watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2  (Read 56763 times)

Adam1025

  • Guest
Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« on: October 28, 2014, 10:59:23 am »
Hello mommies, locked na pala previous thread natin.  Let's continue our chikahan here  :)

I'm on my 30th week, weee palapit na ng palapit. Parang biglang laki ang bump ko as in, kicks are really getting stronger as in minsan para laging may tumitigas na part kasi nakasiksik si baby dun. May manas na din ako  :( I look so preggy na dina mukang tumaba lang.

I'm back to Phil and grabe ako nahirapan sa 4hours na flight ko. Nahirapan ako huminga and feeling ko yung blood flow ko hindi din ok namanhid mga legs and hands ko, and sooooobrang head ache!  :'( kaya the entire flight di kami mapakali ni hubby, kaya sabi ko next time if ma-preggy ako ulit di na mauulit na mag-byahe ako ng ganun kasi ang hirap talaga.
« Last Edit: October 28, 2014, 11:03:33 am by Adam1025 »

danich_0213Ü

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #1 on: October 28, 2014, 12:32:13 pm »
Hello Sis! Welcome back! (hugs) :) Buti ka pa nakapag travel. Ako hindi pa rin pinapayagan ni OB. Huhu.

Anyway, I'm on my 22th week. But still can't go back to work. Madali kasi sumasakit hips and back ko due to my scoliosis.

Super likot na ni baby. Lalo na sa madaling araw. Sabi ko nga nagmana ata sa amin ng dad nya kasi were both on graveyard shift. Hehe! :)

Well, luckily i don't have stretchmarks yet. (Hopefully, wala na until i gave birth.) :) And hindi rin ako masyado nag gain ng weight.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #2 on: October 28, 2014, 12:49:06 pm »
Hi sis Adam1025! Thanks for creating the thread! :-) glad you got back to Pinas safely!

Last week nasa singapore din ako at nag-aalala nga asawa ko sa byahe ko kasi mag-isa lang ako at mapapagod pero aside sa work eh enjoy ako! :-) oct 15 nagtanong din kami sa OB kung paano ako sa byahe ko and he said na maglakad lakad sa plane every 20mins. Good luck ha! Hahaha ang ginawa ko mag pee siguro 2-3 times lang so counted na ba ang lakad ko papuntang restroom? Haha! :-)

Pahinga ka sis and drinks tons of water.

Nga pala..now at 23 weeks...may nakaexperience na ba na sa gabi kada galaw, slouch tapos sit up...or palit ng positiin sa pagtulog eh nahihilo? Naranasan ko kasi kagabi yun...ang weird lang. Pero pagkagising ko naman wala na...

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #3 on: October 28, 2014, 01:16:34 pm »
^^hi sis danich, why bedrest ka ba? Ok lang yan sis lagi natin sundin advise ni OB para naman kay baby yun. Ako din so far wala pa stretch mark sana nga hindi na magkaroon, if ever man may lumabas pa din pikit mata na lang 😁

^sis preggygielian ako din yun sabi ni OB kelangan daw maglakad lakad sa plane, 3x din yata ako nag-pee. Kaya lang nga sobrang sumakit ulo ko as in naluluha nga mata ko ng kusa sakit. Inip na inip ako sa flight kung pwede lang magpababa parang nasa roller coaster lang haha. Di ko pa naman na-experience sumakit ulo pag naka-slouch or higa sis, baka you need to hydrate yourself more.

danich_0213Ü

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #4 on: October 28, 2014, 02:55:09 pm »
Yes sis. Bed rest ako. Parati kasi ako spotting kasi nagka polyp ako. :( Twice na ako na admit because of this. Mas effective kasi sa akin tru IV ang meds, dun lang nag stop bleeding. So far, ngayon wala naman. Yey!

Swerte nga natin sis wala stretchmarks. As you've said if ever magkaroon ready na rin. Part naman talaga ng pregnancy. Hehe! :)

bonnysolace

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #5 on: October 28, 2014, 03:40:44 pm »
Yey! Welcome back sis Adam1025! Naku, lapit mo na nga. Konting kembot na lang yan, magkikita na kayo ni baby. Have a safe delivery sis. :)

We narrowed down our list of OB. Sana nga meet na namin sila this Saturday kaya lang undas and walang office ang mga doctor kaya Nov 8 na lang ulit, which happens to be my birthday. Saya naman.  :P

Nakakatukso bumili ng mga cute onesies. We went to Greenhills and Mothercare Ermita last weekend. Sale sa Mothercare Ermita. Yung mga onesies and baby clothes naka-50% off kaya nabili rin namin yung inaanak kong magbi-birthday rin sa November. Medyo noob lang kasi first time namin bumili sa MC, pati pala hangers kasama na. Mas madalas kasi kami bumili sa SM and online kapag mamahalin. :o Cute rin yung mga travel system and mga gamit pang baby room.

Still sa Robinson Ermita, akala ko existing pa rin yung Babylandia dun (which I read from a blog), which is our first target. Hindi na pala. Napunta tuloy kami sa Mothercare.

Sa Greenhills, pang mommy and daddy ang nabili namin. Mahal ang mga pang-babies dun tapos ang hirap pa tawaran kaya konti lang nabili namin for baby ( 3 onesies and 4 pairs of mittens lang). Got some pullovers and maxi dress for myself (hindi muna maternity) na pwede rin gamitin sa maternity shoot and gadgets naman for hubby.

Sinasamantala ko na ang pagsha-shopping habang nasa 2nd trimester pa lang kami at may energy pa. For sure, di ko na kakayanin ang matagalan at malayuang paglalakad come 3rd trimester. Mabawasan rin kahit konti yung weight gain ko. Di ko mapigilang kumain ng 2 hersheys kisses a day (since week 20) kasi never talaga ako nag-coffee as soon as we found out that I'm expecting eh coffee lover pa naman ako. Sa kisses na lang ako bumabawi. Sabi ko naman sa sarili ko, zero sweets na sa 3rd trimester.

sofiameredith

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #6 on: October 28, 2014, 04:34:40 pm »
22 weeks here, and baby boy... :)

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #7 on: October 28, 2014, 04:55:54 pm »
@Adam1025: sis, onga eh...may nabasa ako baka kulang sa water :( kaya today tinatry ko damihan ang tubig. Sana okay na pakiramdam mo sis, no more headaches! :)

@bonnysolace:  Hope you find "the" OB for you sis! wow shopping-galore! ang saya!!! :) Gusto ko na din magshopping pero nagtitingin tingin pa ako san ba mura eh..kung online or sa mga stores dito. Mahirap din kasi masyado mahal lalo na for newborn eh ang bilis bilis lang din malalakihan.

@sofiameredith: Congrats on your baby boy sis! :) Ako naman 23weeks and baby boy din! :D kamusta naman ang movement ni baby? Saakin nasa harap yung placenta ko tapos nakaharap siya sa spine ko...kaya ang sipa di ganun kalakas...antayin ko nalang daw na mas further along ako para bigger na si baby at mas malakas na talaga sipa.
« Last Edit: October 28, 2014, 04:59:13 pm by preggygielian »

Happypreggo

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #8 on: October 28, 2014, 05:33:42 pm »
Ako naman sis 18 hour flight!Grabe lang sa inip. Thankful din di ako nahirapan pero walang kasing nakakaparanoid. Iniisip ko kasi si baby all the time. Buti na lang nagpaparamdam lagi. Uminom din ako pampakapit 7 days before my flight.

Anyway, ask ko lang mga mommies kelan ba tumigas [textspeak!] bump nyo?am on my 21st week parang malaki tyan ko pero hindi sya talaga matigas unf lower part lang.

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #9 on: October 28, 2014, 05:40:24 pm »
^ako lagi matigas kasi lagi busog haha! feeling ko din super stretched na sya kaya ganun.


LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #10 on: October 28, 2014, 05:45:53 pm »
Im on my 21st week ginugulo ko talaga si baby sa gabe para mafeel ko galaw nya. Excited na kinakabahan ako sa CAS ko next week. Hoping and praying for the best syempre. Congrats sa mga natapos na! :)

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #11 on: October 28, 2014, 07:37:23 pm »
^good luck sa CAS sis! alam mo na gender? :D

ako naman ogtt na next week. waaah! sino pala endo mo?

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #12 on: October 28, 2014, 08:08:34 pm »
@happypreggo: sis yung akin once palang super tumigas at nagmatigas pa ako tumayo para kunin unan sa kwarto at ilalagay ko sa couch. After nun di naman na...sabi ng tita OB ko...basta pag nanigas magpahinga lang daw kasi di pa dapat naninigas. May times na naninigas pero di sobrang tigas...nakakagalaw pa ako, no pai  tapos pag chineck ko ulit medyo malambot na uliy.

@LGV: sis good luck and enjoy your CAS! :-) I have another checkup sa saturday with my private doctor kasi nung CAS ko wala ako photos hehe dahil sa public hospital siya

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #13 on: October 28, 2014, 08:12:09 pm »
Lakwatsa: Hindi pa sis kasabay nalang daw ng CAS sakto ika 22nd week. Goodluck sa ogtt kung maging candidate ka man basta dont be stressed kaagad. Surprisingly my OB in St. Lukes super chillax lang unlike sa Asian basta daw wag sosobra sa kahit anong mataas sa sugar hindi ko din kasi pwede iwasan dahil hindi ako nagegain ng weight swerte na sa .5 lb kaya hindi daw muna ako magcoconsult sa endo. Awa ng dyos nakakasunod naman ako sa dapat na sugar level and laking help ng metformin.

Preggylian: Salamat sis sayang naman walang pic! Infairness inooffer din pala sya sa public hosp magkano naman? Baka naman libo din haha!
« Last Edit: October 28, 2014, 09:28:00 pm by LGV »

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #14 on: October 28, 2014, 08:33:56 pm »
Wow new thread na pala tayo! Thanks sis adam1025 for making thread #2.
26 weeks naman kami ni baby and she is so malikot! Halos maghapon, feeling ko mana sa daddy niya na malikot matulog. Impossible naman na gising siya maghapon.
Tumitigas din yung tummy ko especially sa lower part but kasabay kasi ng pagtigas eh gagalaw si baby. Parang umiikot siya.
Hubby and i are also finalizing the things we want to buy for baby. Ayoko rin ng sobrang dami tapos hindi naman magagamit but of course may mga things na willing kami mag-splurge especially if baby's safety is on the line.
Safe pregnancy to all of us!

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #15 on: October 28, 2014, 09:58:49 pm »
@LGV: yes sis :-) dito sa hong kong kasi ang OA sa mahal manganak sa private hospital kung walang insurance eh pag nagkacomplications naman ang babies sa public hospitals padin dinadala kasi mas equipped sila. Isa pa libre ang antenatal checkups tapos HK$100 (about Php550) lang per day pag nagdeliver ako eh mga 3-5 days lang naman yun. Pero syempre ibang level ng personalised care ang private clinics and hospitals kaya napunta padin ako sa private doctor for my check ups :-) lalo na pag magpapa-explain ng mga bagay bagay. Sayang kung nasa Pinas pa kami yung tita ko na OB magaalaga sakin :-)

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #16 on: October 28, 2014, 10:02:33 pm »
new thread na pala, kaya pala wala na posts sa unread replies link :)

mga sis, nastart nyo na mafeel  yung braxton hicks contraction? galing ako sa OB kanina, sinabi ko yun i feel irregular painless contractions, normal pala yun and mas magiging frequent kapag 3rd trimester na. it should be painless, mararamdaman mo lang naninigas yung puson mo and naffeel na nkabulge lang sya. saka monitor din yung interval and how long naglalast ang contraction. nagworry nga ako kagabi, kasi after baby kicks e magccontract. yun nga daw usually yun, after movement ni baby magccontract and after sudden movements ni mommy. so rest lang daw talaga.

i had may 3d ultrasound kasi gusto ko lang silipin si baby. i'm soooo happy. well, girl parin sya hehe. 18th week kasi gender uts namin, im on my 24th now. and sooobrang hawig nya si hubby. hindi maikakaila. unang tingin palang kahit si OB sabi female version talaga ng asawa ko. matangos daw ang nose kuha kay hubby. asawang asawa ko talaga ang itsura. i have his baby pictures and kamukha nya. mapayat pa si baby ng konti pero may laman na. sinagot ni God ang prayers ko. i really want her to look like her dad lalo na ang nose, kasi his dad has so much resemblance kay dennis trillo. pati nga OB ko sabi sa 28th week nalang daw, ako lang namilit na ngayon na hehe. i paid 900 lang including consultation narin yun plus the 3d uts.

Happypreggo

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #17 on: October 28, 2014, 10:45:16 pm »
I mean sis [textspeak!] matigas na sya na tummy na pang preggy na hehe

Ako madalas din ngayon manigas tiyan.maybe because of the weather ngayon dito sa location namin about 13 degrees even in the afternoon. Problem ko lang ngayon eh nag crave ako ng rice talaga hahaha purl pasta dito or potato.


LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #18 on: October 28, 2014, 11:28:24 pm »
Preggygielian: Nako balita ko nga sa ibang bansa eh mas okay talaga ang public unlike dito satin parang hindi ka bubuhayin ng public hospital haha pero seriously hindi ka talaga aalagaan dito pag ganun eh swerte mo na din jan. Konting adjust lang kasi iba parin pag sa sarili mong lugar diba. ☺

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #19 on: October 28, 2014, 11:41:17 pm »
Thanks mga sis, thank God nga safe naman ako nakauwi struggle lang talaga the entire flight siguro dahil na din sa air pressure.

Sis happypreggo ako din matagal ko na-feel na matigas na ang bump kaya mukang tumaba lang ako dati kahit may bump na ako. Usually tumitigas sya pag sobra ako nabusog or constipated.

Sis aiah, na-excite tuloy ako magpa-3D4D magkaka idea na pala talaga kung ano looks ng baby natin sa 3D. Maybe after ng holiday next week magpa 3D4D na din ako :)

Madalas din manigas tiyan ko ngayon pero walang pain, matigas sya dahil sa movement ni baby. Sabi ng sister and mother ko normal na yun during 3rd trimester, pag gumalaw si baby usually parang tumitigas na lang ang tiyan kasi konti na lang space nya nagagalawan kaya parang lagi sya naka-tukod especially pag nag-shift sya ng position. Ngayon nga etoh sobrang deform ang tiyan ko naka-siksik sa right side si baby ang sarap picturean hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close