watch now

Author Topic: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)  (Read 24298 times)

hushush

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #120 on: April 24, 2018, 12:19:56 am »
Mga sis bago na ba ang china visa form?
Eto na ba?

https://www.pdffiller.com/jsfiller-mob/?projectId=181190742&expId=0&expBranch=1#abbe9a9a173f47a9ba7a94d0dff0bc17

Or yung nasa mismong form sa china embassy website pa rin?
Thanks!

ninabhel

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #121 on: May 16, 2018, 03:04:52 am »
Hello Girls,

My fiancee will be going to china to study Medicine. My scholarship from the Chinese government and paid nila lahat from Dorm, plane ticket and monthly allowance.
Iniisip ko lang if mabibigyan kaya ako ng Visa to para maihatid ko man lang siya bago mag start yung pasok niya since nakaka worry din naman na mag isa lang siya na foreign country and hindi pa lahat marunong mag english and to visit him kahit once a year lang. Hindi ko din naman balak mamasyal sa mga malalayong tourist spot nila, yung malapit lang siguro sa school niya since wala naman kaming pera pang gastos. And wala din akong 100k for show money since wala naman kaming pera.

hushush

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #122 on: May 16, 2018, 09:16:48 am »
^kung magstay ka as tourist at may pre-booked accommodation ka im sure maaapprove ka. Provide mo lang bank statements mo kung may work ka naman. Kung madeny ka, wait mo na muna magsettle ang bf mo then pede ka dalaw. Bf mo yung inviter mo.

minatay91

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #123 on: June 17, 2018, 12:45:32 am »
mga sis, newbie question...
I'm confused kase sa sabi sa internet..
Does it snow in Shanghai and/or Beijing? And what month yung guaranteed snow? (or is there another place we should go if ever?)

eischied_21

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #124 on: June 19, 2018, 08:09:42 pm »
It does not snow everyday in Beijing for winter season depende sa temperature. Expect months of January to Feb ang may snow because this is the peak of winter. Meron din pa din snow between March and April lalo na pag bumaba ang temp.

In Shanghai, there's no snow pero last winter nagkaron sila ng snow (climate change). Its colder in Beijing than in Shanghai.

« Last Edit: June 19, 2018, 08:13:44 pm by eischied_21 »

minatay91

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #125 on: June 19, 2018, 09:57:21 pm »
^ yes sis, that's why I got confused. Sabi daw walang snow sa Shanghai, pero may nabasa ako na may snow... hehe kaya nalilito ako hehe so it was a one time thing...
Thanks! I wanted to check if it's better to land in Shanghai then travel to Beijing, or land in Beijing than travel to Shanghai. Gusto ko kase talaga magDisney... hehe pero gusto ko din ng snow... hehe

eischied_21

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #126 on: June 20, 2018, 05:59:35 pm »
Dahil siguro sa climate change kaya nagsnow last winter sa Shanghai. There's a higher chance na sa Beijing ka makakakita ng snow. January to February eto ang for sure 100% may snow sa Beijing dahil peak season eto ng Winter. Spend more days in Beijing para makakita ka ng snow. Makikita mo naman sa weather temp 1 week ahead kun anong days mag snow. :)

keilhai02

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #127 on: August 13, 2018, 09:40:57 am »
Hi sissies,

May question po ko regarding visa. Mag guangzhou and shenzhen po kasi kami by december from macau then hk after. Last feb pa ko naka kuha ng plane ticktet rt na dec 16-28. Then nag decide kami mag extend ng stay kaya kumuha ulet ako ng ticket lastweek one way to macau for dec 12. Pag mag apply po  kami ng visa ok  po kaya na plane ticket na isubmit namen   is yung 1st ticket nmen na dec 16-28?  Thanks.
« Last Edit: August 13, 2018, 10:07:11 am by keilhai02 »

Apple1230

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #128 on: August 24, 2018, 07:28:25 am »
^ok lang yun sis. ako sa agency ako nag pa process para sure na ma approve. kahit wala pa akong plane ticket at hotel sila na gumawa ng itinerary for me. basta ma fill up ko lang yung mga forms and ma submit mga requirements.

hushush

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #129 on: October 26, 2018, 05:06:09 am »
Hay salamat got our S2 visas (double entry) without hassle kahit pa napansin ko while chine-check yun application namin, may nakalimutan ako ifillout sa form ng anak ko.. Hindi ko na sinabi sa embassy guy hehe.
Mabuti na lang at maaga ako pumila, before 6am nakapila na ako hehe. Kaya pang-#3 ako kahapon.
Anyways, hopefully matuloy kami sa Shanghai sa dec para maiba naman. If not, ganun ulit as usual: Macau-HK-Guangzhou-Zhuhai-Shenzhen.. Importante malamig at makakapag-winter ootd nyahahaha... 😊

eischied_21

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #130 on: October 26, 2018, 12:00:24 pm »
^ Congrats! why not pursue to go to Shanghai instead of usual Macau-HK-Guangzhou-Zhuhai-Shenzhen. You have been there many times and I think yun magagastos for these 4 cities is equivalent to your expenses to Shanghai na din. Take the opportunity while your hubby is working in China to visit other cities. :)

hushush

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #131 on: October 26, 2018, 12:25:31 pm »
^oo nga sis tama ka dun. Kung HK disneyland plus Guangzhou parks ang pupuntahan namin e same expenses lang.. Kaya ipupush ko talaga.. 😆 sabi ko nga sa husband ko tutal plan ko next summer di muna kami magbabakasyon dun so parang iexchange ko  yung summer budget so we can go to Shanghai.  Yung gusto ko talaga mapuntahan dun bukod sa nature parks eh yung The Bund kung saan may isang scene na dun shinoot yung Shanghai Calling ni Daniel Henney.maganda kasi yun place. Mixed architectural styles as per google. Hehe.

"The Bund is a mile-long stretch of waterfront promenade along the Huangpu River. To the west of this stretch stand 52 buildings of various architectural styles, including Gothic, baroque, and neoclassical styles. It is often referred to as "the museum of buildings".

Ikaw ba sis saan mo plan maggala sa dec? 😊

eischied_21

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #132 on: October 26, 2018, 12:39:55 pm »
^ Shanghai is really different from Guangzhou/Shenzhen/Zhuhai. Iba ang environment and vibes. Tsaka ayun nga tama ka may mga buildings dun tapat ng The Bund na European architecture. If you haven't been to HK Disneyland and GZ themeparks then I guess better nga na unahin na lang muna eto kesa magShanghai. And may Shanghai Disneyland na din pede din yun puntahan.

Walang plan this Dec...dito lang sa Shenzhen or I might spend New Year in Macau to experience countdown in one of the hotel casinos there. Drop me a message if you will go to Shenzhen with your family or if you want some "me" time we can bond around haha :)

By th way, the long bridge connecting between Zhuhai, Macau, HK and other cities in Guangdong province will be opened I think this October. Traveling in between these cities are now easier.


hushush

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #133 on: October 26, 2018, 01:02:21 pm »
^twice na kami nakapag-HK DL sis angkaso hindi kasama ang bunso dahil takot sa mascots. This time naovercome na nya ang fear nya kaya gusto na nya magDL at magpapic daw with Minnie Mouse hehe.😄 Sa Guangzhou naman yung Chimelong Safari pa lang napuntahan namin.  May option din daw to go to Guilin kung hindi matutuloy sa Shanghai. Or Shenzhen din dahil di pa namin napuntahan ang Knight Valley sa OCT East. Since medyo malalaki na mga bata baka pede na sila sa extreme rides dun. Sa Star City nga nakakasakay na sila sa mga extreme rides dahil swak na sa height. Hehe.

For sure sis pupunta kami sa Macau kung trip namin manuod ng fireworks display sa NY kasi 15mins lang yun border gate hehe.saka para magamit din yung isang entry ng visa hehe..angkaso ang prob daw dun sis yung hotel booking nagkakaubusan o kaya dumodoble ang price per night.. Pede naman siguro kinabukasan hehe.. Ichat kita sis kung magkakamatch ang sked natin tapos maggala tayo sa Venetian or Parisian. Yun lang ang feel ko puntahan dun na maraming food. Kasi sa Macau City nahihirapan ako maghanap ng food. Sa senado marami yung mga pinoy na resto at mura lang pero hindi ganun kasarap. Ang ending Jollibee macau hehe.. Mas marami kasi ang Gold shops dun kesa sa food hehe. Kung pwede lang kainin ang gold e no hehe..😅

About the connecting bridge, must-try nga yun sis. Nabalita nga yun dito..kahapon ata ang opening nun as per my husband. hehe.
Try mo din sis visit sa Zhuhai sometime. Pag free ka. marami dun mga items sa may Gongbei na tig-2rmb lang. Yun mga backtowels ng mga anak ko namakyaw ako ng 20pcs na ganun mga micro fiber tapos mga socks din na pamasok hehe... Mga jade bracelets at mga anek-anek. Pasalubong..Amazing talaga yun 2rmb store na yun sis! Angkaso lang sis bumaba ang exchange rate ng rmb no? From 8.2 dati ngayon 7.3 na lang.🙁 sabi ng hubby ko dahil daw yun sa trade war between US and china kasi hindi na daw inallow or nililimit na ng US mga china products..akala ko pa naman papalo ng 9 ang exchange rate!😅

betya72

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #134 on: October 26, 2018, 04:54:16 pm »

sis, sobra ba dami ng tao sa embassy? hindi kasi ako nag agency, I will be the one applying the visa. Gusto ko lang malaman, gaano kahaba ang pila at anong oras dapat ako pumunta.

thanks in advance.


Hay salamat got our S2 visas (double entry) without hassle kahit pa napansin ko while chine-check yun application namin, may nakalimutan ako ifillout sa form ng anak ko.. Hindi ko na sinabi sa embassy guy hehe.
Mabuti na lang at maaga ako pumila, before 6am nakapila na ako hehe. Kaya pang-#3 ako kahapon.
Anyways, hopefully matuloy kami sa Shanghai sa dec para maiba naman. If not, ganun ulit as usual: Macau-HK-Guangzhou-Zhuhai-Shenzhen.. Importante malamig at makakapag-winter ootd nyahahaha... 😊

hushush

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #135 on: October 26, 2018, 05:21:03 pm »
^sa ngayon sis tolerable pa..pag nov na onwards  as per experience ko e sobrang dami aabutin ka ng 12noon earliest kung maunahan ka ng mga travel agents sa pila.
Yun suggestion ko sis, monday ka magpunta. Kasi friday kadalasan marami masyado nagpupunta dun. Kung kaya mo sis 5:30am makarating ka. Dumeretso ka muna sa pila bago ka magregister sa The World Center. Sabihin mo sa guard pipila ka muna. Kasi madali naman magregister at kumuha ng ID.

Yung best tips ko sayo to secure your slot sa pila:
-magdala ka ng newspaper or folder or SM na eco bag. Lagyan mo ng name mo. Then ilatag mo katabi ng nauna sayo. Then patungan mo ng mineral water. Then sabihan mo kung sino man nakapila dun na yun ang pila mo bago mo iwan. Alamin mo kung sino ang sinusundan mo.
-chikahin at tanungin mo din mga nauna sayo kung pang-ilan ka. Importante yan kasi maraming travel agents na sumisingit. Yung sasabihin na andun yun pila nila, dun daw kahit isang bag lang yun nakikita mong nakapila dun.. Or magpapapila sa kakilalang agent..Akala mo pang-4 ka pero may 8 agents na sisingit dyan pag 8am na. Maniwala ka saken hehe! Daming beses ko na naexperience yan. 😆

Nangyari sakin yan nung thurs when claiming my visa, i asked the lady ahead of me, sabi pang-3 ako. Then may dumating na isang agent na lalaki na malakas ang boses at malakas din ang dating. Pumunta sya sa unahan ko at sabi nya "dito ang pila ko".Sabi nya, nauna sya sakin. Then sabi nun lady agent "oy mahiya ka kadarating mo lang" kaya ayun wala sya nagawa kundi pumila after me. Iinsist mo yung pila mo.

Kasi sis, bulto-bulto sila kung magclaim ng passports!! Aabutin ka ng syam-syam sa paghihintay kung kelan sila matatapos. Kaya kwestyunin mo talaga kung sino-sino ang mga nakapila ahead of you na talagang dumating nang maaga at hindi yung dumating ng 7am at bigla na lang sumisingit pag 8am na. 😆

eischied_21

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #136 on: October 26, 2018, 07:25:50 pm »
^^^ Maganda nga din daw ang Guilin kaso hindi pa din ako nakakapunta. Guilin and yun Avatar Mountains (Zhangjiajie) bandang Changsha gusto ko din puntahan kaso wala naman makasamang Chinese dito. Parang feeling ko kasi bihira foreigners na pumupunta sa mga lugar na yun tsaka gusto ko bumalik sa Shanghai for SH DL.  Pero ok lang kahit hindi ko na mapuntahan mga to. haha

Na-experience ko once 2 years ago yata yun na mag NYE sa Macau and wait for the fireworks kaso that time wala naman palang fireworks. Parang naghintay yun mga tao sa wala. This year gusto ko na lang magcountdown sa mga casinos dun for experience baka masayang NYE ko kakahintay tapos wala naman pala fireworks :)

Nakapunta na din ako once sa Zhuhai. Pumunta ako dun sa parang mermaid na nasa dagat. Dun sa Gongbei mura nga daw dun nakita ko lang sya pero hindi na ako namili since feeling ko marami din naman nun sa Shenzhen. Ayun parang Shenzhen lang din ang vibes. Alam ko mga taga-Macau sa Zhuhai namimili for cheaper deals.

Madami nga din pinoy carinderia/restos sa Macau. Isa yun sa pinupunta ko sa HK/Macau Jollibee and pinoy foods. Wala kasi kahit isang pinoy resto man lang dito sa Shenzhen. Meron dati kaso parati nagsasara and kun may philippine products naman na binebenta online super mahal, kaya mas ok na pumunta na lang ng HK para mamili ng mga PH food supplies. :)

keilhai02

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #137 on: October 28, 2018, 04:50:54 pm »
mga sis, medyo na confused ako regarding sa emergency section ng passport need ko ba siya fiil up? then yung  sa visa application ng baby ko sa section "1.17 employer/school" need ko iprovide school details niya? thank you so much.  :) :) :)

betya72

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #138 on: October 29, 2018, 01:54:17 pm »
salamat hush-hush. I'm planning sana sa Wednesday mag apply.

^sa ngayon sis tolerable pa..pag nov na onwards  as per experience ko e sobrang dami aabutin ka ng 12noon earliest kung maunahan ka ng mga travel agents sa pila.
Yun suggestion ko sis, monday ka magpunta. Kasi friday kadalasan marami masyado nagpupunta dun. Kung kaya mo sis 5:30am makarating ka. Dumeretso ka muna sa pila bago ka magregister sa The World Center. Sabihin mo sa guard pipila ka muna. Kasi madali naman magregister at kumuha ng ID.

Yung best tips ko sayo to secure your slot sa pila:
-magdala ka ng newspaper or folder or SM na eco bag. Lagyan mo ng name mo. Then ilatag mo katabi ng nauna sayo. Then patungan mo ng mineral water. Then sabihan mo kung sino man nakapila dun na yun ang pila mo bago mo iwan. Alamin mo kung sino ang sinusundan mo.
-chikahin at tanungin mo din mga nauna sayo kung pang-ilan ka. Importante yan kasi maraming travel agents na sumisingit. Yung sasabihin na andun yun pila nila, dun daw kahit isang bag lang yun nakikita mong nakapila dun.. Or magpapapila sa kakilalang agent..Akala mo pang-4 ka pero may 8 agents na sisingit dyan pag 8am na. Maniwala ka saken hehe! Daming beses ko na naexperience yan. 😆

Nangyari sakin yan nung thurs when claiming my visa, i asked the lady ahead of me, sabi pang-3 ako. Then may dumating na isang agent na lalaki na malakas ang boses at malakas din ang dating. Pumunta sya sa unahan ko at sabi nya "dito ang pila ko".Sabi nya, nauna sya sakin. Then sabi nun lady agent "oy mahiya ka kadarating mo lang" kaya ayun wala sya nagawa kundi pumila after me. Iinsist mo yung pila mo.

Kasi sis, bulto-bulto sila kung magclaim ng passports!! Aabutin ka ng syam-syam sa paghihintay kung kelan sila matatapos. Kaya kwestyunin mo talaga kung sino-sino ang mga nakapila ahead of you na talagang dumating nang maaga at hindi yung dumating ng 7am at bigla na lang sumisingit pag 8am na. 😆

hushush

  • Guest
Re: China Travel Guide 4 (Check 1st page for references)
« Reply #139 on: December 10, 2018, 12:31:02 pm »
^musta na betya72 ang visa mo?

-----
Nga pala mga sis na nasa china ngayon or recently travelled there,anong VPN app ang gamit nyo. Karamihan ng VPN apps sa playstore useless na sa china.. Kaya natatarantol na ako anong iinstall ko.. 😫

 

Latest Stories

Load More Stories
Close