Author Topic: Wedding Gowns in Divisoria PART 4  (Read 169142 times)

maukris

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #180 on: March 09, 2015, 07:18:55 am »
how much is your budget sis? Try to check Bridehouse PH sa IG (Carmen Lazaro Couture). Me and sis maukris got ours there:) Maganda tumahi and super pulido:)
Yes, and you can avail 10% discount sabihin mo lang na female network ka. (Thanks sis yannuh nakuha ko yung discount yesterday)

Di lang siguro ganon ka appeal sa photo pero maganda in person. Tapos maganda din ang place nila para mag sukat. :)
« Last Edit: March 09, 2015, 08:14:19 pm by maukris »

yannuh

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #181 on: March 09, 2015, 07:31:14 am »
^No probs sis, yup we can avail 10% discount sa mga w@wie & GTalkers:) Price range starts at 20k for their RTWs tapos you can ask for a custom made gown din (price varies depending on your design) Agree with sis maukris, super ganda and intricate ng details sa personal. Plus factor pa smen na enjoy kausap si Ms. Carmen (super bait:) saka complete package na (first & second veil, arrhae, pouch, garter,etc):)

bimbolera

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #182 on: March 10, 2015, 11:12:58 am »
Went to DV kahapon, ang mahal ng custom gown ni BGG ang quote nila sa akin is 55k. compare sa iba (mostly mentioned here in GT) na 30-35k ang quote.

Mejo naglilean na ako kay Coutuba Fashion by Paul Santos. Anybody here na may testimonial about him? Negative or Positive will help. Thanks in advance!

Also, di ko pa napupuntahan si Ms. Vangie and si Princess Kisha. Kasama ko si fiance maglibot sa DV. Nahiya naman akong idrag pa sya sa doon at baka magreklamo hehe~


hermione28

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #183 on: March 10, 2015, 01:15:32 pm »
Hindi din talaga mura ang gown sa Divi. Akala lang siguro naten. Nung wedding ng sis ko, yung gown ko as Maid of Honor binili ko lang, saka lahat ng bridesmaids, secondary sponsor at flower girls. Yung sa mom ko, pinatahi nya, galing sa net pinakita nya yung picture. Ayun sumakit ang ulo, 2 months na ata hindi pa din tapos. Ng matapos, ayun, disaster, hindi kayang tiisin ng sis ko makita yung mom namen na magsuot ng ganun kapangit ng gown. So sa huli, bumili lang din sya ng RTW.

In terms of RTW, ok ako sa Divi kasi maganda naman talaga. Kahit hindi kasya sayo, ituro mo lang at magpagawa ka ng same na sukat mo. Kaya nila, (well in my case lahat naman ok) my guess is kasi may pattern na sila ng gown na yon. Unlike pag ipapagawa mo yung nakita mo sa net? Malabo. Don't ever do it.

moana

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #184 on: March 10, 2015, 01:55:19 pm »
^ agree ako dyan. Sa lahat ng officemates ko na kinasal, they saw a perfect wedding gown on the net/magazine, nagpatahi..halos lahat sila (4 na actually) not satisfied, nagbalik, nagparetoke and worst bought last minute gown sa divi. sad, napamahal pa lalo.


gi_jane101112

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #185 on: March 10, 2015, 02:19:57 pm »
sana naman hindi mangyari sa atin yan lalo na sa mga b2bs na sa Divi magpapagawa ng gown..

share ko lang..last Saturday nagpunta kami ng divi ng mom ko..we went to 168 Mall's Bridal Section at nung pinakita ko yung peg na gusto ko they quoted me 20k and some 18k..meron naman pinakamura na 12k pero parang gusto niya siya yung masusunod..12k naman yun..then we went to Ilaya and guess what, yung isang stall dun gave a quote of 7k sa peg ko..laki ng difference no? ang peg pala na gusto ko eh yung gaya ng kay Kate Middleton pero soft tulle ang fabric with lace sa laylayan at wala masyadong beads and sequins..though hindi ko pa naman alam kung magagawa nila ng maayos yung trabaho nila, i'm putting my trust to that mananahi..my wedding would be on December pa naman pero ang sabi ko sa mananahi, sa September na kasal ko..hehe..segurista lang ng konti para may time pa kung sakaling may di kaaya ayang mangyari..

moana

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #186 on: March 10, 2015, 03:23:54 pm »
^ sana nga sis. kaya big help talaga mga inputs and feedback dito sa forum. :)
isang beses lang tayo ikakasal, isang beses lang magsusuot nun kaya dapat perfect! haha ;)

i'll check out divi din to look for RTW. Sana magaya ko si Kitchie Nadal. haha!
ayoko magpatahi. simple lang naman na white dress (kinda summerdress) gusto ko. Tapos ako na lang bahala maglagay ng kakikayan (sequins/stones, seashells, etc.)

all i need is a plain white long dress. :)


*mga sis dapat talaga malaki yung allowance nyo sa delivery date para hindi ngarag in case may need ayusin sa gown. :)

smile22

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #187 on: March 10, 2015, 03:34:39 pm »

In terms of RTW, ok ako sa Divi kasi maganda naman talaga. Kahit hindi kasya sayo, ituro mo lang at magpagawa ka ng same na sukat mo. Kaya nila, (well in my case lahat naman ok) my guess is kasi may pattern na sila ng gown na yon. Unlike pag ipapagawa mo yung nakita mo sa net? Malabo. Don't ever do it.

I agree dito. Mas madali sila makakagawa ng kasukat mo, kung nagawa na nila yung dress before. May pattern na sila. :) When i was scouting, sabi ko mag RTW nalang ako para d na mahassle at takot din ako dun sa mga horror stories na may peg na pinakita tapos di nasunod, bye bye 30k! so ang ginawa ko nag ikot ikot canvass canvass, nung nakakita ako ng peg ko, tinanong ko kung how much.. ang sabi eh 5k... nung sinukat ko maluwag at mahaba.. so sabi gagawan ako ng size ko na same price. ok naman ang kinalabasan. happy naman ako. akala nga nung iba e mamahalin daw. hehe! :)

hermione28

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #188 on: March 10, 2015, 04:46:18 pm »
As in 5k lang yung gown mo sis? Ang galing naman! Pero totoo talaga yon, mas lalo kang mapapamahal kung magpapagawaka na masasayang lang. Wala naman kasi silang formal schooling para magawa nila ng exact yung picture na ipapakita mo. Hindi sila Designer.

So kung sa divi ka magpapagawa ng gown. Be wise like sis smile22. Maghanap ka ng type mo, ituro mo at pagawa ka ng sayo kung hindi kasya. Para saken ganun ang tamang pagbili sa divi.

Ilang beses ko ng natry, at nadala na ko. Haha!

skela96c

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #189 on: March 10, 2015, 05:36:42 pm »
I already got my gown from Divi last weekend.  cost is P1800.00

It's actually an entourage gown. I just asked them to alter it a bit so that it won't look so generic yet not so bongga naman that I can style it differently and use it again for other functions.  The RTW price is P1200.00. Since i had it "customized" (change the beadworks a bit), the price ended up at P1800.00.

Ours is civil rites but fiance still wants me to wear, well technically, a gown.  so there.

yannuh

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #190 on: March 11, 2015, 07:11:20 am »
^pakita sis skela96c:)

iamiza

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #191 on: March 13, 2015, 01:33:42 pm »
Yes, and you can avail 10% discount sabihin mo lang na female network ka. (Thanks sis yannuh nakuha ko yung discount yesterday)

Di lang siguro ganon ka appeal sa photo pero maganda in person. Tapos maganda din ang place nila para mag sukat. :)

Sis may binigay bang contract sayo si Ms. Carmen and sketch nung gown mo?  Nagpacustomize kasi ako sa kanya tapos nakita ko sa IG nila na may mga pinost silang mga sketches.  Nagtxt na ko kay Kim about sa contract and sketch pero up to now wala pa rin syang sagot.  Nagpameasure ako sa kanila last Sunday lang.

bimbolera

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #192 on: March 13, 2015, 02:04:25 pm »
hi sis, question ko lang sino yung mananahing kinuha ng sister mo para maiwasan namin. it will be a big help if malaman namin. thanks <3

Hindi din talaga mura ang gown sa Divi. Akala lang siguro naten. Nung wedding ng sis ko, yung gown ko as Maid of Honor binili ko lang, saka lahat ng bridesmaids, secondary sponsor at flower girls. Yung sa mom ko, pinatahi nya, galing sa net pinakita nya yung picture. Ayun sumakit ang ulo, 2 months na ata hindi pa din tapos. Ng matapos, ayun, disaster, hindi kayang tiisin ng sis ko makita yung mom namen na magsuot ng ganun kapangit ng gown. So sa huli, bumili lang din sya ng RTW.
« Last Edit: March 13, 2015, 04:58:32 pm by mama squeak! »

maukris

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #193 on: March 13, 2015, 09:20:28 pm »
Sis may binigay bang contract sayo si Ms. Carmen and sketch nung gown mo?  Nagpacustomize kasi ako sa kanya tapos nakita ko sa IG nila na may mga pinost silang mga sketches.  Nagtxt na ko kay Kim about sa contract and sketch pero up to now wala pa rin syang sagot.  Nagpameasure ako sa kanila last Sunday lang.

Waiting pa rin ako sa final sketch kasi meron ako pinabago kanina. According to Pao, today daw papadala sakin yung contract. Try to follow up na lang din.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #194 on: March 14, 2015, 05:59:17 pm »
^medyo mahirap talaga pag ipapagawa mo yung design na gusto mo sa Divisoria. Yung sa akin kasi pinili ko lang dun RTW nila then nagpatahi ako base sa sukat ko. Very satisfied naman ako sa output. May kaibigan nga ako na gusto nyang hiramin yung wedding gown ko kasi mukha daw mahal pero the truth is gawa yun sa Divi c/o Princess Kisha Boutique.

blackgreen

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #195 on: March 16, 2015, 04:02:50 pm »
Sisses, may nakita kayong RTW sa divi na long-sleeves na gown?

skela96c

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #196 on: March 16, 2015, 04:48:00 pm »
^sis, meron akong a few na nakita though I can't remember where exactly (within bridal section ng 168). Some yung parang design na high neck with longsleeves na beaded lace.

blackgreen

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #197 on: March 16, 2015, 04:52:13 pm »
^thanks sis. I am thinking if we'll buy a white long-sleeves gown instead of my light blue long-sleeves gown. Entourage gown din yun light blue ko, so I am thinking if mag-white ako. Haha.. Dagdag na naman sa budget to.

Sis, saan mo nabili gown mo sa divi?

skela96c

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #198 on: March 16, 2015, 05:11:44 pm »
^sis, bought my entourage / wedding gown at Jasmine Bridal collection sa 4thF

blackgreen

  • Guest
Re: Wedding Gowns in Divisoria PART 4
« Reply #199 on: March 16, 2015, 05:24:39 pm »
^thanks sis. Pasyalan namin yan sa susunod na weekend. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close