watch now

Author Topic: Friend constantly brags about guys who likes her  (Read 3265 times)

Hanna1

  • Guest
Friend constantly brags about guys who likes her
« on: September 09, 2014, 09:22:24 am »
Bragger po ata yung friend ko. Kapag kami lang dalawa, favorite niyang topic
yung mga guys na nahuhulog sa kanya. Or kung ilan sila na nafafall sa kanya.
For example, sa isang bank daw kuno, si Teller 1 at saka si Teller 2 gusto siya, si Manager
din daw at saka si Janitor. Sinasabi niya rin na maraming mga clients na nagagandahan
sa kanya. Yung isa niyang ka-ojt, kinukwento niya sa akin na nakakatawa daw yun siya
kasi akala daw nung isa siya ang gusto pero si friend pala.

Minsan, kinuwento niya din na yung boyfriend ng isang classmate namin ngayon
nanligaw sa kanya dati. Pag sabi nya nun, proud na proud siya sa kanyang sarili.
Kahapon naman, bigla niyang nasabi na mataas daw grades na binibigay sa kanya ni Sir something.
alam niya na alam ko kung bakit. Halata naman sa class yung eye contact ni sir, tapos pinapatulan niya
naman.

Nawawala respeto ko sa kanya kapag may kausap siyang lalaki, kasi parang
hinihypnotize niya yung guy sa titig niya, kahit hindi nya naman type,
para may maidagdag naman siya sa list niya. (sinusunod niya ata lahat ng flirty tips sa cosmo eh)

Duckling turned to swan. Gandang hindi mo inakala. Siya din mismo nagsasabi niyan minsan. Kasi nung 1st year hindi pa siya maganda, hehe. Okay po talaga yung personality bukod dito.
NBSB po siya,ako din naman. Maganda po talaga siya. Ako din naman.
Extrovert siya. Introvert ako. Flirty siya mailap ako. By saying these, parang kinokompare ko.
Pero hindi po. Pinopoint out ko lang ang difference. Sinasabi ko lang na may ibubuga din ako.
We are both pretty but different.

Patulong lang kung paano makipagdeal sa kanya kapag it's bragging time again?
Ginagawa ko kasi kapag ganun, . automatic answer ko "really?" at saka parang ineencourage
ko pa magkwento kahit ayoko ng marinig.






patriciaheart

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #1 on: September 09, 2014, 01:05:53 pm »
I suggest be the bigger person, let her as you call it "brag". Maybe she does not see it as bragging but if it annoys you then ok na yung reply mo na "really?" lol Maybe pag nag uumpisa na [textspeak!] pag bbrag nya eh take control of the conversation and veer it to another topic.

aquacharly

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #2 on: September 09, 2014, 05:06:59 pm »
Ikaw lang naman pala kinukwentohan - so, she feels you 2 are close, like sisters.  Sisters brag & laugh together, if sibling rivalry is not dominant.  Yun yun

Oh yes, darling, you are comparing yourself to her -- inspite of your protestations. I did that too before, with a BFF when we were both single.   Healthy competition, it's human nature.  It was just 1 way to develop confidence -- the counting of how many are attracted to you.    I do not see anything wrong.  Maybe, specially if her career path is in Marketing (not Research) --  it is a Must to have a very pleasant, approachable & engaging personality.   

What's wrong is -- if she does it to create Mischief. Or,yung she imagines it -- eh nag "good morning" lang yung Janitor, feeling nya dead na dead na sa kanya si Jani.   If so, eh Responsibility mo na as her BFF to shake her brains back into place. 

Hindi sya maganda until the other year??    So? It is never too late to re-invent one's self.   Ang galing nya if swan na sya now and not the ugly duckling.     See, hindi lahat ng Reyna nagawawagi.  (Teka, sa mahjong lang ata yon.)   What am I trying to tell you?   Leave her be.  You said she's got grounds to brag:  looks and personality. 

How to deal with her?  Change the topic.
Pero -- sa puro Really? Really? Mo eh...   Baka kaya 1 day, she starts a thread here -- asking how to deal with a BFF who always wants her to defend and prove others' attraction to her.   
So, well:   That's part of a Friendship:  that your BFF can brag to you about what she takes pride in.   

I seek to offer you empathy and comfort, but the only constructive thing I can say now is just that you think hard & deeply why you get irritated with her bragging. Be true to yourself. It will set you free of negative emotions.   


solepurplelife

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #3 on: September 09, 2014, 05:51:34 pm »
I once had a close officemate na very much vocal sa mga guys na may gusto daw sakanya. Hindi lang sya sa'kin nagsasabi, pati sa iba naming barkada. She usually starts the topic with how long she has been single then how these certain guys make pacute to her. At first I thought it was cute and amusing until this guy barkada of ours makes a comment of how desperate she is na makahanap ng BF. Dun ko lang napansin na medyo may pagka OA nga sya magkwento to the point na kahit gaano kalayo yung topic naiiipapasok nya yung mga guys na may gusto daw sa kanya.

Well, I thought wala lang yun at masasanay din ako na yun ang gusto nya pag-usapan. But the I got tired of her stories. To The point na gusto ko na mainis sakanya. I guess ganun talaga kapag yung kausap mo always talks about herself.

Naisip ko iwasan sya para na rin maiwasan kong mainis sakanya pero we are in an office so I realize that I have to be professional. What I did was naging casual na lang ako sakanya. When its about work kakausapin ko sya pero if its about her personal life as much as possible iiwas ako sa conversation. Ayon less kwento less inis less stress. :D

snowberry

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #4 on: September 09, 2014, 06:10:08 pm »
Well, naalala ko lang itong office mate ko na 40 y/0 plus na. She is separated na
from husband ( may wife na abroad ang hubby nya). Sometimes kasi she acts and talks like a teen ager. Same as your friend  ,bragging who is the latest guy na nakipag kilala sa kanya  like driver ng FX or MMDA traffic guy ,lols or nakasabay nya na foreigner na humingi daw ng number niya ( na ibingay naman niya) pagkatapos sasabihin na kainis daw dahil nag text sa kanya .

Minsan parang gusto ko na rin barahin like sabihin na e bakit bigay ka ng bigay ng cp number mo , eh ayaw  mo pala ma text. Also, she is very open to everybody about being a separated woman ( hindi legally) and even sa ka chat nya na mga guy friends eh sinasabi niya. Kaya may time na binastos yata siya nung guy ( sabihin daw sa kanya na mimiss nya siguro may katabi sa bed) . One time umiiyak sa office kasi sinabihan saw siya ng mother nya na malandi daw siya, Ouch! Kasi nakipag usap daw siya ng matagal sa phone sa guy.

Kaawa naman din, kaya ako nakikinig lang at di ko naman siya binabara . Pero ano nga ba dapat isagot sa kanya ?Ang tanda na kasi feeling teenager pa rin , parang self centered masyado.

I am thinking na lang na siguro kaya ganun siya is because she needs to reinforce to herself na may asim pa siya at ibinabalik niya yung confidence sa sarili niya because iniwan nga siya ng hubby niya. Pero sometimes kasi parang feeligera dating eh.

Hanna1

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #5 on: September 09, 2014, 06:55:58 pm »
Thanks sa replies sissies. It really helps.
Malaki din kasi impact niya sa akin in a good way.
Although, clingy sya masyado minsan, introvert po ako kaya medyo annoying, happy din ako we found each other.
Pero hindi ko lang alam kung paano mag adjust sa changes. Akala ko wina one up ako. Salamat na lang no wrong move na nagawa.
Relieved now!

baliwsayo

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #6 on: October 27, 2014, 10:07:34 am »
Kaya ayoko ng bff na girl kasi ganyan.. may pagka-inggitera at ma-issue.. I'm sure she was just sharing those things to you kasi akala niya you'd be happy for her kasi tutuong kaibigan ka niya. Kaya ako I don't share anything with my girlfriends.. I am more of a listener lang. I share more with my guy friends. Hirap kasi with us girls, mahilig sa issues. Oh well.. guilty din ako minsan pero siguro mas lamang kasi male  hormones ko kaya wala ako gaanong issues with my girlfriends.

kukii

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #7 on: October 27, 2014, 11:16:12 am »
I have a bff na ganyang ganyan. As in all the time! Mapa nasa lamay kami or nasa hospital visiting sick relatives of our friend, she find ways (parang BDO lang) para mapagusapan ang mga nagkakagusto daw sakanya. Kami naman we don't get annoyed and we just say "ang ganda mo te e!" in a sarcastic way or pag mag uumpisa nanaman siya sasabihin nalang namin "alam na namin yan wala bang bago?" "o tapos? edi ikaw na maganda" and we (pati si vain friend) just laugh it off.

cecilydee

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #8 on: October 27, 2014, 02:05:07 pm »
Dont worry..magkaka alamanan kayo pagkagraduate kung sino unang magkaka bf sa inyo lol

may12

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #9 on: November 07, 2014, 10:18:39 pm »
That's one thing I could never understand about other girls (well, may mga guys din naman).
Kasi ako, para sa akin, sobrang nakakahiyang mag-brag about that. Yes, honestly, may mga times na gusto ko mag-brag na may nagkagusto sa akin, pero hindi ko mapasok-pasok sa mga conversations kasi nahihiya ako. Kahit sa bestfriend ko pa yan. Pero iniisip ko nalang na siguro iba lang talaga personality ko sa ibang tao.

But what really annoys me eh yung mga tao na nagba-brag na may gusto sa kanila ang isang taong taken na. Super off para sa akin yan. Lalo na pag yung tono ng pagkukuwento nila eh parang amused pa sila... naku, naiirita talaga ako. Nagkaroon pa ako ng bestfriend na ganyan. Ang ending, I never trusted her with my boyfriends.  :P

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #10 on: January 11, 2015, 10:56:21 pm »
I have a friend/officemate na ganito ang attitude like every guy na namimeet nya nagkakagusto sa kanya, GGSS sya (gandang ganda sa sarili) but when I look at her I don't know where she or all those kwento are coming from  :P

Evolet027

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #11 on: March 11, 2015, 04:22:26 pm »
May officemate din ako na na ganitong ganito, buti na lang resigned na sya. Pag may mga bago samen na girls din, papansinin nya, kung anung brand, san binili. Then asahan mo, next monday, mula ulo gang paa, bago din ang suot nya, pero ginagawa namin, di na lang namin pinapansin. Sobrang GGSS din sya, pero wala naman ako makitang kinaganda nya, maputi lang sya, that's all, and to think na single mom sya, ganun pa kung umasta. Mas inuuna nya ang mga luho sa katawan, than to save for her son's future. Every 3 mos me bagong bf or dinedate. tapos mega kwento ng lalake, pag break nila, mga 1 week emo kwento, tapos pag may nakilala sa bar na lalake, mega kilig na ulit na parang wala lang yung break up.

Every office ata me ganito. :p

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #12 on: March 11, 2015, 05:06:39 pm »
Hmmm naalala ko tuloy yung the little prince phrase na "for the conceited/vain man, everyone is an admirer" basta something like that. Medyo feeler much ang dating sa akin. But until makita kong pila ang mga NANLILIGAW sa kanya or may mga boylet siya or magkaboyfriend siya, lahat ng kwento niya ay classified as pantasya lamang.

Angelite

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #13 on: March 20, 2015, 12:31:10 pm »
Pinagtatawanan lang mga ganito. Wag ng kainisan kasi pandagdag lang sa ikakastress. Ayaw kong pumangit kaka-inis para lang sa mga feelingeras.

reighnyielle

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #14 on: July 22, 2015, 10:06:30 am »
I also know someone who's a braggart. It literally annoys me that everytime may pag uusapan kami ang topic namin is going to be the boys who's trying to hook up with him or who's trying to make pa cute. Grabe kahit sa status yung mga compliments like hot daw siya ay ipo-post pa niya and yung scenario wherein mga nagpaparamdam ng motibo yung mga guys. If I know napapatingin lang naman sila then ito naman si ateng ay mag assume agad ng bongga na mag gusto kaagad lol

blushberry

  • Guest
Re: Friend constantly brags about guys who likes her
« Reply #15 on: August 14, 2015, 06:45:45 pm »
Looks like she was telling a close friend lang what is going on with her life.  It may sound like bragging pero ganun lang talaga kasi like you said, she is pretty, out going etc.  In short, she must be a catch that everyone's paying attention.  And when you are young, meron pa bang topic maliban sa school, OJT and boys?

Siguro you feel a little annoyed kasi nga you feel that you are just as pretty pero maybe not getting as much attention?  Hindi naman talaga maavoid that we compare ourselves to others.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close