
Ay naku, hindi pa rin pala sigurado kung tuloy ang TRMD. Malalaman sa presscon sa Wednesday. I can't blame DD though. Concerned lang talaga siya kay MR and above all mag-ina pa rin niya importante sa kanya:
Marian, PINAPATIGIL ni Dingdong sa trabaho
GORGY RULA
AS of presstime, naka-hold ang cast at production staff ng bagong drama series na The Rich Man’s Daughter.
Mamayang gabi ang press conference pero mukhang may malaking pagbabago at pinag-uusapan pa ito.
Naka-stand by ang lahat sa kung ano ang mapag-usapan.
Habang nagtitipa kami, nag-uusap pa ang executives ng GMA 7 at ang production kung ano ang gagawin.
Malaking pagbabago kasi ang takbo ng taping dahil sa kalagayan ni Marian Rivera.
Ang nakarating na kuwento sa amin, mas gusto ni Dingdong na tumigil na muna sa pagtatrabaho si Marian para makapagpahinga at mapaghandaan ang kanyang panganganak.
Naikuwento ni Marian na medyo hirap siya sa mga morning sickness niya kaya mahirap ‘yan kung napakaaga ng calltime mo.
Hindi rin puwede si Marian sa umagahang taping dahil kailangan niya ng maagang pack-up.
Kaya hindi maiwasang maapektuhan ang takbo ng taping.
Hindi na muna siya magre-regional shows o GMA Pinoy TV sa ibang bansa dahil sa kalagayan niya.
Ang pagkakaalam namin, meron silang GMA Pinoy TV event sa Canada sa susunod na linggo kasama si Alden Richards pero iniatras na raw si Marian.
Itong The Rich Man’s Daughter na lang sana ang gagawin niya pero mukhang mahihirapan pa rin ito.
As of now, naghihintay na ang lahat kung ano ang mapagkasunduan sa The Rich Man’s Daughter.
Inaabangan ang desisyon kung itutuloy pa rin ba ni Marian kahit ilang oras lang siyang puwedeng mag-tape o baka palitan siya o baka i-shelve na lang muna.
Abangan!