watch now

Author Topic: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)  (Read 44884 times)

hershey

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #200 on: February 07, 2015, 09:32:04 am »
Sa lahat ng naging kabit sya pinakamaswerte. Lahat pabor sa kanya. Kawawa ang original :(

snowflakes

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #201 on: February 07, 2015, 10:41:56 am »
kabit siguro ang writer?  hahaha nauuso na naman ang pinipili ang kabit ng lalaki ha... pati sa flordeliza.

sugar n spice

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #202 on: February 08, 2015, 03:08:20 am »
I just hate it kapag masyado nila dyina-justify ang role ni Janine. Sa totoo lang everytime na ipapakita nilang talunan si Janine, gusto kong pumalakpak sa tuwa LOL. Sobrang obvious na ang target ng abs e maawa tayo sa kanya. 

Nakakaimbyerna ang abs ha. Masyado nila ginagawang panalo ang role ni ex-kabit. Kung kelan nagka-victor saka inulan ng nagkakandarapa at sincere na lalaki. Again, to justify the role of Janine.


itsnikimendoza

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #203 on: February 10, 2015, 12:18:18 pm »
^agree ako dito sis. bakit ngayon parang sya na yung kinawawa at kung makapaghiganti akala mo sya ang unang asawa. oh well, at least kita nang mas matino talaga si yvonne sa kanya. kung tutuusin halos parehas sila ng pinagdaanan pero si janine pinangunahan ng galit.

Honestly medyo nabobore na ko dito. parang di na natapos problema nila victor.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #204 on: February 10, 2015, 12:25:39 pm »
Based on teaser, parang si janine na talaga ang bida, parang mula sa pagsasacrifice blah blah, babangon na ngayon at maghihiganti. Parang, hello, eh siya nga unang nanggulo sa buhay ng ibang tao tapos ngayon ang kapal niya pa mag-seek ng revenge. Ang layo na ng tinakbo nito compared sa korean version, sana matapos na, hindi na interesting nangyayari, paikot-ikot nalang.

MisCalculus

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #205 on: February 10, 2015, 12:32:12 pm »
I stop watching this serye na, nakakaumay na sobra. Same situation, almost the same dialogue, ni-recycle lang halos lahat pero pinagpalit lang yung characters. Ang pogi pogi naman ng loser na si Victor pinag-aagawan ng 2 babae  ::)
--

Sana magpalit na lang sila ng timeslot ng Unforgettable Love :D

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #206 on: February 10, 2015, 01:15:10 pm »
^ true! at nakakastress sya panoorin. Walang katapusan gantihan, sigawan etc.. I stopped watching na din. Nakita ko lang yung teaser ng next episode sa commercial.

marssie

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #207 on: February 11, 2015, 02:30:03 am »
True! Nakakawalang gana na tuloy panoorin,but im glad to know na marami akong kapareho ng nararamdaman hehe at least nakakagaan ng loob ang GT :D

Queen Chokolah

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #208 on: February 11, 2015, 08:26:04 am »
puro bangayan. walang katapusang sigawan. hays. pare parehas mga palingkera simula sa mga bida hanggang sa mga secondary characters. Ay! maliban kay victor. Kase si victor, na sentro ng lahat ng nangyayare, walang say. sya lang hindi maingay hahaha

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #209 on: February 11, 2015, 10:34:18 am »
teaser nalang pinapanood ko. bakit kase parang si janine and bida at na-agrabyado eh on the other hand siya ang puno't dulo ng gulo. grrr!

tischarmedlife

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #210 on: February 11, 2015, 11:06:55 am »
ako din, hindi na ko nanonood since last week pa :(

vbhyaknoj

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #211 on: February 11, 2015, 05:06:22 pm »
hindi ko din maitindihan kung bakit pinapalabas na si janine ang bida at ang may karapatang maghiganti. grabe lang justified papahirap nya sa kanila Yvonne. di ba dapat si Yvonne ang gumawa lahat nito dati pa? nakakainis din teaser as in pinapaabangan ang pagbabangon at paghihiganti ni Janine..di ko gets talaga!


marssie

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #212 on: February 11, 2015, 06:54:06 pm »
teaser nalang pinapanood ko. bakit kase parang si janine and bida at na-agrabyado eh on the other hand siya ang puno't dulo ng gulo. grrr!

Eto actually nakakapang gigil, para bang di niya naiisip na siya ang unang nanglandi ng asawa ng may asawa,nakukulangan ako sa matatapang na lines na dapat binabato ni Yvonne sa kanya nung umpisa palang.  Parang napanood ko na sinabi na ni Yvone na siya ang punot dulo pero parang walang dating kay Janine parang di naman nasasapul hehe or kulang lang sa pagdideliver si Kaye?  Tipong pag nagsasagutan sila parang gusto kong hilahin palabas ng TV si Yvone at ako ang makikipagsagutan kay Janine sa gigil ko! Mas okay pa yung legal wife dati, mas nakakadala ang sagutan ni Angel at Maja.

Queen Chokolah

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #213 on: February 12, 2015, 08:43:33 am »
^agree. this is just me ha, nakukulangan ako sa pag arte ni Kaye for some reason. Or baka sa lines din. masyadong OA, yung tipong matatabil ang dila nila sa mga banat nila na parang hindi na kapani paniwala. maganda ang lines sa legal wife kasi makatotohanan like yung sikat na sikat na "walang sayo nicole! AKIN LANG ANG ASAWA KO!" sobrang dalang dala ang masa sa sinabi ni angel parang totoong totoo. Samantalang dito merong "San ka ba nag aral? Anaconda University?" (like.. what?) and "kung ako ahas, ikaw anaconda!" mga ganyang banat na di ko talaga type nacocornyhan ako parang away kalye lang. And parang mas magaling umarte si erich kasi (sorry fans ni kaye).

Di ko rin nagustuhan yung, nagpaganda si yvon after sya iwan ni victor.. Tapos nung binalikan aba naging losyang ulit. Inis na inis ako me panyo na ulit ang ulo. Sabi ko, asan na yung magandang yvon? ano ba naman yan binalikan lang pinabayaan na ulit ang sarili. Samantalang yung orig kabit (ngek?) maganda all through out.

Linya nga ni janine "magsama sama kayong lahat sa impyerno!" sabi ko "sumama ka din gag*, mauna ka nga dapat dun eh".

Di ko din gusto na ginagamit nya ang nalaglag nyang anak para makapag higanti. Maghihiganti daw sya hindi para sa sarili nya kundi para sa anak nya, na as if naman talagang inalagaan nya ang anak nya! alam nyang buntis sya dapat umiwas sya sa mga bagay na may masamang epekto sa pagbubuntis nya. Kung sa totoong buhay maghahabol ka ba talaga? samantalang alam mong dapat mong intindihin ang sarili mo? tapos isisisi nya lahat sa iba na nakunan sya. Ganito din reaction ko nung kay Yvon dati. Ipaglalaban nya daw ang asawa nya hindi para sa kanya kundi para sa anak nya. Like, ano ba? So hindi mo mahal? ipaglalaban mo lang dahil ayaw mo mawalan ng ama ang anak mo? Bat di na lang maging honest at sabihing ginagawa nila ang mga ginagawa nila dahil mahal nila si victor. Hindi yung gagawa pa ng kung ano anong dahilan. Ayoko na talaga nag naging takbo ng story na to sana matapos na

crazy_krizsa

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #214 on: February 14, 2015, 04:50:38 am »
Grabe... akala ko ako lang ang tumigil ng manood nito. Aside sa nakaka stress, parang walang dating mga lines puro bangayan na lang. Tapos bida pa ngayon si ex-kabit. Feeling ko super layo na nito sa original version, may nakapanood ba sa inyo ng original version nito?

tischarmedlife

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #215 on: February 14, 2015, 02:42:48 pm »
hindi ako nakapanood two nights na, bumaba na ba ang hatol ng korte? nakulong ba si victor?  ???

rave21lala

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #216 on: February 14, 2015, 10:11:16 pm »
^yes sis, nakulong siya.

tischarmedlife

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #217 on: February 15, 2015, 11:29:08 am »
aw nakulong na pala sya.. will watch na nga ulit sa Monday :) thanks sis for the update

rave21lala

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #218 on: February 15, 2015, 11:11:21 pm »
malapit na ata matapos to, yung mall show nila sa Market Market kanina, pasasalamat daw eh.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: TWO WIVES (Filipino Adaptation)
« Reply #219 on: February 16, 2015, 01:48:45 pm »
bakit puro panalo si janine? siya na nanira ng family siya pa ang nagtatagumpay? unfair.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close