watch now

Author Topic: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)  (Read 50881 times)

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #480 on: October 13, 2014, 11:57:54 am »
^yes sis doon nga. I was not able to ask about taking pics but siguro kahit sa nurse pwede na siguro ipakiusap iyon. Well, that's the difference between small hospitals and large, very expensive hospitals. Sayang nga, it would have been a great experience for hubby if siya yung mag-cut ng cord and sa ibang hospital pwedeng si hubby pa ang magcatch kay baby.
Siguro if mag-lying inn ako baka pwede si hubby but i don't want to take the chance na hindi sa hospital. Wala naman nakikitang complications so far with my pregnancy but i will be more relaxed if nasa hospital setting.
We plan to do a hospital tour sa next visit namin para alam na namin where exactly kami pupunta when the time comes. During check ups kasi, halos dun lang kami sa clinic area ni doc. If pwede, makita na namin yung mga rooms and compare.
The nearest sa atin siguro na pwede si hubby sa loob is asian hospital but ang laki ng difference sa price. Marami ng mabibiling gamit for baby sa matitipid.
May kasabay kami sa child birth class na water birth ang gusto nila. Sa st.lukes, a room for that will cost 11k. Sabi ko kay hubby, pwede na tayo magrent ng private resort sa pansol nyan. After ko manganak, derecho swimming na.
Well, if you have the budget, why not?

preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #481 on: October 13, 2014, 12:02:11 pm »
^Good luck sis sa OGTT mo :) Hoping all is fine and normal! Woooohoooo 3rd tri ka na!!! Konting tulog nalang mameemeet mo na si baby boy niyo! :)

I have birthing classes here in HK for 5 nights (once every week) starting on my 26th week kaya lalo ako naexcite! :) Dahil first baby gusto ko din may knowledge kami ng asawa ko sa dapat i-eexpect ko sa nurses, midwives and doctors at sa pag-labor. Sa public hospital kasi ako dito manganganak kasi sila ang best equipped talaga -- walang NICU sa private hospitals dito...pag sa private ka nga..kung magka-complications sa public ka parin dadalhin kaya what's the point.
« Last Edit: October 13, 2014, 01:00:09 pm by preggygielian »

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #482 on: October 13, 2014, 12:17:30 pm »
^^aw, sana ok lang mag-picture para remembrance naman diba I'll give the camera to the nurse na nga lang. My sister recommends st. john eh may clinic din dun yung OB nya sa isa nya daughter and nagpa-quote na din sya , grabe laki matitipid pag dito ako nanganak and ok naman daw facilities. We inquired din sa SLHMC nsd is around 60k and CS 100k sabi ko parang Manila rate na din, while sa st. john wala pa yata 50k pag cs and around 25k lang if NSD marami na nga mabili things para kay baby nun, and isa pa isang tumbling lang samin ang st. john. In two weeks time nasa pinas na ako mag-hospital tour din ako sa St. John :)

^thank you sis preggygielian! Sana lahat tayo makaraos ng maayos sa pregnancy natin. Grabe exciting times ahead! Buti ka pa sis makaka-attend ng birthing class, kaya ako dinadaan ko na lang sa pag-watch ng mga video sa youtube yung iba di ko mawatch ng buo natatakot ako minsan  :-\
« Last Edit: October 13, 2014, 01:09:46 pm by Adam1025 »

preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #483 on: October 13, 2014, 01:09:48 pm »
^ ask mo din OB mo sis sa pinas kung meron ba sa hospital na birthing seminar or something (baka yung OB mo mismo meron)? Dito meron sa hospitals pero good luck Chinese naman haha

Ang mura ng matitipid mo nga sa hospital mo kesa sa iba. Kami nagdecide na magpublic kasi pwede naman pagipunan ang private hospital (at least 350k pesos equivalent) pero naisip namin ipang education nalang ng anak namin yun. Eh sa public hospital...mga 550 pesos per day lang ang bayad...kung mag CS man ako tapos 5 days magstay edi wala pa 3K pesos ang gastos haha! Yun nga lang bawal maarte sa public hospital...sarap lang din na sulit na sulit ang bayad namin sa tax dito.
« Last Edit: October 13, 2014, 01:17:40 pm by preggygielian »

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #484 on: October 13, 2014, 02:04:46 pm »
^haha! true sarap nga pag bawi mo tax mo di ba?! nagpacheck up ako dyan dati nun nagwork pa ako dyan. 100hkd lang bayad tapos may kasama pang take home na meds. pero pag visitor/tourist ka parang 400 or 500hkd yata singil nila. laki ng diff!  ;D

@Adam1025, waaah bakit OGTT agad sa u? ako din may request na pero for OGCT lang so no need fasting. 24-28wks daw yun pinapagawa. pag bagsak sa OGCT, saka lang mag OGTT.

@shinta, huhu bumaba pa lalo ang TSH ko sis. yun normal range 0.34 ang start, yun dating test ko 0.31 tapos nitong pinaulit 0.24 na. pero ayun nga, pang non-pregnant naman kasi yun normal range na nasa print out. hay sana makahanap ako ng endocrinologist na alam yun range kapag pregnant.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #485 on: October 13, 2014, 02:16:37 pm »
^Haha! Yes sis ang laki ng difference talaga pag resident vs tourist or basta walang hkid. Nung nag ER ako, lahat sagot na ng 100hkd. Laki ng difference ng public sa private pagdating sa personalised care...gusto ko sana yun pero ang mahal mahal din magpa-aral ng bata dito kaya naisip namin ano ba naman ang 3-5 days na bawal maging maarte. hehe

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #486 on: October 13, 2014, 03:30:12 pm »
Sis preggygielian ang laki naman ng difference ng 350k and 3k (CS for 5days) haha kalokah, hindi naman din madali hanapin ang 350k ngayon tama invest mo na lang sa education ng baby mu or pambili ng gamit. Practical na din basta wag naman ma-sacrifice welfare nyu dalawa ng baby mo diba.

Sis lakwatsa di ko alam bakit, iba nga siguro procedure nila dito? Nagulat lang siguro si OB ko na mabilis weight gain ko kaya bigla ako pinag-OGTT kahit na normal naman lahat ng urine test ko and even my baby's size normal naman. Ano ba difference ng OGCT and OGTT?

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #487 on: October 13, 2014, 04:20:18 pm »
@mslcgrey: ganyan nga ang ginagawa ng iba, parang may isang space na lang sa garden na pagbabaunan nung placenta. I'm not sure about hospitals here kasi ang I've heard mahigpit sila sa ganyan. I have talked to my tita about that and open naman sya with me taking home my placenta. may lying inn ang tita ko and doon na ako manganganak. pareho tayo, wala rin akong complications with my first born pero pinili ko sa TMC manganak noon dahil first pregnancy ko. ngayon mas confident na ako manganak sa tita ko. at kahit na mag-emergency pa, she always takes care of her patients. dinadala nya pa personally sa ospital if hindi na talaga kaya. since nanganak ako noon up to now, nakita ko na alaga sya sa patients nya. sana nga dati e doon na rin lang ako sa kanya kaya lang malayo ang tirahan namin sa kanya noon atsaka katulad mo gusto ko magsiguro dahil first time ko. dala nya palagi yung phone nya kasi palagi sya tinatawagan ng patients nya. sana mas malapit ang venue kapag time ko na mag-attend ng class nya. kaya rin gusto ko magchildbirth classes kami ni husband kasi gusto ko kasama sya ulit sa loob. kahit sya rin ang mag-cut ng cord. papayag naman for sure tita ko. :) nga pala, bawal pa mag-swimming agad after manganak dahil sa tahi.

@Adam1025: usually naman payag naman sila yung nurse ang magpicture. sa panahon ngayon, palagi na may hawak na camera ang mga tao. napaisip tuloy ako, pwede rin kaya magdala ng tripod para sa video?

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #488 on: October 13, 2014, 04:53:09 pm »
@Adam1025, OGCT no fasting needed. iinom lang ng 50mg glucose then after 1 hr kukunan ng dugo. yun OGTT naman kelangan mag fasting kasi kukunan ng FBS then papainumin ng 75mg nung glucose tapos every hour kukunan ng dugo for 2 to 3x.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #489 on: October 13, 2014, 10:17:48 pm »
@tigerlilly sana nga pumayag ang nurse and marunong kumuha ng maayos na picture sayang naman ang slr  :D

@lakwatsa, sis ano kaya lasa nung iinumin na glucose? Lasang normal na juice ba or kakaiba?

mjp

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #490 on: October 14, 2014, 01:40:18 am »
Lasang orange soda na Mas concentrated at walang fizz.

shinta

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #491 on: October 14, 2014, 08:30:10 am »
@sis lakwatsa, sa Asian ka ba nagpapacheckup? Try mo kaya si Dr. Ma. Cecilia Gonzalez. Endo ko siya before I got pregnant. Medyo madami siya magpa-lab test kasi gusto niya tinitingnan din yung ibang factors aside dun sa usual na ft3, ft4 at tsh. Pero di ko sure how she handles pregnant patients. Lumipat ako kasi gusto isang hospital lang yung endo at OB ko, para pwedeng sabay sa isang araw ang checkup.

Ako naman, prob ko pa din 'tong gdm. Laging bagsak FBS ko. Akala ko dahil sa levothyroxine, nakakataas kasi ng blood sugar yun and I take it at least 30 mins before breakfast. Pero kanina nag-test muna ako bago ako uminom ng gamot, mas lalo pa tumaas FBS ko. Tingin ko hormones na problema dito pero sana makuha sa bedtime snack.

baby_reg

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #492 on: October 14, 2014, 08:53:33 am »
hi mga sis.. share ko lang.. diabetic mom ako.. insulin dependent ako since 9 years old.. 2nd pregnancy ko na ito.. mahirap magcontrol ng sugar talaga.. malaking achievement na sa akin ngayon na 7.8 nalang ang hba1c pero its still not normal.. basta mga sis pag meron kayong medication to control your sugar, make sure to bring candy always kasi delikado po for you and for the baby, ang hypoglycemia, pag bumaba sa normal level ang sugar..

*joie*

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #493 on: October 14, 2014, 10:00:05 am »
Sis shinta, basta dont starve yourself. Advice sakin ni doc.eat 6-7x a day basta yong tama lang.

shinta

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #494 on: October 14, 2014, 10:17:09 am »
Yes sis joie, wala akong problema sa glucose readings after meals. Kaya feeling ko nakukuha sa diet. Although pansin ko medyo mataas pag morning kahit konti lang kinakain ko. Kanina 2 hardboiled eggs lang pero 102. Samantalang sa ibang meals, 90+ lang pag wala ako masyadong carbs. Feeling ko elevated talaga sugar ko sa umaga. And my FBS, di bumababa ng 100 whether I take bedtime snacks or not.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #495 on: October 14, 2014, 10:53:59 am »
Hi mommies, na-postpone pa ogtt ko tomorrow na lang if i'll get better today. Since yesterday kasi para naman ako bumabalik sa first trimester stage na super antukin and ang tamad ng pakiramdam na mabigat ang katawan, then kagabi hindi ako pinatulog ni baby grabe sobrang likot nya and ang lalakas ng kicks parang 3AM na when finally nakatulugan ko sya at nakahanap ako ng medyo comfortable na sleeping position. Supposedly, I need to be in the hospital ng 8AM kanina.

Sorry mga sis, weird question lang although I've been reading na din about gdm pero ano ba talaga pinaka-effect nya both sa mother and baby? I asked my elder sisters kasi na may mga anak na din sabi nga nila sila daw hindi nag-test ng ganito. And iniisip ko din yung mother ko four kami pinanganak nya wala naman syang mga test na ganito ginawa, and nababasa ko kasi na possible risk eh yung baby pwedeng maging sobrang laki or pwede maging diabetic later on or kaya naman obese paglaki nya. Ako nga eh sabi ng mother ko 8.9lbs ako nung pinanganak nya normal delivery, well I'm not obese or super fat at all mula baby until now pero I'm not petite neither kasi medyo malaki talaga lahi namin. Wala lang, pag nababasa ko kasi ang complicated ng ginagawa ng may gdm feeling ko nakakadagdag stress yun sa mom-to-be.

shinta

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #496 on: October 14, 2014, 11:13:52 am »
^sis Adam, yun nga yung usual complications sa baby. Pero naaalala ko din nung first pregnancy ko, tinatanong ng neonatologist ni baby if nagka-gdm ako kasi isa din daw cause ng fetal distress yun. Fetal distress is dangerous as in the case of my baby. May risk din na tumaas BP ng mother which may lead to preeclampsia pag unmanaged ang gdm.  And gdm can also cause preterm labor.

Pero, oo nga yung nanay natin, wala namang ganito, pati din yung ibang kakilala ko. I wonder how many of them have undetected gdm, but went on to have uncomplicated NSDs.

Naisip ko lang, kung naglakad-lakad ba during the ogtt, may chance kayang bumaba ang results? Kasi diba walking can burn sugar. Eh kaya lang sobrang hilong-hilo na ako sa gutom nung nagpa-test ako.

sazleang

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #497 on: October 14, 2014, 11:57:45 am »
Hi Sis! on my 17 wks 5/7days. EDD on May 19, 2014. actually ang OGTT hindi magiging accurate kapag naglakad tayo so once na mag take tayo ng test, we need to just sit down or lying down lang talaga with strictly no activity. tinetest kasi yun body's natural capacity to breakdown the sugar in the blood.  pero totoo nakakahilo talaga when undergoing this test and nakakapang init ng ulo dahil sa starvation! haha

BTW, I'm diagnosed w/ PCOS way back pa. kaya very strict ang OB ko when it terms in maintaining my blood sugar. I even took metformin at max dosage during my first trimester just to make sure na maiwasan ko mag GDM.. eto at Kakacheck up ko lang kahapon and upon measuring my fundic ht and palpating, mas malaki si baby than the normal age of gestation. It can be genetics dahil both naman kami tall ni hubby pero nakakabahala parin.. although sabi ni OB wag daw ako magdiet. just eat healthy lang daw and avoid sweets and too much carbs. nakakaworry parin pala talaga.. hirap pati mapigilan mga junk foods, but I have to.. .. Medyo depressing lang but thanks to this thread that I can share my feelings. anyways, have a safe pregnancy to all! :)

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #498 on: October 14, 2014, 12:08:15 pm »
^^sis shinta, thank you sa info. Para kasi ang complicated ng ginagawa if gdm i can imagine lang the added stress sa mommies, kelangan pa talaga i-monitor fbs every after meal, may special diet plan etc iniisip ko lang is that scary ba if gdm? Hehe.

^sis sazleang, yan talaga ang fear ko eh yung mahilo ako because of starvation during OGTT kaya din siguro di ok pakiramdam ko since yesterday para ma-postpone ogtt psychological din takot kasi ako sa fasting haha. Mahirap nga mag-diet kasi even fruits may cause gdm din, parang ano pa kakainin ni buntis puro water na lang ganun? Haha.

shinta

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #499 on: October 14, 2014, 12:10:16 pm »
^ ay talaga sis, di pala dapat maglakad-lakad. Yung clinic kasi nasa loob ng mall kaya nag-window shopping muna kami nung 1st hour para di mainip. Pero nung 2nd and 3rd hour, nahihilo at nanlalambot na ako kaya nanoood lang kami ng TV sa may waiting area. So dapat pala mas mataas pa values ko during the 1st hour. Di naman ako sinabihan nung nurse na di pwedeng maglakad-lakad. Almost 1 hour of walking din yun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close