Suppliers’ Reviews Part 1
Wedding Date: December 20, 2014
1. Church – Our Lady of Light Parish, Cainta, Rizal
Rating – 9/10
When we planned our wedding, the foremost consideration was the convenience of our guests. Secondary lang yung appearance sa pictures.
Our church was an old one as it was erected in 1760 pa. It is a big church as it has 30 aisles. It does not have the grand interiors of other well-known churches like San Agustin. But the interiors were simple and decent.
> Location - around 5 minutes away lang ang church namin sa reception venue. We deliberately chose a venue na malayo sa mga usual wedding hotspots like Manila/Intramuros and Tagaytay because we want to minimize the inconvenience that the traffic jams will cause. Madali din hanapin.
>The fact that the church is not famous/known/popular. - This is exactly what we want for our church kasi ayoko nung kinakasal pa ako tapos may mga nakapila na sa labas. We intended our wedding to be solemn at naachieve talaga ito dahil 1030 am ang wedding ko at 4pm pa yung next. Ayaw na ayaw ko talaga yung hindi pa tapos yung ceremony tapos may mga nakapila na for the next wedding. Nakakasira kasi ng solemnity.
> Parking space - Lots of parking space within its complex. All of our guests were able to park inside the church premises.
> Advantage sa amin yung pagiging unknown/hindi popular ng church namin. No photobombers, no ruffians or bystanders. Paglabas namin ng church, tuwang tuwa yung mga photographers namin kasi walang mga panira ng postnup photos. walang bystanders, walang mga sidewalk vendors. The premises of the church was a very calm and serene place. It was perfect for our daytime wedding.
> Safety of our guests -very safe, walang mga mandurukot, holdaper, etc. within the premises kasi low crime rate naman sa Cainta.
>Mura lang binayad namin, 7,500 lahat na. Walang bayad yung pre-cana. 10k sana kung kasama yung flowers pero di kasi naming type yung flowers nila.
>Hindi siya aircon, pero hindi naman mainit.
>Walang photobomber—may school na pagmamay-ari yung simbahan, so ideal na i-set ang wedding ng weekend. Tahimik at solemn yung wedding ko kasi walang mga istambay o usisero. Hindi rin naririning sa loob ng church yung mga sasakyan.
>Bakit 9 lang? kasi pinahirapan nila yung coordinator ko. 2 weeks before the wedding, ayaw nila pagamitin ng sound system nila (line-in) yung Libante Strings. Gusto nila magdala daw ng sariling sound system yung musicians namin kasi daw baka masira yung mga gamit nila. Good thing magaling makipagusap si Kits Diaz kaya napakiusapan niya yung mga manang sa church na magamit naman yung sound system nila. Additional 10k sana yun for us.
2. Reception Venue – Sitio Elena, Events Place
Rating: 9/10
>very accommodating ang AE namin na si Ms. Mel. Wala akong masabi sa kanya sa dedication niya at enthusiasm kasi naghanap pa siya ng nearby churches na available sa date namin.
>perfect yung place sa hanap kong look.
>malinis na malinis yung lugar. Kahit sa CR pwede talaga magpicture taking kasi pati CR maganda.
>may partial draping na siya, tsaka basic sound system kasama sa venue rental fee.
>secure yung place kasi nasa loob siya ng subdivision (Valley Golf, Subdivision)
> 9 ang rating kasi medyo mahal yung rate nila para sa akin. : )
>>MODIFIED-- i realized na ok rin pala ang rate nila kasi kahit 90k yun, may kasama nang basic lights and sounds. nagdagdag lang kami ng 4k for additional equipments needed by the strings group.3. Coordinator – Styled Celebrations by Kits Diaz
Rating : 11/10
Tapos na wedding namin last dec 20, 2014. Until now, di pa kami makaget over ng husband ko sa tuwa dahil lahat naging smooth sa araw na yon. Simula preps, to church ceremony pati sa reception lahat naging maayos. Wala kaming naging problema sa suppliers dahil maagap at magaling mag manage si ms kits diaz of styled celebrations. Her fee for the otd service that we availed of was worth every penny. She even added the rsvp service for free dahil sa pangungulit ko. lagi siyang punctual sa mga meetings kaya we took it as one of the signs na magiging maayos ang wedding namin.
Dahil sa rsvp service mas maayos yng guest list namin at nakagawa rin ako ng seating arrangement ng mas efficient.
May naging glitch sa florist dahil nagkulang ng isa yung flower girl basket tsaka nagkulang din ng 2 mini bouquet pero nagawan pa rin ng paraan kasi maaga ang pagdedeliver ng florist.
Kahit otd lang ang kinuha namin kay kits, lagi ko pa rin siya tinatanong ng kung ano ano like what size ang kelangan for the secondary candles, anong magandang gamiting stick for props, etc. Marami din siyang alam na singles games.
Very efficient si kits at ang team niya kaya lahat ng suppliers naging maganda rin ang performance. She exceeded our expectations at hindi talaga kami nagkamali sa pagkuha sa service nya. Maayos din nyang na-negotiate yung issue sa church regarding sa sound system, na nung una, ayaw kami pagamitin. At least naman a week before na-settle na agad ito at napakiusapan niya na payagan kami gumamit. (Otherwise, I would have paid maybe around 10k for last-minute souns system rental.)
We did not order crew meals from k by c upon her advice. According to her, kung marami pang food pakakainin na ng plated meals yung mga suppliers at yun nga ang nangyari kaya hindi na nagalaw yung pera namin na backup kung sakaling kelangan bumili ng food for the crew meals.na save namin yung emergency money na yun.
Nagiisip pa kami ng husband ko kung anong magandang iregalo namin sa kanya to show our appreciation.
4. Supplier Review -Emcee- Mr. Froilan Calo, Jr.
Our December 20, 2014 wedding
10/10
3,500 ang rate ng emcee ko. 5k kung may song numbers.
naging maganda kinalabasan ng program namin. at nakuha niya kung anong style ang gusto ko. yung walang dirty humor, classy but not trying hard to please the guests. it helped din siguro na OC ako sa program, lahat nang elements at details ng program na-scrutinize ko at nalaman niya kung ano ang gusto ko.
tinanggal ko yung garter removal kasi ayoko ng eksena na yun. i did not wear my garter pero may garter games din kami at bouquet toss na alternative ang style. maganda ang voice ng emcee namin at maayos ang English niya.
for 3,500 sabi ng husband ko, lugi daw emcee namin. sabi ko naman baka nagpapakilala pa lang kaya mababa pa ang rate. coordinator at events planner din siya. akala ng mga guests namin nanggaling lang sa iisang team yung coordinator at emcee namin kasi seamless yung communication nila. this is why sinasabi ko sa iba na dapat wag magstick sa well known suppliers, kasi kung nagstick ako sa mas sikat na emcee na una kong napagtanungan, magooverbudget ako sana at hindi ko pa nakilala si Froilan.
when i looked for an emcee, booked na lahat ng mga well known sa wedding industry, napilitan ako maghanap sa net. naresearch ko sa olx.ph si Froilan Calo. tinawagan ko siya right then and there kasi naintriga ako sa kanya. tsaka nagustuhan ko rin siya kasi malapit lang ang office niya sa house namin. pinuntahan namin siya agad, kasama ko ang mom ko, para mainterview. di kami nadisappoint. binook ko agad siya the following day after talking to my fiance (kasi hindi nakasama fiance ko sa meeting).
5. Happy Couples Photography
Rating – 10/10 *wala pa yung actual photos ng wedding, sa performance pa lang ito, punctuality, etc.
Hi sis! still waiting for official pics to be released this january. Although may onting teaser na silang nirelease. Nevertheless, alam ko na rin yung quality ng pics nila kasi sa prenup photos pa lang namin, nasunod naman yung look na gusto namin at nakita rin naming kung gaano sila ka-professional magtrabaho despite the fact that we are within the same age bracket lang.

We are very happy with their service. Their rates are affordable. Despite the fact that they are still newbies in the scene, in my opinion lang naman, their service is at par with upper range photographers. super new pa lang sila kaya wala pa offered na album, so service only lang, pero madali lang naman magpagawa ng album.
On time sila actually ahead pa yata sila by about 20 mins. Smooth naman lahat ng pictorials.kahit di kami marunong magpose, alam na alam naman nina pam at howell ang ggwin. Maganda rin yung sila din ang prenup photographer namin kasi magaan na talaga yung loob. Nung di agad dumadating yung bridal car ko kasi natraffic lang pala sa parking ng hotel, si pam yung nagpapakalma sa akin at nagsasabi na, relax lang, marami pang time...
Nung nasa reception naman dere derecho din talaga sila magwork. Kumain lang sila after talaga matapos lahat yung buong event. Salamat kina pam at howell!im excited to see our photos.
6. Caterer – K by Cunanan Catering
Overall Rating – 10/10
Sa food, walang masabi lahat ng guests. All the guests felt that we care about them because we served good food during our wedding day. Happy silang lahat sa setup at sa food. We had more than enough food to feed all the guests and the suppliers. At natuwa ang mga mommies sa kiddie meals at kiddie table. Wala ding mga batang nagtatakbuhan kasi may activity books at crayons kaming binigay.
Food-10 out of 10
We reserved 180 persons and 10 kiddie meals. There were only 140 adults and 10 kids on the day of our event. Thus, we were able to feed our crew with plated meals from K also. happy tummies= happy suppliers.
All our guests loved the cocktail choices and the dishes that k by cunanan served during our wedding.eto yung mga dishes na namention talaga ng mga guests
1. All dishes served during cocktails - blinis with smoked salmon, hoisin chicken wrap and crostini with prawn thermidor
2. Our pasta! Eggplant parmigiana. This also became my husband's top choice.
3. Osso bucco
4. Supreme of chicken with herbed cream sauce
5. Tuna salpicao
When we arrived, everything was ready. Everything went smoothly during the reception. And our reception venue looked very stylish and elegant. both my mom and my mother in law were very happy with k's performance. My MIL, who paid for the caterer as a wedding gift, was very pleased with how the food and the setup turned out.
Ang medyo nakakahinayang lang ay yung di talaga kami masyado nakakain ng husband ko kasi siguro sa anxiety.
*Kiddie Meals – spaghetti, chicken finger, cheese fries
Styling- 10 out of 10
Our AE, Jam, followed everything that we agreed upon.and everything looked very elegant on the day of the event. We did not ask/pay for upgrades but i spent around 4k because i bought items for the reception decor.i bought the items myself because i want a specific look. Because i wanted a classic, daytime music inspired look, months before the wedding, i bought vinyl records, imported some musical charms made of metal and 2 pieces of gramophone music boxes.
The vinyl records were used as table numbers. Jam arranged and styled everything beautifully.
Everybody commented that our daytime wedding was very beautiful. Everybody raved about the food! Some of those who failed to attend our wedding even regretted it.
Masarap talaga ang food pero totoo talaga na mahirap kumain kapag ikaw ang ikinasal.
7. Lechon – Elarz Lechon
--Di ako makabigay ng rating kasi di ko talaga natikman.

8. Ice Cream Station – Arce Dairy
Contact Person – Liz Arce-Rebadulla
Rating – 10/10
Isa ito sa mga nakapagpa-unique ng wedding namin. Tuwang tuwa friends ko kasi favorite din nila itong Arce Dairy. Favorite din namin ng husband ko itong brand na ito kaya ito napagkasunduan namin i-substitute sa candy buffet. Natuwa lahat dito. Bihira lang naman kasi ang hindi nakaka-appreciate sa ice cream.
Affordable din yung package nila na inavail namin good for 200 persons. We chose quezo real and pistachio. Sarap.
9. Bridal Gown, Bridal Accessories and Female Entourage gowns – Minda Ong from Santolan, Pasig
Rating – 9/10
>Affordable at kumpleto kasi kasama na pati veil, secondary veil, ring and arrhae pillows, arrhae, wedding cord at garter. Di na naming kinailangan pumunta sa Divisoria.
>madali hanapin tsaka malapit lang sa bahay namin.
>On time lahat ng gowns
>Maganda ang fit ng mga gowns kahit dun sa mga measurements na binigay ko lang sa kanya thru text
>Madaling kausap, pumayag siya na ikabit yung mga binili kong musical charms at piano ribbons sa pillows at sa cord.
>nakuha niya naman yung mga design inspirations para sa gown ko, sa MOH, sa bridemaids, sa secondary sponsors at sa flower girls.

>excited na excited yung mga abay naming nung mai-fit na nila mga gowns nila kasi ang ganda daw. Lahat sila satisfied.

>bakit 9 lang? kasi parang di masyadong satisfied mga mommies naming sa lace na ginamit niya para sa gowns nila. Okay ang fit ng gowns pero medyo mumurahin kasi ang lace na ginamit. For me, maganda pa rin naman yung kinalabasan, pero kung hindi satisfied yung mommies, siyempre bawas points.
10. Groom’s Suit and Groomsmen’s Suit rentals - Gardini Fashion Center
Rating – 9/10
For our wedding, pinagrent naming mga groomsmen at best man kasi ayaw namin ni h2b na maging iba-iba itsura nila. Tailor made ng gardini yung sa husband ko. Maganda yung suit niya. Iba talaga ang suit kapag tailor-made. Mas elegante pa rin tingnan. Natuwa rin ako sa Gardini kasi marunong talaga sila sa suits dahil nung ni-request kong peak lapel ang gawin, alam na nila, tsaka nagawa ng maayos. 8k ang suit ng husband ko, complete na. pati bowtie.

Rental yung sa groomsmen,900 per set - coat, white long sleeves tska pants. Tapos nagpagawa kami ng bowties sa color ng motif namin, 200 each. May deposit na 2k para sa pagrent ng suit, refundable pagkasoli.
Made to order naman yung bowties na peach ng mga groomsmen, maganda rin ang quality at 200 each.

>bakit 9 out of 10 lang? kasi nung unang sched ng fitting ng husband ko, bigla na lang hindi pa daw tapos. Nagpanic ako at na-stress kasi sila ang nakaschedula na lalakarin namin tapos biglang hindi pa available. Nagpromise sila na kinabukasan na talaga ang fitting at natupad naman.
Yan muna mga sis. Mamaya gawin ko yung sa ibang suppliers pag may time ako ulit.
