watch now

Author Topic: ABS-CBN: FOREVERMORE  (Read 97848 times)

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #480 on: April 25, 2015, 02:04:17 am »
I hope hindi mag walk out si agnes.. please lang. Kasi if mag walk out yan si xander nanaman ang most hated person in the whole universe :P dahil lang nakita syang kausap ex nya. Sana hindi mahusgahan agad na meron ginawang masama.

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #481 on: April 25, 2015, 09:16:15 am »
napanood ko na din sa wakas  ;D omg nakakaloka talaga! aren't we all asking or expecting kate saavedra to come back?! ahahaha binalik  nga nila at talagang timing pa talaga. oh well, she needs some explaining to do di ba? 2 years nyang kinidnap itong si xander at pinatira sa haus nya para lang gumaling sya..tapos after nya gumaling, nag-byebye na lang sya without talking to agnes. sana nga hindi mag walk out si agnes kase syempre too overwhelming lahat ng ito sa kanya. i think tinawagan sya ni xander to tell her na darating si kate pero naiwan ang fone nya di ba? oh well, i hope the episode on monday will not suck kase pag nagalit na naman si agnes, balik na naman sa zero ang xagnes  :P

yes, super cheesy ng kapag tumibok ang puso bathroom scene haha  :D kailangan ba talaga yon ?! haha i feel so old di na ako nakakarelate sa mga young and inlove :) but thursday was so much better dahil puro xagnes moments parang reminiscent ng book1. so cute ng lizquen parang naglalaro lang and very sweet ang ending when agnes finally accepted the flowers from xander :) we can see the pattern now, after two days of kilig..yung mga susunod e conflict. pinupush pa din talaga ang eksena ni jay ha kahit parang off na :P 
« Last Edit: April 25, 2015, 09:18:02 am by Ms.Cacao70% »

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #482 on: April 25, 2015, 09:32:58 am »
Super cheezy yung episode last night lalo na yung first part.. super corny nung shower scene pero super kilig.. my God.. tawa talaga ko ng tawa kahit ako lang mag isa sa clinic.. buti walang pumasok na pasyente kasi baka isipin nila nababaliw na ko..hahaha..
Ramdam mo talaga yung kilig.. sa loveteam lang talaga nila ko kinilig ng sobra..
And infairness dun sa mga friends niya.. nakakatuwa sila.. very supportive..

Super smile na ko last night eh.. tapos biglang andun si kate.. napa  WTF talaga ko.. super wrong timing naman.. sana wag mag walk out si agnes.. it's time na harapin niya na si kate..
BTW trending nga pala forevermore last night.. super enjoy ako magbasa ng mga tweets.. super daming galit kay kate.. Haha tapos nang bitin pa daw.. kasi walang "ABANGAN" so 2 days pa sila maghihintay kung anong next mangyayari.torture daw..haha

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #483 on: April 25, 2015, 07:14:19 pm »
^may kakaibang magic talaga ang chemistry ng lizquen.. very natural at hindi OA tapos pareho pa marunong umarte at dagdag na rin siguro yung halatang kinikilig sila sa isat isa kaya every happy scene nila together mapapangiti ka :) i remember yung scene na lumalafang si agnes ng bbq tapos si xander nakatingin lang parang tuwang tuwa sya pinapanood si agnes haha cute nila don.

Muka namang binalik nila ang character ni kate to tie up loose ends kase patapos na ang soap so its all good. Yung kay jay ang medyo magulo pa din parang wala pa rin direction. I think his character already served its purpose. I hope tapusin na lahat ng eksena sa manila this coming week para balik la presa na sila naiinip na ko haha!

grace.kelly

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #484 on: April 26, 2015, 08:12:23 pm »
I'm so okay with Kate being back. The Saavedra issue is long overdue. Nawala na nga sa eksena ang testimony nila at ang pagkahuli kay kalbo.  I just hope she's not back for nega vibes, enough na si Jay for that. ;D Huwag na sana magmaktol si Agnes, she's been like that for 2 month so tama na please. Also, I hope tapusin na nila ang Sherrie and Jay issues.

tischarmedlife

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #485 on: April 27, 2015, 12:51:11 am »
baka si Kate ang sagot sa pag-iinarte ni Agnes. Dapat malaman ni Agnes what really happened at nang matauhan na sya.

worriedmommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #486 on: April 27, 2015, 09:24:41 am »
i think agnes really needs to know what happened why xander left her noon. after all, it was for la presa naman ang pag alis ni xander.

malapit na palang matapos ang forevermore, i hope they will tie up all the loose ends. yung sa saavedra na pang aagaw sa la presa, si kate & agnes needs to talk, yung issue ni sherrie sa mga grande at kung sino ba talaga si julius. hehe

also, si jay & mother niya sana magclose na yung topic na yun. what happened pala sa mom niya?

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #487 on: April 28, 2015, 05:14:37 am »
Wow! cant believe the writers of Forevermore have this truly unfathomable way of screwing the minds of their audience hahaha *insert sarcasm here* Yung episode kanina, isang malaking nonsense from start to finish. Jusko! Para akong nakasakay ng roller coaster ng mga baliw.. matapos kang pasayahin ng dalawang episode, biglang kang babatuhin ng isang sakong basura out of nowhere! Makagawa lang talaga ng conflict kahit di naman kailangan. Ok I get it kung baket nilagyan nila ng walk out epek yung unang eksena pero di ko expected na ibabalik na naman nila ang dating agnes at paawang xander. Ugh! umasa ako na kahit sa dulo man lang maredeem ni agnes ang sarili nya at maisip nyang sobra na ang drama nya. Wow! too much unnecessary crying 2 months na yan kaumay na talaga. Really agnes ano bang napakasamang ginawa sa yo xander para di ka maka move on at di mo buksan ang dati mong openminded na isipan?! umepal pa itong si Jay.. hayst! sinayang na naman nila ang isang episode na walang nangyayari. Yep sorry sa nega review ko pero kahit netizens sawa na sa paikut ikot na storya ng isang pinoy teleserye hehe.

No wonder pinakita nila agad yung preview ng tuesday hahaha baka kasi wala nang manood :) tsk! mga paasa talaga! so kate will try to talk to agnes..im not counting on this to happen tomorrow. I have a feeling papa abutin pa hanggang thurs or friday yan at sasaksakan nila ang bawat gaps ng kadramahan at pagpapaawa again. Last 2 weeks na lang talaga pag asa ko :) anyway, what to expect...
« Last Edit: April 28, 2015, 05:18:59 am by Ms.Cacao70% »

scruffs

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #488 on: April 28, 2015, 08:20:44 am »
Kainis yung episode kagabi. Tuluyan na ngang nag-walkout si Agnes. Dumagdag pa itong si Jay na kung masisi si Xander akala mo namang alam ang mga nangyari dun sa hotel. TSK! Sino ka para sabihin kay Xander na bigyan ng space si Agnes ha? May pa-sir, sir ka pa!!!! Sana makausap agad ni Kate si Agnes para malinawan na siya. Epal pa din itong totoong nanay ni Agnes, na maka-Jay din... kung magalit kay Xander....  >:( >:( >:(

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #489 on: April 28, 2015, 09:15:55 am »
Si Jay ang pinaka nakakairitang character sa story na 'to. Kung maka arte akala mo ang dami na nila pinagsamahan ni Agnes at akala mo ang dami na nya nagawa. haha! e puro "dude" and "rock en roll" lang naman ginagawa.

worriedmommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #490 on: April 28, 2015, 09:39:32 am »
Ugh. I was so disappointed with yesterday’s episode. As in, yun na yun? Walk out again and iyak iyak? Ulit ulit? I think the writers are just playing around nalang. And si Jay, puro english lang naman... pero no sense at all. Feeling knight in shining armor? Duh. Kala mo naman since birth niya kilala si Agnes. Siguro if yung best friend nalang ni Agnes yung magsabi ng give her space, ma-gets ko pa iyon.

Teka nga, wala na si Best Friend ni Agnes?

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #491 on: April 28, 2015, 09:51:12 am »
Isa sa pinakapangit na episode yung kagabi, i agree with sis cacao, binato tayo ng isang sakong basura ::) dapat hindi na sinali si mamang at jay, they are so irrelevant lalo na bumabalik na sa main storyline na wala naman silang alam ::) sayang yung ginawa nilang build up last week, bumalik lang din sa walang katuturang dramahan.

liana

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #492 on: April 28, 2015, 10:38:15 am »
^ I agree, nakakabwisit din yung writers and maling mali na si Jay and mamang pa yung nakiki-alam ngayon eh wala naman silang alam talaga kung ano pinagdaanan ni Agnes before.

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #493 on: April 28, 2015, 11:08:48 am »
sobrang hanggang ngayon iniisip ko pa rin saan nanggaling yung episode kahapon  :o anyare?! parang baliw na ang character ni agnes... mamaya galit... mamaya happy... mamaya natatakot... mamaya kinikilig... mamaya excited...tapos ngayon iyak naman ng iyak  :P sobrang unstable! luka luka lang ang peg! enjoy na enjoy mga writers ng ganon ::) sa book 1, si agnes iisa lang ang pinapakita nya: masayahin, full of hope, positive, hindi sumusuko at marunong ipaglaban ang pagibig nya kay xander. situations lang nagbabago pero they stayed true sa character nila at sa love nila for each other.  etong book 2, she's all over the place teh!! daig pa namatayan or naka experience ng tragedy sa buhay e nagkahiwalay lang naman sila ni xander ng 2 years... na take note.. ni hindi man lang niya inalam ang rason... kung naniniwala talaga sya sa sinabi noon ni xander bago sila naghiwalay... sana di sya agad sumuko di ba? mas maganda pa sana kung ganon na lang ang naging takbo ng storya mas appreciate pa ng viewers. maniniwala ka talaga na may forever. book 2 is a joke im sorry. naging shallow na ang lovestory nila. nafocus na lang sa anger and hatred.

may i add, yan pang jay na yan. ano ba talagang papel nyan? di ba basted na yan? e bat kung umasta parang akala mo super close sila ni agnes? o di ba hiyang hiya naman ako para kay xander habang pinapagalitan sya ni jay. wow! where did that come from? the nerve right?! si andrew (yves) pa gets mo ang hugot kase kababata talaga yon ni agnes. pero si jay sarap subuan ng borjer teh! pigilin nyo ko...hahaha :D
« Last Edit: April 28, 2015, 11:22:56 am by Ms.Cacao70% »

scruffs

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #494 on: April 28, 2015, 03:01:48 pm »
^ Dami kong tawa dun sa comment mo Sis, lalo na kay Jay... Full of emotions!!! Haha

Sana lang mabasa ito ng mga writers para malaman nila na hindi lahat natutuwa sa roller coaster ride na kwento ng serye nila.

ayerfphoebe15

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #495 on: April 28, 2015, 06:18:31 pm »
Nakakatuwa naman mga comments niyo mga sises dito. . . ganyan n ganyan din kc ang reaction ko kagabi hihi . . . as in kakabadtrip [textspeak!] talaga. .


budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #496 on: April 28, 2015, 11:10:25 pm »
Hahaha! Buti nalang pala di ko napanood yung episode kagabi. ::) Atat ko pa naman panoorin replay. Agreeee, kakairita yang si Jay talaga! Palagi lang naman epal.

tischarmedlife

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #497 on: April 29, 2015, 02:20:51 am »
I've read in Twitter na finally na-explain na ni Kate kay Agnes ang lahat! So Xander, hayaan mo na si Agnes na marealize gaano kalaki kasalanan nya sayo!  :P Pag ba naman hindi pa natauhan si Agnes, ewan ko na lang!

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #498 on: April 29, 2015, 03:22:37 am »
^ well nag explain na ang kate pero apparently mainarte pa din ang agnes. Looks like hindi pa sya ready to forgive.

I can't even understand ano kailangan nya iforgive kay Xander given na the person sacrificed nga for them. mas ok yata pinabayaan nalang ni xander masunog ang la presa. :P

in real life, mas ok iwan mga ganitong tao. Napaka mainarte. LOL

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: ABS-CBN: FOREVERMORE
« Reply #499 on: April 29, 2015, 04:42:45 am »
 :o :o :o  ganito pa din ang reaction ko bang pinapanood ang episode kanina  :o :o :o

hindi na ako maka relate kay agnes. kahit na balde baldeng luha pa ang iiyak niya wala na akong mafeel.. naging bato na din ako gaya nya ahahaha  ;D we waited for this moment to happen, yung malaman na nya ang totoo pero wala palang effect yon..parang constipated lang ang muka ni agnes with matching "di ba dapat sumaya na ako? e bat wala pa din akong maramdaman?" nasigawan  ko na naman tuloy ang tv namin, "EWAN KO SA YO KULOT! PATINGIN KA SA DOKTOR BAKA PASMADO KA LANG!" grrrrr ahahaha  ;D

ang nakakainis lang sa plot na ito si xander pa din ang kailangang manuyo, humabol habol na parang engot... tapos si agnes pa din ang kailangan intindihin..si agnes si agnes puro na lang si agnes!! pati mga french investors hindi muna tumatawag kase nalaman nila na hindi pa ready si agnes... nag iinarte pa... ahahaha! :P naku jay ha...baka umepal ka na naman bukas! magsuntukan pa kayo ni xander! dahil kay agnes na naman...si agnes si agnes puro na lang si agnes!  ;D


in real life, mas ok iwan mga ganitong tao. Napaka mainarte. LOL

ay nako sinabi mo pa! walang xander na magtitiyaga sa bitter agnes in real life! daming maganda dyan sa tabi-tabi...kahit si kate pwede na yan mukang matino na ahahaha

^ Dami kong tawa dun sa comment mo Sis, lalo na kay Jay... Full of emotions!!! Haha


hay naku ganyan talaga akong manood ng teleserye feel na feel kaya one teleserye a year lang ang natatapos ko ahahaha  ;D
« Last Edit: April 29, 2015, 04:46:54 am by Ms.Cacao70% »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close