watch now

Author Topic: Losing a loved one dahil sa katangahan ng iba  (Read 1768 times)

peachlipstick

  • Guest
Losing a loved one dahil sa katangahan ng iba
« on: October 08, 2014, 03:38:19 pm »
Last Saturday I was at the World Trade Center when I received a frantic phone call from my mother:
“Anak, wala na si Nini”

Akala ko nabibingi ako, kaya lang inulit nya.

Hindi ako makapaniwala, sobrang sakit.

Si Nini, pinsan ko siya pero kapatid ang turing ko sa kanya. Excited na nga kami dahil malapit na ang sembreak. Makakagala na sila sa apartment naming sa Manila. Pero wala na.

Mas lalo akong naghinagpis nang malaman ko kung ano ang nangyari.

After ng klase niya, nagpunta sila ng mga kaklase niya sa View Deck para mag-picture taking. Naka-motor sila. Nauuna si Nini, siya ang driver ng Mio at may angkas siyang kaklase na babae din. Kasunod niya ang classmate niyang lalake si “R”.

Nangharot si “R” na mag-overtake, hindi niya napansin na may owner silang kasalubong. Umiwas siya at tuluyang nag-overtake. Tumama ang unahan ng motor ni Nini sa hulihan ng motor niya. Nagwiggle ang motor ni Nini tapos humampas sa owner na paparating. Nasagasaan siya. Tumakbo ang owner at iniwanan sila.

Ang mga kasama niya, walang mga silbi, tiningnan lang nila ang pinsan ko. Nauna pa nila iangat ang motor kesa gumawa ng paraan.

Paano ko alam kahit wala ako doon?

May nag-upload sa Facebook ng video ng time na nakahandusay sa kalsada ang pinsan ko. Paikot-ikot lang ang mga classmate niya. Ilang sasakyan ang dumaan, walang tulong.

Buti na lang dumating si konsehal, tinulungan niya ang pinsan ko maisakay sa tricycle at madala sa center. Isinakay siya sa ambulansya at isinugod sa Malolos. Sumama si “R” at siya ang nagpump ng ambu-bag.

After 2 hours nakarating sina mama sa Malolos. Comatose na si Nini.
After 1 hour wala na siya.

Ang angkas niya, nagkagalos sa ulo. Si “R”, wala kahit galos.

Dahil sa katangahan ng kaklase niya, nawalan kami ng pinsan.

Si Nini, sobrang selfless. Raket dito, raket dun para lang kumita ng pera pantustos sa panggastos nya at ng mga kapatid nya. Bakit siya pa ang kinuha?

Tanggap ko naman na iisa lang ang destination nating lahat. Ang hindi ko matanggap ang paraan ng pagkakawala niya sa buhay namin :’(

Hindi ko na ulit maririnig ang boses niya:
“Salamat ate”
“Kailan tayo maglalaro ulit ate?”

Nawalan ako ng oras para sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya.
Mahal na mahal :’(

Priceless

  • Guest
Re: Losing a loved one dahil sa katangahan ng iba
« Reply #1 on: October 09, 2014, 08:42:36 am »
^Sorry to hear about your loss. I hope you and your family are comforted by the fact that even though it was a sudden, unexpected death, your cousin didn't suffer too much na. It's human nature to feel angry and to pass blame, especially in an accident like this, but there are many guilty parties anyway and laying blame is not going to change anything.

God bless your family, and may your cousin's soul rest in peace.

peachlipstick

  • Guest
Re: Losing a loved one dahil sa katangahan ng iba
« Reply #2 on: October 09, 2014, 12:32:38 pm »
Thank you sis Priceless.

It's a little comforting to know na hindi siya masyado naghirap. I really do feel angry about what happened and I know it won't bring her back. It's just that I am so tired to just feel pain everytime I wake up that I welcome any other emotion, though it may be anger.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close