Lahat naman siguro tayo pwedeng my pagkukulang pero hindi naman ibig sabihin pwede na lumandi or mangbabae. Siguro ako was yung pagging moody or masungit. Lalo dati nagkasakit pa ako, naoperahan ako for ovarian cyst last august lang. Ang explanation niya sakin, hindi ko lang alam kung totoo. Nakakasama daw nila sa gimik, kasi yung ibang group of friends niya na walang kwenta, mahilig gumimik, mahilig manloko ng asawa, my isa kasi sila kaibigan na kasama yung numero uno sa pangbababae kahit 2 na anak, mahilig mang chix, yung mga iba pa teenager, yung iba simula nun naging kami ganon padin puro inom, gimik, kumbaga eto group of friends na ito, yun yung hilig,linggo linggo. sinasabi niya sakin, alam mo naman ako late bloomer e, mahiyain, takot makipag usap sa tao, e nun my nakakausap daw sila sa gimikan at nakakasama, narealized daw niya na, kaya ko naman pala makipagusap sa babae. Hindi naman daw niya ako pinagpalit, yung tipong para lang naman daw siyang katulad ng ibang lalake na parang nag club at nagtable ng babae. yun yung explanation niya. Yun yung example niya. Depende nalang sakin kung maniniwala ako or kung eto ang totoo. Pero totoo na late bloomer siya at mahiyain makipag usap sa tao, alam ko yun. Pero sabi niya sakin ngayon kung gusto ko daw magstates kami dalawa. Magstay muna kami dun, magwork. Naisip ko pwede, para din makapagstart kami. Pero nagttry nadin kasi kami magbaby mga 1 year na ata kasi nun nagkasakit ako. Kaya nasa plano din yung baby matagal na. Kaya iniisip ko ano ang pwede. Napapagusapan namin yung kasal eversince, tumitingin kami ng lupa or bahay na pwede namin tirhan someday. ginagawa namin yun. Pinagpalit naba niya ako? Kasi yun yung sinasabi mo na naghanap ng iba e? Hindi naman daw magka holding hands sabi ng pinsan ko. Parang nakaalalay lang daw sa likod un bf ko, siguro nun paakyat ng hagdan, pero kalokohan daw yung sabi ng bf ko, hindi daw totoo. Pero pagkaakayat kasi nakita na agad ng pinsan ko at bf ko so wala na siya time makaupo. Kasi kinabahan na. Yung babae lang yung nakaupo pa. hay ginagawa naman namin yun mga serious things. Pero kahit ba landian lang yun, hindi padin tama. Masakit padin. Alam naman natin lahat ng fling, flirting padin yung ginawa niya, cheating padin yun kahit na kung sakali talaga na hindi niya kabit or gngf yun. Ang dami namin pinagdaanan, my mga bagay na nagagawa siya sakin na masasakit pero hindi ko siya iniwan, nagstick ako sa kanya no matter what, hindi ko siya niloko, tinakasan, naging loyal ako for 8 years. Wala ako kaflirt even text ganon kasi ako kaloyal and faithful e. Alam niya sa sarili niya at sinasabi niya sakin yun eversince, kung iba naging gf niya, kahit base lang natin sa personality niya, matagal na siyang iniwan. Pero ako andito ako para sa kanya. Kahit my mga mali siya dati, patuloy padin ako nagtitiwala. Never ako naghahanap ng prob niya, never ako nagcheck ng fone, kusa dumadating yung nalalaman ko nalang bigla yung kalokohan, yung takas or what. Pero saglit lang, iyak lang, isang araw or 2 lang ata ok na ako. Pinapatawad ko na siya agad. Eto lang talaga yung tagos since caught in the act na my kasama. Eto talaga durog puso ko kasi tungkol sa babae e. Caught in the act pa. Siguro pinaka mali ko lang sa personality ko was yung pagging moody and masungit ko.