watch now

Author Topic: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)  (Read 51148 times)

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #420 on: October 08, 2014, 10:23:44 am »
Mga sis I read somewhere na hindi adviseable na madami kung ano-ano sa higaan ni baby even crib or playard, to avoid SIDS. Sabi pa nga even pillow di kelangan ng baby under 12months, kaya nga kahit ang daming cute na design ng comforter set ako nakita nung baby fair di na ako bumili. i'm planning to buy fitted sheet na lang for the playard and yung anti flat head pillow, even comforter or blanket wala din I bought sleeping sack instead kahit wala kami a/c.

mjp

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #421 on: October 08, 2014, 10:29:30 am »
Sis shinta, kakasya ang newborn covers hanggang mga 12-14 lbs si baby. Ang one-size diapers naman sigurado 10lbs kasya na. Slim kasi daughter ko (50 percentile length, 10-20 percentile weight noon) kaya 10lbs na sya maganda ang fit ng one size sa smallest setting. If chunky thighs ni baby at bilogin, magagamit mo agad ang one-size Pero kailangan mo pa rin ng newborn unless 9lbs na agad si baby pagkalabas nya. 6 lbs lang daughter ko at birth kaya gamit na gamit, 2.5 dozen lang flats and PF ko kaya halos every other day ang laba.

If Wala ka mahanap na PF, maganda naman ang flats. Medyo hassle lang kasi kailangan mo itupi before hand para ready na agad when you change.  Mas mabilis pa matuyo flats kesa PF. Nilalagay ko Lang on top of the covers. If the cover is not soiled, I reuse it so pagalitan ko Lang flat or PF. I bought 3 snappis this time, I want to try if I'm brave enough to use it. But from experience, just folding the flat in a rectangle inside the cover works.

I had my CAS, good Lahat ng organs, head, spine, etc. He is right smack in the middle of the graph for gestational age so indi naman masyado malaki or maliit. He weighs 1lb 4oz at 23 weeks. He was napping during the scan, his ate was talking to him the whole time kaya Medyo nagising, humikab, konti kick, wave ng hands at matulog uli. Ginawang unan ang placenta. The technician printed out several 4D pics of baby boy for us. They asked if we wanted a CD copy of the video, out of pocket iyon kasi hindi covered ng insurance sa work ni hubby. We decided not to get the CD kasi nasa 4k din yon in pesos sayang pambili pa ng cloth diapers.

Mura talaga sa divi, kahit na walking distance lang greenhills sa house pupunta talaga kami ng mom ko divi para mag Christmas shopping. Ang 20-50 pesos na difference kapag madami binili malaking savings na rin kasi.

« Last Edit: October 08, 2014, 10:31:07 am by mjp »

k@t

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #422 on: October 08, 2014, 10:52:37 am »
hello mga sis! im 18 weeks along and i noticed [textspeak!] whitish discharge which resulted into a bit of itchiness down there. sabi ng ob i need to have a gram stain test done. has anyone of you experienced this?

preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #423 on: October 08, 2014, 11:43:34 am »
Nabasa ko din ang ibang causes ng SIDS (Sudden Infant Death Syndrome) kaya kahit ang cute ng mga pillows, bumpers, comforters...di ako bibili kasi nakakatkot baka magsuffocate lang yung baby. Nasa cart ng Amazon ko for sleeping so far ang fitted waterproof sheet na kasya sa Graco playard and sleeping blankets. Madami din ako swaddle blankets sa cart :)

@bonnysolace: Sis sobrang inggit ako ang mura ng mga pinamili mo! :) Dito ang mahal ng mga clothes na pang baby ah..5pcs na onesie parang nasa P520 na! Sulit na sulit! Kinekwento ko nga sa friend ko na check niya baclaran eh hehe

So happy na ang mga CAS niyo ay OK! :)

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #424 on: October 08, 2014, 12:26:13 pm »
^korek sis kaya kahit natutukso ako bumili kasi ang cute ng mga designs pinigilan ko na sarili ko hehe. Siguro pag medyo lumaki na si baby, mahirap na eh baka ma-suffocate sya. I bought sleeping sacks kahapon sa Ikea feeling ko magagamit lang sya ni baby until February lang siguro dahil medyo malamig pa that time then after nun hindi na wala kami a/c eh hehe.

^^sis k@t i think normal lang ang vaginal discharge, ako din minsan may ganyan pero wala naman any itchiness or kakaiba.

May kicks na si baby na masakit ngayon, and meron sya favorite part ng tummy ko na sipain kaya feeling ko medyo bugbog na. Pero ok lang mas gusto ko active si baby kesa behave  :)

mjp

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #425 on: October 08, 2014, 12:27:25 pm »
Sis k@t, baka you have yeast infection. Do the test your dr. Recommends to confirm at para na rin malaman  what is the cause. If yeast infection, there is nothing to worry about. Baka imbalance lang because of the hormonal changes, pwede rin if you are taking anti biotic, have diabetes or slightly high sugar. I had yeast infection years ago, noong bagong kasal. Sabi ng Gynecologist normal lang daw yon, I was given a cream for the itchiness and eat probiotic yogurt. Mabilis nman nawala, parang 3 days Lang yata.

bonnysolace

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #426 on: October 08, 2014, 12:30:08 pm »
sis Adam1025, thanks for sharing. OO nga, nakakatakot yung SID.

Sa mga ico-cosleep yung baby nila, ano yung bibilhin ninyo? Gusto rin namin na ganito yung bilhin imbes na comforter set: http://everymomneeds.com/wp-content/uploads/2013/05/baby-snuggle-nest-co-sleeper.png pero wala pa kami mahanap. Any leads? Ico-co-sleep kasi namin sana si baby.

sis preggygielian, ;D kinulit ko talaga si hubby na sa Baclaran na lang bumili ng pang newborn since madali lang lalakihan ni baby and hindi naman kami gaanong aalis sa first few weeks or months. Bili na lang kami ng konting pang-alis sa mall para suotin nya paguwi na galing hospital and sa scheduled check-ups. Nung una, ayaw nya pero need na maging practical ngayon. Need lang labhan ng baby-safe detergents bago ipasuot kay baby.

Also, meron ba ditong mga sisses na sa LPDH nagpapa-check up at manganganak?  ;D

preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #427 on: October 08, 2014, 12:36:25 pm »
@Adam1025: Haha! Dadaan ako ng IKEA this week para tignan closely yung mga gamit pang baby! :D Taga south ka din pala! Saka sis pag tag-ulan mga June malamig na ulit hehe. Kami naman bibili heater kasi mga Feb malamig pa dito eh malapit kami sa bundok -- saka kelangan daw heater pag nag newborn photo para pwede naked shots haha..eh kelangan mga 29-30C.

Saya saya ang lakas na nga siguro ng kicks nung baby mo kasi mag 3rd tri ka na! :) Saakin kahapon buong araw sa office di sumipa...kaya nung paguwi ko sa gabi kinausap ko na paramdam siya saakin...ayun tuloy tuloy naman hanggang sa dumating daddy niya! :D Ang saya saya ng feeling!

@k@t: ako din may discharge na whitish..actually pag pregnant may discharge talaga na medyo marami rami wag lang offensive ang smell or itchy or brown or red. Best to have it checked...

@bonnysolace: Sinabi mo pa...we have to be practical kasi ang mahal magkaanak haha! sabi ng mommy ko nga wag na daw bilhan ng newborn size na damit..sabi ko naman ayaw ko naman magmukhang hip-hop anak ko hahaha kaya bibili ako ilan ilan din na pang new born. Yes sis, bili ka nalang nung pang-alis saka yung pagkalabas ng hospital dahil sure ako daming papapicture sakanya. :)


preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #428 on: October 08, 2014, 12:39:08 pm »
^^Balak ko bilhin yung ganitong pang co-sleep: http://www.amazon.com/The-First-Years-Secure-Sleeper/dp/B00012CHFI pero baka sa side ko si baby at hindi sa gitna namin para makapagkumot naman kami mag asawa haha


_AiaH_

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #429 on: October 08, 2014, 12:40:30 pm »
ty mga sis chocnats and bonnysolace.

yes medyo high risk sa sids kapag maraming mga gamit sa crib. i think yung pillows hindi muna namin ilalagay, isasapin lang namin comforter kasi ang lambot nya talaga. although may foam naman na yung bassinet. napansin ko lang sa graco na bassinet medyo matigas yung mattress. parang kawawa si baby so lalagyan pa ng comforter or anything na medyo mas malambot pa. kaya hindi rin graco binili ko.

i'm scared of co-sleeping my baby without the snuggle nest, hehe. yung parang pinost ni sis bonnysolace kasi baka madaganan ng unan, hindi namin mapansin or something. mas delikado kaya hubby and I decided na sa crib si baby sa tabi namin for the first few weeks muna. kasi pwede rin iduyan yung crib na yun :)

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #430 on: October 08, 2014, 01:13:48 pm »
Sis bonnysolace ganyan na ganyan yung gusto ko bilhin last week sa baby fair, unfortunately na-sold out agad. Meron ako nakita parang ganyan sa mothercare pero ang mahal, sa baby fair 20sgd lang. Pero si hubby din ayaw nya i co-sleep namin si baby itabi na lang daw namin yung playard sa bed kasi baka nga daw madaganan bigla si baby ang likot pa naman nya matulog hehe.

Ilan weeks ka na ba sis preggygielian? kung medyo maaga pa normal naman daw na minsan quiet si baby or hindi lang ganun ka-strong yung movements nya kaya minsan di mo ma-feel kahit gumagalaw naman sya sa loob. Pero ganyan din ako binubulabog ko talaga pag feeling ko lazy mode sya, pero ngayon regular na and minsan nga masakit na din. Naku sis nakakatuwa sa ikea, may 1sgd nga na stuff toy eh binili ko props lang para sa picture ni baby hehe.

Sis aiah yun nga napansin ko sa graco playard medyo matigas, pero nung binasa ko yung manual sabi wag lalagyan ng ibang beddings other than sa kasama na playard. Kaya fitted sheet lang plan ko bilhin, pero consider ko yung comforter para medyo malambot lang.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #431 on: October 08, 2014, 03:41:44 pm »
^ sis 20w3d today! :) Lumalakas na ang kicks niya and mas madalas..pero minsan tahimik siya throughout the day...sa gabi pag nagrerelax ako after dinner saka lang siya maglilikot. nakakatuwa lalo pag mainit ulo ko sa office haha tapos sisipa siya para bang sinabi na "Relax lang mommy!" Weeeeeee naexcite ako tuloy lalo sa lakad ko papuntang Ikea this weekend. Sa friend ko na 28 weeks, nasiksik na daw sa ribs niya kaya minsan daw masakit na. yung sayo ba? Grabe minsan napapaimagine ako..shax imagine mo sipain ribs mo or gawing trampoline ang bladder haha..nakakatawa na masakit nga! And na-a-amaze din ako at kaya natin magdala ng baby sa loob natin.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #432 on: October 08, 2014, 05:28:16 pm »
Amazing talaga sis, kaya everyday super nagpapasalamat ako kay God sa blessing na binigay nyaisipin mo na lang may buhay na bata sa loob ng tyan natin? Ang galing noh  :)

Sakin sis hindi sa ribs, sa tagiliran ko as in ngayon nga feeling ko namamaga sa loob pero keri lang basta healthy ang baby. Last scan ko kasi breech ang position ni baby kaya siguro yun ang lagi nya nasisipa tsaka bladder ko, yung sa friend mo cephalic siguro kaya ribs naman ang target sa kanya hahaha.

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #433 on: October 08, 2014, 07:23:18 pm »
sisses, may nabasa ako about anti tetanus vaccine. Binibigay daw sa lahat ng pregnant moms? Hindi pa sa akin ino-offer ni OB ito. Meron na ba sa inyo nabigyan nito, sisses? Is it safe?

sis, I had that last august. dapat meron din ng september kaso out of stock na sa tita ko. 3 shots daw kasi yun monthly. sabi nya nirerequire na raw ng philhealth to have it parang yung newborn screening na required din. ask mo na lang sa next check up.

ang sarap naman mag-shopping. patingin tingin lang ako sa mga websites. baka january na ako magdivi/baclaran if ever.

regarding the nest co-sleeper, I wanted to buy that also for my first born before. pero sobrang liit nya na hanggang 2-3 months lang sya tatagal depending on how tall your baby is. ang haba pa naman ng anak ko nun. nun makita ko sya sa mall (first years), inayawan ko kasi ang liit. iisang case pa lang ang nabalitaan ko na sids dito sa pilipinas and it's because itinabi nya ang baby nya sa toddler. kaya nun nadaganan ni toddler yung infant, hindi nakahinga. afaik, most common cause ng sids is a drunk/drugged parent besides having too much padding, sheets, pillows, etc. in baby's bed. usually, if you plan to cosleep, wag na lang sana nakainom. kaya si husband noon kapag nakainom, kahit konti lang sa floor ko pinapatulog. yung isang pic na nipost, baka pwede pa yun kasi pwede lumampas si baby kapag humaba.

i'm on my 16th week na. ang sakit sobra ng boobs ko. hindi sya yung normal na pagiging sensitive lang. parang may tumutusok. sabi ko nga baka may milk let down na ako. kaso sa iisang lugar lang sya. e ang milk let down palipat lipat yan dahil gumagawa sya ng milk. ang sakit ng tusok parang karayom. anyone who experienced this?

ehlabart

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #434 on: October 08, 2014, 08:24:35 pm »
Mga sis gusto ko na mamili! naniniwala ba kayo sa pamahiin? pwede na kaya? mag6months palang ako e. Excited na ko 2 days nalang CAS ko na.. :)

*joie*

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #435 on: October 08, 2014, 11:05:08 pm »
Sis tigerlilly, ako naexperience ko yan nong first trim.. Sobrang sore at bigat ng feeling ko sa boobs ko.haha tapos naging mas visible mga veins. Pero nitong second trim na nabawasan yong pagkasore. Carry na ulit sa pakiramdam though minsan kumikirot kirot parin.

anniegurl

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #436 on: October 08, 2014, 11:13:33 pm »
im on my 27th week and super likot ni baby. is that normal?

mjp

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #437 on: October 09, 2014, 01:00:59 am »
^ normal naman yan. I think 28 weeks start makiramdam at magbilang ng movement ni baby. 10 counts every 2 hrs yata, check with your OB how it's done. If matagal Wala ka maramdaman, after trying different things for the baby to move, that is when to worry and call your OB.

These past week, nakakahilo ang mga kicks. I know they will only get stronger so sana masanay na ako. Minsan kasi napapaduwal ako and if I'm full or kakakain lang, I end up throwing up.

My daughter slept in the bassinet of her graco playard until di na sya kasya sa haba. Siguro 4months sya we moved her sa regular wooden crib Pero iyak ng iyak. Ayaw Nya dun kaya she ended up sleeping next to me. Mas Madali na rin magbreastfeed in the middle of the night because I don't have to get up. I learned to feed half asleep and patting her back to burp na nakahiga sya sideways.

anniegurl

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #438 on: October 09, 2014, 05:13:45 am »
thanks sis, im just super praning this time. I lost my baby late last year still birth cord accident. I just want to make sure that everything is ok this time.

bonnysolace

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #439 on: October 09, 2014, 09:08:37 am »
Di ako masyado nakatulog kagabi. Super likot ni baby na feeling ko nagpa-practice na mag-soccer. May isa siyang sipa na napa-aray ako ng malakas. ;D Kulang sa tulog pero super happy kasi iba yung feeling na may nararamdaman kang living creature sa loob mo mismo na alam mong hindi kulo ng tiyan mo iyon.  ;)

Mas prefer namin ang co-sleeping (for now) kasi natatakot naman kami iwan si baby magisa sa crib or playpen. Feeling ko di kami pareho makakatulog. Ngayon pa lang, nagsasanay na kami wag malikot sa pagtulog and lots of research on techniques and tips on how to co-sleep the baby.  I'm planning to breastfeed kasi so mas may advantage if co-sleep si baby with us. However, this may change depende sa future research and tips ni OB.

sis anniegurl, I'm sorry for your lost. Kami nagkaroon ng bloated ovum before this pregnancy kaya super paranoid rin kami especially nung first trim. The important thing is God gave us another blessing and this time, i-claim na natin na magkikita tayo ni baby come delivery time. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close