watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2  (Read 56790 times)

The Lioness

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #40 on: October 30, 2014, 12:39:03 am »
Hi sisses. Question lang. Hindi ko kasi masyado natanong kay ob eh. I just wanna check kung meron sainyo pa pareho ko din case.

at 20 weeks, i have an anterofundal placenta, grade 2. im just wondering., di ba kasi grade is maturity ng placenta? isnt grade 2 too matured for 20 weeks? tsaka anterofundal means nasa taas yung placenta. yun ba yung reason why sa lower part ko si baby nararamdaman? haay.. kaka praning.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #41 on: October 30, 2014, 08:15:36 am »
^sorry sis. No idea about that but if hindi naman nag-express ng concern si ob mo maybe ok lang yan. But if you are really worried, either text or call her na lang for your peace of mind.
Yesterday, napadaan ako sa mothercare sa robinson's place manila and bought my baby's going home outfit na. If shopping for yourself is fun, shopping for your baby is more fun! Girl pa naman ito so it would be so fun to dress her up.
Super likot na talaga niya. Kaninang 3am to 4:30 am, parang may nagda-drums from the inside sa tummy ko. Hindi pa naman masakit and lagi siyang nasa lower part so hindi naman niya nahi-hit yung ribs ko.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #42 on: October 30, 2014, 11:30:47 am »
The Lioness, hi sis. ang alam ko sa placental grading is for reference lang ng radiologist/sonologist. alam ko nagbabago bago yan. kasi yung akin from grade 2 naging grade 1. lalo na nung may contractions ako, mas mataas grade nya kesa ngayon. as for the anterofundal, yes correct ka. antero means front, fundal means top. so front top section sya ng uterus which is considered okay. mine is anterior and nsa baba. hindi mo most likely ganun kalakas maffeel yung kicks nya nga sa upper part kasi the placenta serves as cushion. sakin naman anterior low lying so sa top ko ramdam talaga. :)

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #43 on: October 30, 2014, 04:13:20 pm »
@preggygielian, thank you sis! :) naku sana nga makita na namin si "the one". Halos sabay tayo sis. 24 weeks ako and baby boy rin! Placenta ko rin nasa harap (anterior) kaya late ko na naramdaman sipa ni baby. Sometimes, nagwo-worry ako kasi may araw na super ramdam ko yung sipa nya. Meron naman na wala talaga na tumatagal ng 2-3 days. Based on my research, normal lang sa case natin na hindi lagi maramdaman si baby at this stage. Di ko pa alam kung saan nakaharap si baby kasi nung nag-CAS kami at 20 weeks, nakakapag-flip pa siya sa hotel utero nya. Sana nga nakaharap siya sa likod ko para hindi matagal ang labor.

Hi sis @bonnysolace! Nakakatuwa meron ako halos kasabayan talaga :D This sunday ako mag turn 24 weeks (ang saya lang kasi every Sunday hehe). Ako everyday ko naman siya nararamdaman since week 21...pero mostly pag downtime ko. Di ko pa siya nararamdaman habang naglalakad ako papuntang work/pauwi. Talaga? Mas madali ba labor pag nakaharap sa spine? Kasi yung akin ganun siya eh..nakakainis haha ayaw humarap :P Kinakausap ko nga na humarap siya kasi this Sunday may ultrasound ako ulit. Napapansin ko siya na ang "alarm clock" ko every morning...ang alarm ko 730am, sinisipa na niya ako ng mga 7 hahaha..di na ako makatulog kasi natatawa ako para siyang nageexercise sa loob tuloy tuloy!

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #44 on: October 30, 2014, 07:28:43 pm »
^hahaha, ang cute naman sis ng baby mo alarm clock talaga  :D

Bongga na ang movements ni baby ngaon aside sa yung feeling ko na kumakapit na sya sa balat ko at tumutukod sya, ang taas na din ng kicks nya malapit na sa ribs. Kaya kanina nahirapan ako huminga, normal lang naman siguro yun noh?

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #45 on: October 30, 2014, 08:29:02 pm »
^sis based sa what to expect when you are expecting book, a weight gain of 26lbs is normal though mas okay if sa latter part ng pregnancy yung majority nun kasi sa 3rd trimester pa one can expect a weight gain of 1lb per week wherein half of that will go to baby.
But at 135lbs then 5'5" ka naman then i think you can gain more kasi di ka naman overweight to begin with.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #46 on: October 30, 2014, 08:35:30 pm »
@adam1025: Sis I think normal yan...ganyan din friend ko na 31 weeks ngayon...hirap siya pagnasipa na baby boy niya. Pero if ever super worried...visit ka na OB! :-) Sana makahanap ka na ng OB mo :-)

@abbmg15: sis ako at 23 weeks ang gain ko 11.8lbs na...pero 5ft flat ako hehe...I think normal lang naman weight gain mo. Sa app ko..sabi @21 weeks daw 10-15lbs ang normal weight gain.

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #47 on: October 30, 2014, 08:42:38 pm »
^sis, about your question pala regarding baby's position na nakaharap sa spine mo, sa childbirth class namin nadiscuss yan. Yes, that is the preferred position to have nsd. May exercise pa nga to help the baby to turn that way.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #48 on: October 30, 2014, 09:08:51 pm »
Thanks sis preggygielian, normal nga lang siguro kas sumisikip na siguro sa lung area kasi ang taas ng kicks nya ngayon pero ok lang tiis tiis atleast active si baby.

To do ko yan paghanap ng OB next week, mag hospital visit na din ako and 3D4D scan hopefully magawa ko lahat :) finalize ko na din list ng things ni baby.

*joie*

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #49 on: October 30, 2014, 09:51:54 pm »
Wow thread 2 na pala tayo!

28weeks na ako this week, i had my check up awhile ago and not so good ang result. Though i have managed my gdm na, sabay naman UTI at yeast infection ko.😭  saklap! Dami ko tuloy inuming gamot.haaay. Sana mawala agad tong infections ko, kakaworry lang baka kung ano maging effects sa pregnancy.. Had my tdap vaccine narin kanina, sakit sa bulsa.haha si baby, lagi nakasiksik. Tuwing gabi sya active, minsan patulog na ako bigla sya gagalaw feeling ko kung [textspeak!] ano kinakalikot nya sa loob ng tummy ko. Nakakagulat pa minsan movements nya. Kakaexcite narin magpa3d/4d. Kelan nyo balak mga sis?

Praying for our safe pregnancy momsies!

The Lioness

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #50 on: October 31, 2014, 05:53:32 am »
21 weeks here sisses. anyone here in the same state as mine?

masakit pelvic bones. taut yung muscles sa lower part ng belly. minsan masakit pa. im not sure dahil baka na prepressure or what. hirap bumangon (or tumayo sa kama). hirap gumalaw galaw sa bed. parang worm lang ako kumilos. hirap matulog. also i cant sleep on my right. kapag nag turn ako sa right side ko, may gumagalaw galaw sa part na yun. feeling ko naiipit yung anak ko. so turn left na naman ako. minsan nakaka ngalay din. nawawalan na din akong ganang makipag do. naaawa ako minsan sa partner ko. pero sabi ko sakanya wag syang makikipag sex sa iba. haha. hay naku. kalorkey. if ever man i give in, pinapa tapos ko lang sya. nag freak out kasi ako last time, sobrang nag contract yung anak ko when i had an O. natakot ako. although sabi naman ni ob normal lang daw yon. pero natakot pa din ako. ka praning.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #51 on: October 31, 2014, 09:48:08 am »
^ nung nasa ganyang week ako sis natatandaan ko wala rin ako libido halos. lately nalang bumalik kaso ayaw na ng husband kasi sya naman ay naiistress kapag nagccontract uterus ko, hehe.

so far hindi pa naman ako hirap sa pagturn sa bed, although dapat dahan dahan talaga. as for the gumagalaw si baby kapag naka-side ka, i think when you change position sya din nagche-change but it's okay naman. ipit ka unan in between the legs para mas comfy. ako hindi makatagal sa left side lying. e diba yun nga yung advise, sa left madalas. kasi yung shoulders ko ngawit na ngawit naman :) nako excited na ako makaraos tayo dito, lol. but feeling the little one move and play inside is so worth it naman.

binibiro ko nga si hubby, sabi ko paglabas nito gusto ko ibalik ulit sa tyan ko. mamimiss ko kasi hehe.

mga sis share ko lang this video. nakaka inspire how calm she is hahaha. ganyan gusto ko pero sa hospital. ako pa naman, when in pain ayaw ko ng stimulation na ingay or mga hawak sakin. hehe.

https://www.youtube.com/watch?v=02gxCpbpFFA

bonnysolace

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #52 on: October 31, 2014, 10:04:48 am »
sis preggygielian. Yes, preferred na nakaharap si baby sa likod natin para mas mabilis siya makadaan sa pelvic at makalabas. Yung mga mommies na matagal ang labor (around 12 hrs or more), madalas nakatihaya rin si baby. Common ito sa mga may anterior placenta like us kasi most babies, nakaharap kay placenta ang preferred position. Good for you sis, nakaharap si baby sa likod mo. Hope di na siya magbago ng position. Ako kasi di ko pa alam. Sa next US ko pa malalaman. If ever nakatihaya si baby, getting in all fours at least 5 mins everyday will help daw para humarap si baby sa likod natin.

sis Adam1025, week 34 daw maganda pa-3d4d. Ansaya yung mga nakikita ko malalaman mo talaga sino kamukha. So excited for you esp sa pag-shopping mo. Naku sis daming bazaar na ngayon. Mommy Mundo on Nov 7-9 sa Glorietta. Sana makahanap na tayo ng OB. Good thing daw sis na sa ribs mo nararamdaman kicks ni baby. That means nakaharap si baby sa likod mo, which is the preferred position ni baby during labor. Tiis-ganda muna tayo for baby. :)

sis The Lioness, hugs. Bed rest na siguro need mo pero check with your OB pa rin. Ilang weeks ka na sis? Kasi kami, we got go signal from (our previous) OB to make contact pero hindi pa rin namin ginagawa. Read somewhere na nagpapalambot ng cervix yung semen ni hubby kaya mas madalas i-prescribe yun kapag malapit na due date.

Natatawa ako sa nabasa ko before about anterior placenta. Kasi daw yung mga kumakausap kay baby through our belly, hindi daw talaga yung baby yung nakakausap nila. Yung placenta daw natin kasi yun yung nasa harap. lol. Sa gilid at lower part ko lang madalas maramdaman kicks and jabs ni baby. Mas madalas at mas malakas na siya ngayon.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #53 on: October 31, 2014, 10:25:41 am »
^ sis thanks sa tip. i have anterior low lying placenta and madalas nga sa ultrasound nakaharap sya sa placenta nya. will do the getting on all fours trick. sana gumana hehe. lalo na kapag malapit na due date.

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #54 on: October 31, 2014, 10:31:34 am »
@The Lioness, naexperience ko yan sis. nasa posisyon ni baby yan. tiis tiis lang at lilipas din kasi iikot pa si baby hehe. may time na ang sakit sakit ng pelvic bone ko sa left side. sabi ko nga noon kung may buto ang vajayjay, yun yun masakit na part. tapos hirap ako lumakad at itukod ang isang paa. pero pag yun isang paa nakatukod ok lang (ex. pag nagsusuot ng pants). after a few days nawala naman.

left or right side lying ok lang. mas preferred lang yun left kasi daw pag sa right e may madadaganan pa rin na organs. ang di lang gano recommended e if you lie flat on your back kasi possible madaganan yun major vein - inferior vena cava so mahihirapan magcirculate blood mo. pero actually magigising ka naman pag uncomfortable na yun posisyon e. minsan nga nagugulat ako nagigising ako nakatihaya na ako samantalang nun natulog ako e nakatagilid hehe  ;D

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #55 on: October 31, 2014, 10:43:54 am »
@bonnysolace: Sis I think nabasa ko din yan haha..yung sabi niya why it's stupid daw pag anterior placenta kasi you're talking to the placenta and not the baby :P Hahaha nako basta kami babasahan namin siya sa gabi ng book niya..at minsan kinakausap ko siya sa banyo or pinapakausap ko siya sa daddy niya hehe. Hindi ko na pala siya papatihayain for tomorrow! :P Pero that's really good to know na may ways naman to try to make him face our spine again if ever humarap.

@Lioness: nako sis hindi ka nag-iisa dyan..kami din wala masyadong activity hehe kasi natatakot parehas  :-\ Basta sabi ko wag hahanapin sa iba! :P
Regarding sa pag lay down sa side, nararamdaman ko din yun na pag nasa left or right ako..para bang nagalaw siya sa pinakailalim ko (sa tagiliran na pinaka nadadaganan!) kaya medyo magtuturn ako patihaya. nakakakiliti siya pag ganun hehe I've asked my husband na palit kami ng pwesto sa kama, dun ako sa mas open na side so pag tatayo ako...tatagilid ako then i-hoohook ko legs ko sa side ng kama to help me up tapos pati arm ko ipupush ko sarili ko pataas.
Di na kasi pwede ang tihaya tapos direcho bangon (para kang nag-crunches!). Hindi lang ako talaga hirap patagilid kasi kahit di ako buntis dati patagilid ako natutulog (kasi loka loka ako hahaha takot ako makatulog nakatihaya at baka pagkagising ko nasa kabaong na ako -- sabi ng asawa ko ang crazy ng mga naiisip ko hahaha)

Minsan mga sis nasakit na din likod ko...pero ewan ko kung sa posture ko lang din. Nung isang gabi...nakapatong ang both legs ko sa ottoman at nung inangat ko ang left (so tendency ang weight ko babaling sa right) sumakit yung bandang likod ko. Hanggang kahapon morning meron pero today wala...di naman ako alarmed pa pero tatanong ko sa ob ko to bukas. ang dami naman kasing aches and pains kasama ang pregnancy talaga! Nakakaloka!!!

bonnysolace

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #56 on: October 31, 2014, 11:01:21 am »
Sabi nila, kapag manas na tayo (at para maiwasan if wala pa), itaas ang paa kapag matutulog.  Eh di ba advisable rin to sleep on your left side para mas maganda circulation ng dugo natin at makakabuti rin sa kidney natin yung position na yun. So, I tried kagabi. Nakatagilid ako then may mga unan sa lower part para mataas ko yung paa ko (best position is our feet should be higher than our heart). Grabe, super uncomfortable! Di ko alam pano ako nakatulog pero worth it naman kasi nawala yung medyo manas ko. Puro salty foods kasi kinain ko these past few weeks kaya lumabas na early stage nya. Nakakatakot.  :-\

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #57 on: October 31, 2014, 11:14:17 am »
Sis aiah I watched the vid, super chill naman ng mommy na yun sana tayo din ganun lang pag nanganak hehe. Excited na din ako na kinakabahan, and true mami-miss ko si baby sa loob ng tiyan ko pag naiisip ko nga na medyo malapit na ako may konting sadness mami-miss ko kalikutan nya sa loob ko. Pero sabagay mas masaya naman makipag-play kay baby ng personal  :)

Naku kami din ni hubby parang ever since na-preggy ako 3x lang yata haha. Mas takot si hubby kesa sakin, feeling nya nasasaktan ako and si baby. Tapos nakikita nya pa na most of the time uncomfortable ako. Pero nung second trimester medyo bumalik nga yung libido ko din pero si hubby na umiiwas haha mabait naman si hubby at sure ako hindi hahanap sa iba  ;D

Nae-experience ko din yung pag nakatagilid bigla sya gagalaw sa ilalim lalo ngayon parang tumutusok si baby baka kako nadadaganan nga kaya titihaya muna ako. Ang hirap din mag-switch ng position.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #58 on: October 31, 2014, 12:45:33 pm »
^ yup sis. mas madali kapag water birth. kung malakas lang loob ko sa bahay nalang ako eh, haha. kaso delikado baka magkaroon complication.

Adam1025, try natin sis. dapat ganun lang, very calm hehe. para lahat ng energy eh mapunta lang sa pagpupush. actually nung nagpapaanak pa ako, marami ang sumisigaw. paulit ulit namin sinasabi wag sumigaw, mag concentrate sa pagpupush para matapos. kasi nauubos lakas kakasigaw hehe.

ewan ko lang kung kaya ko iapply sa sarili ko kapag ako na. sana maalala ko lahat

baby_peanut

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #59 on: October 31, 2014, 03:17:35 pm »
^napanood ko din yung video, parang ang dali daling manganak lang haha. para tuloy gusto ko itry yung water birth  ;D ang galing galing naman nya.

ako din mga sis may nararamdaman akong kumakalikot kapag nakahiga ako on my right side kaya ginagawa ko bumabaling ako ng left side. so far hindi naman ako hirap makatulog, as usual hirap lang ako magswitch ng position at pagbangon lalo na when i wake up in the middle of the night to pee. nakakainis kasi wala kang choice kundi bumangon, kaya si hubby nagigising din kasi umaaray ako when i start to move my body.

mejo lumiit na din ang manas ko sa binti, talagang todo tubig ako ngayon saka naglalagay ako ng unan sa paanan para elevate mga paa ko, yun nga lang paggising ko wala na yung unan nasa lapag na hehe. 

mga sis, hubby and i are interested to attend birthing class. kaso di ko alam kung kanino kina chiqui brosas, rome kanapi or betty san luis. any suggestions mga sis?
 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close