watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 33)  (Read 128028 times)

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #200 on: October 08, 2014, 09:08:08 am »
 :-[ Wawa naman si Mariah Carey.  Anong nangyari sa voice niya?

http://www.youtube.com/watch?v=8nMwvSaH7iw

zelda

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #201 on: October 08, 2014, 09:18:41 am »
^ guess, super exhausted na sya. Pinilit na lang. But sana nag-ala-Regine V na lang sya nagbigay ng warning re health condition. Magdedeteriorate talaga ang voice eh.

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #202 on: October 08, 2014, 09:42:00 am »
Paano naman siya magiging exhausted eh start pa lang ng concert tour niya. Pupunta pa naman siya sa Philippines sa October 28.

badcoverversion

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #203 on: October 08, 2014, 09:51:08 am »
Showbiz update po. Di naman showbiz yang AJ Ramos na iyan. Hwag nyo na I promote yang ganyang private videos.

alice_alice

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #204 on: October 08, 2014, 10:08:45 am »
Mukhang bangag or nakainom si MC sa concert niya sa Tokyo, may video clip sa youtube na kinakanta niya yung We Belong Together nagstruggle siya pero dun sa paending ng kanta iyong high notes nahit naman niya pero halatang hirap na din.

Nung kinakanta naman niya iyong My All parang gusto na niya talaga matulog kasi lazy yung dating ng pagkakakanta niya.

I read about the divorce, iyong tat ni Nick Cannon na tribute niya kay Mariah Carey eh kinover up na niya so mukhang wala ng balikan yan.

May pinagdadaanan nga talaga siya. Tsktsk.

msdrizzlee

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #205 on: October 08, 2014, 10:38:16 am »
i feel so sad for MC, super like ko pa naman mga songs nya. dati nagka-depression or breakdown na siya diba? huwag naman sana maulit ngayon.


in other news, JLaw finally speaks out on the stolen nude pictures.

http://www.eonline.com/news/586094/jennifer-lawrence-breaks-silence-over-stolen-nude-pics-i-don-t-have-anything-to-say-i-m-sorry-for

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #206 on: October 08, 2014, 10:41:30 am »
Showbiz update po. Di naman showbiz yang AJ Ramos na iyan. Hwag nyo na I promote yang ganyang private videos.

Agree.

zelda

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #207 on: October 08, 2014, 11:00:50 am »
Paano naman siya magiging exhausted eh start pa lang ng concert tour niya. Pupunta pa naman siya sa Philippines sa October 28.

Yeah, I know but 'exhausted' na she's been a performer for a long time now. We could say na dapat maging professional pero if di ka mageeffort na alagaan ang boses mo, mawawaley din yan in time. Good luck sa manonood sa kanya here.

maya_3

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #208 on: October 08, 2014, 02:10:11 pm »
I love Mariah Carey and I must admit na talagang nagbago na boses nya ulike before, anyway i would like to think na warm up lanh yung sa tokyo and due to weather change lang =)

yijiheon

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #209 on: October 08, 2014, 04:58:51 pm »
Gulat ako dun sa voice ni MC. kaya pala grabe yung pangbabash sa kanya. gustong gusto ko pa naman mga songs nya. sana makabawi.

dontdothat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #210 on: October 08, 2014, 07:51:35 pm »
Mukhang pera talaga ex ni Derek. Magsampa ba ng Concubinage kay Angelica? Pagkatapos mong voluntarily abandon yung husband mo hahabulin mo mga nakarelasyon after you? Dapat talaga magka divorce na sa Pilipinas.

xtine

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #211 on: October 08, 2014, 08:59:38 pm »
I think the ex wife is just teaching Derek a lesson for abandoning them.  Too bad, pati mga ex ni Derek nasama sa gulo. 

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #212 on: October 08, 2014, 10:00:00 pm »
At first, I had sympathy pa with Derek's ex. Now, I just see her as a cunning woman out to get money. Ginagamit nya pa pati anak nya.

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #213 on: October 08, 2014, 10:42:21 pm »
Quote
Dapat talaga magka divorce na sa Pilipinas.

Yes, I think it should be legalized. Sometimes, annulment is no longer enough anymore.

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #214 on: October 08, 2014, 10:43:19 pm »
For me, masyado ng off ang wife ni Derek para idamay pa si Angelica sa case. I'm thinking kasi na di rin alam ni Angelica at the start na me asawa si Derek. Towards the end lang yata yung parang me lumabas sa news di ba? Then after some time e naghiwalay na din sila..

pero ang nega na talaga ni Derek. Mula ng umalis sya ng ABS (because of the big offer sa TV5), then itong issues nya with her wife and son.

alexsy

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #215 on: October 08, 2014, 11:52:52 pm »
kung nag stay kaya si derek sa abs cbn, na damage control ang issues nya? hmm

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #216 on: October 09, 2014, 08:18:58 am »
Kung pera lang ang habol nung wife ni Derek, bakit ngayon lang kaya siya naghahabol? Eh ang alam ko, mayaman ang parents ni Derek. Hmmm...

As per Angelica, kung mapapatunayan niya sa court na wala siyang alam na may asawa si Derek nung nakipag live in siya, nothing to worry, hindi siya sasabit sa kaso na yan.

Ayokong i-judge yung babae, kasi baka naman sobra na ginawa ni Derek sa kanya?

Ang pinaka may kasalanan diyan si Derek, sana inayos muna niiya gusot niya, bago siya nag buhay binata.


Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #217 on: October 09, 2014, 08:30:01 am »

Ang pinaka may kasalanan diyan si Derek, sana inayos muna niiya gusot niya, bago siya nag buhay binata.



Agree. Hindi natin alam ano nangyari talaga sa kanila pero ang sure ako, dapat inayos muna niya yan bago siya nagpaka most sought after "bachelor."

Skekinah

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #218 on: October 09, 2014, 09:41:40 am »
As of this writing, hindi pa rin sinasagot ni Dennis Padilla ang ku­­malat na isyung nasampal ito ni Marjorie Barretto sa burol ng ina ni Raymart Santiago na si Mrs. Cielito Legaspi-Santiago.
Nakumpirma namin mismo sa ilang nakasaksi na nagpang-abot pala roon sa burol sina Dennis at Marjorie Barretto kasama ang mga anak nila at nandun din si Gretchen Barretto.
Napikon daw kasi si Dennis nang hindi raw siya batiin ng mga anak niya. Nakita pa raw nito si Julia Barretto na umismid nang makita ang ama niya.
Pinatawag daw ni Dennis si Julia at nagkausap daw sila sa labas, galit daw si Dennis na pinagsabihan ang anak. Kaya iyak nang iyak daw si Julia na nagsumbong sa mommy niya.
Sa galit daw ni Marjorie, sinugod daw ang dating asawa at pinagsasampal daw.

May nakakita pa raw na binitbit daw si Dennis palabas ng mga guards ni Gretchen.

Nainis lang ako sa balitang ito kasi imbes na pagsabihan or i discipline ni Marjorie [textspeak!] anak nya, kinampihan pa. Kahit sino namang ama, kapag inisnab or inismiran ka ng anak mo, you will feel slighted. Hindi naman nya publicly pinagalitan ang anak nya. Gosh, i wish wag sumikat ang batang ito. Not a good role model.

alice_alice

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #219 on: October 09, 2014, 09:52:06 am »
^di pa man din ganon kasikat pero puro nega news na about her. she will never make it big, with her attitude. walang galang sa magulang. tsktsk

 

Latest Stories

Load More Stories
Close