Hello mga sis, daughter ko yung may FB, she's turning 10 years old.
Siya mismo nag setup ng FB account niya, my daughter is very techie kasi mga friends niya kasi eh techies din, Ayoko naman pagbawalan talaga siya mag FB, kasi ang concern ko naman, baka pag pinagbawalan ko, gumawa pa din ng account na hindi ipinapaalam sa akin, at least kung hindi ko siya hinhigpitan, na mo monitor ko ang Fb niya, kasi willing siyang ibigay ang password at username, pati namomonitor ko mga friends niya.
Ayaw kong nagliihim sa akin ang anak ko, so ayoko silang masyadong higpitan pagdating sa mga bagay na yan, gusto ko open kami sa isat isa, that way wala silang ililihim sa akin, kahit matanda na sila.
by the way thank you so much sis
Drew82 for that suggestion, I already sent my letter, na nireklamo ko yung teacher involved, plus yung recommendation ko na sana magkaroon ng separate FB ang mga teachers, sa work at sa personal nilang buhay.
I also unfriended those teachers na kinuwento ko sa inyo, in fairness naman sa school ng anak ko, yung iba namang teachers eh very decent ang FB page nila, and I am thankful for that, na sana gayahin na lang yun ng ibang teachers.
Malaking tulong din kasi ang ka FB mo ang teachers, pag may announcements sila regarding sa school, nakukuha ko agad, very smooth ang communication, unlike before na walang FB, need mo palagi nasa school to know the latest announcements.
With this age of FB and the likes, na puro FB na lang pati announcement ng No classes, importante din talaga ang FB.
Sana magawan agad ng paraan ng school.
Thank you so much sis sa inyong lahat, sa lahat ng insights ninyo, take care
