watch now

Author Topic: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2  (Read 23485 times)

quennna

  • Guest
ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« on: September 16, 2014, 02:26:17 pm »
Tara ipagpatuloy ang mainit na kwentuhan ..

Thread 1

Casts:
Isabelle Young: kim chiu / old amy austria
Andrea (daughter of Isabelle and Franco) Kim Chie
Natalia (daughter of Isabelle and Franco) KC Concepcion
Samuel (husband of Mona, son: gabriel) young: coco martin / old: joel torrez
Mona (wife of Samuel, son: gabriel) played by Julia Montes
Julia Montes - Mona
franco (husband of isabelle, daughters: andrea & natalia played by jake cuenca / old: christopher de leon
Calixto: young: lester llansang/old: noni buencamino
Lupe: young: meryll soriano / old: rio locsin

other stars:
Jojit Lorenzo, Arlene Muhlach, Smokey Manoloto, Mylene Dizon..



« Last Edit: September 16, 2014, 03:11:15 pm by quennna »

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #1 on: September 16, 2014, 02:41:40 pm »
parang maglulupasay na si tessa sa pagmamakaawa nya kay franco eh.

aliw nga nung makita ng nina hugo, este samuel ang gold  ;D

Haha oo nga sis nung humihingi siya ng sorry kay franco di ko alam if matatawa ako sobrang desperada na talaga niya, mahal na mahal niya si franco tapos si franco obssess pa rin kay isabelle.


budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #2 on: September 16, 2014, 03:04:24 pm »
Ako naman natatawa kay Franco. After all these years, talagang si Isabelle pa rin. Akala mo walang ginawang karumaldumal kila Isabelle e. ;D Naalala ko yung scene after nya pasabugin yung barko, tatawa tapos iiyak naman. Baliw na baliw talaga sya kay Isabelle.

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #3 on: September 16, 2014, 03:59:33 pm »
Tsaka nakakatawa din si Franco nung kausap si Jacq. Parang natataranta pa din e, kasi kamukha ni Isabelle ang kaharap nya. Hehe..

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #4 on: September 16, 2014, 04:08:35 pm »
Napakadaldal ni jacq feeling ko wrong move na umamin si gabriel sa mga plano niya about franco/natalia okay na iyong nagconfess siya ng feelings pero yung inamin niya yung ganti plans parang mali talaga.

wrong move nga ni gabriel ito. kase baka kausapin pa ni jacq si natalia. may pagka-gabriela kase itong si jacq e

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #5 on: September 16, 2014, 05:09:36 pm »
akala ko nga, makakatikim itong si tessa ng pananakit na naranasan ni isabel noon.

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #6 on: September 16, 2014, 06:47:03 pm »
^Oo nga sis. Pero malamang hindi rin maniwala si Natalia sa kanya, isipin nun sinisiraan lang si Gabriel. Hehe.

prettybarbie

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #7 on: September 16, 2014, 09:01:06 pm »
ang galing umarte ni KC na sosyal na maldita.... nakakatawa yung episode kanina yung tinaguan ni Jaq si gabriel nung nagpunta sa house nila....kulit lang.

hann-hann

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #8 on: September 16, 2014, 09:18:09 pm »
OMG ipapa-DNA test na ni Franco si Jaq! Sana naman wala ng magmanipulate nung result gaya ng ginagawa sa halos lahat na mga teleserye ::)

quennna

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #9 on: September 16, 2014, 09:46:29 pm »
gusto ko rin acting si kc as malditang bratty.. isama mo pa acting ni mylene..
bukas ulet..

mrsB

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #10 on: September 16, 2014, 11:03:44 pm »
^^ haha, feeling ko mamamanipulate ni Mylene yung DNA test kaloka!
« Last Edit: September 17, 2014, 01:57:08 am by mrsB »

hann-hann

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #11 on: September 17, 2014, 12:15:25 am »
^naku wag naman sana sis! para makabawi naman si Franco kay Andrea/Jacq at magsisi sya ng kahit konte sa maling pagtrato nya kila Isabel at Andrea noon. nakaka-excite itong book 2. so far gusto ko ang takbo ng story.

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #12 on: September 17, 2014, 01:30:00 am »
Sana ipaDNA test ni Franco si Jacq at pag nalaman niya na tunay na anak niya si Jacq/Andrea feeling ko magiging fave na niya ito since kamukha ni Isabelle tapos magwawarla na sila ni Natalia tapos pagaagawan nila di lang tatay nila pati si Gabriel. Hahaha gumawa na ko ng sarili kong storya.


shopaholic18

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #13 on: September 17, 2014, 04:48:03 am »
buhay pa ba si Gonzalo at Rebecca Miravelez? may nabasa ako sa si Pilar Pilapil ang gaganap na Rebecca, sino ba ang gaganap na Gonzalo sa book 2?

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #14 on: September 17, 2014, 08:00:26 am »
Gusto kong malaman na ni Franco na anak niya talaga si Andrea/Jaq, kasi kamukhang kamukha ni Isabel, baka magkagusto pa siya kay Jaq LOL, kaya dapat malaman na niya na anak niya talaga si Jaq.

Bakit nga hindi na namimisikal si Franco noh? Malaki na din pinagbago niya.


msdrizzlee

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #15 on: September 17, 2014, 08:49:11 am »
^^ haha, feeling ko mamamanipulate ni Mylene yung DNA test kaloka!

pag ginawa ulit to ni mylene, wala na syang ginawa sa teleserye kundi mag-manipulate ng DNA! haha dun sa mirabella kasi ganun din ginawa nya sa dna test ni mira at nung asawa nya. LOL

excited ako sa magiging reaction ni Franco pag nalaman nyang anak nya talaga si Jacq/Andrea! :)

quennna

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #16 on: September 17, 2014, 08:55:24 am »
Bakit nga hindi na namimisikal si Franco noh? Malaki na din pinagbago niya.

pasampal sampal na lang... grabe, kakatakot si franco lalo pag nagalit..

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #17 on: September 17, 2014, 10:11:01 am »
akala ko nga, makakatikim itong si tessa ng pananakit na naranasan ni isabel noon.

akala ko rin sasaktan ni franco si tessa gaya ng ginagawa niya kay isabelle noon.
di ba chief of staff ni franco si tessa? kelan pa kaya siya naging tauhan ni franco? kase alam niya yung tungkol kay isabelle at samuel eh. sana pakita yung paano siya naging tauhan ni franco at kung paano siya nainlove and naging gf or kung ano pwede itawag sa relationship nila.

^^ haha, feeling ko mamamanipulate ni Mylene yung DNA test kaloka!

sana wag manipulate ni tessa yung DNA result. gusto ko rin malaman ni franco na anak niya si jacq + this will be another twist sa story kase natalia hates jacq already for being the "best friend" of gabriel. eh pag nalaman na magkapatid pa sila this early di ba?


j_in_tokyo

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #18 on: September 17, 2014, 10:17:35 am »
Nakakatawa lang kasi sa Honesto, magkasama din sina Joel Torre at Noni Buencamino sa paghukay sa ginto..Ngayon magkasama ulit sila at naghukay ng hehe

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG BOOK 2 Thread 2
« Reply #19 on: September 17, 2014, 02:48:36 pm »
Exciting naman. Sana walang mag fake ng DNA result.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close