watch now

Author Topic: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)  (Read 51169 times)

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #260 on: September 22, 2014, 08:44:00 pm »
Ganun nga dito sg, you have the option to terminate if meron abnormality na nakita sa test kaya ako hindi na ako nag-avail nun dagdag stress lang and ayoko ma-paranoid din.

Anyway si baby din parang simula nung nanood kami ng movie last Saturday abas naging active na masyado. Today almost whole day sya malikot and regular na, although di pa naman required mag-count ng kicks nag-count pa din ako at sobra sa quota si baby  ;D

Nga pala mga sis nahihilo na mata ko kaka-check sa lahat ng sites sa US i'm planning to buy some items there esp ang playard, may naka-try na ba senyo magpa-ship thru pobox? Although hinihintay ko pa din ang baby fair dito baka may mas mura, pero relatively mura talaga sa US problem ko lang shipping.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #261 on: September 22, 2014, 09:28:15 pm »
Sis Adam1025 we use MyUS.com tapos naka Amazon Prime din ako para mabilis at madaming free shipping :-) Yung MyUS.com may number saka address ka sa Florida tapos irerepack nila (Premium acct) para sama sama sa isang box or iaassess nila kung ano cheapest way. Nagpaship ako dati 50lbs from US papunta dito inabot lang ako ng 171usd - DHL pa yan na within 24hrs andito na. Yun nga lang..ewan ko kung gaano ka-safe (na hindi mananakaw sa customs) yung ipapaship pa-Pinas.
« Last Edit: September 22, 2014, 09:33:07 pm by preggygielian »

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #262 on: September 22, 2014, 09:44:37 pm »
^^we do ship via pobox. so far, di pa naman kami nawawalan. kindle pa lang ang pinakamahal na pinaship namin before. may mga books ako na inorder for next year's curriculum. but I haven't tried ordering baby stuff. yet.

mas mura talaga yung iba lalo na mga branded. ang laki kasi ng markup ng mga malls pagdating dito e. just like avent di ba?

sobrang delayed na nga ng order ko baka abutin na ng next year dahil magpapasko. still thinking if I need to order baby stuff pa.

^ang myus.com air cargo ba yan? ang bilis din a. nakakapraning din kasi minsan maghintay dumating ng order e. hehe! yung sa pobox di ko sure kung may air cargo sila. pero kami sea cargo kami palagi. per volume sya. basta punuin mo yung box, kahit gaano kabigat yun pa rin ang price.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #263 on: September 22, 2014, 09:48:49 pm »
^yes sis air cargo :-) pwede ka mamili ng ups, dhl or fedex. Maliit lang naman difference pero so far pinakamura ang dhl. Recently lang din nila dinagdag ang ups. Nakakapraning nga mag abang hehe kaya aliw ako sa dhl kasi nattrack ko pa...kitang kita ko kung lumabas na ng customs sa us..at pag ok na sa customs dito sa hk..at pag nasa delivery truck na. :-D

preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #264 on: September 22, 2014, 09:50:48 pm »
Ok yung pobox ah!!! Talaga? pupunuin yung isang box..hehe naexcite ako para madaming madami pwede bilhin haha..gaano katagal yung shipping?

shinta

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #265 on: September 22, 2014, 10:07:19 pm »
Pobox pa lang din natry namin pero puro si hubby umoorder. Ok naman so far, kasi kahit gaano kabigat basta kasya sa box na napili mo, same price pa din, ang tagal nga lang iintayin.

Iniintay ko din baby fair for cloth diapers, breast pump, nursing pillow, baby wrap. Sana mas mura dun than sa malls. Gusto ko din sa umorder sa us, pero baka masakto sa peak season kasi Ber months na. Baka di umabot before ng due date ko.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #266 on: September 22, 2014, 10:21:21 pm »
^Sis i'm checking MyUS.com na din, ano yun per item ba ang charging nila? Sa pobox nga kasi as long as kasya sa box it doesn't matter kung ano weight. Kaya lang since playard ang plan ko bilhin walang box na pagkasyahan if sa pobox. i'm not sure how to check yung dimension ng item meron kasi details pero di ko sure if yun ay kung naka-box na or naka-assemble.

Ang mahal nga sa pinas i compared the price even naka-sale mas mura pa din sa US kaya plan ko dun bumili na lang.

mjp

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #267 on: September 22, 2014, 10:25:49 pm »
Naka sale noong weekend mga graco items sa amazon. Yung playard with bassinet na $160 maging $89 lang free shipping. If bibili sa US, it's good to check out their sale.


preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #268 on: September 22, 2014, 10:27:10 pm »
^yung premium acct kinuha ko para pwede sila magrepack ng mga inorder mo para ipagkasya sa isang shipping item. Dimensiinal weight ang rates nila eh. Pag basic acct kasi...halos wala ka din masave at isesend nila per item.

Kaya sa US din kami bibili kasi sa mothercare dito ang mahal ng strollers eh sa US half lang ang price.

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #269 on: September 22, 2014, 10:29:58 pm »
magaling din sila magpack. tinatanggal na nila sa box yung inorder mo and then icoconsolidate nila yun sa box nila. kaya rin kung oorder ka wag masyadong mainit sa mata. like gadgets or jewelries na mahal, madaling ibulsa at ibenta. may narinig na ako nawawalan although di pa naman nangyari sa amin.

yung mga experts na sa pag-order using them, bumibili ng shirts or chocolates para ipangsiksik sa box. hindi ko lang sure paano irequest yung ganun. kasi nalalaman nila kung need pa ba dagdagan yung box or sakto na. or baka may susunod pa naman silang box na pupunuin kaya kahit sumobra ang order ok lang. from my experience kasi it takes a lot of communicating with them kung through email. medyo matagal sila sumagot. not sure if dahil sa time zone constraints or busy lang talaga sila.

ayan napagawa tuloy ako ng wishlist sa amazon. tee hee!!

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #270 on: September 22, 2014, 10:41:00 pm »
Ako nga sumasakit na mata ko at ulo kaka-check sa mga website hehe, i'm comparing the prices tapos yung shipping pa. May up oming baby fair dito sg kaya lang napansin ko mostly korean and japanese brand kaya baka wala ako mabili major item.

Ganu katagal shipping sa pobox? Sabi sa website nila 5weeks? By December dapat complete na ako baka manganak ako bigla ng 3rd week or last week ng December

shinta

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #271 on: September 23, 2014, 10:43:09 am »
Baka naman sis naka-box yung playard pag binili mo. Ganun din kasi yung playard na minana ko pa from my brother. Kahit di siya yung pack 'n play type, nakabox pa din siya na manipis, pero medyo malaki nga yung width and height. You can try emailing pobox kung kaya nila i-ship playard.

Tama si sis tiggerliy, tyagaan din communications with pobox. At madiskarte din naman sila magpack. Yung inorder nga dati ni hubby, akala namin puno na yung box, pero halos kalahati pa yung walang laman. Sayang, sana umorder pa ako.

5 weeks nga ata ang standard pero minsan may konting delay. Consider mo din na peak season na ngayon. Malamang madami na umoorder in time for the holidays.

Naku mukhang mapapatingin din ako sa amazon nito ah. Sa mall ako madalas mag-ikot lately, ang mahal.

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #272 on: September 23, 2014, 11:34:51 am »
anong site pa ng tinitignan nyo besides amazon? naghahanap pa ako ng thermometer. isa yun sa hindi ko makita dito. I mean meron sya pero hindi matino. puros disposable.

kung playard nga pala tignan mo kung ano ang dimension ng box. kasi kung hindi magkakasya sa mga box nila baka separate box na yun. ang tricky kasi sa amazon yung dimension na makikita mo e dimension nun product kapag buo na. hindi yung box. kaya kung may chance ako tinitignan ko sa mall.

yung booster seat ng anak ko, nun bumili kami akala ko hindi natitiklop kaya dito namin binili. ang liit lang pala nung box nun. sana dun na ko bumili noon. napamahal tuloy ng slight.

*joie*

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #273 on: September 23, 2014, 03:24:24 pm »
Yay!  Pajoin! Im 24w2d na based on my ultrasound, my second pregnancy (but the first one died due to complications). My due is around first to second week of january. Based on lmp jan 4, sa ultrasound naman jan 9.hehe kakaexcite lang maging preggy ulit! Saya ng feeling that someone is kicking from the inside. I had my ogtt kanina and mataas yong result. My ob advised me to see a doc for diabetes para daw sa monitoring and meal plans. Papasched palang ako next week. Ewan ko ba bakit ako bumagsak sa ogtt eh hindi naman ako matakaw sa sweets at hindi rin maramihang kumain, no history rin of diabetes. Sana lang maging ok kami ni baby.. I'll keep on praying na maging healthy kami and lahat tayo..😊

Adam1025

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #274 on: September 23, 2014, 04:27:04 pm »
^sis halos pareho tayo, ako naman Jan.5 EDD ko based sa ultrasound 25W1D na ako ngayon. Yung sipa ni baby palakas ng palakas minsan as in umaalon na yung tummy ko di ko lang mahuli para i-video hehe.

Target, walmart and baby r us ako nagche-check pero wala pa naman promo. Yun nga problem ko i'm not sure kung ano yung dimension na nakalagay sa product details if naka-assemble or naka-box pa lang. Tagal mag-reply ng pobox  :-\


mjp

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #275 on: September 23, 2014, 06:15:57 pm »
Sis joie Pareho tayo, may gestational diabetes din. 21 wks ako this week.  It's my 2nd wk of watching my food intake and testing my glucose 4x a day. I suggest you see a doc agad para ma-control sugar mo. Mataas ba results mo? Sa akin lumalagpas ng 200 but since I started my diet medyo ok na. Lagi lang naninikip ulo ko at parang may half baked headache kasi feeling ko gutom ako. Masasanay din daw body ko, para naman Kay baby so konting tiis muna. Meron thread ng diabetes dito, maraming info doon.

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #276 on: September 23, 2014, 07:53:38 pm »
Mga sis na gumagamit ng POBOX, umaabot daw 3 months ngayon ang dating ng bbox? dahil sa backlog ng truck ban ??? i'm planning din sana to buy baby stuffs kaso baka naman sobrang tagal dumating via POBOX. Natry nyo na forex air mga sis? kasi nagpapadala ng boxes ng POBOX is forex din. :)

@preggygielian Ang ganda nung MyUS sis kaso dimensional weight pala sila? wala na customs fee na binayaran ka dito sis pagdating sa pinas? sa pobox kasi it's balikbayan box so tax free sya. ang mura ng baby bottles and other baby stuffs sa US lalo na kapag nagsale.

i'm so happy today. kakatapos lang ng monthly check up ko with my ob. since sonologist narin sya, nagultrasound kami kanina and normal naman lahat kay baby. pati lens ng eyes ni baby pinakita nya sa ultrasound. hindi narin nya ako nirecommend magpa-CAS since halos CAS narin ginawa nya kanina detailing everything except yung bilang ng toes ni baby girl kasi hindi namin makita. siniksik nya feet nya. hehe. she explained everything to me, yung stomach, bladder, size ng head and abdomen, fingers and hands, lungs, spine and curvature ng spine, legs etc. :) normal lahat kay baby. so naCAS narin ako kanina.

chocnats

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #277 on: September 23, 2014, 08:05:46 pm »
^ganyan rin ginawa sa akin nung nagpa-pelvic ultrasound ako to check the gender ng baby ko. Pinakita rin niya yung heart, stomach, liver, face ng baby, fingers pati toes. normal daw si Baby kaya baka di na rin ako mag-CAS. At least medyo nakatipid rin kahit papano. Haha.

Kainis lang kasi nakatiklop yung legs ni baby nung inultrasound siya kaya ayaw pa iconfirm ni Doc yung gender niya pero 80% daw siyang girl kasi may nakita syang parang hamburger nung gumalaw ng konti legs ni baby. Pero dahil pangit sa picture, di niya talaga nilagay na 100% girl pero deep in our hearts naniniwala kaming girl si baby! hahaha! *wishful thinking*. sana magkatotoo nga kasi nakabili na kami ng mga pang-girl na designs ng cloth diapers! hahaha

shinta

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #278 on: September 23, 2014, 08:09:44 pm »
Hugs to sisses joie, anniegurl and those who had sad experiences in their previous pregnancies. Everything will be okay now, God is good.

@ sis _Aiah_ yan nga din iniisip ko ngayon, bukod sa peak season may port congestion din so baka madelay talaga ang pobox.

Dami kong back read/research na ginagawa ngayon, to prepare myself sa mga gagawin ko pag lumabas na si baby. Feeling ko kasi saglit na lang ang 3 months. Pero at the same time, inip na inip na din ako hehe.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies due 1st Quarter of 2015n(Jan, Feb, and Mar)
« Reply #279 on: September 23, 2014, 08:59:47 pm »
Sis Aiah hindi ako nagpapadala sa pinas eh...dito sa hk kasi kami nakatira. Wala din naman na kami binayarang dagdag sa amazon saka yung shipping ng myus.com from us to hk.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close