watch now

Author Topic: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)  (Read 55333 times)

cess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #360 on: October 31, 2014, 10:16:27 am »
hi sis sammi! same tayo, failed ako 1st ivf namin 26 ako nun, 2 embryos nilagay.. this time 1 lang, dun pa nag-positive.. naisip namin talagang God's perfect timing noh? :)

naku mga sis, lagi na ako naka leggings kasi nga di na comfy yung mga pants ko pag sinasara ko yung button, feeling ko naiipit na si baby hehe.

Sammi

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #361 on: October 31, 2014, 11:02:48 am »
@cess - indeed sis! God's blessing din. So far nasusukot ko pa fave boyfriend jeans ko pero mga skinny hindi na. Haha. Di pa naman nagshow tummy ko puro taba nga lang ;)

zira

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #362 on: October 31, 2014, 11:19:06 am »
femmi_stef - in God's time :) smile and happy hormones para madaling makabuo ulit

ystariray - ang saya naman malikot na si baby. focus on the good things and Let go of the negative thoughts ha para happy mommy = happy baby!

yung mga pants ko hindi ko na mabutton kaya dapat pag umaalis ako long top ang suot ko. nagsisikipan na din ang mga bra ko. dito ako pinakanatuwa sa mga effects ng pregnancy kasi flat chested ako haha!

redhuman14

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #363 on: October 31, 2014, 12:35:30 pm »
Happy Halloween Sissies!

Sorry at nadamay kayo sa Milktea cravings ko.  ;D

@zira hahaha! masaya nga yan. ako nilalagyan ko nalang ng goma yung sa button ng pants ko habang di pa ko nakakapagshopping ng leggings. bumili narin ako ng long tops.

FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #364 on: October 31, 2014, 12:42:16 pm »
mga sis nun first pregnancy ko pinayuhan ako ng officemate ko na may mga anak na, na pwede din sa pants at jeans un mga tube tops, bale parang belly band cya na nakabukas lang un zipper at buttons ng jeans tapos nakapatong un tube top sa part ng bukas na zipper...di naman cya nalalaglag....kaya ganun na lang din gagawin ko pag lumaki na tyan ko..

so far kasya pa naman un mga skinnies ko sa kin

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #365 on: November 02, 2014, 08:51:01 am »
good morning mga buntis! kumusta holiday nyo?

question sa mga 2nd time mommies. ano ba pakiramdam ng galaw ng baby? kasi mula nung friday may nararamdaman ako na parang pumipitik pitik sa tyan ko. hindi ganun kadalas, di masakit pero mararamdaman pati pag pinatong yung kamay.. gas lang ba to? or start na ng fluttering? naisip ko kasi parang ang aga naman. 12 weeks pa lang ako eh. hehe. excited! halata na din baby bump ko. pero puson pa lang.. solid na, di na mukhang bilbil. ingat na ingat nga si hubby pag hahawakan. haha

anlakas ko mag weight gain. pero sa tingin ko normal eating lang naman ako. siguro sedentary lifestyle kasi. hehe.

anyway, enjoy your sunday! :)

annamarie88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #366 on: November 02, 2014, 11:50:25 am »
Mga sis saan okay bumili & what brand ng doppler? Thanks

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #367 on: November 02, 2014, 12:35:42 pm »
good morning mga buntis! kumusta holiday nyo?

question sa mga 2nd time mommies. ano ba pakiramdam ng galaw ng baby? kasi mula nung friday may nararamdaman ako na parang pumipitik pitik sa tyan ko. hindi ganun kadalas, di masakit pero mararamdaman pati pag pinatong yung kamay.. gas lang ba to? or start na ng fluttering? naisip ko kasi parang ang aga naman. 12 weeks pa lang ako eh. hehe. excited! halata na din baby bump ko. pero puson pa lang.. solid na, di na mukhang bilbil. ingat na ingat nga si hubby pag hahawakan. haha

anlakas ko mag weight gain. pero sa tingin ko normal eating lang naman ako. siguro sedentary lifestyle kasi. hehe.

anyway, enjoy your sunday! :)

sis ystariray! yung sa akin naman napansin ko kapag nakahiga ako, may sarili pulse yung lower belly ko. as in ang lakas. nagtake pa nga ako ng video para ipakita kay hubby eh. inisip ko naman heartbeat ba ni baby to? kasi mag 10weeks pa lang ako. malamang sa hinde pa ito baby movement. nag google ako. normal lang daw na pulse/flutrering sa lower belly. flow daw ito ng blood papunta sa uterus/placenta.  :)

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #368 on: November 02, 2014, 01:23:54 pm »
eleine26 - alam mo sis may nabasa din akong ganyan somewhere sa GT.. mas kita daw yang pulse lalo na kung payat. hehe. tinignan ko yung akin, di halata, madami atang subcutaneous fats. hahaha

interested din ako sa doppler. lalo na at high risk ako.. maginquire ako sa purchasing dept. ng hosital namin. tapos update ko dito. :)

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #369 on: November 02, 2014, 02:15:19 pm »
^^ ako din gusto ko ng doppler! gusto ko lagi nacheck na okay si baby  :) kung pwede nga lang magpa ultrasound every week eh. hehe. nag check na nga ako online eh. kaya lang nabasa ko mas lalo daw nakakapraning yun kung hinde mo mahanap heartbeat. minsan daw kasi sarili mo heartbeat or blood flow naririnig mo.

ako naman, tinatanong ko si hubby baka pwede siya magtakas nito sa hospital. hahahaha.

annamarie88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #370 on: November 02, 2014, 03:04:33 pm »
Naghahanap ako ng angelsounds na doppler mga sis kasi gusto ko rin lagi naririnig bebe ko. Sa previous threads meron dun, backread ako soon :D

LMP ko Aug 27. Pero nung 8w1d ako, sa 2nd u/s ko yung size nya 9w na kaya sa halip na June 3 EDD ko, May 31 na daw. :)

Sa SLGC ako :)

Ang dami ko din nabasa about gender predictions.. Pag daw mataas heartbeat & hcg, girl.. Pati yung chinese something na nakita ko sa babycenter, girl din prediction pati sa ramzi theory.. *crossing fingers*

Hindi ako palasuka pero super sikmura ako, pinipigilan ko lang talaga mag vomit kasi last time talagang lahat nilabas ko, ayoko na ulitin. Saka malakas pa din ako kumain, lagi lang din ako pagod at hilo at antok pero ndi naman ako natutulog hehe

Nung first ob visit ko 5w pa lang ako, IE lang then check hcg. 2nd visit u/s 6w3d ang size nya w/ 140 hb. Pero i have SC, bedrest lang and duphaston & isoxillan 3x a day plus utrogestan & folate. 3rd visit (after 2 weeks) 9w1d na ang size w/ 185 heartbeat, no more SC tapos okay na okay na daw ang pwesto nya. Nasa taas na ng uterus (?) basta kapit na kapit na kaya stop na sa duphaston & isoxillan. Pinalitan ng 2 vitamins + folate & utrogestan pa din. Balik kami after a month :)

Bawal ako sa mga hilaw na gulay, like mga salad ganyan, dapat lagi luto, liver, sodas & coffee. Pero nagsosoftdrinks pa din ako haha :D

Puro mga beef misono, teppanyaki ang gusto ko saka kikkoman. Sarap :)

Sorry po super haba :D

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #371 on: November 02, 2014, 03:11:33 pm »
^^ congrats sis annamarie88!

ang laki na ng baby mo versus sa LMP mo. bakit daw ganun? magkasunod tayo ng LMP, August 26 naman ako. last ultrasound ko. 7weeks 6 days ako based sa LMP pero sa size ni baby 7weeks and 4 days naman. kaya naging June 04 EDD ko instead na June 2. pero nabasa ko naman na pwede pa magbago yan kasi nga mabilis lumaki si baby. importante okay lahat at healthy sa ngayon.  :)

na-miss ko tuloy beef misono sa Tokyo-Tokyo. hehe

sis ysatariray: nag gain na din ako ng mga 1kg. kaloka. feeling ko malaki ako magbuntis. hehe.

annamarie88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #372 on: November 02, 2014, 03:39:04 pm »
^thanks sis! Hindi ko nga alam sis bat lumaki sya ng todo. Pero puro gulay lang ako, puro lutong bahay like sinigang at nilaga ang kinakain ko that time. Saka baka dahil bedrest lang ako 2 weeks (?) Sabi nga ni husband ko meron daw kami matabang baby. Hehe pero yeah tignan ko nga after a month kung sakto ako ulit. Bale 10w nko ngayon. Kasi last monday yung 9w na size nya. Hehe

Sa tokyo nga ako crave lagi sis, wendy's kakain family ko may bitbit ako tokyo tokyo dun lagi. Hehe pero icheck ko kung magkalasa yung garlic beef ng jollibee at misono. Haha

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #373 on: November 02, 2014, 04:47:15 pm »
Annamarie88 - welcome sa thread! Ganyan din heartbeat ng baby ko, 180s. Ibig sabihin kaya girl? Hahaha kaexcite malaman ng gender, kaso tagal ko pa. Pero since every 2 weeks naman ako inuultrasound, baka mas maaga ko malaman. Nabasa ko, mas madaling idetermine earlier kung boy eh. Hihi

eleine26 - yun din isa kong iniisip, bka mapraning ako pag may doppler ako. Bka andalas ko magpa er. Hahaha. Anlapit lang kasi ng hospital dito sa unit namin. Mga 50 steps lang ata. Haha. San ka manganganak sis? Jan ba? Or uwi kayo ni hubby?

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #374 on: November 02, 2014, 05:06:35 pm »
^^ excited na din ako malaman gender! gusto ko na nga din mamili ng mga damit kapag may nakikita ako sale eh. hahaha

kakatempt din pag malapit ka sa hospital noh? hahaha. ultrasound lang kasi ang way para malaman na okay si baby :)

dito ako mangananak eh. kasi kapag sa pinas,matagal i-process papers ni baby. baka hinde namin siya masama pagbalik dito. ayaw naman namin lumaki siya na nakahiwalay sa amin. kaya plan din namin kukunin namin mama ko pagkapanganak. para siya mag alaga habang nagwork kami. ang mahal kasi ng bayad sa seater dito, almost 7k per month tas 8am to 5pm,5 days a week lang yun. kakatakot pa kasi madami siya binabantayan. siempre worry ko yung SIDS naman pagkapanganak.

hayy, nakakaloka ang feeling. lalo na first time mother. hinde natatapos ang worries. hehe.

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #375 on: November 02, 2014, 05:47:26 pm »
eleine26 - agree ako jan sa madaming worries. Lalo na sakin na high risk. Pero lagi ko iniisip, wala naman magandang maidudulot kung panay ang worry ko. Di naman magagamot placenta ko sa kakaworry. I stay inspired na lang. Happy thoughts. Pag may negative thoughts ako naiisip ( na di naman ata maiiwasan sa isang preggy, hig risk man o hindi) dinadivert ko na agad attention ko. Pero i must admit i cry pa din when praying, maiintindihan naman ako ni Lord. :)

Maganda yang idea na mommy mo mag alaga. Nakakatakot kasi kung sa ibang tao ipagkakatiwala diba. Iba pa din kung kamaganak kasi andun yung malasakit. Tapos lola pa! naku, alagang alaga ang apo for sure!

Sammi

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #376 on: November 02, 2014, 07:05:06 pm »
Annamarie88 - hi sis welcome sa thread.

Hi sis eleine and sis ystariray..

I'm 10 weeks 6 days today, few weeks nalang gagraduate nako sa weekly ultrasound and check-up pero ngayon palang nagwoworry nako kasi baka di ako makatiis na di malaman kung okay lang si baby. Kasi as in wala akong nararamdaman kaya minsan iniisip ko if preggy ba ako.. Don't get me wrong mgaa sis ha, super thankful ako na wala ako morning sickness and other symptoms.


Parang gusto ko din ng doppler ah. Hehe. Gaya-gaya tlaga ako ;)

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #377 on: November 02, 2014, 08:03:57 pm »
Sammi - gets ko ibig sabihin mo.. hehe nung first weeks ng pregnancy ko, mega praning ako dahil walang symptoms. Tapos after ilang araw bumongga naman. Ngayon naman na 12 weeks nako, bawas na symptoms ko. Di nako nagsusuka tho bloated pa din ako lagi at sensitive sa strong odor. Pero pagising ko squeeze agad aki ng boobs ko pars maramdaman kung sore pa din. Minsan nga natatawa sakin si hubby. Hahaha. Til when yung weekly ultrasound mo?

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #378 on: November 02, 2014, 08:12:29 pm »
^^sis ystariray, natawa ako sa boobs. kasi ganyan din ako. lagi ko hinahawakan kung sore ba. hahaha. praning ba din kahit na araw-araw naman ako nauseated.


sis Sammi, kakainip na nakakaexcite mag 2nd tri noh. siguro naman mababawasan na mga worries naten nun.  :)

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #379 on: November 02, 2014, 08:27:23 pm »
eleine26 - parang naging habit ko na. Hahaha. Last ultrasound ko nung wednesday, habang nakaupo ako sa hallway, unconsciously ko napapapisil sa boobs ko. Hahaha. Ang halay lang ng dating.

may isa pa pala akong symptom na medyo dyahe. Napaka gassy ko. Hahaha.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close