watch now

Author Topic: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)  (Read 25210 times)

lyrahs

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #20 on: June 20, 2015, 07:14:27 pm »
Plan naman namin ni bf sa 2nd week ng august pumunta ng Bicol. 4d/3n naman kami at by plane kami punta dun.

Meron bang mga beach dun na nagpaparent ng tent? Balak ko sana na mag-stay kami kahit one night lang sa beach na naka-tent :D

rocky

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #21 on: July 14, 2015, 02:17:48 pm »
mga sis, anong mga kainan marerecommend nyo sa legaspi aside sa bigg's? ATV & foodtrip lang talaga pakay namin. TIA ;)

lyrahs

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #22 on: July 20, 2015, 06:56:06 pm »
^sis based din sa mga nabasa ko dito sa GT, mga reco na resto sa Legazpi:

Small Talk Cafe
Cafe Cena Una
Four Seasons Resto
1st Colonial Grill
DJC Halo Halo

rocky

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #23 on: July 21, 2015, 08:34:44 am »
^thanks sis, kababalik lang namin kahapon. ayun, swerte maganda panahon & nagpakita sa min ng buo ang mayon. nong nasa bus na kami pabalik ng manila saka umulan. ;)

sobrang sulit ng ATV green lava trail c/o bicol adventure ATV, 1500 for 3 hours. sinundo & hatid pa kami sa hotel namin (casablanca suites). 2 pax kami & 2 din guide namin, isa taga-picture. hanapin nyo si kuya joven, sya guide namin ;)

http://www.bicoladventureatv.com/

isa pang magandang puntahan yong quitinday hills (camalig). umaga kayo pumunta para kita yong mayon sa likod ;)

foodtrip: :P
1. willkommen cafe & restaurant - masarap & big serving. nasa baba lang sya ng casablanca suites
2. bigg's dinner - tender yong baby backribs pero hindi ko gusto yong sauce
3. djc halo2x - saging & langka yong inorder ko & sulit naman sa presyo nya, parang razon's ang lasa. pero yong halo2x hindi naman ganon kasarap
4. 1st colonial - level 1, 2 & 3 yong inorder naming chili ice cream. yong level 2 masarap, sakto lang anghang. pero yong food nila so-so lang & pricey. di ko rin gusto ambiance madilim, lunch kami pumunta
5. red labuyo - tabi mismo ng daraga church kaya maganda view lalo na sa rooftop. nag-try din kami ng chili ice cream pero nasayang lang kasi sa sobrang anghang hindi namin nakain. as in puro buto ng sili yong kinakain mo
6. dad's pinangat - sakto lang, mas masarap sana kung may baboy, tinapa or alimango sa loob na palaman. pero sa presyong 50 sulit na rin

lyrahs

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #24 on: July 27, 2015, 02:23:56 pm »
^ay sis salamat sa info! Excited na ako kasi 2nd week naman kami ng August. Sana talaga hindi maulan at makita namin ng buo si Mayon.

Balak ko tlg mag-ATV ride. Yung 1500 ba for two persons na yun? Tig-isa kayo ng ATV or angkas ang isa? Sensya na sis dami tanong. Hehe ;D

rocky

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #25 on: July 27, 2015, 03:13:48 pm »
^1500 per head sis, kanya-kanya kaming ATV. mas masaya mag-drive kesa angkas lang ;D

lyrahs

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #26 on: July 28, 2015, 04:38:00 pm »
^sis thanks talaga sa info! mas lalo akong excited pumunta :)

rocky

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #27 on: July 28, 2015, 04:55:33 pm »
^no worries sis, i suggest unahin nyo quitinday hills. maganda don around 6am para kita ng buo mayon sa backdrop. pag nandon ka parang pinaghalong bicol & bohol. hehe! sakto after ng quitinday yong ATV nyo, clear yong sky nyan. sa daraga na rin kayo mag-lunch. nandon cafe cena una, di ko lang natry yan tinamad na kaming bumyahe from legaspi ;)

lyrahs

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #28 on: July 29, 2015, 05:42:30 pm »
^sis sige tignan namin kung maisingit namin quitanday hills. Pilitan gumising to ng maaga!
hahaha

lyrahs

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #29 on: August 18, 2015, 04:31:45 pm »
Just got back from Bicol! Ang saya ng trip namin ni bf :D :D

Sa Naga muna kami sa 1st day (buti na lang di delayed ang cebupac). Check in kami sa Stonehouse Garden Resort then lunch tas pagbalik namin sa Panicuason Hot Spring resort naman kami. Around 5pm balik na kami sa Stonehouse, dun na din kami nag-dinner kasi malayo sya sa kabihasnan...nasa paanan ng Mt.Isarog kaya kakatamad ng lumabas.

Kinabukasan sa Legazpi naman kami.

Nakapag-ATV kami care of Albay Adventure (iba pa pala sila sa Bicol Adventure).
Kaya lang late na pala kami kasi halos 9.30am na kami dumating sa Cagsawa. Mataas na sikat ng araw tas si Mayon natatakpan na ng ulap. Pagdating namin sa lava wall, mejo nagpakita si Mayon kaya todo picture na kami. Nung pabalik na kami sa Cagsawa, umangkas na ako kay BF, di na kinaya ng powers ko yung ATV ride pabalik.

Yung sumunod na araw, nag-effort talaga kami gumising ng maaga para makita ng buo si Mayon. Sabi kasi ng guide namin sa Cagsawa, early morning talaga very clear si Mayon. Nung nakita naman namin, nga-nga talaga kami sa ganda!

Syempre di nawala ang food trip. Aayaw-ayaw pa si BF sa sili ice cream, ayun sya ang nakaubos.

Ang saya lang kasi hindi umulan nung andun kami. Nakisama ang magandang panahon :)


lovenkisses

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #30 on: August 19, 2015, 08:27:48 am »
Wow ang saya sis lyrahs. Kami rin planning to go there para Makita ang majestic Mayon volcano :)

rocky

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #31 on: August 19, 2015, 02:24:36 pm »
^^dapat maaga talaga sis kasi clear yong mayon & sobrang itim mo pag late na. hehe! yes, magkaiba sila & alam ko mas mura pa rin bicol adventure ;)

lyrahs

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #32 on: August 19, 2015, 03:36:37 pm »
sis lovenkisses dapat effort kayong gumsing ng maaga, preferably sunrise para talagang clear si Mayon :)

sis rocky maitim na ako pero umitim pa lalo nung ATV namin!
Nung pagbaba kasi namin sa jeep sa Cagsawa, maglalakad na lang sana kami kahit wala kaming idea kung asan mismo ang Cagsawa ruins. E yung mga tambay na tricycle dun, nag-offer ng libreng sakay papuntang ATV daw. Dun kami dinala sa pinaka-una which is Albay adventure nga. Ilang beses natanggalan ng chain yung ATV ko kasi sobrang lubak talaga. Ganun daw yung 150cc, pero si bf ok naman sa kanya. Sa huli sabi nung guide namin palit na daw kami ng ATV. Nung pabalik na kami, dinala kami sa Cagsawa ruins. Nadaanan namin yung iba pa na nag-ooffer ng ATV...mas maaayos ang ATV nila at mukhang bago. Oh well...nag-enjoy pa din naman kami dun. :D

rocky

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #33 on: August 19, 2015, 04:11:53 pm »
^malamang may porsyento yong mga trike driver na nagdala sa inyo. ako kasi nakuha ko na # ng bicol adventure a day before tinawagan ko sila tapos hatid sundo kami sa hotel kaya sulit & highly recommended talaga sila ;)

lyrahs

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #34 on: August 20, 2015, 06:32:17 pm »
^di bale sis...ang importante nag-enjoy kami at nakita namin si Mayon ;D

mindiegirl

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #35 on: August 20, 2015, 09:05:59 pm »
Mga sis, mag caramoan kami sa oct. Sabi bukas na daw yung daan para hindi magboat ride ng 2 hours. Pero ilang oras kaya pag ganung land travel nalang?

ditay

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #36 on: November 25, 2015, 04:59:10 pm »
^sis land travel from pili i think is 2-3 hours :)

Dazzel21

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #37 on: December 27, 2015, 12:14:23 am »
Mga sis, feedback naman sa weather during June or July. Planning to go to Legazpi, maulan na ba yung ganyan dates? Thanks.

sweetczarina

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #38 on: January 02, 2016, 11:47:59 am »
Hi mga sisses.. From Legazpi airport, anong transportation ang pwede papunta sa Tabaco City Mall?

Any feedbacks sa JJ Midcity Inn?
Ok lang ba pumunta sa Cagsawa Ruins kapag pregnant? Kamusta po yung road?  :-[

lizzietseng

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread III)
« Reply #39 on: January 31, 2016, 10:24:27 am »
Mga sis!  Sino ditto nakapagstay na sa Hotel Venezia?  Okay ba siya as compared sa The Oriental Hotel Legazpi? TIA!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close