa silang confirmation email ok lang ba yun?

regarding coffee, 1 cup nga is ok. pero ewan ko ba kung bakit inayawan ko ang lahat right after nalaman ko na buntis ako. minsan titikim ako ng coke. pero ang coffee, nasusuka ako sa amoy. I drink 3-5 cups of coffee before I got pregnant. pati panlasa ko affected, ayoko ng masyadong maalat.

regarding breastfeeding, yes, it is not everybody's choice. pero suggest ko lang sana research muna ang benefits. madami na naman free breastfeeding seminars ngayon. sobrang dami ng benefits nya. and then kung ayaw talaga. ok lang. just learn all your options for your child. nakakapanghinayang lang kasi kapag hindi nabreastfeed ang baby.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #152 on: November 06, 2014, 06:34:03 pm »
^^ako din sis lately almost everyday ako nagco-coffee, white coffee actually allowed naman nga daw 1cup a day. Shucks bigla ko tuloy gusto ng milk tea 😁 soda di ko din completely naalis, especially during afternoon sobrang init sarap ng ice cold coca cola hehe.

Mga sis pa-rant lang pala, I don't know if it is due to pregnancy hormone pero I'm so sensitive ang bilis ko mapikon. Kasi naman nakakainis lang talaga yung maka-comment about my current looks and size, yung sasabihin parang twins daw baby ko kasi ang laki ko at ng bump ko eh hellooo I'm almost 8months and malaking bulas talaga ako (i'm 5'6 and 129lbs pre-pregnancy) they can't expect na maliit ako magbuntis. And yung sobrang mag-comment na super halata na baby boy perhaps because of my nose and medyo nag-darken talaga skin ko compared before na maputi talaga ako. And the worst comment is 'mukang big baboy este big baby boy' daw ang laman ng tiyan ko. Shucks nagiinit ulo ko idamay pa ang baby ko, sobrang bully lang. Nakaka-sad kasi friend ko pa naman yung nag-comment ng ganun. I don't know if I'm being sensitive or sila ang insensitive. They should instead wish me and my baby well na lang diba kesa mag-comment ng ganun.

Sorry mga sis napahaba, I just want to let it out baka maapektuhan si baby sa bad mood ko 😞😞😞

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #153 on: November 06, 2014, 07:45:21 pm »
^ sis kahit naman ako mapipikon sa ganyan! actually nung first trimester ko naiinis din ako sa mga nagcocomment kasi ang dami ko pimples, nangitim leeg ko, nagdry face ko. nasusuka ako, nahihilo, hindi makakain. hindi narin ako nagaayos and nagmmake up nun. ang comment, 'nako sa itsura mong yan sana hindi babae ang anak mo. imagine kung babae anak mo ganyan itsura mo hahaha' sinasagot ko, nung nabuntis ka ba nagmorning sickness ka? sagot nya hinde, o 'so hindi mo alam bakit mahirap maginarte pa kasi palagi masama pakiramdam ko.' hahaha. ang sungit lang.

at hormones narin syempre. malaki rin bump ko. pati nose ko lumaki no. namaga itsura. wala naman sa boy or girl na baby yun. iba iba talaga pagbubuntis.

napaka inconsiderate lang din for me ng mga taong gumagamit ng insulting words sa babaeng buntis. alam nila naguundergo ng maraming changes body ng buntis. nako sasabihin pa 'mukhang big baboy, este boy'. mapipikon din ako sis.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #154 on: November 06, 2014, 08:19:46 pm »
@tiggerlily: sis baka nga inayawan mo ang coffee kasi wow ang lakas mo pala magcoffee dati! :-P nung 1st trimester ang coke di ko kaya..as in kahit konti tindi ng bloating ko pero ngayon nakaka 2 cups ako nung nag bbq sa office namin :-)

I really really want to breastfeed kasi mas maganda din bonding niyo ng anak mo. Ate ko nagbreastfeed ng 18 months tapos commute pa siya from UST to Laguna every day! Haha natatawanan ko lang minsan nauwi tapos basa na ang chest haha kahit may pads na yun ah :-)

@Adam1025: Nako sis! Friendship over pag ginanon ako :-( nakakapikon talaga yun ha...hindi mo naman ginustong sobrang mag-iba ang itsura mo...sadyang ganun lang yung effect ng pregnancy sayo. Saka like what sis aiah said..wala sa baby girl or baby boy yan. Ako inaabangan ko pa changes saakin kasi ate ko ang ganda nung nagbuntis sa niece ko. Hugs sis!!! Deadma nalang sa mga nega dyan...lalo na sa mga never pa nabuntis at hindi nila alam ang hirap ng buntis.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #155 on: November 06, 2014, 08:54:33 pm »
Unfortunately, a lot of people kahit yung mga nabuntis na before are not that knowledgeable about pregnancy, its effects, etc. Masyadong umasa sa mga sabi sabi kaya yun na ang alam nila.

Every pregnancy is different. Kahit same person, if you got pregnant 3 times then they will be 3 different pregnancies. Wala naman talaga sa pagiging boy or girl ng baby kung ano magiging changes sa mommy. Answer to that: wag pansinin!

As long as my OB says my baby is okay and what is happening to me is normal, i don't worry. Pray lang palagi for a healthy pregnancy. Basta read up on pregnancy and nowadays how to take care of a baby.

Kanina nagshare one of my colleagues na after breastfeeding at night, dahil inaantok na siya hiniga niya kaagad yung baby niya. Fortunately, her baby made a sound so tiningnan niya and ayun may lumalabas ng milk sa nose ng baby. She did not know na kailangan talaga magpa-burp ng baby. After 3 months since she gave birth saka lang siya nakapagbasa ng book about caring for a newborn. They even hired a midwife to bathe the baby for 2 weeks kasi di nga nila alam.

So mga sis, one weapon talaga natin against mga sabi sabi na yan is knowledge based on facts, research, etc. 

archimom

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #156 on: November 06, 2014, 09:46:33 pm »
Hi mommies! Pa-join ako. I'm currently on my 28th week and due on January. Actually, this is my 4th pregnancy na, I'm a mom of 3 boys  (6, 5, 3 years old) and I'm having a baby boy again ;D

God bless our pregnancies mommies. Stay happy and healthy!! :)

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #157 on: November 06, 2014, 09:55:48 pm »
Adam1025: at saan naman kaya manggagaling yung baby kung maliit ang size aber? grabe naman makacomment yan. nung nagbubuntis ako sa panganay ko ang laki ng ilong ko atsaka dami ko rin pimples. after manganak e hindi ako nakilala sa picture ng belly dance instructor ko. may experience rin ako na ganyan. sa nurse pa. di ko na matandaan kung anong procedure yun pero ginagawa yun to listen to baby's heartbeat. not the doppler. may print out pa nga yun e. tapos may nakapaikot sa tummy mo. same as the one they put on you during labor. una tinanong lang ang gender ng baby. at ng sinabi kong boy. kaya daw pala ang dami kong pimples/pimple marks. swerte nya may nakakabit sa akin kundi sasabunutan ko na sana e.

preggygielian: malakas talaga kami magcoffee ni husband dahil puyatan ang work namin. affected na affected kami kapag nagtataas ng presyo ang asukal dahil 5 kilos of sugar yata kami every week. lifeline sa amin ang coffee. kulang na lang e ilagay namin sa swero para unlimited ang caffeine supply sa katawan. nakatipid kami ngayon sa coffee, asukal at creamer dahil wala na syang kasabay, he is down to 1-2 cups per day.

unfriend talaga. at least ako buntis ako. e anong excuse nila?!!

preggygielian: you're very lucky dahil may matatanungan ka on breastfeeding.

mslcgrey: knowledge is power talaga!

archimom: congrats!!! ang saya siguro sa bahay nyo!

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #158 on: November 06, 2014, 10:09:29 pm »
Weird nga mga sis, to think mom na din yung friend ko na nag-comment na yun. Siguro she tend to compare herself to me when she was pregnant. Wala lang minsan pala nakaka-hurt pa din pag may ganun comment di ko pa pala na-master ang art of dedma.

Sis tigerlilly sana kaya ko tarayan ng ganun yung friend ko kasi medyo rude talaga kahit pa sabihin nya sa huli ng statement nya na 'joke lang babalik din yan after mo manganak' ang bad pa din sige i-consider ko ang pag unfriend hahaha.

Anyway, happy vibes na mga sis. Baby is so malikot tuloy nafe-feel nya sguro na medyo na-upset ako kaya positive thoughts na  :D

^welcome to the thread sis archimom! Ang galing naman all four boys na, malapit na maging isang basketball team :)

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #159 on: November 06, 2014, 10:12:15 pm »
mga sis, lalo na sa mga first time and working moms, paano set up nyo sa bahay ngayon kapag nagkababy kayo? sino maiiwan sa baby nyo sa house?

kasi right now, me and hubby are living with my parents. dati kasundo ko naman sila pero totoo pala sinasabi na mahirap tumira dalawang pamilya sa iisang bahay. haha. lalo na nung naging medyo maselan pregnancy ko, I have to stay here kasi may helper sila and puro rest ginagawa ko. kaso lately, kahit ako nahihirapan makisama. nakikita ko na mga ayaw ko sa pamamalakad nila sa house. pati yung sa amin ng hubby ko npapakialaman. well, expected since nakatira kami dito.

kaso ang worry ko naman is paano kapag lumabas si baby. hindi ko kaya humiwalay tapos iiwan sa tagapag-alaga lang ang bata. i will definitely go back to work. sa house namin, both parents are working, walang maiiwan sa house din kundi yaya and baby. hubby and I will be working din. saka i feel like pati pagpapalaki ko sa anak ko madidiktahan ng magulang ko. i don't know why, dati kasundong kasundo ko sila, nung single pa ako. ngayon.. well medyo sensitive na relationship ko with them.

paano naging set up ng inyo sis? living with in laws din ba kayo or nakahiwalay?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close