This is one of the reasons I chose to live in a house. I wanted to produce my own food. Assured ako na as much as possible I know where our food is coming from at walang dagdag na kemikal.
Sa ngayon meron kaming tanim na talong, kamatis, siling pansigang, siling labuyo, patola, ampalaya, upo, malunggay, pechay, gabi, kamoteng kahoy, mustasa, pakwan, pinya (tagal lang nito tumubo lol). May maliit na space para sa herbs katulad ng tanglad, pandan, sabila, basil, thyme. Kalamansi, kamias, dalandan, papaya, saging, mangga, santol, avocado, langka, chico. Madalas nag-uumapaw kaya damay pati mga kamag-anak. Iba ko ring relatives mahilig magtanim kaya exchange kami. hehe. Parang farmville lang.