February 6, 2015
Friday
Ang saya saya ko lang..
Kagabi, aaminin ko na ineexpect din ako na makikita kagabi kahit bago ako umuwi.. Pero wala ka pa rin.. baka nga hindi na pupunta.. kelangan ko na ring umuwi kasi wala naman na kong ibang gagawin.. natapos ko na..
Sadyang binagalan ko lang talaga yung lakad ko baka kasi may masalubong ako habang daan.. hindi rin naman ako nagmamadaling makauwi..
Sa stoplight.. nakailang stop and go na ang pedestrian pero di pa rin ako tumatawid.. parang naghihintay ako ng wala.. ilang minutes din ako dung nakatayo.. pero wala pa rin.. for the last time, hinintay ko na mag-go para sa pedestrian.. pero nung malapit na, naglakad na ko.. nagbago na isip ko.. hindi na pala ako tatawid.. hahaha!
Umaasa pa rin kasi ako na baka masalubong pa rin kita.. Slow paced pa rin.. baka sakaling may makita ako.. may nasalubong nga ako.. isang batang stressed.. haha!
Hanggang sa makalampas na ko sa mga possible places na pwede ko syang masalubong nadaanan ko na.. Wala na talaga..Lumilipad na utak ko habang naglalakad.. parang nagmumuni-muni pero ikaw pa rin pala iniisip ko.. kung nasan ka.. anung ginagawa mo.. kung
[textspeak!]-ano lang..
Maya-maya, may nakita akong familiar na built ng isang guy.. nakatungo kasi.. hindi ko alam kung sino pero alam ko na kilala ko.. bawat hakbang, papalapit ng papalapit.. kilala ko na kung sino.. shucks.. napa-smile na ko.. pero saktong smile lang na hindi obvious na kinikilig ako.. haha! hanggang sa inangat na nung guy yung ulo nya..
Wahhh! Ikaw nga. Ang saya saya ko! Thank you, Lord..ang sweet.. <3
Pero syempre kahit sobrang saya ko, chill lang.. Ah! Mali pa nga ata yung naisagot ko sa tanung mo.. sa kilig ko, hindi ko na namalayan na ang layu-layo ko na pala..
Nakakainis talaga.. hindi ako nakahinto ng lakad para kamustahin ka. yung lola mo.. or i-share yung mga gusto kong i-share sayo.. medyo may mga naiipon ng kasing akong mga kwento e.. ay! nakakainis talaga.. hindi ko rin nagawang lingunin ka.. err...
grabe.. bakit ba ko ganito?
basta, masaya ako.. see you again..
kelan kaya ulet tayo makakapag-kwentuhan?
i miss you much..

<3
****
Thank you for making me feel comfortable. Kahit medyo matagal na tayong di nakakapag-kwentuhan. Sana magkaron ulet ng time para makapag-kwentuhan tayo. Sana one of these days magkaron ng one afternoon na magka-kwentuhan tayo. Ang dami ko nang naipong kwento para sayo. Ang tagal na nung usapan natin na kwentuhan naman tayo minsan. Di pa rin natutuloy hanggang ngayon. Miss you much.
I just want you to know na nandito pa rin ako. Sorry sa mga time na sinasadya kong di ka pansinin. Pero magkaibigan pa rin naman tayo e. You are still a trusted friend for me. Pareho pa rin yung nararamdaman ko. Siguro nga, more. Gusto ko pang mas makilala at mas pagkatiwalaan ka more than this friendship that we have. See you again. Maybe later.
<3