I hope this get approved because i can't open this up to anyone.
We started dating noong October. Met him thru Tinder. (Tinder pa lang ata dapat di na ko naniwala sa kanya) okay naman, he was funny, sweet and everything, eventually kahit di pa kami bumigay ako

Dahil sa kalandian ko, I've got pregnant. He never left me pero he became evasive of me. I was pushing him away para di na ko masakatan na wala siya para sakin. He stayed. Lagi nga lang sasabihan ako na update ko na lang siya kung ano mangyayari sakin.
I'm not proud of this but i had an abortion
He never stopped me or di man lang sinabi na papanagutan nya ko kaya ako na nagdecide dahil alam ko na wala naman siya pakielam. Gusto nya pa ko magcytotec noon. Kahit di nya ko tinakbuhan. Alam ko wala siya pakielam sakin.
Nung papunta ako sa monumento, ako lang magisa. Gusto ko na umatras kaso alam ko di ko siya kaya buhayin at di rin naman siya tanggap. bawal naman talaga may kasama pero kahit ihatid nya di man lang nagawa. Kahit nga bigyan ako ng pera para suporta wala. Hindi naman ako nanghingi. Siya lang talaga yung kailangan ko nun.
Nagpakita siya pagkatapos. Sinundo nya ko sa pasay. Doon naging kami na exclusive. Kung kailan wala na.
Kaso isang beses dinugo ako ng sobra, hindi ko naman masabi kahit kanino kasi dalawa lang kami nakakaalam. Dinala ko sarili ko sa ospital sabi ko na lang niraspa ako. Sobrang sakit kasi sabi nya update ko na lang siya kung ano mangyayari. Puro ganun. Di ko alam kung busy lang ba talaga dahil sa family business nila at nagaaral siya or u***s lang talaga ako di ko pa makita..
Di ako natuloy sa confine kasi wala akong pera nun. Tumawag siya sakin nung gabi sabi nya sasamahan nya ko kasi "responsibilidad" nya daw yun. Kinabukasan, ayun magisa lang ako ulit. Busy nga naman kasi sa trabaho. Halos himatayin ako kakaiyak sa hospital ng family mart.
Pasalamat ako at okay na ko ngayon. Hindi ako proud sa ginawa ko pero nagpapasalamat talaga ako kay Lord kasi kahit sobrang ga** ako.
Ngayon iniiwan ko na yung guy. As in Ilang beses na ko nagsasabi ng ayaw ko na. Hinahabol nya ko palagi kasi daw mahal nya ko. Ako naman si ga** syempre nananiniwala.
Guys, totoo bang mahal nya ko kahit di nya ko pinigilan na iabort yung bata? Ano yon, subconsciously avoiding the situation man lang? Okay naman kami ngayon, pero wala akong tiwala sa kanya kasi kahit paikutin natin lahat yun at yun, wala siya nung kailangan na kailangan na kailangan ko siya, how in the world would i expect him to be here for bigger ones.

And para makaiwas na sa kagagahan nagppills na ko..