watch now

Author Topic: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2  (Read 23639 times)

quennna

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #160 on: October 13, 2014, 12:20:39 am »
nakaconfine pala now si kc.. due to dengue..
siguro maka andrea/jacq tong lamok.. hehe
get well asap

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #161 on: October 13, 2014, 05:08:10 am »
^haha natawa naman ako sa lamok sis  ;D

---

Ang ganda ng serye na ito, as what other sissies have said ang daming dragging scenes nung book 1 panay maximo tapos dito sa book 2 kung kelan super ganda ng ganaps eh iyan pa ang minamadali. Sayang ang dami pang dapat pwedeng gawan ng kwento, awang awa naman kasi talaga ako kay Natalia, iniwan ng bf kasi naset up lang ni Gabriel eh di sana diba maayos pa lovelife niya, may abandonment issues sa nanay, karibal ang sariling kapatid, may ubod ng samang tatay. Diba? Buti di pa siya nababaliw.  ;D

Tapos yung love story ni Andrea at Gabriel sana mas madami pang pwedeng ganaps din dyan.

Sana naman wag tayo mabitin sa last 2 wks. Dreamscape utang na loob baka meron na namang kidnapan sa ending?! Ilihis niyo naman baka maging SBPAK ang peg? Baka in the end si natalia at franco eh mamatay kasi magsuisuicide si natalia papasabuhin kotse na andon silang 2 mag-ama haha.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #162 on: October 13, 2014, 11:14:15 am »
^ hahahahaha! oo nga no, baka biglang mag-ala-sasha na lang si natalia kapag di na nag-isip ang mga writers  ;D ;D

shopaholic18

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #163 on: October 13, 2014, 12:59:09 pm »
hula ko din mag ssuicide si Natalia or mamamatay character nya at magiging devastated si Franco

MisCalculus

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #164 on: October 15, 2014, 09:20:04 pm »
Grabe naman di ko kinaya ang eksena kanina.
Pinigilan ko lang mahagulgol, baka sabihin sinabayan ko pa si gabriel.lol! Sobrang nakarelate kasi ako sa scene na yun. Di ko na lang imention para walang spoiler sa mga di pa nakanood.

Kudos to the casts of this show, ang gagaling nila :)

« Last Edit: October 15, 2014, 09:22:21 pm by MisCalculus »

shopaholic18

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #165 on: October 15, 2014, 10:32:44 pm »
di ko na gusto nangyayari dito sa ikaw lamang, pano kaya nila ieend to? tragedy? sobrang sama naman ni Franco na walang makapigil sa kanya, ano sya Diyos. hawak nya government, na walang makakatalo sa kanya kahit kasuhan pa. maganda nga tong teleserye na to kaso naiinis na ko sa mga characters lalo na kay Isabel. can't wait for the ending.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #166 on: October 16, 2014, 01:28:33 am »
Omg! Nakakahawa  naman ang iyak ni gabriel!  :(

mrsB

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #167 on: October 16, 2014, 01:50:15 am »
Nainis ako kay Isabelle haha! Yung kakulitan niya na maisama si Natalia ang cause ng death ni Samuel. Kasi naman, ang tanda-tanda na nun para pilitin niyang sumama sa kanya.

I just feel na ang senseless ng death ni Samuel. After more than two decades of 'surviving' franco's evil, ayun matitigok din pala.

prettybarbie

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #168 on: October 16, 2014, 03:26:04 am »
one week ko to hindi napanood....namatay si samuel? as is namatay na talaga?.... ganon, after all those years?....

alexandrea

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #169 on: October 16, 2014, 08:46:46 am »
Samuel's death is indeed senseless in my opinion. I think the writers were gunning for mala-Count of Monte Cristo scenario kung saan lahat ng mahal ng bida ay namatay/nawala para ma-motivate ang bida na maghiganti, kaso never ko naman naramdaman na bida si Gabriel. Si Samuel ang bida for me, at siya dapat ang may huling halakhak sa dulo.

After everything, even 20 years na pagkakulong, napaka-anticlimactic lang ng pagkamatay ni Samuel. Sila ni Franco ang dapat magharap. Eh well wala na patay na eh.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #170 on: October 16, 2014, 09:01:49 am »
I would have prefered na si gabriel yung natigok, para yun sana yun push kay samuel na makipagsabayan sa kasamaan ni franco. I agree, si samuel naman talaga ang bida, sana tinuloy na nila hanggang dulo since ikaw lamang is really the story of isabel, samuel and franco naman talaga.

Grabe ang iyak ni coco kagabi, nakakahawa!

swertengiha

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #171 on: October 16, 2014, 09:41:00 am »
ay naku mga sis!!! naiinis talaga ako sa mga writers ng ikaw lamang!
bakit si samuel ang pinatay nila?
di ba ang serye na to ay tungkol sa love story ni isabelle at samuel?
ano na ang sense ng story kung after all the things that isabelle and samuel had gone through eh tigbak na si samuel!
haist! kainis talaga!

j_in_tokyo

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #172 on: October 16, 2014, 10:02:58 am »
FEARLESS FORECAST

Baka mamatay din si Isabel tapos sa langit na sila magkakatuluyan..
Tapos sa katauhan nila Kim chiu at Coco Martin, maghahabulan sila sa tubuhan at dun sa lumang palasyo nila.

Parang yung sa WALANG HANGGAN nila coco martin at Julia montes lang..
hahha

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #173 on: October 16, 2014, 10:16:05 am »
Ako din, mas gusto ko din sana na si Samuel and Isabelle ang magkatuluyan sa dulo para mapakita talaga na destined sila for each other.. na after everything that has happened, sila pa rin talaga..

Sana wag na lang magkatuluyan si Andrea and Samuel. Kasi parang ang weird, pano mangyayari yun e sukdulan ang galit ni Gabriel sa tatay ni Andrea. Syempre, Andrea will aways remind him of Franco. Ganun na lang ba kadaling ma-overlook yun? Hay...

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #174 on: October 16, 2014, 11:22:08 am »
wala nasayangan ako kay Samuel kasi kwento nila ito ni Isabelle tapos nategibooms ng ganon?! Sows! malamang papakamatay na lang si Isabelle neto.  ;D

Kung Gabriel at Andrea naman sus maryosep wala naman depth ang love story nila, kumpara sa parents nila.

Di man lang nila binigyan ng happy ending yung 2 matanda. Kalurki. Haha.




alexandrea

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #175 on: October 16, 2014, 12:02:26 pm »
^ Kasi for the writers, importante na Coco and Kim ang ending. Not the characters, but the actors.

Dapat kasi si Gabriel na lang natigok if kailangan talagang may mamatay. At least pag patay si Gabriel, may chance pang magkabati pa si Andrea and Natalia.

I agree na walang depth ang love story ni Andrea and Gabriel. Pwede namang Coco and Kim ang ending pa rin kahit na Samuel and Isabel ang magkatuluyan, may flashback naman eh. After all, si Coco and Kim naman talaga ang nagbigay buhay sa Samuel and Isabel characters, supplement na lang ang performances ni Joel Torre and Amy Austria.

Naiinis talaga ako kasi di na naman ako nanonood ng local soap. Pinapanood lang ito ng mom ko and sinasamahan ko sya manood para bonding lang. Akala ko nag improve na formula ng prime time soaps, di pa rin pala.
« Last Edit: October 16, 2014, 12:04:40 pm by alexandrea »

prettybarbie

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #176 on: October 16, 2014, 01:19:43 pm »
Mga sis share naman kung pano namatay si Samuel nasa bakasyon ako ng ilang araw eh, di ko napanood....

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #177 on: October 16, 2014, 03:30:26 pm »
Baka mamaya, ma-sacrifice pa si Natalia para lang talaga wala nang hadlang kay Gabriel at Andrea.

Grabe, after all these years, wala pa ring payback kay Franco. After everything he did in the past, he remains free.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #178 on: October 16, 2014, 05:28:29 pm »
Mga sis share naman kung pano namatay si Samuel nasa bakasyon ako ng ilang araw eh, di ko napanood....

aalis na ng bansa sina samuel & co. pero ayaw umalis ni isabelle without natalia kaya nagtext siya at nakipagkita dito. tessa followed natalia and called franco. nakuha ni franco si isabelle and andrea, but si andrea nakatakas with the help of dennis padilla (di ko alam name) and yung sidekick ni calixto.

sa rooftop nagkita si samuel, gabriel and franco. andun din nakatago mga tao ni franco ready to shoot the two.

sabi ni franco na pinasabog na niya yung barko pero buhay parin sila at nilalabanan siya. inamin na rin ni samuel na alam niya yung nangyari kay maximo. franco even threatened to kill gabriel.

basta binaril niya ng ilang time si samuel at once lang ata si gabriel without knowing that natalia was there. she heard everything. dinala sa hospital sina samuel and gabriel,  samuel did not make it. after all, ang daming beses na siyang muntik mamatay. gabriel is still alive and andrea is with her.


---

akala ko samuel will not die since the story is about the love story of samuel and isabelle. yung parang after so many years, sila parin magkatuluyan. hay.

« Last Edit: October 16, 2014, 05:33:43 pm by ysa.belle »

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #179 on: October 16, 2014, 07:31:44 pm »
hay, nawalan ng saysay ang title na Ikaw Lamang since hindi naman sina isabel at samuel ang mag-i-"ikaw lamang" in the end.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close