watch now

Author Topic: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)  (Read 55320 times)

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #440 on: November 05, 2014, 05:31:04 pm »
re bra : bra extenders muna ginagamit ko ngayon, di pa din kasi ako makabili dahil bed rest pa. gusto ko na bumili ng maternity panty/shorts kasi mshado na skimpy panties ko, nilolowrise ko na lang muna ng bongga

re baby things : pag alam na namin gender. :) tho panay na tingin ko online. ang daming magaganda! at di ko alam kung lahat ba ng nakikita ko eh kailangan.

first apo ba eleine26? hihi. :) excited ang mga lola..

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #441 on: November 05, 2014, 05:39:17 pm »
^^sis ystariray, ako rin hinde ko alam kung ano mga dapat bilhin. nagtitingin ako sa mga threads dito, parang na overwhelm naman ako sa dami. hehe. at halos nababasa ko, may mga nabibili sila na hinde naman nagagamit at nasayang lang. ciempre ayoko naman ganun.

first apo to sa side namin. kaya malamang sa spoiled sa lolo't lola. pero kina hubby na side pang 13 na apo na. tas kasabay ko pa SIL ko. one week lang halos pagitan namin. pero sa 3 anak niya daw puro premature yun. kaya baka mauna pa siya akin. sabi ko nga kay hubby, baka hinde na sila ganun kaexcited pagdating sa baby namin. hehe.

cess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #442 on: November 05, 2014, 05:48:29 pm »
ahh maganda pala bili na ng nursing bra noh? para sulit kahit breastfeeding na. pero try ko muna yang bra extender baka kaya pa hehe. :P

nakabili na kami ng isang gamit ni baby.. chest drawer, pandagdag sa closet namin..tsaka ang laki kasi talaga ng sale nung nabili namin. yan palang, start siguro kami mag shopping pag nalaman na din gender. as per my OB if boy daw earliest is 16 weeks, medyo malapit na tayo dun mga sis. pero pag girl daw medyo matagal ng konti.. :)

share ko lang: meron ako kakilala, sa U/s nya girl kaya todo pamili sila ng girly stuff, pag labas, BOY! nangyayari pa pala yun kahit lagi sya U/S noh.. 

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #443 on: November 05, 2014, 06:26:43 pm »
eleine26 - same tyo sis! kasabay ko din sil ko. 2 months pagitan namin.. excited cla sa baby namin [textspeak!] unico hijo si hubby. bunso pa! sa side ko naman, ako bunso. at malalaki na mga pamangkin ko. kya excited cla sa bgong baby.

cess - hala! di rin pala ganun kaaccurate. haha. its best pa din pala na neutral colors bilhin.naku, since evry 2 wks ang ultrasound ko, pag boy to, kita agad namin! ahihi!

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #444 on: November 06, 2014, 11:44:49 am »
@cess ngek! sana wag mangyari yung ganun satin at accurate ang maging result ng U/s natin.

Ako gusto ko ng mamili ng leggings, panties, sandals. para kasing lumalaki pati hita ko. :( tempting na mamili ng baby stuff pero mas ok ngang wait munang malaman yung gender. pero plan ko paring mamili ng neutral colors :)

1st baby ko kaya excited na kong maramdaman sya sa tummy ko. sa ngayon kasi di ako sure kung kabag lang ba to or sya hehe

re: paglilihi, si hubby puro pechay ang gustong kainin nun tapos ihahalo sa sardinas. sarap na sarap sya laging may pechay sa ref namin. natatawa nga ako kasi mukhang tinalo pa ko sa paglilihi.

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #445 on: November 06, 2014, 12:03:26 pm »
Good Morning preggies! :)

Grabe heartburn ko ngayon. Hindi ako makakain ng maayos.  :'(

May nakita akong gusto kong bilhin na maternity/nursing bra! kaso ang mahal huhu would you know how much mga price ng maternity or nursing bra ngayon? Last time kasi akong bumili 4 years ago pa hehe how much yung sa mothercare?

Ako parang 1st baby rin sa excitement hehe akala ko hindi na ako maeexcite kasi 2nd time around, but no. everything feels like the 1st time, as in every pregnancy is different talaga. Kahit sa pagbili ng baby stuff, ganun pa rin kami ka enthusiastic.

Happy Lunch mga buntis!

ninart

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #446 on: November 06, 2014, 12:55:32 pm »
Hello mga sis! :)

I just got back from my first check up sa new OB ko. I've discussed my usual childbirth experience sa kanya ang ito ang violent reaction nya: "Pag dating sa delivery room ko ako ang masusunod. Papalagyan ka ng IV, hihiga ka at papatulugin ka." Hindi daw pwede yung sinabi ko kung saan ako comfortable iyon dapat masunod. Tsk, tsk, tsk. Ang laki talaga ng pagkakaiba pag ang birthing facility ay meron respect sa wishes ng mga pregnant women. Tapos sabi pa nya na dapat pagmalapit ka na manganak meron na tayong pagkukuhanan ng dugo mo kasi just in case may emergency na hemorrhage hindi pwedeng doon pa lang tayo maghahanap kasi kung ganun ang mangyayari sigurong patay agad. Mga tatlong beses nya pina-ulit ulit na pag nag bleed ang patient siguradong patay. Sapalagay ko meron na syang pasyente na namatay dahil sa bleeding after childbirth kaya medyo OA sya. Parang feeling ko tuloy doon na lang ulit ako sa dati kong OB sa QC. Matagal pa kami nagdebate about so many things like vaccines, ultrasound, labworks. Tumataas na nga boses nya para ipa alam na siya ang alpha female. ;D Sabi ko sa kanya sige doc hindi matatapos ang debate natin, I'll see you na lang next month. Ayawpa nya ako bigyan ng ultrasound request to know the gender of my baby. Pag 5 months na lang daw ako. As if naman hindi ko kayang magpa-ultrasound without a doctor's order.

O sige mga sis, ingat tayong lahat!
« Last Edit: November 06, 2014, 12:58:05 pm by ninart »

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #447 on: November 06, 2014, 01:15:38 pm »
San hospital mo sis ninart? Gusto mo hanap kita ng OB sa SLMC QC? Grabeng mga OB mo ah. Hanap ka na lang iba. Ayoko ng pinagbabantaan ako mamatay ako, grrr. Naloka naman ako. "Hihiga at papatulugin ka" waaah. scary. ano yun, hindi mo man lang na feel na nanganak ka? Sarap ireklamo.  >:(


cess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #448 on: November 06, 2014, 02:29:00 pm »
hi mga sis

@ninart, grabe sis ha! sino yang OB mo? napaka-nega naman nya.. kaka-highblood at naging debate pa ang dating..

@ainge, no idea ako sa prices sis pero pag may nakita ako sa fair tom, update ko kayo.. ako naman grabe hyperacidity ko sobrang sakit.. parang balik nanaman ako dun sa first few weeks of pregnancy ko.. tapos kahapon may vomiting episode nanaman ako, akala ko pag 2nd trimester, pawala na, di pala applicable sa lahat. :(

annamarie88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #449 on: November 06, 2014, 03:05:41 pm »
Thanks mga sis :)

Sis ystariray & redhuman sa mga US forums ko nabasa yan, sana nga. Gusto ko kasi girl hehe

Wow salamat sa pagshare sa mommy mundo bazaar. Punta ako sa sunday. Gusto ko din ng snug a hug tagal ko na hanap nun. Ndi ko lang alam name at baka me doppler doon. Hehe may nakita ako baby blanket for radiation, ang mahal nga lang nasa 3k+.

Nagshop lang ako kahapon ng damit for me, ayoko na kasi magpants talaga. Gusto ko puro dress.

Sis ako kasi bago nagpunta sa OB ko ngayon, mega search ako dito sa gt ng magaling na OB-sono sa global kasi doon ko gusto manganak para sa facilities and comfort, kahit sometimes parang hindi sya like sa mga nababasa ko na sweet at caring na OB, ang professional nya kausap hindi sya pasweet eh, yun din naman gusto ko. Saka hindi rin kasi ako makulit, hindi rin ako text ng text basta basta sa kanya. Napapagod lang kami minsan pag ang tagal namin maghintay dahil ang daming pasyente. Minsan gusto ko na magpalit kapag matagal kami wait haha Okay na ako sa kanya at full trust talaga ako sa expertise nya kasi alam ko magaling sya hindi naman nya ako pabayaan.

Ayoko din ng mga birthplans. Dapat siguro sis ang isearch mo yung pumapayag sa birthplans, nabasa ko kasi sa amerika yan uso pati water birth ang usually nagawa nyan mga midwife doon, pero may iba din na mga OB nagppractice waterbirth. Naintindihan ko yung OB mo shempre malito naman sya kung ibahin yung way ng pagpapaanak na alam nya. Pero weird lang na dapat ndi nega at nakikipagdebate. Wag ka na nga dun sis.

108lbs pa din ako, bago mabuntis nasa 106-108lbs weight ko. 1yr ago nasa 100lbs. I'm 5'3. 10w, baby ko lang lumalaki :)

Boobs ko lately lang ata sore, lagi rin ako nagpipindot hahaha Hindi na ako mayakap ni hubbs kapag sleeping kami kasi masakit pag sa boobs at ayoko naman sa tyan ko. At mas madalas ata pagvomit ko ngayon, hindi ko na pinipigilan. Hehe

I had roast beef and caramel banana walnut waffle from pancake house ngayon. Happy si piglet :D

zira

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #450 on: November 06, 2014, 03:13:45 pm »
^^^ grabe yang OB na yan :-o

ako din yung body aches ko bumabalik na naman parang yung nafeel ko during first trimester ko. pero nakalagay sa pregnancy booklet ko normal daw sa 2nd trimester yung body aches sa back, thighs, groin

ninart

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #451 on: November 06, 2014, 03:44:36 pm »
sis ainge88 & cess  dito ako ngayon naka base sa Central Luzon. I'm planning to give birth na lang sa QC where I had my youngest kasi at least doon medyo open minded and flexible yung OB ko kahit pinalipat nya ako ng position when the baby was crowning already. Nasubukan ko na din manganak sa St. Luke's QC and hindi maganda experience ko dun dahil I was heavily sedated kaya I have no recollection of the birth of my firstborn. Wala pa akong alam masyado noon kaya sunod lang ako ng sunod sa doctor. Hindi in-explain sa akin kung anong kahindikhindik na magaganap sa delivery ko. Imagine when I was on labor mag isa lang ako, walang nag check na nurse man lang at tumutulong pag punta ko sa CR tapos giniginaw pa ako ng husto walang nag bigay ng kumot, etc. I thought maganda service nila dahil mahal yung hospital pero hindi pala. Then later on nilagyan ako ng gamot sa IV na pang sedate, during the time na ume-pekto yung gamot biglang dumating ang sangkaterbang mga tao (babae at lalake) (it's a teaching university kaya I'm pretty sure na puro estudyante lahat yun na nanood kung paano ako binibigyan ng IE ng isang nurse at paano ako pinapa-ire). Tsk, tsk. Nakabuyangyang ka doon for all to see tapos next na scene nasa recovery room na ako. Nanganak na daw ako and wala akong recollection kung ano ang naganap sa delivery room. I was robbed of the childbirth experience. Yun ang consequence kung hindi ka nagtatanong sa OB mo kung ano ang procedure nila sa hospital. Kaya pala when I told my OB noon na mag lamaze classes ako sabi nya huwag na daw. Kaya naman pala, papatulugin ako para magawa nila dapat nilang magawa. Tsk. Well, I learned a lesson from that experience kaya I started educating myself sa childbirth na yan. Hindi pwedeng sunod tayo ng sunod kung ano ang gusto ng doctor. We should consider palagi what is best for ourself and our baby. Tayo ang customer at tayo ang manganganak kaya meron tayong say and matuto naman sila makipag-compromise. Yung mga drugs na nilalagay nila sa atin during childbirth na pa-pass yun sa babies natin during delivery.

sis annamarie88, tama ka sa US lang uso yung birthplan na yan dati pero ngayon marami na din mommies na nagkakaisip na gumawa yan dahil beneficial sa kanila yan. Isa sa mga babies ko waterbirth sa US, sa hospital pero midwife nag assists and back up lang yung OB pag meron problem. Yung ang pinakamagandang birth experience kasi drug free. I was walking after birth ako pa mismo nag video sa baby ko habang nililinisan sya ng nurse :) Dito sa Pinas meron din  waterbirth sa Medical City pero super mahal, around P 100,000. Yung OB ko siguro nagulat sya kasi parang bihira lang sya magkaroon ng pasyente na maraming alam hahaha Na-intimidate siguro akala nya nurse ako. Sabi ko nag re-research ako sa internet. Sabi nya "don't believe everything you read on the internet". Sa isip isip ko lang kahit medical journals at wikipedia hindi pasado sa kanya as a reliable source.

Sige mga sis hanap hanap ulit ako ng bagong OB :)



« Last Edit: November 06, 2014, 04:27:38 pm by ninart »

ninart

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #452 on: November 06, 2014, 04:34:13 pm »
Worth reading, mga sis:

http://birthwithoutfearblog.com/2010/12/09/a-license-to-rape/


"There is a fine line between a traumatic birth and an empowering one. Don’t give your power away."


http://birthwithoutfearblog.com/2014/10/31/unassisted-homebirth-of-a-baby-girl/
« Last Edit: November 06, 2014, 04:51:01 pm by ninart »

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #453 on: November 07, 2014, 07:21:53 am »
Ninart - kalerkey yung ob mo. Kung against siya sa birthplan mo pwede naman sabihin in a very professional manner, hindi yung mamamatay ka agad. Di siya marunong ng therapeutic communication. Hehe. Siguro di pa ganun kaacceptable dito satin ang birthplans unlike sa ibang bansa.

annamarie - same tayo, mas gusto ko din lagi dress. Kaso wala pako chance mamili. Buti na lang kasya pa naman yung mga dress ko prepregnancy, medyo hapit lang sa dibdib at puson area.

Re symptoms : thank God more than 1 week nako walang suka episodes, one less thing to worry sakin. Pero lately sumasakit ulo ko, di ko din alam kung nasobrahan lang bako sa tulog. May nasal congestion din sa morning pero kaya naman. Mas madalas ko na din maramdaman yung round ligament pain pag nagsneeze ako. Napapa ouch talaga ako, pero mabilis lang naman.

mga 2nd time mommies - ano ba mas maganda? Wooden crib? Or yung playpen na? Para sa magco sleeping like me, ano ba maganda bilhin para di siya madaganan? Advisable ba yung sleep positioner ba tawag dun? Nagbabasa din kasi ako articles about sids, eh mejo nalilito nako. Hahaha

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #454 on: November 07, 2014, 09:43:24 am »
Huhuhu pinagdadasal ko sana open ang utak ng OB ko pag pinakita ko ang birth preferences ko. i termed it na nga that way para respecting pa rin sa doctor, i hope we communicate well when the time comes na ididiscuss ko yung gusto ko sakanya.

laking pasalamat ko nung na CS ako sa SLMC hindi ako drugged, as in I was awake the whole time, OB was explaining pa nga and talking to me throughout the operation, hindi ko ata matatake kung pinatulog ako tapos pag gising ko wala akong maalala. @ninart, you're so blessed you were able to experience a water birth. hopefully, you find an OB that's at least open minded and flexible.

@ystariray, mag co-sleeping ka? ako rin co sleeping kay eldest noon, nasayang lang ang crib ko na binili ko. buti na lang yung mura lang nabili namin. EBF rin kasi ako nun so mas okay for me na co sleeping siya, lalo na sa gabi kasi pag naramdaman ko na na gumagalaw siya, I won't wait for him to fully wake up, i offer na agad my breast tapos balik tulog na kami. That was one of the ways I wasn't so haggard and sleep deprived. hehe kahit paputol putol tulog ko nakaka 6 hours pa rin ako nun kahit newborn si baby. sa umaga naman, I put him in his bassinet while I was doing household chores na pero usually, naka baby wear ako sakanya kahit naghuhugas ako ng pinggan nun, exercise ko na plus bonding pa namin hehe

regarding naman sa madadaganan si baby, before i gave birth, i was a heavy sleeper. as in kahit may concert, kaya ko matulog. pero nung nanganak ako, kaunting kibot lang ni baby, gising agad ako. so I never found the need to buy a sleep positioner. or if it makes you more comfortable to have one for your peace of mind, meron yung nabibili na sa tabi ng kama ididikit, parang crib type siya, i'll look for the picture, I forgot what it was called kasi. HTH sis!

sorry super haba!

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #455 on: November 07, 2014, 10:04:48 am »
ainge88 - thank you sis! :) gusto ko talaga mag co sleeping muna. very motivated kasi ako mag ebf talaga, naisip ko kasi andami kong meds na iniinom while pregnant kaya gusto ko bumawi kay baby pag labas nya.. plus din na baka mga 2 months na si baby pag dumating si hubby.. parang ok sakin yung bassinet na lang. ano yung sayo, yung parang pang hospital ba? or merong ibang klase na nabibili? plan ko din mag baby wearing. para mas close at may iba pa magawa. hehe

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #456 on: November 07, 2014, 10:24:39 am »
@ninart dahil jan sa experience mo, magtatanong na ko sa OB ko kung panong way nya magpaanak. thanks for sharing your experience

@annamarie buti ka pa nakapagshopping na. pipilitin ko na this weekend makapagshopping na ng maternity stuff. ang hirap na eh.

Don't worry mga sissies, transition pa kasi from 1st to 2nd trimester di yan agad mawawala. So far ngayon 17weeks and 4 days na ko at halos pawala na ang pagduduwal ko. Patience lang.  ;)

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #457 on: November 07, 2014, 11:23:59 am »
@ystariray found it very helpful ang co sleeping sa pag EBF ko :) eto yung picture nung sinasabi ko na co-sleeper bassinet, http://shoeboxdwelling.com/wp-content/uploads/2012/07/CULLA-BELLY_03.jpg yung itatabi mo lang sa bed mo tapos wala siyang railing dun sa kabila so parang magkatabi pa rin kayo ni baby. Yung bassinet ko naman na ginagamit pag maliligo ako or hindi kaya na baby wearing ganito hitsura http://3.bp.blogspot.com/_Q7xXa9JUU68/TJgRQJNUFAI/AAAAAAAAAMo/nGjLCxTuJ00/s1600/R6070_d_3.jpg pero super cheap lang nung binili ko kasi alam ko pag laki laki ni baby hindi na advisable na diyan siya kasi kaya niya na gumalaw, baka mahulog. nung dumadapa na siya sa floor na lang siya, may mats naman kami dun and may sapin na fleece na kumot, para rin ma strengthen yung neck and back muscles niya. :)

ninart

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #458 on: November 07, 2014, 05:23:47 pm »
Mga sis sa usapang co-sleeping nagawa ko yan sa firstborn ko. Puyat ako ng 3 years dahil dyan kaya sa sunod na baby nilagay ko na lang sya sa crib na nakadikit sa bed. Mas maganda din tulog mo kung hindi ka nag aalala na maipit mo si baby. Isa pa baka magreklamo si mister nyan dahil meron bulingit na nakapagitna kaya hindi sya makapag lambing sa gabi.

Na try ko yung wooden crib at yung parang pack & play/playpen. Mas okay yung playpen kasi mas matagal gamit at hindi ka na kailangan maglagay ng crib pads. Meron din kasing 3-in-1 na wooden crib na pwedeng maging toddler bed later pero very expensive kaya hindi practical.

Yung panganay ko palaging karga at hele kaya nahirapan ako kaya sa sunod na baby binilhan ko ng cradle swing pampatulog tapos sinanay na sa crib.
« Last Edit: November 07, 2014, 05:31:47 pm by ninart »

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #459 on: November 07, 2014, 05:32:27 pm »
ainge88 - mukhang maganda yung parang nakakabit sa bed. Kasi praning talaga ako na maipit ko siya. Hahaha. Atchaka usapan namin ni hubby kahit before pako mapreggy na kaming dalawa pa din ang magkatabi at sa side ko si baby. Naku sana makahanap ako niyan.

ninart - wah! 3 years na puyat? Sobrang sleepyhead pa naman ako. Hahaha. Yang part nga ng motherhood ang kinakabahan ako, kasi sinisikmura talaga ako pag puyat. Pero i guess part talaga yun. Hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close