Finally done mga sis! Had our wedding last April 27, 2015. Nag start ako ng pag book at pag hahanap ng suppliers since Aug of 2013! haha! Kaya super nasulit ko ang mga pricelocks and everything! Almost a month na ang wedding pero parang nararamdaman ko pa na tom palang mangyayari. haha! Masasabi ko namang successful ang wedding namin, wala naman talagang super perfect wedding haha! may konting mga glitches padin na nangyari, pero natakpan na nun yung buong wedding dahil super saya namin =D Mga ilang weeks na nakakaraan pero dami padin raves at positive feedbacks yung wedding namin =)
Anyway, eto na ang aking overdue suppliers review =D
10 - Highest
1 - Lowest
#DAFinally2015
Photo and VideoRating: 12! Highly Recommended!Rodje Rodriguez Jr. Photography / 24 Frames Wedding Films / Julius RafananBooked them since Aug 2013 pa. That time sobrang konti palang ng works nila. Pero kitang kitang may potential. Kaya ako nag go. And di naman ako nag sisi =D Marry Me package yung kinuha ko sa kanila, nasa P18K yung package, may SDE nadin and free growing up vid. Sila din yung Prenup photo and vid ko, another 10 points sa prenup! Free nadin ang STD ko doon at a very affordable price! =D Nabigay din nila sakin agad yung raw shots sakin. Konti nalang yung hinihintay kong deliverables nila. Overall, super happy ako sa output nila. Accommodating sila when it comes to makukulit na inquiries ko haha! Si Julius talaga ang pinaka contact ko, then later on nag hire na sya ng Asst, si Lei. Mabilis naman din nila na edit and upload yung sa prenup photos and STD namin =) Di naman sila late sa wedding day, on time naman. Super highly reco ko sila =D Isa sa mga love naming suppliers!
https://vimeo.com/123939155 - Save the Date
https://vimeo.com/126372277 - Same Day Edit
HMUARating: 12! Highly Recommended!
Val Villarin
https://www.facebook.com/val.villarin
http://www.valvillarin.com/Si Mama Val din ang prenup HMUA ko, kasama din sa package. From prenup ko palang, super alaga nya ko. haha! Madami nag sasabi na masungit daw sya, pero di ko naramdaman yun. May time pa nga na nasanggi ni isang videog si Mama Val, not once but twice! lols! kinabahan nga ako baka mag karon ng something, pero walang imik si Mama Val. I love my look during prenup at wedding day. Super nagtagal yung airbrush make up sakin and nag last talaga siya hanggang makauwi kami sa hotel. Kahit na nung prenup namin ay basaan kami with water gun at water balloons nag stay padin ang make up ko. Okay din ang hmu ng mothers and 2 entous ko (mom ko at mom ni hubby at sister ko at sister in law ko). Bale 5 lang kami na inayusan nila. 3 pala sila sa team, si Mama Val and 2 asst. Maaga din sila sa call time. 12nn call time ko pero andun na sila by 11am.
Entou HMUA Rating: 10! Recommended!Toni Ventura / Lou VenturaInitially, si Toni talaga yung gagawa sa entou ko, pero nagkaron sila ulit ng another booking same date sakin, kaya pinadala nalang niya yung sister nya. Okay din naman profile ni Lou. Satisfied naman yung mga entou ko sa hair and make up nila =) Okay din ang mga gamit niya.
OTD CoordinationRating: 97ten5 EventsSi Lowell yung kausap ko. Early booking ko din sila. On time din naman sila dumating. Total of 5 coords sila kasama na doon si Lowell. 4 na guys and isang girl, yung girl yung toka sakin. Kaya 9 kasi may konting glitches. Una nagkaron ng mix up sa pag bibigay ng souvenir sa Principal Sponsors. From Lowell, sabi niya di daw siya sure kung 2 ang naibigay or binigay sa mga sponsors. Karamihan kasi ng sponsors ko ay couple, kaya isang framed caricature pic lang para sa kanila. Then sa VIP table kasi may mga si din sponsor. Sabi ni Lowell, may iba daw na gusto din ng ganun (nasa paper bag kasi yun framed caricature pic) so yun di nila na control yung about doon.
Then yung sa cupcake favors na binake ng sister ko, kasama kasi yun sa sponsors (bale framed pic + cupcake) tsaka favors din para sa suppliers. Napansin ng sister ko na nung inaabot daw yung box ng cupcake (di ko lang sure kung kanino inaabot nun that time) eh naka baliktad, edi karambola na yung cupcake (red velvet with cream cheese frosting). Inask ko din about doon, sabi ni Lowell nag kanda gulo gulo na daw kasi.
Tsaka yung Here Comes the Bride sign ko di nadala ng bearer. Medyo may pag kukulang din ako doon, di ko nabilin maigi. Yung Matron of Honor ko alam din niya yung about dun kasi son niya mag bibitbit nun sign e. Kaso nataranta nadin siya nung nakita niya nag sta-start na yung pag pasok ng entourage eh nasa loob pa sya. Nawala na din sa isip niya kaya nung pag labas niya para alamin, pinapila na sya then yun nag entrada narin siya. In fairness naman sa kanila, narinig nung isang entou ko na nagtatawag ata dun sa may formation sa labas yung coord "mga siblings... pila na" ganun daw... di nadin siguro napansin ni Lowell na wala pa pala yung Matron of Honor ko, pero alam niyang entou ko si Ate na Matron of Honor ko nga siya. May time din pala na, after ng isang portion, di ko alam yung susunod, then di ko makita yung naka toka sakin, baka may ginawa or baka nag break lang.
Then last, from kay Ate ko padin, yung tao sa registration table pala, nung pag approach nila sa tabl para mag register, sabi "eto po alam nyo na?" meron kasi akong drop top guest book tsaka yung time capsule/wishing card. Parang dapat ang approach ni coord na nasa reg table ay syempre iinform nya agad yung mga guest, di yung iassume nyang alam na ng guests ang mga gagawin nila. Overall naman, I will still recommend them. Siguro dapat idetail mo lang maigi lahat.
Bridal Gown/Entou GownsRating: 10! Highly Recommended!Venessa Lorenzo OcampoWe had 2 meetings lang with Ven. Una yung kinunan kami ng measurements, then pangalawa dala na niya yung gowns namin. Okay yung fitting samin. Nag karon lang ako ng pinadagdag na lace patches sa bandang dib dib at likod plus beadings sa lower part ng gown. May minor revisions yung sa gown ng sisters ko pero keri na nung nakuha na nila ulit. Andun din siya at asst niya nung day itself kahit na injured siya that time at iika ika. On time din sila dumating. Sila din nag press ng gowns namin. Isa si Ven sa mga love naming supplier! =D
Groom's SuitRating: 10!Supposed to be dun kami sa local mananahi namin kaso di magka sundo ng mga sked kaya nauwi kami sa pag bili ng RTW sa SM Megamall. Pina alter nalang namin kasi mahaba ang pants and coat. Pero okay naman ang fit sa kanya =)
Entou SuitsRating: 10! Highly Recommended!GardiniHassle free transactions. Dun kami sa Paranaque branch nila, mostly kasi doon manggagaling yung male entous ko. Maganda and maayos ang suits nila doon.
Hotel PrepsRating: 10!Greenhills Elan Hotel ModernA month before nag ocular ako doon. Spacious and maganda ang rooms nila. Nagbook ako thru online site nila mismo and mas mura yung nakuha kong deal kesa sa Agoda or Booking. 2 Executive rooms yung binook ko at nag note ng higher floor at with flat screen tv sana. Tig isa kami ni Groom. Nung day ng pag check in namin, walang available room na may flat screen. Meron kaso lower floor. Ginawa nalang, inupgrade ni Manager yung room ko, mas spacious siya. haha! sakto sa mga suppliers ko nung wedding day. Then yung extended stay namin, inupgrade nadin niya ang bait lang! love ko na talaga sila. Satisfied ako! Di sila mahigpit sa food or sa shoot. Location wise, ok din, kasi tawiran lang ang Greenhills shopping center, so kung magutom or anything, may mabibilan kami malapit. Tsaka nung papunta kaming ceremony na, medyo natrapik lang ng konti, monday kasi yun and bandang past 4PM na. Pero umabot naman kami.
Ceremony Venue and ReceptionRating: 10!PSE Auditorium Tektite OrtigasHassle free transaction din. Meron silang 20K na security bond na refundable naman. Lagi nyo lang follow up kung may need kayo. Okay din si Mr. Cito Flores, sya yung nag hahandle ng Auditorium rentals. Wala ding mga accredited suppliers yung PSE kaya okay na okay. Halos wala na kaming ibang dinagdag doon sa venue, elegant naman kasi yung ichura. Initially gusto ko sana mag pa drapes pa. Pero in the end, di ko na din pinalagyan.
Caterer + Cake + Chocolate Fountain and StylingRating: 15! Highly Recommended!Ma Del's CuisineJanuary 2014 ko pa sila nabook. During bridal fair ko sila nabook sa SM Megamall, ka tie up nila ang Club Ananda sa bridal fair. May addtl freebie ako dahil bridal fair. Medyo mahirap nga makontak si Anj Salvador pero lagi ko naman sya natsetsempuhan pag morning. Isang meeting lang din ang nangyari, detailing na yun. Halos lahat naman nasunod except dun sa cake, sabi namin satellite cake na 4. Nung day na, 4 layer cake. Then mocha flavor instead of Butter cake. Shabby Parisian ang theme ko, super ganda ng styling nung backdrop namin at VIP Table. Daming nag photoshoot na guests namin. haha! Madami din nasarapan sa food, kahit yung mga pihikan sa food, masarap daw! Then dahil daming nag last minute di makakapunta sa wedding namin (mostly officemates ni hubby dahil nag pa emergency meeting) dahil din kasi Monday yun, ang dami namin sobrang food. And lahat naman naiuwi namin I think? haha! Madami talaga kaming na take home. Yun pa yung kinain namin sa hotel hanggang sa bahay. XD
Cupcake FavorsRating: 10! Highly Recommended!My sister! (Red Velvet with Cream Cheese Frosting)
Siyempre bias ako e. haha! Hobby niya ang baking and masasabi kong masarap yung red velvet niya. Yummy and tasty!
Invitation LayoutRating: 15! Highly Recommended!Karen Villanueva / Abigail OrenciaMga BFFs ko. Lols! DIY kasi ang invitation ko. Kaya ko naman din siya ilayout, kaso ayaw ko na din isipin yun. Willing naman sila gawin. Graphic artist kasi si Karen and Journ grad naman si Abi. Kaya pinag tulungan nila. haha! may konti akong revisions. Then keri na. Ako na yung packaging and envelope. Madami namang pumuri sa mga pinag bigyan namin. haha!
Prenup LocationRating: 10!La Mesa EcoparkOkay naman ang naging prenup namin doon. haha! that time pala sobrang daming tao, sunday ata. Pero na manage ni 24 Frames na parang kaming 2 lang ni hubby ang tao doon. Galing nila mag timing. haha!
Bouquet and Entourage Flowers/FloristRating: 12! Highly Recommended!Armani FlowersEarly dumating si Kuya Arman, siya mismo yung nag deliver. Nagulat nga ako e. haha! 9am palang ata andun na sya. Daming freebies and super affordable! Syempre higit sa lahat ang ganda ng flowers! Yung orange lily nya, super nag tagal. haha! pinapa dry ko na kasi, balak ko i-case yung bouquet ko, yung orange lily buhay padin haha! yung roses dried na e. Pero ngayon, dried naman na sila.
Wedding RingsRating: 10!Bought them sa Saudi ng tito ko. Sakto kasi pauwi din sya =D White gold na 18 karat. Super satisfied and super affordable!
EmceeRating: 12! Highly Recommended!Joy Catubig (Juizy - Event HOST and Singer FB)Isa si Joy sa mga love namin na supplier! Super galing niya! lalo na yung mom ko, galing na galing sa kanya. Masaya sya mag host, pero di naman yung style ala comedy bar ang dating. Ang dami nyang napagawa kay hubby na ni minsan di ko naisip na magagawa ni hubby. haha! kaya super tawa at saya kami nung wedding. Thumbs up talaga kay Joy! Highly reco!
Lights and Sound/Projector (c/o Joy Catubig)Rating: 10!JMI MusicKa bundle nadin ito kay Joy, okay din kasi para di madaming kausap na supplier. Okay naman din ang jive nila, mas okay pala talaga pag kabisado na ng L/S mo si Emcee. Sakto yung mga hirit ni DJ eh! haha! Lahat naman ng mga reqs etc nakuha naman ni L/S =D
Ceremony Band/SingerRating: 12! Highly Recommended!Infinite Soul AcousticIsa pang love namin! Todo iyak ako sa version nya ng bridal march ko. haha! kainis! dapat plan kasi si hubby ang paiiyakin ko e. haha! grabe, pag bukas palang ng door, unang tapak ko. patay. haha! pinigilan ko nalang kasi ayokong lukot ang mukha ko sa photos and videos! haha! Ganda ng performances nila sabi ng mga guest during cocktails and picture taking at contract signing =D Ang bait pa nila!
Bridal CarRating: 10! Highly Recommended!Nico http://members.olx.ph/userfern / Driver ko si Choy that time. Twin brother ni Nico. Okay naman si driver, may mga konting convo kami habang papunta sa ceremony at during nag hihintay ng pag march ko. Okay at maganda yung car. Malamig din ang air con haha! May GPS din. hehe!
Principal Sponsors SouvenirRating: 10!Hand Drawn Caricature http://members.olx.ph/grimaNakita ko lang din sya sa OLX. Kala ko digital nung una. Pag receive ko hand drawn pala so mas nagustuhan ko. =D Magaling siya. Easy and no hassle transactions. Mabilis din niya nagawa yung caricatures.
Guest Souvenirs and PhotoboothRating: 10!FOTO Booth StudioKay SIL to, so gift nya na samin. Maganda ang prints at Canon paper ang gamit nila. Alam ko affordable rates nila. Meron din silang Photo and Video packages =)
Food for SuppliersRating: 10! Highly Recommended!CCMEAng yummy ng food! Madaming serving! On time din sila dumating. For sure uulit ako dito in the near future. haha!
Sponsors FavorsRating: 10!CacaoNagustuhan kasi namin ni hubby yung chocolates nila. haha! Naisip namin na ibigay sa mga sponsors kapag mag bibigay na kami ng invitations. Ginawan ko nalang ng packaging according sa motif ko. Madaming natuwa at nasarapan.
Online Support Wedding CommunityRating: 15! Highly Recommended!
WeddingsAtWork.com and GirlTalk ForumSuper thanks sa mga sisses and bros ko dyan! Dami kong natutunan sa pag subaybay ng mahigit 1 yr! Super thank you sa mga tips and advice na naishare nyo. In return, I will try my very best to share din tips and advices and queries nyo. Hehe! Thanks again sisses and bros from the bottom of our hearts!
D <3 A