watch now

Author Topic: Gel or Acrylic nail polish  (Read 8293 times)

sexy^pink

  • Guest
Gel or Acrylic nail polish
« on: September 15, 2014, 11:45:52 am »
mga sis ano mas maganda mani service?
meron ba yung tumatagal na nail polish na tipong hindi ka masyado conscious sa galaw ng hands mo na baka matanggal or machip off..
pasuggest na din kung anong magandang nail salon somewhere sa south (alabang, las pinas, etc) na alam niyo maganda ang service.
TIA! ;D

shygirlme

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #1 on: September 15, 2014, 01:16:10 pm »
^hindi ko pa na tatry magpa Gel polish eh bihira din ako magpa polish sa kamay laging sa paa lang. but I always go sa Nail it Festival Mall. Fave brand ko is Orly. normally 1 month natagal sa feet ko yan :)

m_lim

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #2 on: September 15, 2014, 01:25:54 pm »
acrylic or gel, pareho tumatagal. pero nakaka damage talaga ng nails.

sexy^pink

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #3 on: September 15, 2014, 02:29:08 pm »
acrylic or gel, pareho tumatagal. pero nakaka damage talaga ng nails.

panung nakakadamage sis m_lim?

^hindi ko pa na tatry magpa Gel polish eh bihira din ako magpa polish sa kamay laging sa paa lang. but I always go sa Nail it Festival Mall. Fave brand ko is Orly. normally 1 month natagal sa feet ko yan :)

talaga sis shygirlme? di nagchip off yung polish kahit naka closed shoes ka?

shygirlme

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #4 on: September 15, 2014, 02:40:34 pm »
^yep sis pag naka closed shoes kasi ako may stockings ako. hindi naman na chip off

ayanne

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #5 on: September 15, 2014, 03:45:01 pm »
 gel sa hands kahit 1month na makintab at intact pa rin sa nails, at regular nail polish sa feet, ok nga sa nail it orly ang brand nila long lasting talaga.

sexy^pink

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #6 on: September 15, 2014, 04:22:59 pm »
^salamat sis. may nagsabi kasi sa akin na yung gel or acrylic talagang tumatagal. di kasi ako madalas nagpapa-mai or pedi kaya wala ako alam. isip kasi ako ng maganda para sa wedding. hindi kasi ako masyado conscious sa mga hinahawakan ko kaya prone na masira o magchip off yung nail polish.. hehe

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #7 on: September 15, 2014, 04:50:14 pm »
Pag 1 month paano pinapa-remedyuhan yung part na bagong tubo sa nails? Diba tataas na yung gel pplish kasi may bagong tubo?

gracita13

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #8 on: September 15, 2014, 06:02:27 pm »
i tried both. Effort magtanggal at nakakasira ng nails.

acrylic- nagpagawa ako neto for my wedding tas after 1 or 2weeks ata yun ang hassle na promise!!! kapag nag aayos ako ng buhok sumisingit buhok ko dun sa tinutubuan ng nails kasi diba tataas na yung acrylic dahil may patubo ng totoong nails, tas mali ko ako lang nagtanggal nung acrylic tinuruan naman ako nung gumawa saken kung panu, ibabad ko lang daw sa acetone antayin na parang lumambot pero naman kumulubot yung balat ko sa nails kasi nababad ampanget tignan parang daliri ng matanda, much better na kung saan kayo nagpagawa dun nyo din ipatanggal.

gel- umaabot to saken 2-3 weeks this time sa salon ko na pinatanggal pero mga 30mins bago natanggal haha! tas yellow na ang nails ko, gusto ko pa sana gel ulit ipalagay kaya lang nung nakita ko color ng nails nakakaawa LOL! mismo yung girl na gumagawa saken nag suggest na mag normal polish na lang muna ako ipahinga ko daw muna.

TS, pareho naman sila na pangmatagalan kasi for me ha matagal na saken pag umaabot kahit 1week kasi pag normal polish lang 3days lang nagtatagal saken hihi btw, sa california nails & day spa sa greenhills pala ako nagpagawa ng acrylic.

aubb

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #9 on: September 16, 2014, 12:00:42 am »
Ang ganda ng finish ng gel,kaya lang ang toxic ng application at removal. Try ko to pag nag-mura na, parang overpriced eh

TysLolakins

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #10 on: September 16, 2014, 12:40:34 am »
special occasions acrylic pink and white 'full set' ang pinapagawa ko kasi maganda sa photos.  tapos short lang hindi parang claw-like para mas natural looking and also so i can continue on with daily stuff like work (i do a lot of typing) and household chores.  kahit na short, madulas pa din sa keyboard.
so i don't wear it longer than necessary, ipinapatanggal ko after a week.  eto ang tiis ganda moment,  masakit pag hinihiklat na ng pliers.  ouch ouch ouch, parang matatanggal yung nail bed ko.


anyway,  for those asking kung ano gagawan kapag tumaas na yung acrylic,  meron silang service na 'fill' ang tawag.  basically, nilalagyan nila yung gap ng acrylic.  tapos they buff/file the ends and can be trimmed shorter too. 


i've also tried gel sa toes ko and yes it did last way longer than regular and won't chip at the ends esp when wearing closed toes a lot.

t_r_i_s_h

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #11 on: September 16, 2014, 10:20:54 am »
havent tried gel nail polish.. how much is this?

sexy^pink

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #12 on: September 16, 2014, 10:28:29 pm »
thanks sa mga reply niyo sissies. hmmmm parang mas okay yung gel nail polish. pero siguro di ko papaabutin ng more than 1 week para hindi magyellow ang nails ko.
nafeel ko yung sakit habang binabasa ko yung comment mo sis TysLolakins.. haha! natakot ako sa pliers.. hehe

meron na ba nakatry sa Nail Tropics?

shygirlme

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #13 on: September 17, 2014, 01:30:58 am »
Nabasa ko din pala mahirap ata tanggalin yung gel polish. Parang ang hassle lang

sexy^pink

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #14 on: September 17, 2014, 09:33:06 am »
^siguro sis pag dun ka din sa salon magpatanggal madali lang.. hehe
siguro di naman tulad ng acrylic yung pagtatanggal sis na may pliers pa.. hehe scary! baka mawalan ako ng kuko.. hahaha

t_r_i_s_h

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #15 on: September 17, 2014, 10:08:08 am »
nakakatakot naman yung with pliers...

ayanne

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #16 on: September 18, 2014, 04:22:41 pm »
i suggest sa salon monlang patanggal yung Gel polish madali lang lalagay si ng acetine sa bulak tsaka babalutin isaisa yung daliri para mababad ng konti yung nails na may gel, after 2min rub na nila yun gel ayun wala na.. (may charge nga lang ang pagpapatanggal  :-\

sexy^pink

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #17 on: September 18, 2014, 08:49:54 pm »
^natry mo na sis? saang salon ka nagpunta?

dulcette

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #18 on: September 19, 2014, 01:31:27 am »
50% off ang gel nails sa Enza ngayong september. Actually 40+10% off for services 800php above. From p980, p490 nalang mani pedi. They use CND Shellac. Ang ganda pala ng gel. Shiny and chip proof from day 1 until removal. Yun lang damaging talaga sa nails.

caterpillar-girl

  • Guest
Re: Gel or Acrylic nail polish
« Reply #19 on: September 19, 2014, 12:53:59 pm »
I love gel polish! Once I went gel, I never went back to regular mani pedi. 

I go to either Nail Tropics or California Nails and Day Spa. I've been doing gel polish for a year or so now. Mga every other month kasi matagal talaga staying power. My nails aren't yellow and matibay pa naman, as far as I can tell.

It starts to 'chip' around 2 and a half or 3 weeks. Not chip as in sa manicure but parang the gel starts to 'loosen' up by then. You can actually peel it off yourself, no need to go to the salon. Pero lagyan mo lang n parang oil after para di mukhang dry yung nails.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close