watch now

Author Topic: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)  (Read 55326 times)

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #420 on: November 05, 2014, 10:50:51 am »
@cess nagbabasa rin kasi ako sa ibang thread yung 4th quarter mommies and 1st quarter 2015 manganganak, sabi nila kung kaya mo maglabor sa bahay, i delay mo daw yung pagpunta sa hospital hehe ako ganun gagawin ko if ever man successful ang trial of labor ko, saka na ako pupunta pag super close na yung contractions. mas comfortable naman kasi ako sa bahay 

@ystariray nakita ko nga pinost mo sa FB mo hehe parang ang comfy! mas lalo akong mahihirapan bumangon sa umaga niyan. ang unan ko ngayon si eldest eh. hehe taga hilot ko rin ng likod at paa. pero pag laki ng tyan ko siguro order rin ako niyan!


redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #421 on: November 05, 2014, 11:13:30 am »
sis ystariray, yes sa Pinas yung hospital.

sis redhuman14, manood ka din sa You Tube ng The Business of Being Born, ang dami mong matututunan. Here's the link : https://www.youtube.com/watch?v=KvljyvU_ZGE

@ninart Ang ganda ng documentary na 'to. Dami kong natutunan especially about natural birth. thanks again for sharing.  ;)

@ainge88 thanks din for sharing the novena. i'll try din na maglabor muna sa bahay, try kong hindi magpanic kahit 1st baby ko to

mukhang interesting yung mommy mundo bazaar ah :P

Have a great day ahead mga preggies!  :)


ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #422 on: November 05, 2014, 11:14:01 am »
Ainge88 - same tayo! Nagbabasa din ako ng threads ng ibang preggo batches para more or less i know what to expect. Yung pillow masarap talaga sya, especially kung mahilig ka sa dantayan or hotdog pillow, parang sakto sa kurbada ng katawan. Pwede din syang nursing pillow. Dapat nga pipicturan ako ni hubby while gamit sya, kaso laging karumaldumal itsura ko. Hahaha

mga buntis, bawal ba galunggong satin? Paranoid ako sa mercury levels eh huhuhu.

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #423 on: November 05, 2014, 11:36:48 am »
Ainge88 - same tayo! Nagbabasa din ako ng threads ng ibang preggo batches para more or less i know what to expect. Yung pillow masarap talaga sya, especially kung mahilig ka sa dantayan or hotdog pillow, parang sakto sa kurbada ng katawan. Pwede din syang nursing pillow. Dapat nga pipicturan ako ni hubby while gamit sya, kaso laging karumaldumal itsura ko. Hahaha

mga buntis, bawal ba galunggong satin? Paranoid ako sa mercury levels eh huhuhu.

ang alam ko yung malalaking fishes lang like Tuna, Tulingan (i don't know if they're the same). safe naman ang galunggong i think.

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #424 on: November 05, 2014, 11:55:16 am »
I eat gg! favorite ko ngayon isda kasi haha gusto ko yung tustado pati yung ulo with matching kamatis+toyo+calamansi na sawsawan or may atchara. Syet. gusto ko tuloy galunggong. haha

nalalayuan kasi ako sa mommy mundo bazaar tsaka masyado pa maaga para mag shopping haha mapapagastos ako ng di oras! sana meron pa next time pag malaki na tyan natin hehe


ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #425 on: November 05, 2014, 12:01:18 pm »
thanks redhuman and ainge88! inggit kasi ako kay hubby, ansarap ng kain ng galunggong hahaha.

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #426 on: November 05, 2014, 12:50:08 pm »
huwaw!! uu nga GG masarap pritong super crispy!!! penge!!!!

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #427 on: November 05, 2014, 12:58:06 pm »
mga sis, pansin ko sa pregnancy na ito laging namamanhid un mga binti ko..kahit na di naman ako nag stay sa same pwesto...sa panganay ko kasi wala akong ganito experience...

normal lang kaya ito? I forgot to ask my OB about it eh nun nagpacheck up ako....

zira

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #428 on: November 05, 2014, 01:22:43 pm »
ystariray - ako din kumakain ng galunggong pati dalagang bukid with bulanglang or monggo. :D parang mas mura online yung snug a hug kasi 2150 nakalagay sa site pero 1.6+k lang pala nabili yung sayo.. maginquire na nga lang ako online haha

FayeP - ako din ganyan lagi. nabasa ko naman na normal daw yan sa preggies pati sa kamay na part. kasama siya sa what to expect na checkup booklet na binigay sakin ni OB. madalas din namamanhid ang aking mga binti hindi ka nagiisa. hehe

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #429 on: November 05, 2014, 01:33:01 pm »
Yes! ako rin! Madalas mamanhid, kaso pag nasa isang position lang siya ng matagal.

sensitive pa rin pangamoy ko. hindi ba mawawala to? sa 1st ko kasi wala talagang symptoms aside from lumaki tyan at antukin ako. hehe

TMI mga sis, pero may discharge na ba na lumalabas sa nipples niyo??? napansin ko kasi sakin parang meron na, lalo na pag nililinis ko siya, parang ang aga naman kung milk ito????

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #430 on: November 05, 2014, 01:36:38 pm »
^^ sis ainge88, sensitive din pang amoy ko. lahat na lang naamoy ko. hahaha.

re discharge: nung minsan napansin ko parang meron namuo sa may butas ng nipples. deadma lang ako kasi inisip ko masyado pa maaga para magkagatas ako. hahaha. tas bukod sa sore, parang ang kati na sensitive ng nipples ko. tas feeling ko sobrang laki na niya. half na ng areola ko. sorry TMI.

zira

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #431 on: November 05, 2014, 01:41:39 pm »
^ sa akin din ang laki na. sabi ko nga pang nanay na talaga hindi na pang dalaga. haha! grabe din ang sakit at bigat pag umaga pero nawawala naman ng kaunti pag mejo tumagal tagal na.

sana din magkagatas ako kasi gusto ko talaga ebf si baby. ano bang ang mag lactation foods? ang alam ko lang kasi is malunggay and clams.

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #432 on: November 05, 2014, 01:49:10 pm »
^^ sis zira, sa akin naman ramdam ko yung bigat kapag magtatanggal na ako ng bra pag uwi. grabe! ganyan din naisip ko. pang nanay na talaga boobs ko. hahaha. niloloko ko nga si hubby na ang laki na ng boobs ko eh. kasi flat chested ako dati. inaasar naman niya ako na kasabay ng paglaki ng boobs ko eh paglaki ng tyan ko. haha. sabi ko okay lang kasi si baby naman yun eh.

malunggay lang alam ko eh. balak ko nga pagdating ng 3rd tri start na ako uminom ng malunggay supplements. kasi gusto ko talaga ebf din ako eh.

mga sis, na experience niyo na ba si hubby parang naglilihi din? nagcrave din ng foods? si hubby kasi pansin ko ganun siya lately. naglalaway daw talaga siya tsaka kailangan makain niya. hahaha. natatawa ako sa kanya kasi sabi ko hinakbang ko siya kaya ganun. kahit hinde ko naman ginawa. tas nagkakaroon na din siya ng vivid dreams about sa baby namin. katuwa lang.

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #433 on: November 05, 2014, 01:54:11 pm »
buti na lang at normal pala un manhid..

sis ainge88 ako din may parang milk sa nipples...inisip ko naman since July this year lang ako nag awat sa panganay ko sa BF kako baka natirang milk lang to.....saka un nga gaya ni sis eleine26 sobrang bigat ng boobies...

yep malunggay ang lakas makapagpa gatas nun...nun first baby ko mga a few days after manganak halos wala akong gatas kaya un ulam namin parati may malunggay tapos nag Natalac capsules pa ako...kaya ito hanggang mag 3 un anak ko madami pa akong gatas....

zira

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #434 on: November 05, 2014, 01:58:38 pm »
sis eleine26 si husband din ganyan. last saturday nagcrave ng nataniels siomai eh sarado kasi holiday ayun nalungkot at nauwi kami sa kowloon siomai.. tapos di siya mapakali pag di niya nakain yung gusto nya. wala din naman akong ginawa sa kanya na hakbang or something. minsan siya pa nagsasuggest ng kakainin ko kasi yun ang gusto niya hehe

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #435 on: November 05, 2014, 02:05:39 pm »
zira - yung akin pala eh hug a snug.. hindi snug a hug.. hahaha.. kaya murang version.. ang alam ko 1600 lang bili.. siguro mahal kasi talaga yung snug a hug yun ata ang una at sikat na snoogle.. pero happy naman ako sa pillow ko.. di nga mahiwalay sa katawan ko tee hee!.

re boobies : sakin din iba na itsura ng areola and nips.. di pa naman bonggang laki.. pero yung dating gapantal na boobs eh gapigsa na ngayon.. hahaha.. pinapakita ko nga kay hubby, sabi ko, mommy boobs nako huhu.. natatawa lang sakin..

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #436 on: November 05, 2014, 03:09:32 pm »
naku, isa sa mga rason ang boobs ko bakit masakit ang likod ko  :'(

C Cup ako before nanganak, ngayon after 1 pregnancy and another one on the way plus 2 cup sizes na. huhuhu ayoko ang laki. ang laswa tingnan kahit maayos naman damit ko  :'(

si hubby naman tuwang tuwa.  ::)

re: paglilihi ni hubby, mukhang totoo ang pamahiin na pag nilaktawan mo, sila ang maglilihi, hahaha super siya ang mainitin ang ulo, hindi makadecide, hindi alam ano gusto kainin, pero ayaw niya maniwala na naglilihi siya. hehe matakaw din siya more than usual.  ;D

re: lactation naman, malakas magpa milk ang masabaw na food, syempre andyan ang malunggay, oatmeal, may lactation cookies rin, and hydrate plus sleep.

cess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #437 on: November 05, 2014, 03:43:35 pm »
mga sis, since usapang boobies naman na tayo, kelan ba dapat bumili ng new bra? hehe.. tsaka anong size dapat? mas malaki na? yung nakikita ko kasi maternity bras ang laki hahahaha.

@ystariray, sis-ang ganda nung pillow mo.. 2k++ nga yung snug-a-hug pero discounted daw sa fair.. check ko.. :) baka andun nako ng Friday, babalitaan ko kayo agad, hanggang Sunday naman yun.. 

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #438 on: November 05, 2014, 03:55:46 pm »
^ ako hindi pa nabili kasi pwede pa naman hehe bili na ako pag malapit na para nursing bra na ang bibilhin ko. pero kung hinid ka na comfortable sa bra mo, go, buy na! hehe samahan mo na ng clothes para shopping na! ;D


eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #439 on: November 05, 2014, 04:20:34 pm »
^^ gusto ko na din bumili ng mga bago bra. kasi masikip at putok na putok na yung mga dati ko. hahaha. pero nursing bra na bibilhin ko. pero like sis Cess, hinde ko rin alam kung gaano ba kalaki dapat bilhin ko.

gusto ko suot lagi mga loose na tops. ayoko ng hapit sa dibdib. hahaha. yung iba ko slacks hinde ko na masuot. buti na lang may nakita ako sa pinterest na pwede yung mga pony tail ang gamitin para mag expand at magamit pa din instead na bumili ng bago. pero meron ako nabili isa maternity pants sa mothercare, 50% off kasi eh.

kelan niyo plan mamili ng gamit at damit ni baby? nakaka tempt kasi pag may nakikita ako sale eh. binabawalan naman ako ni hubby kasi masyado pa daw maaga at magkakasale naman daw ulet. mama ko ang excited kasi nagstart na mamili nung sinabi namin sa kanila. hahaha. sabi ko patapusin muna first tri eh. ayaw paawat. gusto daw biya bilhin lahat ng makita niya.  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close