Eto na labor story ko mga sis

nanganak ako nung oct. 23 . EDD ko oct. 28
Lorenz Adriel
3.10 kgs
Oct. 21- 1cm pa lang daw ako pero open na yung cervix ko and may mga mucus plug ng lumalabas saken..
Oct. 22- mag hapon akong naglaba, hand wash lang kasi gusto ko ng manganak and ayoko ng umabot pa ng due date ..
Oct. 23 (5:00 am)- nagising ako na ihing ihi, after ko mag wiwi maya't maya ng humihilab tyan ko and may pakonti konting water na lumalabas saken, not sure kung af yun or sumilim. 5 minutes interval yung contractions di na ko makatulog ulit kaya ginising ko si hubby and sinabi kong ligo lang ako then punta na kaming lying in kasi mukang nag lalabor na ko.
(7:00am)- nasa lying in na kami and inIE ako 2cm pa lang daw, tagal ko daw mag dilate kasi nung oct21 1cm na daw ako. Kaya 1hour akong pinagLakad para malaman kung magproprogress, pag hindi irerefer na daw ako sa hospital para mainduced kasi di daw sila pwede mag induce.
(8:30am to 10:00am)- naglakad lakad kami ni hubby, pero hirap na kong Lumakad kasi napapakapit na ko kay hubby pag humihiLab pero
kaya pa naman 4-3minutes interval. Pag balik namen IE ulit 3-4cm na kaso aabutin pa daw ng ilang oras bago ma fully dillated kaya pinapauwi muna kami tapos bumalik daw ng 4 or 5pm. Pagkauwi ng bahay humiga muna ko kasi antok na antok ako kaya sinubukan kong matuLog, nakakatuLog ako pero everytime na humihilab nagigising ako.
(1:30 pm)- nagising na ko ng tuluyan kasi grabe na yung hilab and di na ko makatulog ulit.
(2:00 pm)- hinatid na ko ni hubby sa house namin para may makasama ko papuntang lying in. Di niya kasi ako masamahan dahil may pasok siya sa work and di siya pwedeng umabsent dahil bago lang siya.
(2:30pm)- pinapadala na ko ng father ko sa lying in. Nataranta na kasi nakita akong napaiyak . Haha :p pagdating sa lying in inIE ako, 4cm padin daw kaya sabi pag umabot ng 6-7pm na di pa ko fully dillated dadalhin na ko sa hospital. Pinapauwi pa sana kami then balik ng 6pm kaso di na talaga maipinta muka ko kaya dun na ko nagstay.
(2:30-5:00 pm)- grabe na talaga hilab di na nila ko makausap . Lahat na ng posisyon ginawa ko. Patuwad tuwad na ko pero masakit na talaga. May mga buong blood na din na lumalabas saken. Bandang 5pm hinang hina na ko kakaire bawat hilab. Napaluhod na ko sa sakit and panghihina, sabi ko pa "ayoko na di ko na kaya" hehe . Ayun pagkaluhod ko bigLang putok na panubigan ko. Tinulungan na nila kong tumayo kasi nanghihina na ko.
(5:00pm)- nasa loob na ko ng DR, habang nagreready sila ng mga gagamitin ire na ko ng ire. Di ko na nabilang kung nakailang ire na ko . Hehe ! ramdam ko paghiwa sa keps ku, kahit masakit yung hilab nasaktan paden ako sa pagbanat banat ng keps ku kahit nahiwaan na. Tumulong na din yung isa pang midwife/nurse sa pagpush ng tyan ko.
(5:54pm)- Siguro almost 8pushes din bago siya tuluyang lumabas. Nilagay agad si baby sa tummy ko, grabe sarap ng feeling nung nakita and nahawakan ko na si baby. Di ko na maalis yung tingin ko sakanya kahit nung nililinisan na siya. Super worried ako kung may problema ba sakanya. Di ko na masyadong ininda yung mga ginagawa saken kahit masakit. Bleeder daw kasi ako, daming dugong nawala. Pumupupu na din si baby nung lumabas kaya nung nililinisan siya pumupupu paden siya.
Oct. 24 (5:00pm)- umuwi na kami. Iniinda ko na lang yung sakit ng tahi ko. Hanggang pwet yung tahi ko.